Chapter Twenty-Two

276K 4.9K 252
                                    

CHAPTER TWENTY-TWO


"AGATHA, WHAT are you doing?"

Mula sa paghahalungkat ng isang box ay nag-angat ng tingin si Agatha kay Reeve. "May hinahanap lang akong mga libro na kailangan ko sa thesis ko. Sabi kasi ni Mommy sa'kin, nasama niya daw dito sa mga box yung book na iyon."

Tumangu-tango ito. "Pero dapat nagpapahinga ka, di'ba? Baka mabinat ka."

She softly laughed. "Kaya ko na, Reeve. Nakapag-golf na nga tayong kaninang umaga, eh. Tapos bukas, papasok na ulit ako. Hindi ko lang kaya na walang ginagawa ngayon. So, aasikasuhin ko na lang ang thesis ko." Bumalik siya sa paghahalungkat ng box.

Narinig niyang napabuntong-hininga ito. Marahil ay wala naman na kasi itong magagawa para pigilan siya. "Tutulungan na lang kitang maghanap. What book are you trying to find?"

Nag-angat ulit siya ng tingin dito at napangiti. "I'm finding two blue hardbound-covered books. Music 101 and History of Music ang mga title. Pwedeng pakihanap na lang sa ibang boxes?"

May dalawa pa kasi siyang box na hindi niya nahahanapan.

"Sure thing."

"Thanks."

Lumapit ito sa isang box na nakalagay sa dulo ng mini-library nila. Mula sa kuwarto nila ay pinalagay na lang niya doon ang mga box niya dahil alam niyang puro libro lang ang laman niyon at mga school stuffs.

Nagpatuloy siya sa paghahanap. Pagkalipas ng ilang minuto ay wala pa rin siyang mahanap. Pinunasan niya ang pawis sa noo at itinali ang kanyang buhok.

"Reeve, nakita mo na ba?" tanong niya sa asawa nang naghanap siya ulit.

"Hmm... Not yet."

"Okay."

"Hindi mo sinabi sa'kin na..."

"Na ano?"

"That you collect magazines... and newspaper clippings."

Natigilan siya sa kanyang ginagawa at mabilis na nilingon ito. Her eyes widened when she saw Reeve holding the business magazines na ito ang featured cover! He was grinning from ear to ear.

Mabilis siyang lumapit dito at kinuha ang hawak nito. Humarang din siya sa box na pinaghahanapan nito.

"O-Okay. Maling box ang nahanap mo. W-Walang school related dito sigurado. Yung isang box na lang ang hanapan mo."

"Hey, let me see your business magazines. It seemed interesting," nanunuksong sabi nito.

Todo ang pag-iling niya. "Dati pa 'to, eh. M-Matagal na 'to. Kaya wala na masyadong info about sa mga business ngayon ang mababasa mo dito."

He crossed his arms. "Bakit marami kang business magazines?"

"Ahm... we own a business. Somehow I'm interested."

"Nasakto lang ba na lahat ng magazines mo, ako ang cover?"

Napasinghap siya. Nakita na nito ang iba pang magazines!

"How about the newspaper clippings? Nasakto lang rin ba na tungkol sa'kin ang mga article news nang business section?" he teased.

She covered her face with her hands. Nahihiya na siya. What's the use of denying? Eh, mukha namang nakita na lahat nito ang "collection" niya.

Argh! Bakit pa kasi sinama 'to ni Mommy? Dapat hindi niya na 'to inalis sa kuwarto ko sa bahay. Ohhhh...

"So, you're a stalker before we actually met?"

Wifely Duties - Published by PHRWhere stories live. Discover now