Kabanata 36

73.7K 1.7K 56
                                    


"Ano na namang nginingiti-ngiti mo diyan?" Kunot noo kong tanong kay Aivan.

Kadarating lang namin sa bahay. Ang haba nga ng biyahe eh. Mabuti nga at hindi nagligalig si Aivan.

Kaming dalawa lang ni Aivan ang narito ngayon sa babay. Bukas pa kasi uuwi sila Daddy.

Kaya heto at si Aivan ay parang timang. Sa tuwing titignan ko siya ay pansin ko na pangiti-ngiti pa siya, kaya tuloy medyo nakaka-ramdam ako ng awkwardness.

Naiilang kasi ako sa mga titig niya at sa mga ngiti niya.

"Hmmmm... Wala lang! Bakit? Masama na bang ngumiti ang pogi ngayon?" Sagot naman niya sa tanong ko.

Napa-irap naman ako sa narinig, "Ang hangin mo talaga kahit kailan." Pailing-iling kong sabi sa kanya.

Ngumisi siya, "Atlest mahal mo naman."

"Tse! Ewan ko sa'yo."

Bumalik na kami sa dati ni Aivan, pero ang napag-usapan naming dalawa ay isisikreto na muna namin ang relasyon naming dalawa kila Daddy hanggang hindi pa naisasaayos ang lahat.

Mabuti nga at pumayag si Aivan sa gusto kong mangyari. Akala ko ay ipagpipilitan na naman niya ang gusto niyang mangyari.

"Oo nga pala... Naka-ready na ba ang speech mo para sa graduation mo?" Tanong ko sa kanya.

Umiling naman siya, "Hindi ko na kailangang magkabisado. Magbabasa na lang ako. Ganoon din naman iyon di ba?"

"Umayos ka, Aivan! Sa graduation niyo, nasa harapan ka ng naraming tao. Marami ang manunuod sa'yo kaya umayos ka." Sabi ko pa sa kanya na ikinanguso naman niya.

"Nandon ka naman, eh.. Diba manunuod ka naman sa graduation ko? Tapos, panunuorin ko din ang graduation mo."

"Oo.. Pero hindi naman ibig sabihin na kapag papanuorin ko ang graduation mo ay hindi mo na aayusin ang speech mo."

Ngumisi naman siya at saka ako inakbayan, "Aayusin ko ang speech ko... H'wag kang mag-alala. Magugulat ka na lang kapag narinig mo na ang speech ko."

Sabay kaming kumain ni Aivan ng hapunan. Nagpa-deliver na lang kami ng pagkain dahil kung magluluto pa kami ay baka mas lalo pa kaming matagalan.

"Alam mo. Sobrang saya ko nang payagan tayo ni Tito sa relasyon natin." Seryosong sabi sa akin ni Aivan pagkatapos naming kumain.

"Sino ba naman kasing hihindi sa'yo eh, sumobra naman yata ang sipsip mo kay Papa!" Natatawa ko pang sabi sa kanya.

Kanina kasi ay napakaraming pasalubong ni Aivan kay Papa at sa mga tiyahin at Pinsan ko. Lahat na nga yata ng nadaanan namin na tindahan ay pinagbilhan niya, gusto niya raw kasi na marami siyang pasalubong kila Papa.

Sa buong gabi na magkasama kami ni Aivan ay nag-enjoy naman ako. Hindi nga siya nawalan ng kwento eh. Sa sobrang dami nga ay yung iba ay nakalimutan ko pa. Madaldal kasi itong si Aivan.

Nanuod din kami ng movie, at syempre ay siya na naman ang nagmagaling kaya ang pinanuod namin ay 'Wrong Turn' ayoko pa naman ng ganoong movie. Nakakadiri. Hindi ko nga alam kay Aivan kung anong trip niya at kung bakit gustong-gusto niyang manuod ng ganoong movie.

❇❇❇❇❇❇

Graduation day.

Una akong grumaduate. Syempre, kasama ko si Papa, si Daddy Blake, si Tita Cassandra, si Allen at syempre si Aivan na kanina pa ako iniinis.

Hindi pa nakakapag-usap si Daddy Blake at si Papa tungkol naman sa totoong pagkatao ko. Kung sino ba ang tunay na ama ko. Pero tulad naman ng inaasahan ko, ay mamaya.. Panigurado, makakapag-usap na rin sila.

Ngayon ang araw ng pagtatapos ko, at si Aivan naman ay bukas. Hindi kami sabay na nagtapos dahil iba ang kurso ko sa kurso niya at isa pa ay magka-iba rin kami ng eskwelahang pinasukan.

Kakatapos lang ng speech ko at ngayon naman ay closing ceremony na. Sa kada pagtingin ko kay Aivan ay panay ang pagkindat niya at pagkagat pa niya sa labi niya. Nakakainis lang!

"Congrats Avygail!" Sabi sa akin ng kaibigan kong si Liz.

Yumakap naman ako sa kanya, "Congratulations din, Liz! Mamimiss kita! Mamimiss ko din ang school life natin." Sabi ko sa kanya.

"Magkikita pa rin naman tayo, Avy.. May cellphone naman, may facebook, pwede tayong mag-chat anytime." Natatawang sabi niya.

"Congrats, Avy!" Bati sa akin ni Zach na kasama ni Liz.

"Thank you, Zach. Nagkita na ba kayo ni Aivan? Hinahanap ka kasi niya, parang may sasabihin ata sayo." Sabi ko sa kanya.

"Oo, Avy.. Nagkita na kami. Nagtanong lang siya sa akin."

"Tungkol saan naman?"

Hindi na nakasagot sa tanong ko si Zach nang maramdaman kong inakbayan ako ni Aivan, "Anong pinag-uusapan niyo?"

Nanlaki naman ang mata ko nang may marealized ako kaya agad kong inalis ang pagkaka-akbay sa akin ni Aivan.

"Ano ka ba! Hindi pa tayo pwedeng makita nila Daddy!" Bulong ko sa kanya.

Tumango naman siya, "Alam ko, pero hindi naman sila nakatingin eh. Nag-uusap sila ni Tito."

Napabaling naman ang tingin ko sa kanila. Nag-uusap nga sila. Nagpaalam na kami ni Aivan kila Zach at Liz at nagtungo na sa kinaroroonan nila Daddy.

"Avy, honey. Blake told me all the truth, and he wants you to listen to him first." Sabi sa akin ni Papa.

Napatingin naman ako kay Daddy.

Si Aivan naman ay nasa likod ko lang at alam ko na pinapakinggan niya ang sinabi sa akin ni Papa.

Lumapit ako kay Daddy, "Daddy.. Ano po ang sasabihin n'yo." Tanong ko sa kanya.

Tumingin naman siya kay Aivan na ngayon ay nasa likod ko, "Wala... Wala akong sasabihin."

Ewan ko ba, pero nararamdaman ko na may gustong sabihin sa akin si Daddy na hindi niya lang masabi-sabi dahil nandito si Aivan sa likod ko.

"Sige po.."

Sabay-sabay kaming kumain sa isang restaurant dito sa Mall. Kanina pa ako naghahanap ng tiyempo para maka-usap si Daddy pero nawawalan naman ako ng pagkakataon dahil palaging nasa tabi ko si Aivan.

Habang kumakain kami ay nagpaalam si Aivan na pupunta lang siya sa comfort room kaya naman pag-alis niya ay agad kong tinanong si Daddy.

"Patawarin mo ako kung nagsinungaling ako sa'yo, Avy.... Hindi kita tunay na anak. Nagawa ko lang iyon dahil desperado na talaga ako." Sabi ni Daddy.

"Ano pong ibig n'yong sabihin?"

"Pinagbabantaan ng pamilya ni Stacey na kapag hindi pinakasalanan ni Aivan si Stacey. Papatayin nila kaming buong pamilya. Desperado lang ako na maligtas naming ang buhay namin. Marami pa akong pangarap para sa mga anak ko.... Kaya sana, tulungan mo ako...."

Agad akong napa-ayos ng upo nang makita ko si Aivan na papalapit na sa amin. Napapikit ako ng mariin bago itinuloy ang pagkain ko.

Prince Of The Womanizers (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon