Kabanata 4

125K 3.2K 368
                                    

Ilang beses kong pinagdikit ang mga palad ko at pinagkuskos iyon, Muli akong napatingin sa wall clock na nasa itaas ng black board, 3:15 PM!

Sabi sa akin ni Aivan kanina: Dapat daw ay naroon na ako sa gymnasium ng alas-tres ng hapon.

Hindi naman naka-attend si Aivan sa klase dahil excuse siya ngayong araw, "Okay, class dismissed." Sabi ng aming Guro na si Ma'am Mandaue.

Paglabas ng aming guro ay tumayo na ako, lumapit naman sa pwesto ko si Lizette. "Ano girl? Tara na? Late na tayo sa practice!" Sabi niya.

Kanina kasi, sinabi ko sa kanya na kung pwede ay samahan niya ako sa practice game nila Aivan.

Kinuha ko na ang bag ko at lumabas na kami mula sa classroom.

Dumaan muna kami sa canteen para bumili ng inumin at pagkain ni Aivan, baka kasi wala siyang tubig na dala.

Ewan ko ba, kung bakit habang papalapit kami sa gymnasium ay nakararamdam ako ng kaba. Hindi ko alam, siguro ay dahil alam kong late na ako. Kaya nga lakad-takbo na ang ginagawa namin ni Liz.

Nang makarating kami sa may entrance ng gymnasium ay muli kong narinig ang mga malalakas na sigawan. Tinignan ko ang court at may naglalaro na, pero si Aivan? Hindi ko naman siya makita na naglalaro sa court.

Nasaan kaya ang lalaking iyon?

"Saan tayo pepwesto, Avy? Mukhang puno na kasi ang mga bleachers." Sabi sa akin ni Liz.

Muli kong tinignan ang paligid.

Puno na nga ng mga manunuod ang gymnasium, "Avygail!" Agad akong napatingin sa tumawag sa amin. Si Zach, kaibigan ni Aivan.

Lumapit sa amin si Zach na pawisan, at ramdam na ramdam ko na si Lizette na katabi ko ay malapit ng himatayin dahil alam ko naman na crush niya si Zach, alam ko iyon matagal na. Sinabi niya rin kasi sa akin ang tungkol sa bagay na iyon.

"Kanina ka pa hinihintay ni Aivan! Ang init nga ng ulo, eh!" Sabi niya, "Puntahan mo na, kanina pa nagmumukmok ang lokong iyon."

Si Zach ay matalik na kaibigan ni Aivan, kaibigan ko na rin siya kung tutuusin. Matagal na rin kaming magkakilala, dahil minsan pa nga ay pumupunta siya sa bahay namin para lang makapaglaro sila ni Aivan.

Sumunod kami ni Liz kay Zach na ngayon ay nauuna nang maglakad sa amin, Pagdating namin sa harapan. Agad kong nakita si Aivan na seryosong naka-upo na mukhang masama nga ang lagay.

"Bro!" Tawag ni Zach kay Aivan.

Nang mapatingin si Aivan sa amin, ay tinignan lang niya si Zach pero alam ko naman na nakita na niya ako dahil nasa may likuran lang naman ako ni Zach.

Bakit naman kaya nagbago na naman ang mood ng lalaking iyon?

Umupo na si Liz sa pwesto namin na itinuro ni Zach, habang ako,naman ay lumapit kay Aivan na hanggang ngayon ay seryosong nakatingin sa mga naglalaro na tila badtrip na badtrip.

"Ang tagal mo." Masungit niyang sabi sa akin.

"Ngayon lang kasi natapos ang klase ni Ma'am. Tapos... Binilhan din kita ng tubig at fries..." Sabi ko sa kanya sabay abot ng paper bag na hawak ko sa kanya.

Kinuha niya naman iyon at tinignan ang laman, "Subuan mo ako."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, Napatingin din ako sa mga babaeng nasa likuran lang ng kinape-pwestuhan namin. "Subuan mo na ako." Pagpupumilit niya at tinapik ang katabing upuan niya, "Dito ka umupo sa tabi ko."

Wala na akong nagawa pa kung hindi subuan siya ng fries, "Oo nga pala, bakit hindi ka pa naglalaro?" Tanong ko sa kanya.

"Juniors pa lang ang nagpa-practice. Mayamaya pa kami." Sabi n'ya.

Prince Of The Womanizers (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon