Chapter Eighteen

327K 6.5K 1.1K
                                    

CHAPTER EIGHTEEN


Walang professor ang isang subject nila Reeve at Prince kaya naman umuwi na sila. They also decided to practice soccer at the family park ng village na pareho nilang tinitirhan.

Nakapasok na si Reeve ng kanilang bahay nang makita niya sa sala ang dalawang malalaking maleta.

Napakunot-noo siya. Sinong aalis? May business trip ba ang Papa niya?Pero bakit naman sobrang laki ng mga maletang dala nito?

Nagtuluy-tuloy siya sa pagpasok. Nilagpasan niya ang mga maleta at diretsong umakyat ng hagdan. Doon niya nakasalubong ang kanyang ina na tila nagulat ng makita siya.

"R-Reeve? W-Why are you here, already?" tanong nito.

"Wala po kaming professor sa last subject, so, I decided to just go home," sagot niya.

His mother didn't respond and just looked at him for a while. Then, he saw sadness at her eyes but it was gone at the next moment. Nilagpasan siya nito at pinagpatuloy ang pagbaba ng hagdan.

Nagkibit-balikat na lang siya dahil sanay naman siya na laging di pinapansin ng ina. Nagpatuloy na lang siya sa pag-akyat ng hagdan nang marinig niya ang sinabi nito.

"Pakilabas na ang mga maleta ko, nandyan na ang kotse," utos nito sa mga kasambahay nila.

Napahinto siya sa pag-akyat at bumaba ulit.

"Ma? Aalis ka?" tanong niya rito.

Nakatalikod ito sa kanya ng sumagot. "Yes."

Napakunot-noo siya. His mother was a housewife. Wala itong trabaho para may business trips na puntahan at hindi rin ito mahilig sa mga bakasyon. Lagi lang itong nasa bahay. Kaya saan naman kaya pupunta ang kanyang ina at bakit ang dami-dami nitong dala?

"Are you going on a vacation? Kayong dalawa ni Papa?" tanong niya.

Hindi pa rin ito humaharap sa kanya. "No."

"Where are you going then?" he curiously asked.

Huminga ito ng malalim at naglakad palabas ng pinto kasunod ng mga kasambahay na naglalabas ng mga maleta nito. Pero, napahinto ito.

"I'm leaving," she said.

"Yeah, obviously, you are. Kaya nga po ako nagtatanong kung saan kayo pupunta?"

Nanatili itong nakatalikod at hindi siya sinasagot. Habang humahaba ang katahimikan ay nakaramdam na siya ng kaba. His chest was pounding rapidly.

"Your mother's leaving for good, Reeve."

Napalingon si Reeve sa may hagdanan kung saan niya narinig ang Papa niya.

"W-what do you m-mean?" nalilitong sabi niya. Iiwan na sila ng Mama niya? "Ma?" baling niya sa kanyang ina.

Ngunit hindi pa rin ito humaharap sa kanya.

"Can you tell me what's happening?" he demanded. Gulung-gulo na siya dahil sa sinabi ng Papa niya at sa hindi naman pagsasalita ng kanyang ina.

"Your mom is leaving. Ganoon lang ka-simple iyon, Reeve," his father seriously said before going up the stairs.

Nilapitan niya ang kanyang ina. Hinawakan niya ito sa braso. "Mama? Anong ibig sabihin ni Papa? You're leaving for good? Iiwan mo k-kami?" nagsimula nang manginig ang kanyang boses.

Wifely Duties - Published by PHRDonde viven las historias. Descúbrelo ahora