Exhibition

By MaristMolleda

152K 1.8K 115

What if you encounter an exhibitionist? How would you react if a stranger pleasuring himself in front of you... More

Prologue
1st: Desperation on the Spot
2nd: Unsatisfied
3rd: Saliva, Why?
4th: Tag
5th: Kaladkarin
6th: The Internet is for Porn
7th: iPhone worths P1500
8th: Tip
9th: Polar Bear
10th: Congrats
11th: Dry
12th: Ghost
13th: OA Instinct
14th: Fall in Love-este, Line
15th: No Choice, Last Choice
16th: Betrayed
17th: ID
19th: I Just Want to Feel...
20th: On
21st: Help Me
22nd: One More to Go
23rd: Going Strong Daw
24th: Tiktik
25th: Price Your Lust
26th: I Want You
27th: You Said
28th: Thrill
29th: Just For You
30th
31st
32nd: Proud
33rd: Pagsuko

18th: Stayed

2.7K 44 6
By MaristMolleda

18th: Stayed

NAPADPAD kami ni Michael sa gilid ng parking lot kung saan hindi dumaraan doon ang mga discipline officers. Lumingon- lingon pa ako, naniniguro na walang nakasunod. Ligtas na kami rito mula sa parusa .

Huminto na kami sa pagtakbo at hingal na hingal akong  itinukod ang mga kamay sa tuhod ko. Pinunasan ko ng kamay ko ang dumadanak na pawis sa noo at leeg.

Mukha namang wala sa sarili si Michael at parang nanlalata ang katawan. Hindi na siya makatayo ng diretso at nanginginig ang katawan niya.

Alam kong hindi iyon dahil sa pagod. Halo-halo na ang emosyong nakapinta sa mukha niya.

Inalalayan ko siyang umupo sa sementadong upuan.

Naging magaspang ang paghinga niya at nagsimulang mangatog ang panga niya.

Hinagod-hagod ko ang likod niya. Hindi maipagkakaila kung gaano siya nasasaktan ngayon. Nasaksihan pa niya ang pagtataksil na ginawa sa kanya ng babaeng mahal niya.

Sinubukan niyang pigilan ang umaalpas na hikbi niya kasabay ng pamumuo ng tubig sa mga mata niya pero hindi niya nagawa at humantong pang tuluyan siyang mapahagulgol at bumuhos ang mga luhang kanina 'y ayaw niyang pakawalan.

Hinayaan ko lang siyang maging ganoon. Hinayaan ko siyang ilabas niya ang sama ng loob niya. Hahayaan ko siyang kusa niyang sabihin ang nararamdaman niya.

Shunga ka kasi eh.  Siya pa 'yung minahal mo. Pwede namang ako.

"Ang tanga-tanga ko. Dapat hindi na lang siya ang minahal ko," sabi niya sa pagitan ng mga hikbi.

Iyan nga 'yung gusto kong sabihin kanina.

"Akala ko no'ng naging kami, magbabago siya. Pinakitaan ko siya ng respeto kahit alam ko noong una pa lang na gano'n siya. Hindi ko siya pinakialaman, pero ibang—–" Humugot siya ng hangin. "Iba-ibang lalaki pa rin ang gagalaw sa kanya. Akala ko hindi na siya sasama sa ibang lalaki. Kung gusto niya pala ng sex, pwede naman ako mismong boyfriend niya. Bakit sa iba pa? Hindi naman ako tulad ng ibang lalaki na sex lang ang habol sa kanya. Minahal ko siya. Siya lang ang kailangan ko. Iyong mahalin niya rin ako. Pero wala akong natanggap galing sa kanya. Hindi ko naman kasi hiningi. Hindi naman kailangang hingiin, eh. Ako 'yung kusang nagmahal. Gusto ko kusa niyang ibigay nang walang alinlangan. Pero sa iba niya binigay. Sa gagong Olano na 'yon na kung sino-sino rin namang kinakama." Mapait na ngumiti siya. "Kahit niloloko na niya ako minamahal ko pa rin siya. Hindi ko ginagawa sa kanya 'yung ginagawa niya sa 'kin. Hindi ko pinamumukha sa kanya ang panloloko niya sa 'kin. Hindi ko siya sinumbatan kahit ang sakit-sakit na! Kailangan ko pa palang makita mismo bago ako matauhan."

Akma niyang pupunasan ang mukha niya nang tumayo ako sa harap niya. Ako ang nagpunas ng basang dulot ng pasakit sa kanya, mga luhang walang tigil na umaagos sa pisngi niya.

Napayakap siya sa akin ng mahigpit at sumubsob sa ibaba ng dibdib ko at noon pa siya lalong umiyak.

Niyakap ko rin siya at hinaplos-haplos ang buhok at likod niya. Ito lang ang magagawa ko.

Pwede kong ibigay sa 'yo 'yung hindi naibigay ni Hina. Hindi ko gagawin 'yung ginawa niya sa 'yo. Hindi kita iiwan, hindi kita babaliwalain, nandito lang ako, makakasama mo kahit kailan. Maghihintay at magbabaka-sakaling ma-realize mong ako dapat ang mahalin mo.

Nang humupa na ang pag-iyak niya, hindi niya napigilang maglahad pa ng kung paano sila nagkakilala ni Hina. Noong unang pagkikita nila. Kung paano niya niligawan na agad siyang sinagot. 'Yung memorable moments sa relasyon nila. Masayang-masaya pa nga siya habang nagkukwento. May kinang ang mga mata niya habang inaalala ang masasayang sandaling iyon. At kaya pala ganito na lang kung makaakto si Michael ay si Hina lang pala ang tanging naging girlfriend niya. Walang nauna, walang sumunod—–kung hindi kami magkakaroon ng chance ni Michael.

Nakikinig lang ako. Iyon kasi ang tinuro sa amin sa klase, kahit hindi ka psychologist, kapag nagkukwento specially, naglalabas ng sama ng loob ang isang tao, maging attentive lang, huwag munang tanong ng tanong o mag-react ng pasalita. Madi-distract kasi ang nagko-confess at baka hindi maituloy o masabi lahat ng gusto niyang ihayag. Sapat na ang patango-tango lang na ipinahahatid mo sa kanyang nakikisimpatya ka sa sinasabi niya.

Pero hindi ko pa rin napigilang magtanong sa kasagsagan ng pagre-reminisce niya.

"Hindi ba sexual attraction 'yung naramdaman mo noong nakilala mo siya?"

"Never," maikling sagot niya sabay iling.

"Talaga? Ang swerte naman niya." Napangiti ako ng mapait. Sana ako rin. "Bihira na nga lang 'yung lalaking matino, mapupunta pa sa babaeng hindi deserving. Katulad mo at ni Hina. Alam mong ganu'n siya pero hindi mo pa rin siya pinakawalan. Pero sinayang ka."

"Kasalanan ko rin kasi. T-in-olerate ko siya."

"Pero may nangyayari rin naman sa inyo, 'di ba?" lakas-loob na pag-i-invade ko sa privacy niya. Lubus-lubusin ko na tutal kanina pa sensitibo ang paksa namin. Atleast, nakinabang ka rin sa kanya.

"Never may nangyari sa amin."

Napakunot-noo ako at nanlaki ang mga mata. "Pero 'yung sa shower room sa gym, a-ano 'yun?"

Medyo natawa siya at napakamot sa ulo. "N-nu'ng nahuli mo kami noon, hindi namin 'yun naituloy." Napahalakhak siya ulit ng mas malakas. "Virgin pa 'ko."

Matatandaang noong lumabas ako sa paliguan ng gym dahil sa sakit at awkwardness na makita sila sa kababalaghang ginawa nila, sumunod sa akin si Hina. Pinabalik ko siya kay Michael dahil sa katunayang ayaw ko siyang makita at dinahilan na ituloy muna nila ang ginagawa nila nang hindi sila mabitin lalo na si Michael.

Napilitan akong tumawa para makisakay kay Michael pero mabilis na napawi iyon dahil sa sumunod na sumagi sa isip ko. "Kung makikipagbalikan siya... tatanggapin mo pa ba siya?" Tumingin ako sa kanya ng diretso.

"Hindi na. Ayoko na. Unang beses, kasalanan niya, pangalawang beses, kasalanan ko. Pero hindi lang ito pangalawang beses, maraming beses na, kaya ako lang din ang nananakit sa sarili ko."

Tayo kaya? Magiging more than friends kaya tayo?

Walang sabi-sabing kinabig niya ako at sumiksik siya sa balikat ko na ikinatulala ko. Ramdam ko ang pag-akyat ng init sa pisngi ko.

"Thank you sa pakikinig. Thank you sa pag-stay sa tabi ko. Pinagaan mo ang loob ko." Pagtagal ay kumalas na siya sa yakap.

Malaki ang ngiting ibinigay ko sa kanya. Pinipigilang lumabas ang kilig na nararamdaman ko. "'Yun din naman magiging career ko pagka-graduate ko. Kumbaga, parang advance on the job training 'to."

Hindi na ako pumasok sa mga sumunod kong klase at sinamahan ko si Michael. Ginawa ko ang lahat para mapasaya ko siya, para kahit paano 'y sandali niyang malimutan ang mapighating karanasan. Kung saan-saan kami pumunta, hanggang sa napadpad kami sa park kung saan maraming couples ang namamasyal. Nan-trip kami at nambulabog sa mga sweet moments ng mga tao roon lalo na sa mga halos nagme-make out na.

"Walang poreber! Maghihiwalay din kayo niyan."

"Hindi ka niyan mahal!"

"Sex lang habol sa 'yo niyan!"

"Aanakan ka lang niyan para remembrance pero bigla na lang 'yang 'di magpaparamdam."

Tawa kami ng tawa sa bawat sigaw naming iyon kapag nakikita namin ang reaksyon nilang ang iba 'y halatang naalibadbaran.

Si Michael talaga. Dahil nasira ang love life niya maninira naman siya ng relasyon ng iba.

Nang magsawa kami sa panggugulo, nilibre niya ako ng ice cream, cotton candy at palamig, at kumain kami sa isa sa mga bench doon. Heto ba 'yung tinatawag na "relationship goals"? Para kaming nagde-date.

"Pasensya ka na, ha. Naabala pa kita. May pasok ka pala, 'di mo sinabi," nakokonsensyang sabi niya habang dumidila sa ice cream.

"Okay lang 'yun, 'no. Wala naman kaming gagawin du'n," ani ko. Sigurado, iyong isang prof hindi na naman pumasok. Ang isa, nag-discuss lang nang nakaka-boring.

"Sayang 'yung attendance," panghihinayang niya.

"Ikaw rin kaya, hindi ka pumasok," pakli ko.

"Tutulo 'yung ice cream!"

Bumaling ako sa ice cream ko at nakita ko ngang tumatagas na iyon sa cone kaya hinimod ko nang biglang dumukwang si Michael at dumila rin sa ice cream.

Natigilan kami pareho. Maliit na distansya na lang ang pagitan ng mukha namin. Muntik ding magdikit ang mga dila namin.

Lumayo siya at umiwas ng tingin. "S-sorry."

Naisara ko ng mariin ang labi ko. "Ahmm... Okay lang." Pakiramdam ko, napapamulahan ako. Nagwawala nang labis ang maharot kong puso.

"Ako na lang ang kakain niyan. Bibilhan na lang kita ng bago. May laway ko na 'yan, eh," sabi niya.

"Hindi na. Okay lang. Hindi naman ako maarte, eh. Wala ka namang sakit, 'di ba?"

"Meron."

Napabaling ako sa kanya at parang kumirot ang puso ko dahil sa nabatid. "M-may sakit ka? A-ano 'ng sakit mo?"

"MERSCoV."

"Ano?!"

Napahalakhak siya ng malakas dahil sa reaksyon ko.

Pinaikot ko ang mata ko. Hindi halatang  galing sa heart break. Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa ice cream. Mabilis na bumalik sa akin ang nangyari kani-kanina lang. May laway niya ang ice cream ko. Para na rin kaming nag-kiss. Iyong tinatawag na indirect kiss. At sa kalikutan pa ng isip ko, para na rin kaming muntik na mag-torrid kiss kanina.

Kalaunan ay nag-decide na akong pumasok sa work. Iyon, kailangang kailangan ko iyon at hindi ko dapat ipagpaliban. Pero hindi pa rito natatapos ang pagtulong ko kay Michael na maka-move on.

Continue Reading

You'll Also Like

8.6M 147K 46
Always the bestfriend but never the girlfriend
11.6M 472K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...
41.5K 1.2K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.
7.9M 202K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...