Chapter Fifteen

400K 5.4K 425
                                    

CHAPTER FIFTEEN


HINDI MAPIGILAN ni Agatha ang mapatili sa tuwing nahahabol siya ni Reeve sa paglangoy. Kapag nahahabol kasi siya nito ay may kiliting kasama iyon. Naisipan nilang enjoy-in ang dagat dahil babalik na sila ng Manila bukas. Tumawag kasi ang Mommy at Daddy niya upang kumustahin sila at ipalam na handa na ang bagong bahay nila ni Reeve.

May mahigit isang linggo pa silang honeymoon ni Reeve kaya naisipan nilang umuwi na kinabukasan upang malipat at maayos ang gamit nila sa bagong bahay. Isa pang rason kaya sila uuwi na agad ay dahil sa ina ni Reeve. Hindi man iyon sabihin ng asawa, nagmamadali na itong makaalis doon dahil ayaw na nitong makakrus ng landas ang ginang.

"Gotcha!"

Napatili siya ng maramdaman ang mga kamay ni Reeve sa bewang niya. Nagpumilit siyang lumangoy palayo dito pero hindi siya nitong hinayaan makawala.

"Huwag ka ng mangiliti, Reeve..." she plead as she turned to face him.

"Anong kapalit?" tanong nito.

She playfully wrapped his legs around his hips. Her hands landed on his chest. "Name it, baby."

Napangisi ito. "Hold your breath."

Nagtaka siya. "What?"

Bigla itong lumubog sa tubig na kasama siya at mabuti na lang, mabilis niyang napigil ang paghinga.

Sa ilalim ng tubig ay kinabig nito ang ulo niya at mariin na lumapat ang mga labi nito sa mga labi niya. She encircled her arms around his neck. Nagulat siya nang ibuka nito ng kaunti ang kanyang mga labi sa pamamagitan ng dila nito. Kung bubuksan niya ang bibig, baka pumasok ang tubig at malunod siya?

Pero bahagya nang nabuka ni Reeve ang kanyang bibig at sinimulang mas palalimin ang halik. Her instinct told her that just follow what his husband was doing. Amazingly, hindi man lang nakapasok ang tubig sa pagitan ng mga bibig nila. They just continued kissing underwater. Malapit na siyang mawalan ng hangin ngunit hindi pa rin bumibitiw ang mga labi ni Reeve sa kanya. Tinapik niya ang balikat nito para ipaalam na malapit na siyang mawalan ng hangin at kailangan niya nang umahon mula sa ilalim. But he just pulled her closer to him, and to her surprise, he blew air inside her mouth. He just gave her some air! Kaya naman mas tumagal pa ang pananatili nila sa ilalim. Sinubukan niya ring gayahin ang pagbibigay ng hangin dito at binibigyan ulit siya nito ng hangin pabalik. It just went on kissing until they ran out of breath.

Sabay pa silang naghabol ng hangin paglitaw nila sa ibabaw ng tubig.

"H-How... how... d-do you... do that?" hinihingal na tanong niya.

"What?"

"Kissing underwater?"

"Just filled my lungs with more air. Makakapagpasa ako sa'yo ng hangin kapag malapit ka ng mawalan and you'll pass it back kapag ako naman ang mawawalan. In that way we can actually breath with our mouths while kissing underwater," simpleng pagpapaliwanag nito na para bang napakadali ng ginawa nila.

"Where did you learned kissing underwater?" she innocently asked.

He sexily smiled. "You don't really wanna know."

"Good answer," she said. Bakit niya pa kasi natanong iyon? Of course, hindi niya talaga gustong malaman kung kanino mang babae natutunan ng asawa niya na humalik sa ilalim ng dagat. "That... that was my first time. Akala ko malulunod na 'ko!"

He chuckled and held her by her waist. "For a first timer, you can really do it like a pro."

Her cheeks turned red. "I-I just followed what you did."

Wifely Duties - Published by PHRWhere stories live. Discover now