Prince Of The Womanizers (Com...

Galing kay IHeartThisGuy

5.5M 129K 14.7K

"Salamat at dumating ka sa buhay ko. Ikaw lang ang babaeng minahal ko ng ganito. Mahal na mahal kita at gusto... Higit pa

Prince Of The Womanizers
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Wakas
Womanizer Series
Special Chapter #1
Special Chapter #2 + Sequel

Kabanata 41

75K 1.6K 287
Galing kay IHeartThisGuy


"Gago talaga ang mga lalaki! Walang mga kwenta! Walang ginawa kundi ang saktan tayo." Ani Liz na kanina pa ako pinapatahan.

"A—Ako naman kasi ang tanga.. Alam ko naman na magkakaroon na siya ng pamilya pero ako pa rin itong pasok ng pasok sa buhay niya." Walang patid ang pagdaloy ng luha ko.

"Oo nga.. Gaga ka rin eh, matagal na kitang sinabihan na kung maaari, iwasan mo na 'yang Aivan na iyan. Mukha pa nga siyang mas maloko kay Zach, 'Yun pala ay parehas lang silang gago." Aniya matapos inumin ang tinimpla niyang kape. "'Wag mo na munang isipin ang Aivan na iyon, ang importante humihinga ka at staying pretty ka pa rin like me."

Bahagya naman akong napatawa sa sinabi niya. "Loko ka talaga... Nakapag-usap na kayo ni Zach?"

Umiling siya at napahinga pa ng malalim, "Oo nga pala, Nakahanap na ako ng pansamantala ko munang matitirhan. Nakakahiya naman kung dito ako sa bahay niyo nakikitulog."

Agad ko siyang tinutulan, "Welcome ka naman dito sa bahay. Wala namang problema kahit nandito ka pa araw-araw."

Umiling ulit siya, "Maraming salamat, Avygail. Pero napakabuti mo talaga. Pero buo na ang desisyon ko, lilipat na ako ng matitirhan. H'wag kang mag-alala. Bibisitahin pa rin naman kita dito."

"Kapag may kailangan ka pang iba. Pwede kitang matulungan." Sabi ko sa kanya, "Mayroon naman akong extra diyan na pera. Pwede kong ibigay sa iyo 'yun."

Ngumiti siya at saka niya ako niyakap ng mahigpit, "Hindi ko maiintindihan iyan, Avy. Sa ngayon habang wala pa akong nahahanap na trabaho ay tatanggapin ko muna iyan. Pero h'wag kang mag-alala, babayaran naman kita."

"Ano ka ba... Huwag na! Kaibigan kita!ano pang silbi ng pagkakaibigan nating dalawa kung hindi rin naman tayo magtutulungan, di ba?"

"Kaibigan talaga kita! Parehas tayong maganda, eh." Aniya habang natatawa-tawa.

Matagal-tagal rin kaming nag-kwentuhan ni Liz, hanggang sa hindi na namin namalayan ang oras. Tanghali na pala at mayamaya lamang ay aalis na siya sa bahay.

Masaya kasama ang kaibigan ko. Kahit na may problema ako ay nawawala kapag kasama ko siya, kaya sana 'yung problema na nararanasan din ni Liz ngayon ay mabawasan.

Si Papa ay wala dito sa bahay dahil pumasok siya sa trabaho niya. Kaya kaming dalawa lang ni Liz ang tao dito.

Habang kumakain kami ni Liz ay sabay pa naming narinig ang pagtunog ng doorbell.

Tumayo ako, "Wait lang, Liz.. Titignan ko lang kung sino ang tao sa labas." Sabi ko sa kanya habang naglalakad papalabas.

Nang makarating ako sa may gate ay saka ko binuksan iyon, nakita ko ang dalawang lalaki na nakapamulsa habang seryosong nakatitig sa akin.

Bigla tuloy akong nakaramdam ng kaba kaya isasara ko na sana ang gate nang harangin nila iyon gamit ang kamay nila.

"Ikaw ba si Avygail Mira Dela Cruz?" Tanong ng isang lalaki sa akin.

Napalunok ako bago kinakabahang tumango.

May tinawagan ang isang lalaki sa cellphone niya. "Sir.. Nandito na po si Avygail." Sabi ng lalaki na may kausap sa cellphone.

Ilang sandali pa ay iniabot ng lalaki sa akin ang cellphone niya pero hindi ko iyon kinuha, "Kunin mo. Kausapin mo ang Papa mo. Hawak siya ngayon ni Boss." Sabi pa niya.

Nanlaki ang mata ko sa narinig ko kaya agad kong kinuha ang cellphone ng lalaki, idinikit ko iyon sa tainga ko at narinig ko kaagad mula sa kabilang linya ang boses ng isang lalaki.

"Hello Avyvail." Sabi ng nasa kabilang linya, "Gusto kong ipaalam sa 'yo na nasa akin ang Papa mo ngayon. Kung ayaw mong may mangyaring masama sa Papa mo ay susundin mo lang ang sinasabi ko."

Napalunok ako nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon.

"S—Sino ka?"

Tumawa ang lalaking nasa kabilang linya, "Ako ang Ama ni Stacey.. Alam mo naman siguro kung ano ang kaya kong gawin para sa anak ko.. Kaya heto lang ang hinihingi ko sa'yo.. Avygail. Sundin mo lang ang sasabihin ko sa'yo."

Mariin akong napakagat sa labi ko dahil sa kaba, galit at inis na nararamdaman ko, "Huwag mong sasaktan ang Papa ko."

"Easy ka lang." Natatawang sabi ng Papa ni Stacey.

Ilang saglit pa ay narinig ko na ang boses ni Papa na tila nahihirapan. "H—Honey... P—Please be safe.. I—I love you so much."

Unti-unting nagbagsakan ang luha ko sa narinig ko,  "P—Papa..."

"H—Honey——" Hindi na naituloy ni Papa ang sasabihin niya dahil muling nagsalita ang Papa ni Stacey.

"Ngayon,  Avygail.. Alam mo naman siguro na nandito talaga ang Papa mo sa akin... Wala naman akong gagawin sa kanya kung susundin mo ang lahat ng sasabihin ko."

"Ano ba ang sasabihin mo?"

"Alam kong may namamagitan sa inyo ni Aivan. Alam ko iyon, dahil iyon ang naikwento sa akin ni Stacey.. Sa tuwing magkasama si Aivan at si Stacey ay laging tulala si Aivan na parang may malaking problema, wala siyang pakialam na ang anak ko ang kasama niya. 'Yun ay dahil sa'yo. Hindi mangyayari iyon kung hindi ka pa nakigulo sa pagmamahalan nilang dalawa."

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Nabigla ako dahil hindi ko naman inaasahan iyon, totoo kaya ang sinasabi niya?

"Ano bang ibig mong sabihin?"

"Mamaya... Pagbibigyan ni Stacey si Aivan na puntahan ka. Pero ang gusto kong gawin mo ay ipakita mo sa kanya na niloloko mo lang siya." Sabi pa niya na ikinatigil ko.

Napatingin ako sa lalaking kababa lang mula sa loob ng sasakyan. Hindi naman pamilyar sa akin kung sino iyon.

"May ipinadala akong lalaki diyan.... Ang gagawin mo ang magpapanggap kayong dalawa na mayroong namamagitan sa inyo. Gusto kong ipakita mo kay Aivan na hindi kayo nararapat para sa isa't-isa. Dahil si Aivan ay para lang sa anak ko."

Umiling ako ng paulit-ulit.

"Ayoko! Huwag mo ring sasaktan ang Papa ko kung hindi ay tatawag ako ng Pulis!"

Narinig ko ang pagtawa ng Papa ni Stacey mula sa kabilang linya. "Kumpare ko si General. Siya ang kapit ko sa mga pulis kaya walang maaaring gumalaw sa akin. Malaya kong gagawin ang lahat ng gusto ko."

Mariin akong napapikit dahil sa narinig.

"Kaya gawin mo na ang gusto ko. Ipakita mo kay Aivan na niloloko mo lang siya. Saktan mo, para tuluyan nang mahulog ang loob niya sa anak ko. Saktan mo. 'Yun ang dapat mong gawin dahil kung hindi.. 'Yun ang dapat  mong gawin dahil kung hindi ay papatayin ko ang englisero mong Ama!"

Hindi na ako nakapagsalita dahil kinuha na ng lalaki ang cellphone niya.

"Papasukin mo na si Miguel. Siya ang magiging boyfriend mo mamaya." Sabi ng lalaki na may hawak ng cellphone.

Muntik pa akong mapamura.

Boyfriend?

"Huwag kang tatakas, Avygail. Babantayan ka namin." Sabi ng lalaking nakasuot ng puting damit sabay tutok ng baril sa akin.

Agad na nanlaki ang mata ko sa nakita ko. "Huwag niyo po akong patayin."

"Papasukin mo si Miguel."

Mabilis kong sinunod ang iniutos niya. Pinapasok ko si Miguel sa bahay at nagulat pa si Liz nang makita niya ang lalaki.

"Oh.. Sino ka? Kaibigan ka ba ni Avy?" Tanong ni Liz kay Miguel.

Magsasalita na sana ako ng akbayan ako ni Miguel. "Girlfriend ko."

Nakita ko ang pamimilog ng mata ni Liz, "What the hell, Avygail? Kaka-break niyo lang ni Aivan, ah? Hindi ko nga alam kung formal break-up dahil hindi pa kayo nag-uusap tapos heto?"

Napa-iling-iling ako habang nakahawak sa ulo ko, "Liz... Saka ko nalang ipapaliwanag ang lahat sa iyo.. Ayokong madamay ka dito."

Matapos kumain ni Liz ay saglit siyang nagpahinga at pagkatapos ay nagpaalam na rin. Hindi ko na siya tinutulan pa dahil ayoko naman siyang madamay sa problema ko.

Kaya heto at kaming dalawa na lang ni Miguel ang nasa bahay. Katunayan ay may itsura naman siya. 'Yun nga lang ay kapag kung ikukumpara ko siya kay Aivan ay lamang talaga si Aivan ng maraming beses.

Nalaman ko na binayaran lang pala si Miguel ng malaking halaga para siya ang pumapel sa kalokohan ng Ama ni Stacey.

"Sundin mo na lang ang sinasabi ni Sir Antonio, Avygail... Kilala ko siya, at lahat ng gusto niya ay gusto rin niyang masunod. Walang pinipiling lugar ang taong iyon. Ang lahat ng mali ay tama naman para sa kanya." Pagpapaliwanag sa akin ni Antonio.

Hindi ko na naman namalayang nagsisimula na palang tumulo ang luha ko kaya mariin ko iyong pinunasan.

"A—Antonio... 'Wag mo akong sasaktan."

Ngumiti naman siya, "Hindi naman, kung maaari nga lang ay ayoko kitang hawakan dahil alam kong may magagalit. Pero sumusunod lang ako kay Sir Antonio. Bayad niya ako sa trabaho kong ito. Huwag kang mag-alala. Wala naman tayong gagawing kakaiba sa oras na pumunta si Aivan dito."

Kinuha ko ang cellphone ko sa may lamesa nang tumunog iyon.

Unknown number.

SWEETHEART, PUPUNTA AKO NGAYON SA INYO. OTW NA AKO. NAKITEXT LANG AKO DAHIL WALA AKONG LOAD. #WAIT4ME #EXPLANATION

Hindi na ako nagreply nang mabasa ko ang text niya sa akin.

Basta ang mahalaga ay malinaw na sa akin ang lahat. Hindi naman talaga mahal ni Aivan si Stacey. Pinatunayan iyon ng Papa ni Stacey dahil sabi niya sa akin kanina ay kapag magkasama si Aivan at Stacey ay laging wala sa sarili si Aivan, napapatulala at wala kay Stacey ang atensyon.

Kaya pala...

Kaya pala nang sabihin sa akin ni Aivan na ikakasal na siya kay Stacey ay parang labag pa iyon sa loob niya. Iyon ay dahil hindi naman talaga niya mahal si Stacey.

Isa na lang ang nagpapagulo sa isipan ko ngayon.

Kailangan kong malaman kung anak ba talaga ni Aivan ang ipinagbubuntis ni Stacey.

"Papunta na pala si Aivan... Tara, mag-ready na tayo."Sabi ni Antonio sa akin nang mabasa niya ang text ni Aivan sa akin.

Para bang ayokong sumunod sa gusto niyang gawin pero alam kong sa oras na hindi ko sinunod ang iniuutos sa akin ng Papa ni Stacey ay si Papa naman ang malalagay sa alanganin.

Pumunta kaming dalawa ni Antonio sa loob ng kwarto ko. Nakita ko pa ang paghubad niya ng damit niya at ang tanging itinira na lamang niya ay ang underwear niya.

Tinignan niya ako, "Sige na, maghubad ka na."

Nanatili lang ako sa posisyon ko. Iniisip ko kung lalaban ba ako, pero ano na lang ang laban ko sa lalaking ito? May baril pa siyang dala at inilagay niya iyon sa may gilid ng upuan na malapit sa kanya.

"P—Pwede bang.... Pwede bang ganito na lang?"

Napahinga naman siya ng malalim, "Sige... Pagdating niya, galingan mo ang pag-arte para malaki ang bonus ko kay Sir Antonio."

Ilang saglit pa ay narinig ko na ang boses ni Aivan sa labas ng kwarto. Hindi ko kasi nilock ang gate at pintuan para siguradong makakapasok siya dito.

Gusto kong sabihin sa kanya ang lahat ng problema ko. Gusto kong ipaalam sa kanya para sabay naming masolusyunan pero paano? Anong laban namin sa taong may baril?

"Andyan na siya!" Sabi sa akin ni Antonio.

Mabilis siyang lumapit sa akin at agad na dumikit ang labi niya sa labi ko. Mariin akong napapikit habang pinipigilan ang nagbabadyang paglabas ng mga luha.

Nang imulat ko ang mata ko ay nakita ko si Aivan na umiiyak habang nakatitig sa aming dalawa.

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

4.7M 70.6K 61
[WARNING: R-18 - RATED SPG] [COMPLETED] Caleb Weston is a talented singer, dancer and songwriter. A rising star in the world of show business. I'm a...
246K 5.4K 67
I like you, Sir! Sonia knows that liking a man who doesn't like her is like a big tragedy. But instead of getting furious and feeling inadequate, as...
1.3M 43.9K 55
A love quote once said "The best thing to hold onto in life is to each other" but what will happen pag ang minamahal mo ay hindi mo naman pagmamay-ar...
3.2M 53.7K 66
WARNING: R-18 [COMPLETED] There is an unwritten rule that you can't fall in love with your best friend. And yet, you can ask them to be your F Buddy...