Chapter Twenty-Nine

323K 6.2K 750
  • Dedicated kay My reader friends <3
                                    

CHAPTER TWENTY-NINE


PINAKATITIGAN NI Agatha ang sarili sa salamin. Ilang oras na lang at susunduin na siya ng asawa para sa inaabangan niyang dinner date nila.

Suot niya na ang damit na binili nila ni Trisha kanina. Hindi niya na itatanggi na napakaganda nga sa kanya ng damit na iyon. Hinayaan niya na nakalugay ang mahabang buhok. Naglagay lang siya ng headband na may baby-blue pearls rin na disenyo. Nakita iyon ni Trisha kanina sa mall. Binili nito iyon para sa kanya dahil para daw iyong terno talaga sa kabibili lang niyang damit. At ngayong suot na niya pareho ang mga iyon, para nga talagang magka-terno iyon. She put on a light make up and wore a gold heart-shaped pendant necklace –na regalo sa kanya o binalik sa kanya ni kuya Johann noong birthday niya.

Her get-up was simple yet full of elegance. Tamang-tama lang siguro iyon para sa pupuntahan nila ni Reeve.

Narinig niya ang pagbukas ng pinto sa baba. Nandyan na ang asawa. Maya-maya pa'y bumukas ang pinto ng kuwarto.

"Happy birthday!" nakangiting bati niya sa asawa.

Napahinto ito mula sa kinatatayuan at humahangang pinagmasdan siya. He eyed her from her feet up to her face.

"Wow!" humahangang sambit nito. "I have a goddess for a wife. Best birthday gift ever."

She chuckled then sweetly smiled at him. Lumapit siya rito at hinalikan ito sa pisngi. " And I have a sinfully gorgeous husband."

"Ah. Nagbobolahan na tayo dito."

Nagtawanan sila.

"Let's go?" aya na nito. "Baka kapag mas nagtagal tayo dito sa loob ng kuwarto, hindi na natin mahabol ang reservation sa restaurant," he naughtily said.

"Mabuti pa nga," natatawang sabi niya.

Kumapit siya sa braso nito at saka sila umalis.

Habang nasa biyahe ay hindi akalain ni Agatha na malayo pala ang pupuntahan nila. Inabot sila ng halos isang oras nang makarating sila sa isang sikat na garden restaurant na "Sparkles" ang pangalan. Pagkatapos mag-park ni Reeve ay una itong bumaba at saka siya pinagbuksan ng pintuan ng kotse at inalalayan pa siya pababa.

Sa labas pa lang ng Sparkles ay napaka-romantic na agad ng ambiance dahil nasa taas iyon ng isang burol at open-air pa ang nasabing restaurant. Kaya naman kahit walang aircon ay ang malamig na hangin na dala ng gabi ay tamang-tama na. Isa pa, malayo iyon sa siyudad kaya naman ang hangin ay sariwa din. Mga yellow lights pa ang pumupuno ng liwanag sa lugar na iyon.

"This place is great," sabi niya.

"I know. This is a perfect place for a sweet dinner date."

Sabay silang pumasok sa loob ng open-air garden restaurant. Napansin niyang maraming tao na ang kumakain at parang wala ng available na lamesa.

May lumapit sa kanilang isang lalaking naka-waiter's uniform.

"Excuse me, Sir," anito kay Reeve.

"Yes?"

"Kayo po si Mr. Monteverde, tama po ba?"

Tumango si Reeve.

"Sir, we're sorry to tell you na may nangyari pong problema sa reservation niyo."

Agad na nagsalubong ang kilay ng asawa niya. "What? I thought that my reservation's fine when I called earlier."

"Sir, kung puwede po ay sumama kayo sa'kin papunta sa manager's office para po maiayos ang problemang 'to. Pasensya na po talaga, Mr. Monteverde," ani ng waiter.

Wifely Duties - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon