Demon's Obsession

By Taciturnelle

413K 9K 798

Everything around her was prosaic... not until she met him... the devil himself. Ctto for the photograph. More

NOTICE
Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-one
Twenty-two
Twenty-three
Twenty-four
Twenty-five
Twenty-six
Twenty-seven
Twenty-eight
Twenty-nine
Thirty
Thirty-two
Thirty-two (2)
Thirty-three
Thirty-four
Thirty-five
Thirty-six
Thirty-seven
Thirty-eight
Thirty-nine

Thirty-one

6.4K 191 11
By Taciturnelle

Back

---♦♦♦---

KUMALAT sa campus ang balita tungkol kay Zach. Marami ang nagulat dahil hindi naman mukhang pala-away ang lalaki. Maamo ang mukha ni Zach at saka mabait pa kaya malayo talagang magi itong basagulero. Ako man ay nagulat ngunit lamang ang pag-aalala. Sana ay maayos na ang kalagayan niya.

"Who would've spread the news?" Nicki asked, her arms crossed and eyebrows arched upwards.  Tinignan niya si Lili.

The latter shrugged and swallowed her dim sum. "What? I don't know!"

Hala, bakit ang defensive niya? Winaksi ko iyon sa isip at nagpatuloy sa pagkain.

"Why are you defensive?" Nicki squinted her eyes at Lili.

"Bakit ang accusing ng tingin mo? You're mean!" Lili pouted.

Bago pa magsimula ang walang katapusang bangayan nila, pinutol ko na ang usapan nila. I poked Lili's arm. "May tumatawag," turo ko sa phone niya. Naka-silent iyon.

Kinuha iyon ni Lili at hindi na nag-abalang tumayo pa saka sinagot ang tawag.

"Hello, dad?" she paused. I continued eating and so does Nicki. Mas pinagtuunan ko ng pansin ang aking kinakain. "Okay, bye." Binaba niya na ang tawag makalipas ang ilang sandali. She let out a sigh kaya napatingin kami sa kaniya.

"Problem?" tanong ni Nicki.

Lili groaned. "Daddy's pressuring me again." Napasubo ito ng ilang dim sum pagkatapos. Wow, she's really stressed out.

"About the party?"

"Yes!"

Pumangalumbaba si Nicki at bumuga ng hangin para liparin ang bangs niya. "I feel you."

"Party?" naisatinig ko. Hindi ko na naman napigilan ang bibig ko. Sa akin nabaling ang atensyon nila.

"Yeah, for the homecoming of Señor Del Cielo." Si Nicki ang sumagot.

Wait, I've heard that name before. Oh right, iyong sa news. "Uh, ayaw niyo ba sa party?" Kung si Nicki ang aayaw, hindi na ako magtataka. Pero pati si Lili? I mean, she is a social butterfly kaya bakit ayaw niya sa ganoong party?

Lili rolled her eyes. "If we're talking about the party per se, of course I'd love it!" She leaned forward. "But the agenda of that party? A big no."

Mas lalo lamang akong naguluhan sa sinabi niya. Nicki seemed to notice so she butted in. "Doon kami maghahanap ng mapapangasawa. Kailangang may maiharap kami sa parents namin after the party or if we're lucky, during the function is much appreciated," she explained.

"Pero paano kung wala?"

Nicki shrugged. "Then we're labeled as disgrace."

I gasped. Oh my, you wouldn't really enjoy the party if that's the case. Ang hirap pala maging parte ng elite. Mabuti na lamang isang simpleng mamamayan lamang ako. "Ganoon ba sa lahat ng party na pinupuntahan niyo? Bakit hindi na lang kayo tumanggi?"

Umiling si Lili. "Other parties, we can make excuses. Lalo na kung hindi gaanong malaking pangalan ang nag-host. But this one," she pointed her phone sitting on the table. "There's no excuse here. This is a huge event. It's the Del Cielos we are talking about, afterall."

Ako ang na-stress sa kanilang dalawa. Thinking about those crowd of people, my social anxiety could never. Hindi ako kumportable sa maraming tao. A year isn't enough to build confidence to bear with the overwhelming presence of crowds. Yes, I try to be friendly but that doesn't mean that I'm comfortable around people all the time.

"More guests mean more prospects. I'm sure the families from the top ten will be there."

Lili agreed. "Yeah, Señor Leandro Del Cielo is a big name. Do you think his daughter came with him?"

"Probably."

"How about the De Michelis? You know the feud between the two."

Pumikit ako nang makaramdam ng sakit ng ulo. Sa init lang siguro. Naglakad kasi kami sa initan kanina papunta rito sa restaurant sa loob lamang din ng campus.

"I remember of course. It's like the most anticipated soap opera in the business world. Imagine, two giants clashing against each other. It was eventful." She paused. "It was years ago, they must've reconciled somehow."

"Yeah, people have already forgotten. I'm just amazed by the Señor's influence. I mean, he used to be rank one- and two after the De Michelis- and now, he's not even in top ten but all the giants today are scramming to his event."

"He's a business genius, even Dad said that. In no time, he'll find a spot in the top ten again. I'm not surprised if he surpasses the Tuasons. However, it's another case for the De Michelis."

"Kirah, are you okay?" tanong ni Lili. Hinihilot ko na ang sentido para maibsan ang sakit.

Dumilat ako. Their worried eyes met mine. "Uh, oo." Inayos ko ang mga gamit bago tumayo. Nakasunod lamang sila ng tingin. "Mauna na ako sa inyo, malapit na pala ang klase ko." Totoo naman iyon pero dadaan muna ako sa clinic para humingi ng gamot.

Sabay na tumayo sina Mr. Bruce at Mr. Fred. Nakalimutan kong nasa kabilang table lang pala sila. Masyado akong engrossed sa kuwentuhan namin kanina. Tahimik na nakasunod lang sila sa akin palabas. Kinuha rin nila ang mga gamit ko na binigay ko na lang din nang walang reklamo. My head's in so much pain for another conversation.

"Wait, who are they?" Narinig kong tanong ni Nicki. Mukhang tumayo pa ito dahil narinig ko ang pag-usog ng silya.

"Shhh, they're with her." Pigil ni Lili.

Tuluyan na kaming nakalayo sa kanila para marinig pa ang sunod nilang pinag-usapan. "Hindi ito ang daan sa susunod mong klase, signorina." I think it was Mr. Fred who asked.

"Sa clinic po tayo," sagot ko.

"Ayos ka lang ba? Tatawagan ko ang capo."

"Huwag!" Nilingon ko agad ito at nakitang akmang ilalabas na nito ang phone mula sa bulsa. Tila pumintig ang ulo ko. Natigilan naman silang dalawa.

Mariin akong pumikit. Nang medyo humupa ang sakit, saka ko siya sinagot. "Huwag na po. Hihingi lang ako ng gamot sa clinic," marahang paliwanag ko. Nagkatinginan sila. "Ayos lang ako, Mr. Fred, Mr. Bruce." I assured them.

Tumango sila kahit halata ang hindi nila pagsang-ayon sa gusto kong mangyari. Nagpasalamat naman ako. I can't argue right now. To be honest, just talking to them was worsening my pain.

Tinalikuran ko na sila at nagsimulang magmartsa patungo sa clinic. Hindi ko na pinansin ang mga tingin sa gawi namin. My eyes are focused on the clinic's door down the hallway.

Naiwan sa labas ang dalawa. Nakita ko agad ang nurse pagpasok ko. Wala ang doctor kaya binigyan niya na lang ako ng gamot. She said I should have my head checked up. Naalala niyang ako iyong sinugod dito noong nakaraan na walang malay.

Agad kong ininom ang gamot. Ilang minuto lang ay eepekto na ito ngunit habang wala pa, pinaupo muna ako ni Nurse Angel sa isang kama roon. "Salamat po," I said.

Umalis siya dahil pinapatawag daw siya ng president, tulad ng iba pang nurses at doctors doon. May naiwan lang daw talaga siya kaya buti naabutan ko siya.

Sinulyapan ko ang wall clock. May isang oras pa ako bago ang susunod na klase. Inaantok ako, side effect yata ng gamot. Humiga ako sa kama. Iidlip muna ako ng ilang minuto.

Before my eyes closed, I heard the door opened. "Signorina?"

"Where are you? There you are!"

The girl shrieked. "Papá!"

PANTING, I opened my eyes. The white ceiling greeted me. Nasa clinic pa rin ako. Napahawak ako sa noo nang maalala ang panaginip. I saw a man through the eyes of a little girl. I was the girl and he seemed like the father, my father.

But that's impossible. My father is Nestor Mendez and I call him Papa. Maybe I changed the way I call him after the accident? Nakakawala siguro ng accent ang amnesia. It was a traumatic period in our family after all.

I glanced at the wall clock and I almost scrambled to my feet. Pitong minuto na lang, magsisimula na ang klase! Lumabas ako ng makeshift room. Hindi ko alam kung sino ang nagsarado ng kurtina pero wala na iyon sa isip ko. But I halted abruptly upon seeing Mr. Bruce and Mr. Fred inside the clinic, sitting rigidly. Mabili silang tumayo pagkakita sa akin.

"Oh my. Sorry po, hindi ko kayo nasabihan!" Matagal siguro silang nakatayo sa labas. Nakaka-guilty! "Pero, mamaya na po ‘yun. Male-late na ako." Tumakbo na ako palabas ng clinic, hindi na hinintay ang sasabihin nila.

Pero mabilis din silang nakabawi at nakasunod sa akin. Ngayon, tatlo na kaming mukhang ewan na tumatakbo sa hallway.

Hinihingal na tumigil ako sa tapat ng pinto. Kung ako halos kapusin na ng hangin, ang mga kasama ko parang pinawisan lamang. And that's on exercise!

Inabot nila sa akin ang mga gamit ko. Agad akong pumasok matapos kong magpasalamat sa kanila. Medyo late ang professor kaya nakahinga ako nang maluwag. Agad siyang nagturo paglapag niya ng dalang libro.

Ang gusto namin kay Mrs. Capili, she doesn't care if we're listening or not as long as we're quietly doing our business and doesn't interrupt her discussion. She sees to it that her lecture is finished on time. Pabor iyong ganoong set up sa akin dahil medyo lutang ako ngayon.

But most of the time, I'm against it. Nadidistract kasi ako sa katabi kong mahilig kumain. Minsan nga gusto ko siyang kalabitin at manghingi ng kinakain niya pero hindi naman kami close. Russel is an aloof man. Akala ko noong una, Barrel ang pangalan niya. Everyone calls him that. Iyon pala, nickname lang nila iyon sa kaniya.

Nahihiya ako sa kaniya kasi lagi ko siyang tinatawag na Barrel sa isip ko. I felt bad. Kaya hindi na ako nagkalakas ng loob na makipagkaibigan sa kaniya.

They say time flies fast when you're having fun. I think it flies faster when your head's in the clouds. Parang kumurap lamang ako tapos biglang uwian na. Namalayan ko na lang na palabas na ng classroom si Mrs. Capili.

"Bye...ma'am." She doesn't get to hear our goobye everytime. Mabilis kasi siyang lumalabas ng kuwarto pagkatapos ng walang tigil na pagsasalita. She's a snob, like most of the professors here. But she's nice. Minsan nang makasalubong ko siya sa hallway at binati, ngumiti siya pabalik.

Habang nasa sasakyan pabalik ng mansyon, tumunog ang phone ni Mr. Bruce. Tensyonado siya nang ibaba niya ang tawag.

"Okay ka lang po?" tanong ko. Nasa passenger seat siya.

Sinulyapan niya si Mr. Fred na nagmamaneho. "Detour. Fourth Alert." Tumango ang huli, umiigting ang panga.

Naguluhan ako sa pangyayari. Anong pinag-uusapan nila? Biglang bumilis ang takbo ng sasakyan matapos mag-U-turn ang sasakyan namin.

"Bakit po kayo nag-U-turn?"

Nilingon ako ni Mr. Bruce. "Sa apartment mo tayo didiretso, signorina. Iyon ang utos sa amin."

Mas lalo lamang akong naguluhan. "Bakit po?"

"Mabuting ang capo na lamang ang tanungin mo, signorina."

Nakalimutan ko na ang pagtataka nang huminto kami sa tapat ng dati kong apartment. Ang bahay namin. I missed this! Bitbit ang mga gamit, naglakad ako palapit doon. Bukas ang gate.

"Kaka-check lamang ng iba naming kasama sa loob," Mr. Bruce explained. Nakasunod siya sa akin.

"M-may pumasok sa bahay ko?" I asked, horrified. The thought of someone entering my house was creeping me out.

Umiling siya. "Dito lamang sa bakuran saka sa likod-bahay. Maayos na nakasarado ang mga pintuan at bintana kaya hindi na tinignan pa ang loob."

I sighed in relief. That's good to hear.

"Pumasok ka na, signorina at huwag nang lumabas kung maaari para sa kaligtasan mo. Dito lang kami."

Tumingin ako kay Mr. Fred na nasa likod niya. Tumango ito sa akin. I sighed. Binuksan ko ang pinto at tuluyang pumasok sa loob. Alam kong hindi sila papasok. It's just weird knowing someone's out in your doorstep or in your lawn but they're not getting in. I shook my head to clear my thoughts.

Nilapag ko ang bag sa upuan. Ganoon pa rin ang natatandaan kong ayos ng mga gamit sa gabing...kinuha niya ako.

Makapal na ang alikabok sa mga ito kaya maglilinis muna ako bago gumawa ng hapunan. Bago iyon, umakyat muna ako sa kuwarto ko at nagpalit ng damit. I looked around and the nostalgic feeling hit me. This was my home...for more than a year. Now I understand what they say that home is where the heart is. Because this isn't where my heart is and nothing compares to the feeling when I am in my home, when I am in his arms. However, as this place holds most of my memories and the ones with my parents, I am feeling nostalgia. Oh heavens, I missed him.

Dalawang oras ang ginugol ko sa paglilinis. Napakaraming alikabok ang naipon. Nanlalagkit ako pagkatapos kaya nagpasya akong maligo muna kahit kumakalam na ang sikmura ko.

Hindi nagtagal, natapos din ako. I went downstairs and straight to the kitchen. I ferreted out my almost empty cabinets, hoping for a food to appear but I hoped for nothing. I let out a sigh of defeat. Maybe I'd make instant noodles for dinner.

Kinuha ko ang natatanging laman ng cabinet ko, isang pack ng instant noodles. Kinuha ko na ang kaserolang pagkukuluan ng tubig nang may kumatok sa pinto. Binitawan ko ang hawak at lumapit doon.

"S-sino ‘yan?"

"Si Bruce po ito, signorina."

Nakahinga ako nang maluwag. Binuksan ko ang pinto. Naroon nga si Mr. Bruce. Bumaba ang tingin ko sa dala niyang paper bag. May tatak iyon ng restaurant na minsan nang nag-deliver sa penthouse ni Dean.

"Dinner niyo po," he said.

Kinuha ko iyon. "Salamat po. Kayo po, hindi po ba kayo kakain?"

Umiling siya. "Huwag mo na kaming problemahin, signorina. Hindi pa oras ng pagkain namin."

Hesitantly, I nodded. Mukhang hindi ko na sila mapipilit kumain ng dinner dito sa loob. "Okay, salamat po."

Tumango lamang siya. Bago ko isara ang pinto, nahagip ng tingin ko ang aking bakuran na may nagkalat na limang lalaki kung hindi ako nagkakamali. Bile rose in my throat.

I'm in danger.

My stomach growled once again so I shook the thoughts off for a while. Mabilis kong kinain ang binigay ni Mr. Bruce at umakyat sa kuwarto pagkatapos. Nag-toothbrush ako at naghilamos. After I locked the door to my room and balcony, I quickly kneeled beside my bed and uttered a prayer. Please keep me safe, Lord.

I jumped in my bed right after. Who cares about acid reflux? I'm damn scared right now. Hinila ko ang kumot hanggang sa dibdib ko at mariing pumikit. Ilang sandali pa'y nilamon na ako ng dilim.

Naalimpungatan ako nang may maramdamang mabigat na nakapulupot sa bewang ko. Nakita ko ang madilim pang kalangitan mula sa pinto ng balcony. Hindi ko mawari kung gabi ba o madaling araw.

Naalala ko ang brasong nakapulupot sa akin ngayon. Pumihit ako paharap sa kaniya. Bumungad sa akin ang natutulog niyang anyo. "Dean?" My voice was hoarse. Slowly, he opened his eyes.

Hinapit niya ako lalo palapit. "Shh, let's sleep again, my little dove." Tapos pinatakan niya ako ng halik sa labi. Pinalibot ko rin ang braso sa kaniya. I drifted off to sleep with a smile on my lips.


x
©Taciturnelle

Continue Reading

You'll Also Like

12.2M 537K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...
364K 11.2K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.
1.5M 52.6K 43
(Game Series # 9) Mauro Eugenio dela Rama's life revolved around school and work. At times, he felt like drowning pero hindi siya pwedeng magreklamo...
29.3M 1M 69
From strangers to friends. From friends to close friends. From close friends to lovers. When Joey met Psalm, she didn't think that they'd ever be to...