Chapter Thirty

430K 6.8K 686
                                    

CHAPTER THIRTY

NAKANGITING ISINABIT ni Agatha ang isang picture frame sa dingding nila sa sala. Doon niya nilagay ang kanyang bagong diploma. Sa wakas! After a year ay naka-graduate na rin siya. She finally finished her second course which is Conservatory in Music.

Dapat ay last year pa siya ga-graduate kasabay ni Trisha. But, when she got pregnant, pinilit muna siya ni Reeve na huwag pumasok ng sumunod na semester. Pumayag na rin siya dahil unang beses na pagbubuntis niya iyon at todo ingat rin siya para maalagaan ang baby nila ni Reeve kahit nasa tiyan niya pa lang ito.

Then, when she gave birth to the most wonderful baby boy from above, naging todo asikaso ang ginawa nila ni Reeve. Ayaw na rin kasi nilang kumuha pa ng yaya para sa anak nila. Kaya naman hands-on talaga sila ng asawa niya. Kahit maraming trabaho si Reeve ay ang oras na rin ng normal na empleyado ang sinusunod nito. Papasok ito ng alas-otso ng umaga at uuwi ng alas-singko ng hapon.

Nang magbukas ulit ang pasukan ay nag-enroll pa rin siya. Ngunit, imbes na isang sem na lang ang kailangan niyang tapusin ay naging dalawang sem iyon. Nag-underload kasi siya sa unang semester para naman mas maraming oras pa rin siya para sa anak niya. Ang mga natira pa niyang loads ay tinapos niya na ng second semester. Mga pang-umagang klase lang ang kinukuha niya noon para pagkahapon ay puwede niya ng kunin ang anak niya sa bahay ng mga magulang niya o sa bahay ni Papa Roman o ni Mama Leona. Ang mga ito muna ang nag-aalaga sa baby nila kapag may pasok siya sa umaga. Iyon kasi ang naisip nila ni Reeve na paraan para naman makapasok rin siya ng eskuwelahan. Pero dahil underload siya, tatlong araw lang lagi ang pasok niya. The next sem, dalawang araw na lang ang pasok niya. Matagal niya naman nang tapos ang thesis niya kaya naman naka-graduate na rin siya ngayong taon.

During her graduation, Reeve was there and carrying their baby.

Biglang napatingala si Agatha nang may marinig siyang malakas na pagkalabog sa itaas. Sa nursery room ata iyon galing. Mabilis siyang pumanhik at agad na pumasok ng nursery room.

"Oh, what happened to you?" tanong ni Agatha kay Reeve na nasa sahig at natatabunan ng maraming-maraming stuff toys. Narinig niya ang pagtawa ng baby nila.

Napatingin siya sa anak nilang malapit na mag-isang taon na nakatayo sa isang dulo ng crib nito habang natutuwang nakatingin kay Reeve na pahigang nakasalampak sa sahig.

Hindi niya na rin napigilan ang matawa habang lumalapit sa asawang pinipilit tumayo.

"Ugh!" daing nito habang hawak hawak ang balakang nito. "Nadulas ako sa playmat. Sinubukan kong kumapit para hindi ako tuluyang mahulog. Kaso ang nakapitan ko ay ang stuff toy. Eh, diba, patong-patong ang mga ito?" anito habang tinuturo ang mga nagkalat na animal stuff toy sa sahig. "Kaya naman nang bumagsak talaga ako, nahila ko yung isang stuff toy at nagbagsakan na lahat sa'kin," nakasimangot na pagkukuwento nito.

"Oh, It's okay, Reeve. Napatawa mo naman si baby Rainiel." Natatawang sabi niya at pagkuwa'y kinuha ang anak nila mula sa crib. Rainiel Aaron is the name of their son. "Diba, baby?" aniya sa anak na buhat-buhat niya na.

Ngumiti lang si baby Rainiel sa kanya at kinumpas-kumpas ang dalawang kamay nito habang tumatawa.

"See?" aniya kay Reeve.

Nawala na ang simangot sa mukha ng asawa niya ngunit hawak hawak pa rin nito ang nasaktang balakang. "Siguro iyon ang reason kaya ako nadulas para mapasaya si Rainiel."

"Ayan. Ayan ang positive thinker!" she teased.

Napangiti na rin ito at napailing-iling na lang.

"Tapos ka na ba sa ginagawa mo?" natanong nito sa kanya.

"Yup. Nasabit ko na iyong mga frames. Ikaw? Sabi mo, patutulugin mo si baby Rainiel? It's already passed his nap time," kastigo niya rito.

Wifely Duties - Published by PHRWhere stories live. Discover now