I Meant It When I Said, 'I Do...

נכתב על ידי CallaLilywriter

39.1K 1.1K 28

Earl and Veronica shared a love story. A love story that failed to have a happy ever after. Buong akala ng d... עוד

I Meant It When I Said, 'I Do.' - PROLOGUE
I Meant It When I Said, 'I Do.' - CHAPTER 1
I Meant It When I Said, 'I Do.' - CHAPTER 2
I Meant It When I Said, 'I Do.' -CHAPTER 3
I Meant It When I Said, 'I Do.' -CHAPTER5
I Meant It When I Said, 'I Do.' - CHAPTER 6
I Meant It When I Said, 'I Do'. - CHAPTER 7
I Meant It When I Said, 'I Do.' - CHAPTER 8
I Meant It When I Said, 'I Do.' - CHAPTER 9
I Meant It When I Said, 'I Do.' - CHAPTER 10
I Meant It When I Said, 'I Do.' - CHAPTER 11
I Meant It When I Said, 'I Do.' - CHAPTER 12
I Meant It When I Said, 'I Do.'- CHAPTER 13
I Meant It When I Said, 'I Do.' - FINAL CHAPTER

I Meant It When I Said, 'I Do.' - CHAPTER 4

2.2K 65 0
נכתב על ידי CallaLilywriter

Hindi natuloy ang pamamaga ng paa niya pero maga ang mga mata niya kinabukasan. Mabuti na lang at naitatago ng concealer ang eyebags niya. Nagpasalamat na rin siya't hindi iyon napansin ng Papa niya. Napagpasyahan niyang puntahan ang boutique ng araw na iyon. Ipinagkatiwala na muna niya sa pinsan niyang si Kelly ang pamamahala noon dahil naging abala siya sa paghahanda ng kasal. Kabubukas lang niya ng boutique nang biglang mag-ring ang cellphone niya. Kumunot ang noo niya dahil hindi niya kilala ang number.

"Where are you?"

"Huh?" tanging nasagot niya. Wala man lang Hi! Hello! o Good morning! Matagal bago rumihistro sa utak niya na si Earl ang tumatawag kahit na kabisadong-kabisado na niya ang boses nito.

"I thought we'll pick up the rings and your gown today?" anitong halata ang iritasyong sa boses. Inatake siya ng nerbiyos. Bakit ba palagi na lang itong galit?

Kumunot ang noo niya habang inaalala kung may usapan sila kahapon. "Y-Yeah. I t-thought... Never mind," aniya at ibinigay ang address.

"I'll pick you up in 30 minutes," anito at pinutol ang tawag. Napabuga lang siya ng hininga.

Wala pang kalahating oras ay dumating na ang binata. Nahigit niya ang hininga nang makita niya itong papasok ng boutique. He looked dashing wearing a dark blue polo with sleeves rolled up. He was wearing aviator glasses which made him look cool. Tila may nagliliparang paru-paro sa tiyan habang papalapit ito sa kinaroroonan niya.

"Shall we go?" anito nang hindi siya gumalaw sa kinauupuan.

Stop staring!  Kastigo niya sa sarili sabay tayo at dinampot ang bag. "Is it okay if we go to the seminar first then we'll pick up the rings and the gown on the way back?" aniya habang hinahagilap ang cellphone sa loob ng bag. Tatawagan na niya ang wedding photographer nila para sa pictorial nila. Their wedding is the most anticipated wedding of the year and they will be featured in all leading magazines in the country. Muntik na niyang malulon ang dila nang makitang nasa harapan na niya ang mukha ng binata nang mag-angat siya ng tingin.

"Yes," anito sabay dinampian siya ng halik sa labi. Nabitawan niya ulit ang cellphone na nahagilap sa loob ng bag.

Saglit lang iyon. Saglit na saglit pero ramdam na ramdam niya. Nakalimutan niya tuloy kung ano ang iniisip niya. Was it part of the deal?  anang isip niyang biglang natuliro sa halik na iyon. Get used to it! Aniya sa sarili.

"I don't have the whole day, Veronica," anito nang nanatili siya sa kinatatayuan at parang tangang nakatingin dito.

"Yeah, of course." aniya nang matauhan. "Just one phone call," aniya saka pilit na pinakalma ang sarili at tinawagan si Nelson, ang photographer nila na best friend ng wedding coordinator niya na si Ivory. Nakilala niya ang dalawa dahil pareho sila ng pinapasukang unibersidad nang ipadala siya ng Papa niya noon sa America.

"Can we have candid shots?" kaagad na tanong ni Nelson nang sagutin ang tawag niya. "Masyadong boring ang wedding poses. I want it to look natural."

"It won't work, Nelson. Masasayang lang ang oras. You wouldn't have one decent shot to put on that magazine."

Tumawa ito. "Have you lost your faith in me? Didn't you remember I was the best?"

Nahawa siya sa tawa nito. "Well, if you want the risk, do so."

Napatingin siya kay Earl na naka-sandal sa mesa niya habang kunot ang noong nagbubuklat ng magazines.

"We'll just follow you around, you won't even know we're there."

"Fine, then. I won't see you." Natawa ito at nailing na ibinaba niya ang cellphone.

"Done flirting? Can we go now?"

Pinigilan niya ang sariling ingusan ito. Baka magbago na naman ang isip nito't iwan siya bigla. "Sorry about that. That was Nelson-"

"I'm not interested in your men," he snapped. "Just don't forget the agreement you've signed. Rule number one."

Kinagat niya ang dila para pigilan ang pagsagot dito. Ayaw niyang makipagtalo. "Loud and clear," aniya.

"Good," anito at nagpatiunang lumabas ng boutique. Hindi man lang siya pinagbuksan ng pinto. He really knows how to get to her nerves.

Nang makarating sila sa simbahan ay may iilang magkasintahan na nandoon para sa pre-Cana seminar. Sa function hall sa gilid ng simbahan sila pinatuloy. Kadalasan sa mga magkapareha'y sweet tingnan, halatang in love. Samantalang si Earl halos magdikit ang kilay. Tuluyan ng nasira ang mood nito at hindi niya alam kung papaano ito pangitiin kahit pilit man lang.

"Good morning!" biglang bungad ng medyo may katabaang lalaking naka-maong at naka-puting polo shirt. "Ako ang magiging tagapagsalita ninyo sa araw na ito. Tawagin na lang ninyo akong Father Red or Father Chubby huwag lang Fat-ther," anito saka humagikgik. "Hmmm.. I smell love in the air!" May double chin kaya nakakatuwang pagmasdan kapag humahagikgik. Isa-isa silang nilapitan nito para makipagkamay. Kahit papaano'y gumaan ang pakiramdam niya dahil nakakahawa ang kasiyahan ni Fr. Red.

"I ask all of you to stand to start this wonderful day with a prayer." Sabay silang nag-sign of the cross. "Dear Father, your sons and daughters have come today to ask for your blessing. Send us your Holy Spirit that we may open our hearts to your words. Guide us today with Your wisdom that we may understand Your teaching. All these we ask, in Jesus' name. Amen."

"Sino sa inyo ang napilitan lamang na pumunta rito?" ani Fr. Red sabay ngiti. "Meron ba? Itaas ang kanang paa!"

Nagkatawanan ang magkaparehang naroroon. Napalunok si Veronica, biglang natensiyon siya at umiwas ng tingin sa pari. Sa ginawa niya'y naibaling niya ang tingin kay Earl nakataas ang isang sulok ng labi habang nakikinig.

"Pakitingnan nga ang inyong mga ka-partner," anang pari at nagpalakad-lakad na sa harapan nila. "Yan ang makakagisnan at makakatulugan ninyong mukha araw-araw."

Bahagya siyang nagulat nang maramdaman ang kamay ni Earl sa bewang niya at hinila siya palapit dito. Napilitan siyang tingnan ang kaharap. Kumabog ng malakas ang dibdib niya.

"Sa paglipas ng panahon, mangungulubot ang balat, puputi ang buhok at kokonti ang ipin," anang pari na ikinatawa ng lahat pati si Earl. Tinaasan niya ito ng kilay. Halatang nag-eenjoy itong isispin na uugod-ugod na siya.

"You'd still look beautiful, gray hair and all," bulong nito. Pakiramdam niya'y pinamulahan siya ng mukha. Darating ba sa kanila ang panahong iyon gayong hindi naman tunay ang pagsasama nila?

"Pero hindi n'yo yan pwede isoli dahil iyan ang pinangakuan ninyo ng panghabangbuhay. Iyan ang ibig sabihin ng 'til death do us part'. Hindi 'til debt do us part' lalo ng hindi 'til another woman or man do us part'."

Napatingin siya kay Earl na tila aliw na aliw sa sinasabi ng pari. Kahit siguro pumuti na ang buhok nito't uugod-ugod na, gusto niya pa rin itong makasama. Wala naman siyang ibang pinangarap na makasama habambuhay kundi ito lang. Si Earl lang.

"Alalahanin ninyo na sa seremonyas ng kasal, hindi lang ang ka-partner ninyo ang inyong pinapangakuan kung hindi Siya," Itinuro nito ang itaas. "Siya ang magiging matibay na bigkis ninyo sa inyong pagsasama. Tatandaan ninyong walang sinumang makakapaghiwalay ng dalawang nilalang na pinagkaisa ng Diyos." Ngumiti ito sa kanila. "Ngayon, harapin ninyo ang mga kapareha ninyo at hawakan ninyo ang kamay ng isa't isa. Let's have a little activity."

Kung titingnan sa malayo, animo'y totoong ikakasal sila. Hindi mapigilan ni Earl ang sariling panaka-nakang titigan ang dalaga. Everything seemed surreal. This is how he would have wanted, probably needed if Veronica didn't leave him for some other guy. Gumuhit ang pait sa dibdib niya. She used to mean the whole world to him and he learned his lesson. He will never fall for her again. God forgive him, but he won't be meaning to say his vows to Veronica.

Nang paharapin sila ni Fr. Red at ngumiti ito sabay pisil sa kamay niya.

"A few more minutes and it's done," bulong nito. Tango lang ang isinagot niya at ibinalik ang tingin sa paring nagsasalita. Ipinilig ang ulo para hindi maisip ang nakaraan. Pumailanlang ang masuyong tugtog ng piano.

"We will call this activity With All My Heart. So for the next few minutes, lahat kayo, walang ibang sasabihin kundi yun talagang galing talaga sa puso. Mas maige yung hindi n'yo pa nasasabi sa isa't isa. Search deep within and speak of your true feelings. Look at your partners and repeat after me. Ang mga dalaginding muna. First one is Thank you at kayo na ang bahala sa sasabihin ninyo sa partner ninyo. Gets ba? Ready?"

Tumango ang mga kababaihan at napatingin sa mga kapareha. Napatingin si Veronica sa kanya at bakas ang pagkalito sa mukha nito.

"Thank you-" ani Fr. Red at sabay nagsalita ang mga babae para sa mga kapareha nila.

Napapikit ito ng mariin bago nagsalita. "...for being here," ani Veronica. "You don't know how much this means to me." Dama niya ang sinseridad sa boses nito at kita niya ang katapatan sa mata nito. Bigla'y gusto niya itong ikulong sa mga bisig niya yakapin ng mahigpit sa pagkakataong iyon.

"I'm sorry-" ani Fr. Red.

"for the..." humugot ito ng hininga. "p-past." Umiwas ito ng tingin. Saka niya napansing nanginginig ang labi nito. Parang tinutusok ng karayom ang dibdib niya. Gusto niyang bumitaw sa pagkakahawak nito. Gusto na niyang lumabas. Ayaw na niyang may maalala pa sa letseng past na iyon. "I'm not asking you to forgive me. I'm just letting you know that I'm sorry. I really am." Biglang nanakit ang lalamunan niya at nanghahapdi ang mata. Naagaw ang pansin nila nang may humagulgol na magkapareha sa likuran nila. Nang tingnan niya si Veronica'y namumula ang ilong nito't dagling pinahid ang pisngi ng likod ng kamay nito. He can't stand this torture. Tatayo na sana siya nang muling nagsalita ang pari.

"I pray-"

"that you will have a happy life, that God will bless you in all that you do. You already have everything, Earl. I just pray for your happiness. Na kapag natapos ang kasunduan natin, makakatagpo ka ng babaing magmamahal sa'yo ng lubos at makakasama mo habambuhay."

Eal took a deep breath because he's so close to crying. And that's the last thing he ever wanted to do in his life.

"Ngayon ang ating mga bagito naman," ani Fr. Red na ngumiti.

"Thank you-"

Matagal siya bago nakapagsalita dahil tila may bikig sa lalamunan niya. Niluwagan niya ang kuwelyo ng polong suot. "I don't know," aniyang napabuga ng hininga. Naramdaman niya ang mahinang paghaplos ng daliri nito sa kamay niya. "I don't know what to say. I guess, I don't have any reason to thank you at all."

Ngumiti ito ng mapait sabay bulong. "Naiintindihan ko."

"I can't do this, Veronica," tiim-bagang na sambit niya. Handa na siyang tumayo at tumakbo palabas pero hinawakan siya ng mahigpit ng dalaga.

"You don't have to say anything. It's almost done now."

"I'm sorry-" anang pari.

Muling humugot ng hininga si Earl. Umiiling-iling siya. "I'm not."

"It's okay," anito na lalong namula ang ilong.

"I pray-"

"I don't know how to," himutok niya. Veronica soothed his nerves by gently rubbing her thumb at the back of his hand in circular motion.

"Now, close your eyes and with hearts joined in prayer, receive God's blessing." Tumikhim ito at pumailanlang ang malaking boses nito na pakanta.

"The Lord bless you and keep you;

The Lord lifts His countenance upon you,

And give you peace, and give you peace;

The Lord makes His face shine upon you,

And be gracious unto you..."

"Let God's love bind you. Forgive each other's faults and bury them at the past and never look back as you take your vows. Take care of each other as you would take care for your own life."

Hindi niya alam pero tila may sariling buhay ang mga braso niya't kinabig ang dalaga at niyakap ito ng mahigpit. Napabuga siya ng hininga. Napasubsob naman ito sa dibdib niya at mahigpit na napayakap sa kanya. It felt so damn good.

Natapos ang seminar na iyon nang kapwa may ngiti sa labi nila nang lumabas sa function hall. Earl felt relieved. Hindi niya maalala kung kailan siya huling ngumiti ng ganito na walang nakadagan na bigat sa dibdib. Nang sulyapan niya ang dalaga'y nginitian siya nito. Sumikdo na naman ang dibdib niya, kagaya nang kaninang umagang sunduin niya ito. Pinigilan niya ang sariling angkinin ang labi nito. He hates this woman. But why does he suddenly felt happy at the mere thought of marrying her?

"Should we pick up the rings?" tanong nito.

Tumango siya saka pinaandar ang sasakyan. Malapit lang iyon sa simbahan kaya ilang minuto lang ay nasa kanila na ang singsing. Nasa kabilang building lang ang bridal shop kay nilakad na lamang nila.

Pagdating nila'y sinalubong kaagad sila ng masayahing staff.

"Pwede ko bang isukat?"

Kumportableng naka-upo si Earl sa sofa habang hinihintay ang dalaga.

"How is it?" Napaangat ang mukha niya mula sa binabasa. That was the last thing he heard because everything suddenly went slow motion.

"Speechless po si Sir," naulinigan niyang sabi ng umaasikaso kay Veronica.

Ilang beses siyang napalunok. Matagal siya bago nakapagsalita. Napapikit siya ng mariin. Veronica is doing it again. Hypnotizing him. Leaving him so mesmerized by the beauty of her. Buti na lang naka-shades siya. "Okay lang." aniya nang matagpuan ang boses.

"Okay lang?" She looked at him in disbelief. "This gown is exactly what I had in mind! It's beyond amazing!"

"It's beautiful," aniyang hindi matanggal ang mata sa pagkakatitig sa dalaga.

"It is! I love it!" anito na panay ang ikot sa harap ng salamin. Napabuntong-hininga siya. He really should stop looking at her like an idiot. "This is just perfect," masayang sabi nito habang nagpa-ikot-ikot sa salamin. Matagal nitong sinipat ang sarili bago nagbihis.

Nakangiting umupo ito katabi niya sa sofa habang hinihintay nila ang gown. She leaned closer to him. Nakaramdam siya bigla ng tensiyon. Niluwagan niya ang kuwelyo ng polong suot.

"Thank you ulit," bigla'y sabi nito sabay tapik sa braso niya.

"Huh?" Kumunot ang noo niya.

"You look so clueless," anitong lumuwang lalo ang pagkakangiti. That kind of smile that makes his heartbeat go wild. She will be the death of him. Lalong kumunot ang noo niya na ikina-iling nito. Magsasalita pa sana ito nang dumating ang gown nito.

"Everything's set," masayang sambit ng dalaga nang makabalik sila sa kotse.

Hanggang sa makarating sila sa mansiyon ng mga Sandoval.

Kinuha niya ang box ng gown nito at dinala sa loob ng bahay. Napatingin siya sa oras, mag-a-alas sais na, makakahabol pa siya sa stock holders dinner meeting. He cancelled all his appointments today except that one just to get all these done. Ayaw man niyang aminin sa sarili, he was bothered with what happened yesterday. Hindi siya nakatulog kagabi. He was trying so hard to balance his emotions. There was so much hate in his heart and yet he felt terrible seeing her cry.

"I'll go now," aniya.

"Can you stay for dinner?" anito.

Napatingin siya rito. He didn't want to turn her down when she looked so hopeful. Subalit kailangan din niyang kontrolin ang sarili. He can't let himself fall for her again. "I can't. I have a meeting."

Hindi nito naitago ang disappointment sa mga mata. "Well, some other time? I just want to thank you for... being k-kind to me today."

There was an urge to hug her and pull her close.

"I'm not being kind, Veronica. I just don't want to upset you." Sagot niya. "You do crazy things when you're upset. The last thing I want is a defective wife." Aniya sabay tingin sa paa nito.

Napalis ang ngiti sa labi nito saka napatungo.

"I have to go," paalam niya bago pa niya bawiin ang sinabi. He felt like hell seeing that disappointed look in her eyes.

"Okay. I-Ingat ka," anito. Hindi niya napigilan ang sarili kagaya ng nangyari kaninang umaga. Yumuko siya para maabot ang labi nito. Napaawang ang labi nito sa pagkagulat at sinamantala niya iyon. He nibbled her lips, explored all the corners of her mouth and drank all her sweetness. This woman can really drive him crazy. Bago pa siya mawalan ng kontrol sa sarili'y tinapos na niya ang halik.

"I'm only doing my part of the deal, no need to thank me," bulong niya sa tenga nito sabay talikod.

"O-Of course," anito sabay malungkot na ngiti.

המשך קריאה

You'll Also Like

2.3M 149K 52
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
512K 10.6K 44
Side story of Please Trilogy.. How can I fall "binigyan kita ng permiso na angkinin ako, pero hindi mo ako binigyan permiso na angkinin ka, ang daya...
3.5M 75.2K 84
Sometimes even the greatest love has to end so your destiny can begin. This is the story of Alexander Almonte and Lynette Alcala.
18K 1.1K 22
Rui stepped closer, and snaked a hand around her waist. Pakiramdam ni Tori ay may sasabog na yatang major artery sa puso niya. Why is he holding her...