CHAPTER TWENTY-THREE
"YES! ONE week na lang at matatapos na ang semester na 'to!" Trisha cheerfully said to Agatha while they were strolling in a mall.
Napangiti si Agatha at nahawa sa excitement ng kaibigan. "Oo nga. Tatlong final exams na lang rin ang kukunin natin."
"Don't forget our piano recital for the closing of this semester. Kailangan pa nating mag-practice nang mag-practice!"
Pito ang subjects nila ni Trisha pero exempted sila pareho sa finals ng apat na subject kaya naman tatlong subjects na lang ang kailangan nilang pagtuunan ng pansin. Ibig sabihin din niyon ay mas marami na rin silang oras na mag-practice ng mga tutugtugin nila para sa end of the semester recital nila. Their classes, also, officially ended this week. Puro exams na lang talaga sila para sa susunod na linggo.
"Ang bilis ng mga araw, ano?" sabi niya. "Parang nung isang araw lang kasisimula pa lang natin ng first semester."
"Yeah," Trisha agreed. "At hindi na rin natin mamalayan na kukuha na ulit tayo ng diploma after the next sem. Basta matapos lang natin ang thesis natin at ma-defend iyon. Oh! Nararamdaman ko ulit ang feeling noon nang gr-um-aduate tayo sa unang course natin!"
Agatha nodded. "Yeah, I can feel that, too. Pero mas masaya ngayon kasi ga-graduate tayo sa course na gusto talaga natin."
"Tama!" sabi ni Trisha. "Anyway, what will you do during the sembreak?"
Nagkibit-balikat si Agatha. "I don't know. Maybe I'll continue with my research for my thesis. Alam mo naman na may bakasyon nga ako pero wala namang bakasyon si Reeve. So, wala kaming planong magbakasyon or whatsoever," aniya. "Ikaw ba?"
Napansin niya ang pagsimangot nito.
"Why?" nagtatakang tanong niya.
"Di'ba nakatanggap kayo ni Reeve ng invitation para sa reunion ng drama club ng highschool alma mater natin?"
"Yes. Nakatanggap ka rin, di'ba?"
"Oo. And you know what?"
"What?"
"Member din pala si Prince ng drama club!" naiiritang sabi nito.
Natawa siya. "Hindi na nakapagtataka iyon since bestfriends sila ni Reeve ever since. Actually, ang kuwento sa'kin ni Reeve, si Prince ang nagpumilit sa kanya na sumali ng drama club."
Napabuga ito ng hangin. "I don't wanna see him!"
"Eh, Trish, next month pa naman iyon saka hindi naman siguro ganoon katagal ang reunion party. Besides, baka hindi mo siya masyado makita doon dahil sigurado mga ka-batch nila ang kasama nila Prince habang mga ka-batch naman natin ang mga kasama natin."
"Sana nga ganoon lang ang gagawin namin sa reunion party," mahinang sabi nito.
"Bakit? Ano bang meron?" aniya habang sumusulyap sa kanyang wristwatch.
"You see, I was contacted by Mrs. Salvador last week. Tinatanong niya kung natanggap ko daw ba ang invitation. When I said, yes that I would come, humingi siya ng favor."
"Anong favor?"
"Kung pwede daw ba 'kong maging lead ng isang short play na sinulat niya na ipe-present sa mismong reunion party as part of the program. Pumayag ako since wala naman nang pasok para sa mga scheduled na practice days," anito.
"Wow! That's great! Iyon ang gagawin mo buong sem break?"
"Oo," anito na nakasimangot pa rin. "Guess who will be my leading man?"
Nanlaki ang mata niya at maya-maya ay natawa siya. "Si Prince?"
Lalong lumukot ang mukha nito. "Sa lahat-lahat ng kukunin ni Ma'am Salvador na ka-partner ko, si Prince daw ang naisip niya kasi si Prince ang pinakamagaling nung batch nila! Nakakainis! Nakakainis talaga! Hindi ko naman na puwedeng bawiin ang pagpayag ko kasi asang-asa si Ma'am sa 'experimented team-up' na ginawa niya para sa play!"
She tapped her bestfriend's back. "It's okay, Trisha. Magaling ka naman diyan. Just act professional sa mga roles niyo ni Prince. Tungkol saan ba ang play?"
Trisha made face. "R-Reunited lovers."
Agatha laughed harder this time. "Wow! Bagay na bagay sa inyo ni Prince!" she teased.
"Stop it, Agatha! Akala mo nakakatawa? Nakakainis kaya!" she irritatingly said. "Dapat kasi hindi ako pumayag kung pinaalam lang sa'kin agad ni Ma'am na si Prince ang makaka-partner ko. I should have said no! Hah!"
Hindi pa rin mapigilan ni Agatha na mapanuksong ngumiti sa kaibigan na inirapan lang siya. "Destiny na talaga 'yan."
"Ano ba, Agatha? Stop teasing me. Kaibigan kita di 'ba? Dapat tinutulungan mo 'ko," helpless na sabi nito.
"Trisha, why do you keep on avoiding Prince if it's pretty obvious that you like him?" tanong niya. Napansin niya na tila natigilan ito. "If it's about what happened in the past, why not forgive him? Tutal naman, bumalik na siya ngayon. I know that he likes you, too. Alam mo rin iyon, di 'ba? Why not give your love another shot?"
Nag-iwas ito ng tingin sa kanya. "I don't know what you're saying."
"Hindi ba talaga?"
"Hey, may kailangan ka pang puntahan ng five o'clock, right?" mabilis na pag-iiba nito nang usapan na hinayaan na lang ni Agatha. If Trisha wasn't ready yet to speak about her feelings then she'll let her be.
Napatingin ulit siya sa kanyang wristwatch. Alas kuwatro-y-medya na. Kailangan na nga niyang makaalis para makapunta on time sa usapan nila ni Johann.
"Oo nga," aniya.
"Ano nga pa lang aasikasuhin mo? Sinong kasama mo?" usisa nito.
"Ahm... nothing much. I'll be with a... f-friend," pagrarason niya. Hindi niya naman kasi pwedeng sabihin na sasamahan niya si Johann sa ospital para makapagpasa sila ng DNA samples. Pinangako niya sa kanyang "secret brother" na wala muna siyang sasabihan na kahit sino sa relasyong meron sila.
Tumangu-tango ito. "Okay."
"So, I'll leave you here?"
Tumango ito. "Yup! Pupunta na lang ako ng department store para makakita ako ng damit na puwede kong suotin sa recital next week."
Tumango siya. "Okay, then. I'll go ahead," paalam niya. Nag-beso sila bago siya umalis.
Mula sa kinaroroonan niyang mall ay malapit lang ang ospital na pupuntahan nila ni Johann. Nag-usap sila na magkita na lang sa labas ng mall at sabay nilang lakarin ng ospital.
Paglabas niya nang mall ay nakita niya agad ang kapatid.
"Hello, kuya!" bati niya rito.
Johann smiled and lightly patted her head. "Hello, little princess. Nadala mo ba?"
Tumango siya at nilabas sa shoulder bag niya ang hindi pa hugas na mug na nasa loob ng isang ziplock plastic. Ginamit iyon ng Daddy niya at makakatulong iyon para sa pagsisimula ng DNA testing. Inabot niya iyon dito.
Kinuha ni Johann iyon at nilagay sa dala nitong backpack. "So, sasamahan mo talaga ako?"
Mabilis siyang tumango. "Yes, I will. Ibibigay lang naman natin 'yan sa hospital, right?"
"Yup! Halika na."
Sabay silang naglakad patungo sa ospital na malapit lang sa mall. After 10-15 minutes, nasa ospital na sila at kausap ni Johann ang kaibigan daw nitong doktor na kinausap nito upang magsagawa ng DNA testing. Her brother filled up some form and surrendered the things needed for the DNA test before they left the hospital.
It's been three weeks since she learned about her possible relationship with Johann. Nararamdaman na rin naman siya na kapatid niya talaga ito. Gusto na nitong magpa-DNA noon pa pero ngayon lang sila nakahanap ng oras para asikasuhin iyon.
"Kailan daw malalaman ang results?" tanong niya.
"One month from now," Johann answered.
"Wow! That fast?"
Tumango ito. "Ganyan talaga if you have connections," nakangising sabi nito. "Let us hope that it's positive."
"Eh, positive naman talaga iyon," nakangiting sabi niya. "We knew that."
"Pero iba pa rin talaga kapag may written proof. For now, let's chill. Para kasing mas excited ka pa kaysa sa'kin."
"Of course! Gusto ko na kayong magkakilala ni Daddy. Pati si Mommy, gusto kong makilala mo. They are wonderful parents. They'll love you and you will love them, too."
"I surely will, little princess. That moment will come," nakangiting sabi nito. "Sandali, bakit ka ba nasa tabi ng kalsada? Baka masagasaan ka. Dito ka sa kabilang side."
Lumipat naman siya sa kabilang side nito. Ito na ang nasa side kung saan may mga dumadaang sasakyan. "Feel na feel mo na ang pagiging kuya, ah," tukso niya rito.
Kinindatan siya nito. "Siyempre! I really like to have a sibling. Nung nalaman ko naman na meron pero hindi ko malapitan, medyo nakaka-frustrate. Ngayong alam mo na, I want us to catch up with our lives. Gusto ko maging "the best kuya" sa'yo."
Napangiti siya at kumapit sa braso nito. "Gustung-gusto ko rin magkaroon ng kapatid since I was little. Pero, critical nga lagi para kay Mommy ang magbuntis kaya tinanggap ko na lang na magiging only child lang ako. But, I never stopped praying. And God answered my prayers. At least kahit pa twenty-five na 'ko, I still found you, kuya." Although marami siyang mga pinsan na lalake na tumayong mga kuya niya, still, iba pa rin ang pakiramdam kapag may totoong kapatid.
"Naks! Ang sweet naman! Akala ko ba kapag magkakapatid, laging nag-aaway?"
"We're too big to pick a fight," sabi niya. "Hey, kuya, you wanted to be the best brother, di 'ba? Treat me for snacks!"
Natawa ito. "Ganyan na pala sukatan ng pagiging mabuting kapatid. Buti na lang naka-suweldo na'ko kahapon. Sa'n mo ba gusto kumain?"
"Ice cream parlor! May nakita ako sa mall kanina. I'm craving for banana split."
"Banana split it is," nakangiting sabi ni Johann. Inakbayan siya nito nang patawid sila ng kalsada para makabalik sa mall.
Nang nasa mall na sila at mabilis na nahanap ang ice cream parlor na sinasabi ni Agatha ay agad silang um-order. They spent a lot of time talking about their lives while eating their three-scooped ice cream with banana on sides and cherries on top. Attentive si Agatha sa pakikinig ng mga kuwento ni Johann nung bata pa ito.
Hindi katulad niya na lumaki sa marangyang buhay, her half-brother lived a tough and poor life. Ang napangasawa pala ng ina nito ay sugarol. Nang wala nang pera ang kinilala nitong ama ay basta na lang nitong iniwan si Johann sa totoo daw nitong ama. Johann was only ten years old at that time. Pero, hindi naman sinabi ng kinilala nitong ama kay Eduardo Flores na anak nito si Johann. Likas daw na mabait si Mr. Flores, nang iwan daw si Johann doon ay tinanggap ito bilang isang houseboy. Dahil sa diskarte at talino ni Johann ay tuwang-tuwa dito si Mr. Flores. Mula sa pagtatapos ni Johann ng elementary hanggang college ay si Mr. Flores daw ang nagpaaral dito sa isang private school at university.
"Alam mo bang gustung-gusto kong isipin na sana siya na talaga ang totoo kong ama. Utang ko sa kanya kung ano ako ngayon," pagkukuwento nito sa kanya. "But when I'm with his daughter, I, also, sometimes pray na sana hindi siya ang totoo kong ama."
She smiled. "Gusto ko siyang makilala."
"Sino?"
"Mr. Flores' daughter," aniya.
He also smiled. "Oo naman! Papakilala kita, once everything was settled. I promised her that I would come back. Babalikan ko siya na panatag ang loob ko na hindi kami magkapatid kasi," tinuro siya nito. "ikaw ang kapatid ko talaga."
"So, are you saying that 'forbidden love' kayo sa umpisa?"
"Most likely," sabi nito. "Anyway, kumusta na kayo ng asawa mo?"
"We're definitely fine. For the past few days, lagi talaga siyang busy. May malaki daw kasing pinaplano ang Anderson-Monteverde Hotels. They're like planning to change the name of the hotel and forming a new board of directors coming from both hotels. Marami rin siyang business trips and conferences lately," pagkukuwento niya.
"Wow! That's heavy! Nagkikita pa ba kayo?" pabirong tanong nito.
"Somehow," she said. "Pero mga saglit lang. Katulad sa gabi, nakakapag-usap pa kami pero sandali lang kasi sobrang antok na antok na'ko. As usual, we talk over the phone every lunchbreaks every day."
Natutuwa rin si Agatha dahil kahit sobrang abala sa trabaho ni Reeve, he didn't miss any lunchbreak just to make a call to her and ask how is she. Sa gabi kapag natutulog na siya at gising pa ito, naalimpungatan siya minsan at nakikitang pinagmamasdan siya nito at saka hahalikan sa noo. Tuwing inaabot naman siya ng madaling-araw dahil sa mga kailangan niyang tapusin na assignments, hindi niya namamalayan na nakatulog na pala siya. Magigising na lang siya kinabukasan na nasa kama na nila at tapos na rin ang mga assignments niya. Nagkaroon din si Reeve nang business trips out of town. On that month, Reeve had three business trips. Tatlong araw kada business trip o minsan ay sobra pa. What was sweet is that, Reeve always call her and asking how her day went. They keep on talking over the phone kahit wala na silang mapag-usapan pang iba. Hindi na nga sinubukan ni Agatha na pigilin ang kilig sa sweetness na pinaparamdam ni Reeve sa kanya kahit hindi na sila halos nagkikita.
Pagkatapos ng pagkakaayos ng relasyon nila Reeve, Lana, at Prince, napansin niya ang mas pagiging masayahin ni Reeve. He's still the serious in everything pero mas palangiti na ito ngayon at mas naging "pilyo" ito. Like... argh! It's kind of embarrassing when they tried phone sex when Reeve was away for a business trip fo five days. But... but... it's kind of thrilling and, yes, she enjoyed it, too. Pero nahihiya pa rin talaga siya sa tuwing naiisip niya ang mga ungol at... at...
"Hey, Agatha, namumula ka. Naiinitan ka ba?" pukaw sa kanya ni Johann.
Mabilis siyang umiling. "Ha? Hindi, hindi. Okay lang ako," aniya saka sumubo ng ice cream. Why is she entertaining such thoughts in the middle of eating an ice cream? Napailing na lang siya. Reeve and his different methods of lovemaking can really heat her up.
Pinagpatuloy lang nila ni Johann ang pagkukuwentuhan. Naka-isang order pa ulit sila ng banana split dahil parang hindi matapos-tapos ang mga kuwento nila. Hindi nila namalayan na inabot na pala sila ng 8 PM sa loob ng ice cream parlor.
"I need to go home, Kuya. Magpi-prepare pa pala ako ng dinner," aniya.
"Okay. Ihahatid na kita. I'll just pay the bill."
After paying their bill, mabilis silang pumunta sa parking lot kung saan p-in-ark ni Johann ang kotse nito. It was already 8:30 PM when she arrived home.
"Gusto mo munang pumasok, kuya?" tanong niya rito bago siya bumaba ng kotse.
"Next time, Agatha. I need to go home na rin."
"Okay! Thank you for treating me two banana-splits and sharing with me your childhood adventures," nakangiting pasasalamat niya.
"Nasakto lang talaga na suweldo ko ngayon. Kung wala akong pera, street food lang talaga tayo," natatawang sabi nito.
"Hey, I like street foods! Maraming nagtitinda sa university niyon. Next time, iyon naman, ah?"
Tumango ito. "Anything for you, little princess."
"Kuya, may recital pala kami Saturday next week. Punta ka, ha?" aya niya rito.
"No problem. Text me the venue and time para hindi ko makalimutan."
"Okay. See you!" paalam niya habang bumababa ng sasakyan.
"Take care, Agatha," he said before driving away.
Nakangiting kumaway pa siya hanggang sa lumiko ang sasakyan nito sa kabilang street palabas ng village nila.
Pagpasok niya sa loob ng gate ay agad niyang napansin ang kotse ni Reeve na naka-park na pala sa kanilang garahe. Maaga palang nakauwi si Reeve. Agatha felt such excitement that she rushed inside their house. Pagpasok niya ay bukas na ang ilaw sa sala ngunit walang tao. May narinig siyang kalansing ng mga kitchen utensils.
She fastly headed towards the kitchen.
Mas lumawak ang ngiti niya nang makita si Reeve na nasa harap ng kalan at may niluluto. He's still waering his office attire except for his coat. Naka-roll din hanggang sa siko ang sleeves ng long sleeved-polo nito. Nakatalikod ito sa kanya at parang focus na focus sa ginagawa kaya hindi ata nito napansin ang pagdating niya.
Napangiti siya at dahan-dahang lumapit dito. She tried not to make any noise. Gugulatin niya sana ito nang nasa likod na siya mismo nito. Pero siya ang napatili nang humarap ito at mabilis siyang kinabig sa baywang.
"Gonna scare me?" nakangising sabi nito.
She giggled. "No. 'Surprise' would be the right term."
Ngumiti ito at saka siya kinintilan ng mabilis na halik sa mga labi. "You got home late. Where were you?"
"Well, hindi ko naman alam na maaga kang uuwi. I went to the mall with Kuy— I mean, with a friend." As much as she doesn't want to lie, kailangan niya lang muna sumunod sa sinabi ng kapatid niya. She encircled her arms around his neck. "Kung sinabi mo sa'kin na maaga kang uuwi ngayon, eh di, sana, umuwi ako ng maaga."
"Hindi ko rin alam na maaga pa lang matatapos ang mga meetings ko. When I was about to do some paperworks, wala na pala masyado, so, I came home early."
"And you are cooking our dinner!" nakangiting sabi niya sabay sulyap sa niluluto nito. "Is that 'Sinigang'?"
Tumango ito. "Yeah."
"Wow! I'm excited to have dinner with you. I'm sure your Sinigang would be so delicious!"
"Not as delicious as you are," he playfully said.
She blushed. "Ikaw talaga," aniya sabay pabirong hampas sa balikat nito. "Magpapalit muna ako ng pambahay," aniya. Kinapa niya ang likod nito. "Hey, magpalit ka na rin ng damit. Basa ka na ng pawis, o."
"I can't leave what I'm cooking. Ikuha mo na lang ako ng pamalit?"
Tumango siya at umakyat na sa kanilang kuwarto. Mabilis siyang nagpalit at kumuha ng face towel at malinis na puting shirt si Reeve. Pagbaba niya ulit sa kusina ay saktong tapos na itong magluto at inaayos na nito ang kainan.
"Here," inabot niya ang shirt dito.
"Thanks," anito habang hinuhubad nito ang suot.
Kinuha niya ang hinubad nitong polo at kinuha naman nito ang shirt mula sa kanya. Pumunta siya sa likod nito. Pinunasan niya ang likod nito at saka nito sinuot ang shirt. She also swept away his sweat on his forehead, cheeks, and neck. Pagkatapos ay sinabit niya ang hinubad nitong damit at bimpo sa isang upuan.
"Thank you," sabi nito sa kanya. "Let's eat?"
She smiled as a reply. Pinaghila siya nito ng upuan. Nang makaupo na siya ay nakaupo na rin ito sa tapat niya. They blessed their dinner, first before eating.
Kukunin niya sana ang bowl ng kanin nang maunahan siya nito.
"Let me," anito at saka nilagyan na ng kanin ang plato niya.
"Thank you," nakangiting sabi niya. Sunod ay ito na rin ang nagsilbi sa kanya ng ulam. That simple gesture can make Agatha real happy.
Reeve gone sweeter and sweeter everyday. These must be the real him that everyone used to tell her. Kung dati, restrained ito sa pagpapakita ng emosyon sa kanya, ngayon, he trusted her with all the things he liked and easily get annoyed of or irritated with. Kung malambing ito noon, mas malambing pa ito ngayon. If he's passionate then with their bed escapades, he's more passionate now. Hindi ito madalas ngumiti noon kapag nasa public place sila, pero ngayon lagi nang may ngiti sa mga labi nito. Kung sobrang guwapo nito noon, mas lalo pa itong gumuwapo at mas lumakas ang dating sa kakaiba na aura nito.
It's happiness. Malaya na kasi ang puso nito sa galit at sakit.
Although, alam ni Agatha na medyo iwas pa rin si Reeve sa ina nito. Kapag kasi bino-brought up niya kasi ang tungkol sa kung kailan nito kakausapin ang ina nito ay mataktikang pinapalitan nito ang topic. Siguro ay kailangan pa nito ng mas mahabang oras. Pero naniniwala naman siya na malapit na nitong harapin ang ina.
Nakausap naman na niya si Mama Leona. Ang sabi ng ginang ay naghihintay lang ito lagi para sa kapatawaran ng anak. Kaya na kaya daw nitong maghintay pa.
Agatha knew that there would be a perfect time for them to reconcile.
"So, how's your day?" tanong sa kanya ni Reeve habang kumakain sila.
"Tapos na ang formal classes kanina," aniya. "Next week, puro final examinations na lang. Then, practices for our end of the semester recital."
"Kailan ang recital niyo?"
"Next Saturday. Can you come?" tanong niya. Alam niya kasi na puno pa rin ang schedule nito kahit Sabado.
"Hmm... I don't know with my schedule yet. I'll check first, okay?" sagot nito.
She felt her heart sank. Pero hindi niya iyon pinahalata dito. "O-Of course," tumatangu-tango pang sabi niya. Naiintindihan naman niya na mas priority nito ang trabaho. Her husband's a workaholic since then. Ngunit umasa kasi siya na baka puwede nito i-set aside ang trabaho nito para mapanood siya nito.
Bakit naman niya iyon gagawin? tanong niya sa sarili.
"I think next Saturday would be the contract signing for the charity foundations that Anderson-Monteverde Hotels chose to support," sabi nito. "And I have good news."
"What is it?" curious na tanong niya.
"Isa ang 'Big Hopes' sa napili ng management," nakangiting sabi nito.
"Oh, that's great! Magandang foundation talaga ang Big Hopes. I'm glad na nakuha iyon. Nasabi mo na ba kay Lana?"
"Yes. I told her about it. Kasama talaga siya para sa contract signing next Saturday. She's really happy. Madadagdagan na naman kasi ang sponsors ng foundation. Mas marami na silang matutulungan kapag ganoon," masayang sabi nito.
Tumangu-tango siya at nagpatuloy na sa pag-kain. Masaya naman talaga siya para sa Big Hopes dahil magandang foundation talaga iyon para sa mga batang nangangailangan ng tulong emotionally and financially for their fight against cancer. Magkaibigan na din sila ni Lana kaya naman masaya rin siya para dito.
Ang kaso...
Bakit naman kasi ako nakakaramdam ng selos? We're all okay naman.tahimik niyang naisip.
Maybe because next Saturday, Reeve would be with Lana instead of you, sagot nang kabilang bahagi ng isip niya.
She shook her head and washed away those negative thoughts. Okay naman silang lahat. Hindi na siya dapat nag-iisip ng ganoon. Magkakasama lang naman sina Reeve at Lana next week dahil sa contract signing and that's all. Isa pa, puwede naman siyang mapanuod pa ni Reeve next time.
"Agatha?"
Napaangat siya ng tingin kay Reeve. "Yes?"
"Hey, are you upset about next Saturday? Hahabol na lang ako, I promise," anito.
"Huh? Of course not," tanggi niya. "I know how busy you are, Reeve. I understand that," she said but some what inside her, she really wanted him to come. "I-Ikaw ba? Kumusta ang araw mo?"
"Just the same. Paper works, meetings, telephone calls, and more paper works," anito.
"You must be really really tired. Dapat hindi ka na nagluto," nag-aalalang sabi niya.
Umiling ito. "I'm okay. Isa pa, gusto ko talagang maipagluto kita." He charmingly smiled at her then continued eating.
Napangiti na rin siya. "I really like your Sinigang. It's delicious. Super."
"Thanks. You want some more?"
Tumango siya at saka nilagyan pa nito ng sabaw at ulam ang plato niya.
"Si Trisha ba ang kasama mo sa mall kanina?" tanong nito bigla.
"Yeah..." mahinang sagot niya. Nakasama naman talaga niya si Trisha kanina sa mall. Hindi nga lang ito ang kasama niya later that day.
"Any plans for your semestral break?"
"Nothing much," sagot niya. "Siguro mas tutukan ko pa yung thesis ko."
Tumangu-tango ito.
"How's you're schedule this coming month?" tanong naman niya.
"Ganoon pa din. Hectic. Tight. Sa tingin ko nga hindi nababawasan mga trabaho ko. Parami pa sila ng parami, actually."
"Hey, do I hear a complaint in your voice? Mr. workaholic was complaining about his work?" tukso niya rito.
He smirked. "Maybe, yes. Minsan talaga, magsasawa ka sa mga bagay na paulit-ulit mo na lang ginagawa."
Naubos niya na ang pagkain nang maisipan niyang tumayo at lumapit dito. She sat on his lap, sidewardly and embraced him.
"That's fine, Reeve. You'll just have to endure it all, kasi sa bandang huli maganda naman ang magiging resulta ng mga pinagpapaguran mo. You're truly amazing with your work. Your born to be a leader and run a very big company," bulong niya rito.
He hugged her back. "I remember this was my dream when I was still a kid. Gusto kong maging katulad ni Papa sa pagpapatakbo ng hotels."
She looked at him. "I know your father would think na mas nahigitan mo na siya. I can see how really dedicated you are with your responsibilities."
"Thank you," he said then kissed her on her shoulder. "You really make me feel good, sweetheart. I cannot imagine now what my life would be without you."
She sweetly smiled as she felt her heart glow. "Kikiligin na ba ako?"
They both laughed.
Then, he kissed her on the forehead and on the lips. After that, she yawned and suddenly felt sleepy. Siguro dahil sa pagod na rin na ginawa niya buong araw.
"Sleepy already?"
Tumango siya. "A little bit. Na-drain na siguro ang energy ko."
"Okay, then. You rest. I'll take care of the dishes."
"You sure?" napapahikab na naman na sabi niya.
He gently embraced her. "Yes. Sige na, magpahinga ka na."
"But you're tired, too. Mas kailangan mo ng pahinga since may pasok ka pa bukas. Ako wala na. Tutulungan na lang kita..." mahinang sabi niya. She rested her head on his shoulder.
"Ako nang bahala. Kaya ko pa. Come on, go upstairs and rest." Dinampian pa siya nito ng halik sa kanyang buhok.
Tumango siya at tumayo.
"Basta pagkatapos mo, magpapahinga ka na rin, ah? Let's sleep early, for a change," nakangiting sabi niya.
Tumayo na rin ito at sinimulang ligpitin ang pinagkainan nila. "That would be fine. Sige na, susunod na lang ako sa taas."
Napahikab na naman siya habang papanhik na sa kanilang kuwarto. Nakita niyang alas nuwebe pa lang ng gabi. Well, iyon naman talaga ang normal na oras ng tulog niya kaya siguro antok na antok na si Agatha.
After she took a quick shower and brushed her teeth, she already lay on their bed. Nagkumot siya at ipinikit na ang mga mata. Medyo naalimpungatan siya nang maramdaman niya na may mga matitipunong bisig na pumalibot sa kanyang baywang mula sa likod niya. Naamoy niya rin ang pinaghalong sabon na ginamit sa panligo at ang natural na bango ng asawa. Napangiti siya at mas siniksik ang sarili dito.
"Agatha?" he whispered.
"Hmm?" inaantok na sambit niya.
"I want to talk with my mother."
Mas lalo siyang napangiti. But hearing his tone... "Anong pumipigil sa'yo para gawin iyon?"
He sighed. "I don't know... I just... I want to talk to her, to clear things out like what happened with Lana and Prince. But at the same time... I don't want to talk to her yet..."
"Maybe you're not yet ready, Reeve," she softly said while eyes still closed. Hinawakan niya ang kamay nito. "Don't pressure yourself. Dadating din ang oras para diyan."
"Bakit hirap na hirap akong patawarin siya?" Mas humigpit ang yakap nito sa kanyang baywang at paghawak sa kanyang kamay.
"Alam mo ba kung bakit mahirap hugutin ang puno?" she logically asked.
"Because of the roots," sagot naman nito.
Tumango siya. "It's the same with your Mom. From your childhood, you thought that she doesn't love you. Mas na-trigger iyon nang iwan ka ng Mama mo, right? But, you know..." Napahikab muna siya. "kahit mahirap, nahuhugot naman ang roots sa tamang oras. Unti-unti lang."
"You're right..." anito. "Mas matanda ako sa'yo ng ilang taon, pero... mas marami akong natutunan sa'yo."
Humarap siya dito at idinilat ang mga mata.
"Alam mo rin naman 'yung mga sinasabi ko. Hindi mo lang alam kung pa'no i-a-apply. I'm just supporting you. Wifely duty, you know," nakangiting sabi niya rito.
He leaned down and reached for her lips. Then, he lightly brushed the tip of his nose to hers after that sweet kiss.
"I'm lucky to have you as my wife..." he whispered.
Napangiti siya at sumubsob sa dibdib nito. "Arrange marriage was not bad at all, huh?" inaantok pa na sabi niya.
"Yeah... If I would have an arrange marriage over and over again, it would be fine with me as long as you're my bride-to-be."
Kinikilig siya ngunit hindi na lang kumibo dahil sa sobrang antok na nararamdaman. She inhaled his masculine scent and hugged him tighter. Mas maganda siguro kung ang pinakahihintay niyang 'I love you' na ang sinabi nito.
She can patiently wait for that time and she's pretty excited about it.
"Good night, sweetheart," he said then kissed the top of her head.
"Good night..." mahinang sabi niya. "Dream of me," biro niya pa
"Oh, I surely will."
***
HINDI MAPAKALI si Reeve sa kakatingin sa kanyang wristwatch. Malapit nang mag-umpisa ang recital nang asawa niya ngunit hindi pa rin nagsisimula ang contract signing nang araw na iyon.
He planned, a week ago –mula nang sabihin sa kanya ni Agatha na may recital ito, na hindi na lang siya tutuloy sa contract signing at magpapadala na lang ng representative. Pero hindi pumayag ang ilang board members. Kailangan daw talaga na nandoon siya sa event na iyon.
"Reeve," tawag sa kanya ng isang tinig.
Napatingala siya. "Lana."
"You look like in a hurry. Hindi pa nga nagsisimula ang contract signing. Na-miss mo na agad si Agatha?" tukso nito.
Napangiti siya. "She's having a piano recital in their university. Gusto ko siyang mapanuod. But..." tumingin siya paligid na halos wala pang tao. "I think hindi na 'ko makakahabol. Nasaan na ba kasi ang mga iba? They're wasting our time here."
"Relax, Reeve," Lana said. "Makakahabol ka rin sa recital ni Agatha. Kung male-late ka, just don't forget to bring flowers for her."
Napatingin na naman siya sa orasan. "Actually, ang alam ni Agatha, malabong makapunta ako. I let her think that way because I wanted to surprise her."
Lana smiled. "That's nice! Such a romantic husband," she teased.
He sighed. "Eh, mukha namang masisira ang plano ko. Look," iminuwestra niya ang paligid. "the expected people that we need in this event were late! Baka matapos ito kapag tapos na rin makapag-perform si Agatha."
"Agatha would understand."
"I know. Pero, kailangan na lang ba lagi na iniintindi niya 'ko? Siya lagi ang nagpapasensya? Baka mapagod na si Agatha sa'kin. Ayoko ng ganun. I wanted her to feel that she's special to me."
"Naks!" anito na may kasama pang tapik sa kanyang balikat. "Eh, matalino ka naman. Magagawan mo naman 'yan ng paraan. Kundi ka talaga makakaabot ngayon, bumawi ka na lang," payo nito. "Just be positive."
He smiled at Lana and gave his thanks.
He never thought that Lana and him can speak like these with each other. Sa ganitong dilemma niya, he's thankful that he could talk to Lana about him and Agatha. Sa'n niya ba narinig na hindi puwedeng maging magkaibigan ang past lovers? Napagtanto niya na hindi naman laging totoo iyon. Magkaibigan sila ngayon ni Lana at nakakapagkuwentuhan pa tungkol sa kanyang asawa.
"Oh my!" narinig niyang impit na tili ni Lana.
Napatingin siya rito. "Why?"
May tinuro ito. "D-Do you know him?"
Sinundan niya ang tinuturo nito na tao nasa bungad pa lang ng pintuan ng conference hall na iyon.
"He's Dylan Guevarra," sagot niya. "Vice president and COO ng Anderson-Monteverde Hotels. His mother is Daddy Philip's sister. Pinsan siya ni Agatha. Why?"
Nanlaki ang mga mata nito.
Napakunot-noo siya. "Kilala mo siya?"
Bigla na lang itong pumunta sa likod niya na parang nagtatago.
"Lana?"
"Reeve, anong oras ba 'to matatapos? Pwede ba pumirma na lang ako tapos aalis na 'ko kaagad?"
"Huh? Ang alam ko may awarding pa para sa mga napili naming charity foundations. Ikaw ang tatanggap para sa Big Hopes. Wait, ano bang problema mo? Bakit nagtatago ka sa likod ko?"
"Reeve!"
"Dylan," he acknowledge him.
Lumapit ang lalaki sa kanya. "Hindi pa ba tayo magsisimula?"
"Ang alam ko may hinihintay pa," sagot niya.
Tumangu-tango ito at pagkuway napatingin sa likod niya.
"Bakit may babae sa likod mo? Ikaw, ah. May tinatago ka. Isusumbong kita kay Agatha," pabirong sabi nito.
"Ah, si Lana—ouch!" daing niya ng malakas siyang kurutin ni Lana. Ano bang problema ng babae sa likod niya?
"Excuse me, Sir Reeve, Sir Dylan," biglang singit ng secretary niyang si Elisa. "Magsisimula na daw po tayo in five minutes."
"Thank God," aniya at saka napatingin ulit sa wristwatch. Makahabol pa sana siya para sa recital ni Agatha.
Bumaling siya kay Dylan ngunit wala na pala ang lalaki sa tabi niya. Lumingon naman siya at wala na rin doon si Lana.
Naguguluhan siya sa inakto ng dalaga pero nagkibit-balikat na lang siya.
Sana talaga makahabol siya para kay Agatha.
***
AGATHA FINISHED playing her piano piece when she heard a clap. Mabilis siyang napalingon sa pag-asang si Reeve ang makikita niya.
"Expecting him?" Johann asked her.
Her shoulders fell. "Hi, Kuya," bati na lang niya dito.
Lumapit ito at umupo sa tabi niya sa harap ng piano. "Ang galing-galing mong tumugtog ng piano. Kanina sa program, ikaw ang finale, diba?" puri nito sa kanya.
Tumango siya. "Thank you," pasasalamat niya rito. "I'm glad you came today, Kuya."
"Siyempre naman! First time ko atang makikita ka na tumugtog. I'm so proud of you. Kaya mag-smile ka na diyan."
Kanina pa natapos ang piano recital. It's already 8 PM at nagpasya siyang magpaiwan sa loob ng music hall. Umaasa kasi siyang pupunta pa rin si Reeve kahit tapos na ang recital. She felt a little down. Kahit kasi malaki ang posibilidad na hindi talaga ito makarating ay umasa pa rin siya na makakahabol ito... na pipilitin nitong makapunta para mapanood siya...
Inakbayan siya ng kapatid. "Turuan mo naman ako tumugtog ng piano, Agatha. Kahit 'twinkle twinkle little star' lang."
Napangiti na siya. Dapat maging thankful na siya dahil nandoon si Johann para mapanuod siyang mag-perform kanina. Natawa pa nga siya kanina nang pagkatapos niyang tumugtog ay ito at si Trisha ang may mga pinakamalakas na palakpak para sa kanya.
"Sige. Here," inabot niya ang isang kamay nito at pinatong sa mga keys ng piano na tutugtugin nila. Sinimulan niyang ituro ang pagkakasunud-sunod ng kailangan nitong pindutin sa piano.
Nagtatawanan na sila nang hindi makailang beses na hindi talaga nito makuha ang pattern na tinuturo niya.
"Hala, ang hirap pa lang mag-'twinkle-twinkle'. Syet! Wala talaga akong ka-talent-talent. Kawawang bata."
She laughed. "Makukuha mo rin yan, kuya. Ulitin na lang natin."
"Puwede bang mag-Math na lang tayo?" natatawang sabi nito.
"Kaya mo yan. Ang dami-dami mo ngang kabisadong math formulas. Sigurado akong makukuha mo rin ang pattern."
Sumubok ulit ito sa pagtugtog.
"Yun, o!" anito nang sa wakas ay nabuo rin nito ang pagtugtog ng nursery rhyme. "Nakuha rin sa wakas. Whew!" Kunwaring pinunasan nito ang pawis sa noo. "Pinagpawisan ako dun, ah. In fairness!"
Hinilig niya ang ulo sa balikat nito. "Thank you for cheering me up."
He patted her head. "Anything for you, little princess. So, gabi na. I'll take you home."
"Agatha."
Sabay silang napalingon ni Johann.
"Reeve!" gulat na sambit niya. Mabilis siyang tumayo at lumapit dito. "Kanina ka pa?"
Hindi ito sumagot at tila hinihingal pa ito.
"Are you okay?" nag-aalalang tanong niya.
"Sorry, I... didn't... make it," hinihingal pa na sabi nito.
"It's okay," sabi niya. "Naiintindihan ko naman."
Nabaling ang tingin nito kay Johann at pagkatapos ay sa kanya. "Why are you with him?" nakakunot-noong tanong nito sa kanya.
"I keep her companied," sagot ng kapatid niya. "Gabi na, eh. Baka anong mangyari sa kanya."
"I'm not talking to you," walang emosyong sabi ni Reeve dito.
"Tsk tsk. Chill lang, pare. Magpasalamat ka nga at sinamahan ko siya."
"Why would I? Kung alam ko lang, you'll just take advantage of her."
"Reeve!" saway niya rito.
Hinawakan siya ni Reeve sa kamay at hinila palabas ng hall. Lumingon pa siya sa kapatid at nakitang ngingisi-ngisi ito habang kumakaway ng paalam.
"Reeve, hindi mo dapat kinausap ng ganoon si Johann. I told you, he's nice," sabi niya rito habang naglalakad sila sa may parking lot. "Don't you trust me?"
"I trust you. It's he—" naputol ang sasabihin nito nang mabilis siyang kumalas mula sa hawak nito.
"What? You trust me but it's just he you don't trust?" malumanay na sabi niya pero sa totoo lang ay naiinis siya sa inakto nito. "Anong pinagkaiba niyon?"
"Agatha, I'm just protecting you. Hindi natin alam ang nasa isip niya baka—"
"Hindi nga natin alam ang nasa isip niya kaya anong karapatan natin para isipin yung iniisip mong gagawin niya?" sabi niya pa dito. "You don't trust me, Reeve. Because if you really trust me, you will believe that whatever happens, I won't let anyone take advantage of me. You'll trust my judgment towards a person. I told you Johann's nice. Kilalanin mo muna kasi siya bago ka mag-isip ng masama."
"Look. Minsan, hindi lahat nang akala nating mabait sa 'tin ay totoong mabait. Minsan, yung pinagkakatiwalaan natin, kayang-kaya pala tayong atakihin sa likod. You see, sa mundo natin ngayon, dapat mag-dobleng ingat tayo."
"I know that, Reeve. I understand you. Pero sana naman, intindihin mo rin ako."
Tumalikod ito. "I just can't see the logic why you're Math professor was keeping you company. Akala ko ba tapos na ang formal classes? At saan banda related ang Math sa piano recital niyo?" naiiritang wika nito.
Hindi alam ni Agatha pero talagang nainis na siya sa sinabi nito. Mahaba ang pasensya niya sa lahat ng bagay pero ngayon ay naubos na iyon dahil sa asawa.
"I invited him to come because he's my friend. Buti pa nga siya pumunta. Eh, ikaw?" nanunumbat at naiiyak na sabi niya.
Gulat na napalingon ito. "Agatha..."
"Hindi ka na nga nakaabot, ikaw pang galit. Dapat talaga magpasalamat ka kay Johann kasi, maliban kay Trisha, siya lang ang nandoon na malapit sa'kin para mapanood ako."
Lumapit ito sa kanya pero umiwas siya rito.
"I waited for you... Kasi kahit alam kong hindi ka makakapunta, umaasa ako na makakagawa ka ng paraan para lang makapanood. Naiintindihan ko naman na marami ka pang trabaho, eh. Pero, naiinis talaga ako sa'yo ngayon," matapat na sabi niya. Tuluy-tuloy na rin ang pagtulo ng mga luha niya.
Hindi naman siya dating ganito. Sa tingin niya ay naghalo-halo na ang pagod, disappointment, at pagkainis sa sistema niya.
Gustung-gusto niya na ring sabihin dito ang sikreto nila ni Johann ngunit nakapangako na siya sa kapatid na hindi muna sasabihin ang tunay na relasyon nila hanggang sa hindi pa lumalabas ang DNA results.
"Agatha... Pinilit kong makahabol kanina. Believe me. But something came up at work and I can't say 'no'. Kaya ako hinihingal kanina kasi pagkarating ko dito, tinakbo ko agad ang music hall. Alam kong tapos na ang program pero may pakiramdam akong nandoon ka pa... I'm sorry, Agatha. Please, huwag ka ng mainis sa'kin," he sincerely said. "Don't cry."
"You should apologize to Johann, as well. You're so rude back there," aniya habang pinapahid ang mga luha.
Nagsalubong ang mga kilay nito. "He was the one who was rude back there. Hindi naman siya yung kinakausap ko, pero sagot siya ng sagot."
"Well, at least, apologize to him for thinking bad at him," she persisted.
"Don't push it, Agatha. I won't talk to that guy anymore! Never will I apologize! The hell!" naiinis na sigaw nito.
Napangiwi siya. "Bakit ba ang init init ng dugo mo sa kanya? Wala naman siyang ginagawa sa'yo." Nagsisimula na namang tumulo ang mga luha niya. Why was she emotional these days?
Natigilan ito saglit.
"He's my f-friend... you're judging him while he's not saying anything bad towards you. You're unfair," dagdag niya pa.
"You always stand for him. You strongly believe that he's nice. Mas marami siyang oras na nakakasama ka. Komportable kang kausap siya. He can make you smile. He can make you laugh," bigla na lang na litanya nito.
"Reeve?"
"Oo na, Agatha."
"Ha?"
He looked straight at his eyes. She can see through his dark night eyes the emotion of an envious little boy.
"I'm jealous, Agatha."
Napatanga siya. "H-Huh?"
"Unang kita ko pa lang sa kanya, naiinis na 'ko. Nang kinuwento mong professor mo siya, lalo akong nainis. Ibig sabihin mas magkikita kayo. Nung nagkasabay-sabay tayong kumain noon ng lunch, nakita ko kung gaano kang nag-e-enjoy na kausap siya. Childish it may seem, pero ayokong mahigitan niya ko sa mga kaya ko rin namang gawin para sa'yo. Natatakot ako na baka isang araw mas malapit ka na sa kanya kaysa sa'kin."
Lumapit ito sa kanya at masuyong pinunasan ang mga luha sa kanyang pisngi. "I can see how cheerful his personality is. Habang ako? Ang dami-dami kong hang-ups sa buhay. I'm just so blessed that you've been an understanding wife ever since. Imbes na ako ang nag-aalaga sa'yo, ikaw ang nag-aalaga sa'kin... I felt threatened towards Johann. Because I felt that he can make you happy more than I can..." dugtong pa nito.
"Reeve..."
Sa lahat nang sinasabi ni Reeve ay hindi na mapakali ang puso ni Agatha. Any minute now, her heart would jumped out of her chest because of the anticipating confession of her husband. Gusto niyang kalamahin ang puso pero kahit ang utak niya ay magulong-magulo na rin.
"Nagseselos ako, Agatha. Oo na! Nagseselos ako kasi ayokong mawala ka sa'kin. Nagseselos ako kasi ayokong maisip mo na mas masaya kang kasama siya kaysa sa'kin. Nagseselos ako kasi natatakot akong iwan mo 'ko..." he emotionally confessed.
Nagseselos si Reeve. Nagseselos nga ito! Hindi niya alam kung matutuwa ba dapat siya sa nararamdaman nitong iyon o hindi. Totoo ba ang mga naririnig niya o hindi? Nananaginip ba siya o hindi?
He gently cupped her face with both hands. "Agatha, nagseselos ako kasi... kasi mahal kita," he tenderly said.
Before Agatha could react, Reeve hastly leaned down his head and torridly kissed her on the lips.
***
Follow my official FB Pages:
FGirlWriter and C.D. De Guzman
~~~
Join our family!
FB Group: CDisciples
Twitter: CDisciplesHome