Prince Of The Womanizers (Com...

Af IHeartThisGuy

5.5M 129K 14.7K

"Salamat at dumating ka sa buhay ko. Ikaw lang ang babaeng minahal ko ng ganito. Mahal na mahal kita at gusto... Mere

Prince Of The Womanizers
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Wakas
Womanizer Series
Special Chapter #1
Special Chapter #2 + Sequel

Kabanata 42

76.8K 1.8K 362
Af IHeartThisGuy


"A—Aivan......"

Para bang tinatambol ang puso ko sa matinding kaba na nararamdaman ko ngayon.

Nang makita ko ang mukha ni Aivan na basang-basa ng luha ay gusto ko siyang lapitan at sabihin sa kanya ang lahat.

Pero bago ko pa magawa ang bagay na iyon ay nakita ko na lang na bumagsak mula sa kinatatayuan si Miguel.

Nasaksihan ko kung paano paulanan nh malalakas na suntok ni Aivan ang kawawang si Miguel.

"Tangina ka! Bakit mo hinalikan ang syota ko?!" Sigaw ni Aivan na halos ikasakit ng tainga ko.

Nanginginig ako mula sa kinaroroonan ko. Hindi ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko.

Ilang beses ko nang nakita si Aivan na galit na galit. Katunayan ay maraming beses na, pero iba naman ang sitwasyon naming ito.

Pakiramdam ko, anumang oras ay maaaring makapatay si Aivan.

Nangangatog akong lumapit kay Aivan para awatin siya sa pambubugbog kay Miguel.

Hinawakan ko ang kamay niya pero mariin niya iyong itinaboy. Wala na siya sa tamang katinuan, ang nasa isip niya ay kung paano masasaktan si Miguel.

"A—Aivan...." Hindi ko namalayan ang sunod-sunod na pagbagsak ng luha ko.

"Putangina! Alam mo bang may boyfriend na 'yang hinalikan mo ha? Gago ka!"

Habang panay ang pagbuhos ng luha ko ay saka naman ako lumapit kay Aivan at niyakap siya ng mahigpit.

"A—Aivan....."

Tila nahimasmasan naman si Aivan nang maramdaman niya ang pagyakap ko sa kanya. Napatigil siya sa pambubugbog kay Miguel.

Nang humarap siya sa akin ay nakita ko ang matinding pamumula ng mata ni Aivan habang panay ang pagbagdak ng luha niya. Mariin niya iyong pinunasan at saka tumingala at pumikit ng mariin na tila ba pinipigilan ang pag-iyak.

"A—Aivan.... Tama na..."

Tumingin siya sa akin bago nagsalita, "K—Kailan pa?" Halos nadurog ang boses niya.

Hindi ako makapagsalita dahil sa sakit na nararamdaman ko para kay Aivan.

"S—Sabi ko naman sa'yo magtiwala ka lang sa akin di 'ba?" Napayuko siya at para bang ayaw niyang ipakita sa akin na umiiyak siya.

"A—Aivan..." Hahawakan ko sana ang pisngi niya nang bahagya siyang lumayo sa akin.

"Ang sakit eh!" Napapailing siya habang pinupunasan niya ang luha niya, "M—Magpapakasal ako pero hindi ibig sabihin no'n na mahal ko na siya, magpapakasal ako dahil mahal kita at ayokong mapahamak ka... T—Tapos ito ang aabutan ko.. Makikipaghalikan ka sa ibang lalaki. Tangina!"

"Aivan——" Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nang may marinig akong tiña may nagkasa ng baril.

"Tama na ang palabas ninyong dalawa!" Agad akong napatingin kay Miguel na ngayon ay nakatutok ang baril sa amin.

Nanlaki ang mata ko kasabay ng paglunok ko. Hindi ito maaari! Walang pwedeng mamatay sa aming dalawa ni Aivan!

Nagkatinginan kami ni Aivan na para bang nagtatanong siya sa akin kung bakit may baril na hawak si Miguel.

Para bang nagkakaintindihan kami ni Aivan dahil sa aming nga mata.

"Itaas niyo ang kamay niyo!" Sigaw ni Miguel. Tinignan ko naman si Aivan na nananatiling nakababa ang mga kamay, "Itaas mo ang kamay mo!"

Muli akong napatingin kay Aivan na ngayon ay nakatingin rin pala sa akin, itinaas niya ang kamay niya at kasunod non ay narinig ko na ang malalakas at sunod-sunod na pagputok ng baril.

Napapikit ako dahil ito na ang katapusan, pero natapos na ang pagputok ng baril ay hindi pa rin ako nakakaramdam ng kahit na anong sakit.

Nang imulat ko ang mata ko ay napasigaw na lang ako nang makita ko ang sinapit ni Aivan na nakahandusay at wala ng buhay.

Tumakbo ako patungo sa kanya pero bago pa ako makalapit ng tuluyan ay naramdaman ko ang pagbaon ng bala sa dibdib ko.

❇❇❇❇❇❇

"Avygail please! Gumising ka na!" Naramdaman kong tila may umaalog-alog sa balikat ko, "Avygail! Gumising ka na, please?"

Marahan kong iminulat ang mata ko dahil sa sakit ng ulo na nararamdaman ko, Nagtaka ako nang makita ko na nandito si Papa, Si Daddy Blake, Tita Cassandra, Si Allen at si Liz.."

"A—Ano bang nangyari?"

Napahinga ng malalim si Liz bago nagsalita, "Kanina habang kumakain tayong dalawa... Bigla kang nahimatay! Akala ko nga ay natuluyan ka na, gaga ka!"

Napalunok ako bago igala ang akibg paningin. Nangunot naman ang noo ko nang hindi ko makita ang lalaking pinakamamahal ko.

"S—Si Aivan?"

Nagkatinginan silang lahat nang banggitin ko ang pangalan ni Aivan.

"N—Nasaan si Aivan?"

Hinawakan ni Liz ang kamay ko, "A—Avygail... Huwag ka sanang mabibigla."

Marahan akong tumango. Pakiramdam ko ay mayroon akong malalaman na hindi maganda.

"N—Nasaan siya?"

Napalunok si Liz bago muling nagsalita, "Tumingin ka sa kaliwa at sa kamay na nakayakap sa'yo."

Tumingin ako sa kaliwa ko at nabigla pa ako nang makita ko si Aivan na mahimbing na natutulog, nakayakap rin siya sa akin na para bang ayaw na niyang magkalayo kaming dalawa.

"Nahimatay si Aivan kanina dahil sa sobrang kaba... Ginigising ka kasi niya kaya lang ay ayaw mong gumising. Kaya naghysterical, ang OA nga eh."

Lumuwag ang pakiramdam ko. Akala ko naman ay kung ano na ang nangyari kay Aivan. 'Yun pala ay nahimatay lang.

"Avygail... Maiwanan na muna namin kayo, tinawagan kasi kami ni Aivan... Akala niya may nangyari nang masama sa iyo." Sabi sa akin ni Tita Cassandra.

"Salamat po, Tita."

Nagpaalam na rin sa akin si Daddy Blake at Allen, si Papa naman ay bumalik na sa trabaho niya.

"Avygail.... 'Yung nahanap kong apartment. Naka-ready na. Pupuntahan ko na lang para masimulan ko na ang paglilinis." Sabi sa akin ni Liz. "Iwanan ko na kayo ni Aivan... At kanina ka pa gustong kausapin niyan.. Umiiyak na nga kanina sa sobrang kaba dahil sa iyo."

Tumango ako at bahagyang napatawa, "Maraming salamat, Liz... Balitaan mo ako kung saan ang apartment mo para kung minsan ay mabisita naman kita." Sabi ko pa.

Naiwan kaming dalawa ni Aivan sa loob ng kwarto. Nananatili lang akong nakahiga habang pinagmamasdang matulog si Aivan.

Ibang klase din ang lalaking ito eh. Hindi ko maintindihan. Hindi nagparamdam sa akin, ang huli lang naming pagkikita ay 'yung ipinaalam niya sa akin na ikakasal na siya.

Napangiti ako nang makita kong nay tumutulong laway mula sa kanya, kaya marahan kong pinunasan iyon.

Pero habang pinupunasan ko ang bibig niya ay napansin kong medyo gumagalaw siya. Ah, alam ko na... Kanina pa siguro siya gising.

Nagpapanggap lang na tulog.

Napangiti ako bago magsalita, "Baby boy... Gising na po."

Napakunot ang noo ko nang ngumso siya, "Anong gagawin ko diyan?"

Hindi siya sumagot, nananatili lang siyang nakanguso.

"Anong trip mo?"

Ngumuso ulit siya, "Kiss."

Kumuha ako ng unan at inihampas ko sa mukha niya, "Kiss mo mukha mo."

Tatayo na sana ako mula sa pagkakahiga nang niyakap niya ako.

"Dito ka muna sweetheart." Malambing na sabi niya habang yakap-yakap ako.

"Oy, Aivan!" Suway ko sa kanya, paano'y nararamdaman ko ay matigas na bagay na iyon mula sa kanya na dumidikit sa may tiyan ko, "Kakagising mo lang, ah?"

Tumawa siya, "Kanina pa ako gising." Sabi niya at mas lalo pang dumikit sa akin.

Mas lalo tuloy akong naasar,  pero hindi ko na iyon pinansin, "Mag-almusal na nga lang tayo."

Tuloy-tuloy pa rin ang panlalambing niya sa akin habang kumakain kaming dalawa. Nang matapos kaming kumain ay panay pa rin ang pagdikit niya sa akin habang hinuhugasan ko ang mga pinagkainan namin.

"Sweetheart. Mag-usap naman tayong dalawa oh...." Sabi niya sa akin habang nakasunod siya sa akin patungo sa sala.

Nang makaupo ako ay saka ako nagsalita, "Anong pag-uusapan natin?"

Huminga siya ng malalim, "'Yung tungkol sa atin." Napatigil siya sandali, "Sorry... Sorry kung hindi kita pinapansin noong nagkita tayo...."

"Loko ka pala eh.. Hindi mo nga ako pinansin tapos bigla kang magsosorry..."

Napakamot naman siya sa ulo niya, "Kaya nga nagsosorry ako... Mali ako, nadala ako sa takot ko... Pinagbantaan kasi ulit ako ng Papa ni Stacey."

"Matutuloy ba ang kasal nyo?" Hindi ko mapigilang tanong.

Napabuntong hininga siya bago tumango.

Pakiramdam ko ay unti-unting pinagpipiraso ang puso ko sa sakit, "Bakit ka pa nandito?" Hindi ko alam kung saan pa ako humuhugot ng lakas para makapagsalita.

Hinawakan niya ang kamay ko at dinala niya iyon sa labi niya upang paghahalikan, "Kasi.... Mahal kita."

"Pero...."

"Walang pero pero, Avy... Pagdating sa pagmamahal, walang pero.. Kasi lahat ay may sariling dahilan." Mahinang sabi niya, "Kahit na ikasal man ako sa kahit na sino pang babae sa mundo. Pagmamay-ari mo pa rin ang puso ko. Ikaw pa rin ang laman nito." Sabi pa niya sabay turo sa puso niya.

"Ano pang silbi ng pagmamahal na iyan, kung maikakasal ka na sa iba?"

Pinisil niya naman ng marahan ang palad ko, "Malaki ang silbi ng pagmamahal ko sa'yo..."

Hindi ako nakasagot.

"Kasi kung wala palang silbi ang pagmamahal ko, baka naging bato na lang ako.. Walang puso... Walang pakiramdam.."

"Pero natatakot ako..."

"Ssshhh..." Muli niya akong niyakap, "'Yan ka na naman sa Pero mo, Avy ko.... Walang pero sa taong nagmamahal. Kasi kung may pero, ang ibig sabihin lang non ay hindi mo kayang panindigan 'yang pagmamahal mo sa akin... Kaya panindigan mo, kasi ako kaya... Gagawin ko ang lahat para maging deserving naman ako sa'yo."

"B—Baka kasi tuluyan mo na akong iwan."

"Kesyo baka ba iyan, kesyo pero pa iyang sasabihin mo.... Wala akong pakialam, basta ako. Sinisigurado ko sa'yong ikaw lang. Kahit na ilang libo pang babae ang maipakasal sa akin, kahit na ilang libo pang babae ang makilala ko... Iisang tao pa rin ang iisipin ko at iyon ay ikaw. Walang pero, walang baka... Basta ikaw lang."

Napatakip ako sa bibig ko dahil sa nararamdaman ko, "M—Mahal na mahal kita, Aivan...."

Hinalikan niya ang noo ko.

"Sabay nating haharapin ang problema... At kahit na anong mangyari, hindi ako susuko.. Hindi kita susukuan, dahil ang taong nagmamahal malakas ang loob.. Kaya lakasan mo ang loob mo kasi mahal mo ako." Ngumiti naman siya at saka niya ako mabilis na hinalikan sa labi..

May kinuha siya sa bulsa niya at nagulat ako nang makita ko kung ano ang hawak niya. Iyon ang ginamit ko noong isang araw.

Pregnancy test.

"Magiging tatay na ako!" Masayang sigaw niya, "I love you sweetheart..." Idinikit niya ang mukha niya sa may tiyan ko, "Hi baby!Ako ang daddy mo! Sana magmana ka sa akin ha?"

Napatawa naman ako, "Loko!"

Fortsæt med at læse

You'll Also Like

22K 464 39
All her life, Cassandra had been a good daughter to please her parents. Her brother protected her. She grew up in a family where she was a princess...
775K 37.8K 24
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
8M 196K 70
Hindi naman ibig sabihin na pinaampon mo ang anak mo ay masama ka nang ina. Minsan kasi yun lang ang alam mong makakabuti para sa kanya- Nina
19.5K 1.9K 43
Sa isang simpleng gabi ay biglang nagbago ang lahat. I can't even think clearly how it happened. I lost my sanity because of that sinful night. All I...