Chapter Twenty-Six

306K 6.1K 780
                                    

CHAPTER TWENTY-SIX

"You know, kahawig mo si Agatha. Sa unang tingin ko sa'yo, akala ko ikaw siya. And I'm wondering, naka-move on na rin kaya si Reeve sa'yo kung pinakasalan niya ang pinsan ko na halos kamukha mo?"

Natigilan si Agatha sa kinatatayuan at nadulas ang cellphone niya mula sa kanyang mga palad.

Ngunit hindi tuluyang nalaglag iyon dahil mabilis niyang nasalo iyon. Mabilis na lang siyang umalis sa kinatatayuan at dumaan sa kabilang bahagi ng building upang hindi niya makasalubong ang dalawa.

Mabilis ang paglalakad niya habang diretsong nakatingin sa daan. Pilit niyang inaalis sa isipan ang mga sinabi ng kanyang pinsan.

Kilala niya si kuya Dylan. Magaling itong mag-observe ng mga bagay-bagay sa paligid nito. Sa kanilang magpi-pinsan, nalalaman nito kung kailan may naasar na o nagagalit na kahit hindi pinapahalata. Mataman nitong na-o-obserbahan ang mga facial expressions at galaw ng isang tao. Hindi niya alam kung pa'nong nakabuo ito ng tanong sa isipan nito kung pinakasalan lang ba siya ni Reeve dahil nakikita nito si Lana sa kanya. May napansin ba ito kanila Reeve at Lana kanina?

Mabilis siyang napailing muli at pilit inaalis sa isipan ang mga narinig. Hindi totoo iyon. It must be a rare coincidence na magkamukha sila ni Lana at siya ang itinakdang pakasalan ni Reeve. Her husband loves her now. Naniniwala siyang mahal siya ni Reeve bilang siya at hindi bilang tao.

Mahal ako ni Reeve. Mahal ako ni Reeve...paulit-ulit niyang chant sa isipan.

Habang nag-iisip siya ay hindi sinasadyang nakabunggo siya.

"I'm sorry," ani ng nakabunggo niya.

Mabilis siyang napatingala at nagkagulatan pa sila ng nakabunggo niya.

"Agatha! What are you doing here?" tanong ni Johann sa kanya.

"K-Kuya!"

Napakunot-noo ito. "Are you alright? Bakit parang iiyak ka na?"

"Ha?" Mabilis siyang umiling. "I'm alright. Why are you here?" nagtatakang tanong niya rito.

"I asked that first."

Pinaliwanag naman niya kung bakit siya nandoon.

"Ah... dito ka pala nag-elementary at highschool."

"So, ano namang ginagawa mo dito?"

"I'm teaching here," nakangiting sagot nito. "Part time lang. Math subject, as usual."

Tumangu-tango lang siya.

"Are you really really alright?" paninigurado ulit nito.

Mabilis siyang napayakap dito. She really needs a brother right now.

***

NAPANSIN NI Reeve ang pag-iiba ng mood ng kanyang asawa nang pauwi na sila galing sa dati nilang eskwelahan. Pagkatapos nitong balikan ang bag kanina ay napansin niya ang pagiging matamlay nito. Sabi nito sa kanya ay napagod lang daw ito. Hinayaan niyang umidlip muna ito. Pagkagising naman nito nang maghahapunan na sila ay halata pa rin ang katamlayan nito.

"Agatha?" untag niya rito nang mapansing pinaglalaruan lang nito ang pagkain nito.

"Yes?" sagot nito nang hindi tumitingin sa kanya.

"Are you okay? Masama ba pakiramdam mo?"

Umiling ito. "I just don't have my appetite," mahinang sabi nito. "Puwede bang mamaya na lang ako kumain? Pagod pa siguro ako."

Wifely Duties - Published by PHRWhere stories live. Discover now