Chapter Three

421K 7K 397
                                    

CHAPTER THREE

HINDI ALAM ni Agatha kung bakit niya ito ginagawa, but she wanted this. She's been dreaming of this since then.

Reeve lips were on hers. He's kissing her, gently nipping her lower lip...

She doesn't know how to kiss. She doesn't know how to respond. Ngunit, sa galaw ng mga labi nito ay unti-unti siyang nakakasunod. Reeve nibbled her lower lip, she instantly did the same.

Kusang umakyat ang kamay niya sa buhok nito. Like, she's been doing it all her life. Ito naman ay mas hinapit siya habang ang isa nitong kamay ay gumagapang na mula sa kanyang balakang, mabining humahaplos...

The sensation of his kiss and touch gave her that unexplainable longing want inside of her...

What am I doing?!

Nakaliliyo ang mga halik nito! Kahit ang nanunuksong paghaplos nito sa baywang niya...mainit!  Hindi niya alam kung bakit ito nangyayari ngunit ayaw niya 'yun matapos.

"Agatha? Agatha? Where are you, sweetheart?"

Si Mommy!

Tila natauhan silang dalawa ni Reeve at agad na naglayo ang mga katawan mula sa isa't isa. Parehas pa silang naghahabol ng hininga.

Sakto namang paglabas ng kanyang ina mula sa glass door. "O, hija, nandyan ka pa—" Nanlaki ang mata nito ng makita nito si Reeve. "Reeve, hijo, what happened? Bakit basang basa ka?" 

Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa. Agad naman siyang umiwas ng tingin dahil nahihiya siya sa nangyari kani-kanina lang.

Nilapitan ng Mommy niya si Reeve. "Hijo, what happened to you?"

Tumingin sa kanya si Reeve nang diretso sa mga mata. His dark night eyes were a shade darker... Umiwas siya ng tingin dito dahil muli, naramdam niya ang pagnanais na maliyong muli sa mga halik nito.

"Ah.. Mommy, h-he saved me from drowning," pagkukuwento niya sa kanyang ina nang hindi pa rin umiimik si Reeve.

"Drowning?!" napamulagat ito.  "Muntikan ka ng malunod?"

"B-Bigla po kasi akong pinulikat."

"Are you okay now?" nag-aalalang tanong ng kanyang ina, humaplos ito sa braso niya.

Tumango naman siya.

"Agatha, sorry natagalan ako kasi----Oh my!" Natigilan si Trisha ng makitang basang-basa si Reeve.

Halatang bagong shower ito. Nakasuot na ito ng maayos habang dala-dala na ang kanyang bathrobe at tuwalya.

Lumapit siya agad dito at kinuha ang kanyang bathrobe. Pagkatapos niyang isuot iyon ay kinuha naman niya ang kanyang tuwalya. Nilapitan niya si Reeve at nanginginig na inabot dito ang kanyang tuwalya. Kinuha nito iyon.

"Thank you, Reeve, for saving my daughter," pasasalamat rito ng kanyang Mommy.

"No problem, Ma'am," sa wakas ay nagsalita na rin si Reeve. "It's just that... I'm soaked..."

"Oh, don't worry. May mga pwede akong pahiramin sa'yo sa guest room. Doon ka na rin magbanlaw at magpalit. I'll be the one to tell this to your father."

"Thank you, Ma'am."

"Agatha, show him the guest room."

Natigilan siya. Gusto niya sanang umiling dahil hanggang ngayon ay ang awkward ng sitwasyon nila ni Reeve. Ngunit, hindi naman ito mababasa kung hindi dahil sa kanya. She secretly sighed in defeat.

Wifely Duties - Published by PHRWhere stories live. Discover now