Chapter One

592K 8.8K 567
                                    

CHAPTER ONE


Nang makita ni Agatha si Reeve na papalapit sa gawi niya ay agad tumahip nang mabilis ang puso niya. Kahit kailan ay hindi na yata magbabago ang reaksiyon ng puso niya sa tuwing makikita ito.

Every woman in that event was drooling over him. Why, he was looking so charming in his coat and tie.

"Agatha, stop staring at Reeve like you're one of his obsessed stalkers."

Hindi niya pinansin ang sinabi ng kanyang bestfriend na si Trisha at pinagpatuloy lang ang pagtitig kay Reeve.

"Agatha," tawag ulit ni Trisha sa kanya. "He's coming on our way."

"I know."

"Huwag mo namang ipahalata na gustung-gusto mo siyang makita."

Nasa function hall sila ng Monteverde Hotel –isang five-star hotel kung saan gaganapin ang isang piano recital kung saan kasali siya. Hotel din iyon na isa sa pagmamay-ari ng pamilya nina Reeve.

Nagtapos si Agatha ng kursong Hotel and Restaurant Management. Nagmamay-ari rin kasi ang pamilya nila ng chains of hotels nationwide. But, when her boy cousins insisted on managing their family business, hindi na siya pinilit ng kanyang ama na magtrabaho. With that, she decided to pursue her love in music. She studied, again. She took "Diploma in Creative and Musical Arts" at the University of the Philippines.

She's twenty-four now. Isang taon na lang at ga-graduate na siya. Ngayon ay may piano recital sila ng mga classmates niya para sa pagtatapos ng third year nila.

Maraming mga kilalang negosyante ang nandoon ngayon dahil may mga anak ang mga itong kasali sa recital. Siguro, iyon din ang dahilan kaya pinaunlakan ni Reeve ang imbitasyon ng kanilang eskuwelahan para manood sa recital nila –para naman makapag-mingle din ito sa iba pang negosyante.

Palapit na sana si Reeve sa kanyang kinatatayuan kaso naharangan ito ng dalawang matandang lalaki na mukhang mga negosyante rin.

Napasimangot siya.

"Hey, Agatha," Hinila na siya ni Trisha. "Magsisimula na ang recital. Pumunta na tayo sa place natin."

"Pero si Reeve..."

Trisha rolled her eyeballs. "Later na lang. Let's go na."

Wala na siyang nagawa kundi sumunod rito.

After ten minutes ay nagsimula na ang program. Bago magsimula ang recital proper ay sandaling naimbitahan si Reeve sa entablado upang magbigay lang ng maikling welcome greetings para sa kanila. Sa maikling pagsasalita nito doon ay hindi niya ito hiniwalayan ng tingin.

Napaka-dignified nitong magsalita. Full of confidence and appeal. Kaya hindi na rin siya magtatataka kung ang iba pa niyang classmates ay mataman ding nakatingin dito habang nagsasalita ito.

Nasa kalagitnaan ito nang pagsasalita nang magsalubong ang mga tingin nila.

Agad na kumabog ng malakas ang puso niya.

Oh my! He's looking at me! He really is! Oh! How do I look? How do I look?

Nagtagal ang paghinang ng kanilang mga mata. Sobrang nagwawala na ang kanyang puso. She doesn't know what to do but she doesn't want to break their eye contact, too.

She's blushing already. But, she managed to smile sweetly at him.

Nang malapit nang matapos ang speech nito ay nag-iba na ng direksyon ang tingin nito. Ngunit sapat na ang sandaling paghinang ng kanilang mga mata upang mas ma-inspire siya sa pagtugtog mamaya. Nasa business trip kasi ang mga magulang niya kaya walang manonood para sa kanya. Ngunit ang naging eye to eye contact nila ni Reeve ay sapat na upang maging kompleto ang gabing iyon.

Wifely Duties - Published by PHRWhere stories live. Discover now