Kabanata 20

91K 2.4K 239
                                    

Sa school, hindi ko na nabibigyan ng konsentrasyon ang sinasabi ng Professor namin. Lahat ng paliwanag niya, lahat ng sinasabi niya ay walang puwang sa isip ko ngayon. Walang direksyon ang iniisip ko.

"Avy... Kanina ka pa tinatawag ni Ma'am!" Bulong sa akin ni Liz.

Nabalik naman ako sa tamang katinuan nang magsalita si Liz. Tinignan ko ang mga kaklase namin at lahat sila ay nakatutok ang paningin sa akin, para bang sinusuri kung may mali ba akong nagawa. Binalingan ko ng tingin si Ma'am, "You're not paying attention, Miss Avygail Mira Dela Cruz! Get out of my class!"

Wala na akong nagawa nang palabasin na ako ng Guro namin. Nagtataka pa nga akong tinignan ni Liz pero nawalan na naman ako ng pagkakataon na makapagpaliwanag kaya tahimik akong lumabas mula sa classroom.

Last subject na namin ang accounting, iyon na ang pinakahuling subject ko sa araw na ito kaya naman nagpasya na ako na umuwi na lamang sa dorm ko.

Nang makasakay ako sa jeep ay parang lumilipad ang utak ko, sa kakaisip. Ewan ko ba, pero ayaw akong lubayan ni Aivan sa isipan ko.

Kagabi, nasa aktong napansin na ako ni Aivan nang magpanggap akong nagtutulog-tulugan pa rin. Kahit na ramdam kong lalabas na talaga ang luha ko ay pinili. ko na lang na manahimik. Gusto ko naman na mag-usap kami pero hindi pa siguro kagabi ang tamang oras para pag-usapan ang mga maling gawain niya.

Nang makababa ako sa jeep ay naglakad na ako patungo sa building kung saan ako tumutuloy. Sa tingin ko, wala pa si Aivan. Sa ganitong oras kasi ay alam kong kung saan-saan pa siya napaparoon. Kaninang umaga, hindi ko na siya naabutan pagkagising ko. Hindi ko din alam kung saan ba siya nagpupunta.

Nang makapasok ako sa dorm ko ay namilog pa ang mata ko nang makakita ako ng naraming mga groceries.

Namili na naman si Aivan?

Napa-iling na lamang ako, ngayong alam ko na kung saan nanggagaling ang pera ni Aivan ay nagpasya ako na balewalain na lamang ang lahat ng ibinibigay niya at itinutulong niya dito sa dorm ko.

Ngayon, gusto ko na siyang maka-usap. Gusto ko ring mabigyang linaw ang lahat kung bakit niya napili ang ganoong trabaho. Hindi ko lang kasi kayang tanggapin na ganoon ang trabaho niya.

Bahagyang nangunot ang noo ko nang may marinig akong lagaslas ng tubig mula sa banyo. Hindi lang pala lagaslas ng tubig ang naririnig ko—maging ang hagikgikan ng tao sa loob ng banyo.

Napahinga ako ng malalim at padabog kong isinara ang pintuan ng kwarto ko. Sana naman, marinig at malaman nila na narito ako— sana naman ay naisip ni Aivan na babae ako, na kailangan ko ng respeto bilang babae— sana naman, naisip niya mali ang ginagawa niya.

"Uhhh— Hi.."

Napatigil ako nang makita ako ang isang babae na papalabas mula sa banyo. Nanlaki pa ang mata ko nang makilala ko kung sino abg babaeng iyon, napakuyom ng kamao ko na para bang gustong manakit ng kahit na sino.

"Cheska.. Ikaw pala iyan." Sabi ko sa kanya at pilit na ngumiti. Itinago ko ang galit na nararamdaman ko.

Sunod na lumabas sa banyo si Aivan na ngayon ay nakatapis lang ng tuwalya niya.nang mapatingin siya sa akin ay iniiwas ko ang paningin ko dahil sa sobrang galit at poot na nararamdaman ko.

Paano niya nagagawa sa akin ito?

Sabi niya sa akin kamaka-ilan, No boys allowed? Bawal akong mag-boyfriend, bawal akong dumikit sa kahit na sinong lalaki? Simula pa noong bata pa kami, lahat na lang pinagseselosan niya— sa tuwing nakikipaglaro ako dati sa mga kaibigan kong lalaki ay nagagalit siya— ayaw na ayaw niyang lumapit o makipag-usap ako sa mga lalaki, iyon ang ikinaka-ayaw niya, kahit nga ang sarili niyang tatay. Si Daddy Blake, pinagselosan pa niya noon!

Prince Of The Womanizers (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon