Melting Ice Princess 2

By jaysanj

1.4M 44.6K 18.7K

Hinahangan ni Zoe ang Dragon Empire kaya laking tuwa ito na makapasa sya sa magtra-training sa camp. Ang goal... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Epilogue
Astra's Special Chapter
Japan's Special Chapter

Chapter 6

23.1K 718 173
By jaysanj




"Alexa, tama na pagod na ako!" sigaw ko dahil hanggang ngayon ay hinahabol pa rin ako ng amazona. Papunta kami sa court ng Red Team, tutal doon ako sasali dahil hindi ko nakita si Louise sa Blue Team kaya malamang nasa Red Team sya.

"Kung tumigil ka sa pagtakbo nang hindi ka mapagod!" sigaw din nya.

"Ayoko nga, sasaktan mo ako eh!"

"Buti alam mo!" hindi ba 'to napapagod? Sabagay ay isa sya sa sumunod kay Ate Gail kahapon hanggang sa makarating ng camp. Mukhang mali ang kinalaban ko.

"Ate Abby si Alexa oh!" hingal na tumago ako sa likod ni Ate Abby. Tumigil din sa pagtakbo si Alexa at naghabol hininga.

"Anong nangyari sa inyo? Bakit ngayon lang kayo huh?" tanong ni Ate Noimi. Nag-sign ako kay Ate Noimi na sandali lang dahil pagod na ako.

"'Yan kasi ang yabang mo." rinig kong sabi ni Louise. Tama nga ang hula ko na nandito sya.

"Ano bang nangyari sa inyo? At hingal na hingal kayo?" tanong ni Ate Gail.

"Si Alexa sasaktan ako." sabi ko. Sinamaan nya ako ng tingin kaya umiwas ako ng tingin sa kanya at napakagat labi.

"Bakit mo naman sya sasaktan Alexa?" tanong ni Ate Gail.

"Naglalandian lang silang dalawa, wag ninyo ng pansinin." sabi ni Ate Juls na kakarating lang kasama si Ate Joey.

"Yuck!" sabay na react namin ni Alexa. Natawa ang ilan samin. Putek naghabulan lang, naglandian na agad. Hindi ba pwedeng may amazonang nakatakas sa gubat ang humahabol sakin?

Pero not bad.

"Enough. Let's start na. Kayong dalawa rito ba kayo?" tanong ni Ate Abby.

"Ako rito." sabi ko at lumapit kay Louise.

"Dito rin ako Ate." sabi ni Alexa.

"Gaya-gaya." bulong ko pero dahil malakas ang pandinig ni Louise at bumabawi sya sakin, ang nangyari ay sinabi nya pa.

"Gaya-gaya ka raw, Alexa." sinamaan ko ng tingin si Louise pero may lumanding sa ulo ko ang bola.

"Hoy masakit 'yon ah!" ano akala nya sa bola, malambot para ibato sakin?

"Paki ko." sabay irap sakin. Taray nito. Napangiti na lang ako.

"Okay, okay, umpisahan na natin tutal magkakakilala na kayo. Let's play friendly game." panimula ni Ate Abby.

"Na naman?" reklamo ko.

"Oh bakit? takot kayong matalo?" nakangising sabi ni Torey.

"Duh? nakakapagod kaya ang ginawa namin." sabi ko.

"Don't worry ngayon lang ito. Welcome game lang ito sa Red team." sabi Shiela.

"Four vs four tayo dahil saktong walo kayo rito. Ang magkaka-team yung apat na butch then the rest kayo na ang magkateam." sabi ni Ate Gail.

Tumingin ako sa apat na tinutukoy nya. Napangiti ako dahil nandito pala si Japan. Ayos masisimulan ko ang plano ko.

"Dream team!" sigaw ni Jayden. Ang isa nilang kateam ay si Kiara. Pansin ko lang ang gwa-gwapong babae ng mga 'to. Required talaga rito ang may itsura.

Si Torey ay sobrang cool tignan. Matangkad sya at maputi. May brown eyes, pointed noise, at kissable lips. Mahilig ata sya sa magulong buhok dahil hindi nakaayos ang buhok nya.

Si Jayden naman ay halos magkasing tangkad lang sila ni Torey. Medyo morena si Jayden pero mukhang may lahi dahil may blue eyes sya. Ayon kay Louise ay isang manyak si Jayden at may ugaling makulit kaya palaging nagtatalo ang dalawa.

Si Kiara ay medyo maliit sya sa dalawa. Halatang pilipina si Kiara. Mukhang mabait sya na nakikisabay lang. Siguro dahil hindi pa namin ganon kakilala halos lahat kaya may pagkatahimik sya.

Si Japan ay matangkad sya pero mas matangkad ako ng kaonti sa kanya. Hindi ko mapagmasdan si Japan dahil sa tingin nya at ang lakas ng pakiramdam. Kapag tumingin ako sa kanya na hindi sya nakatingin sakin ay mapapatingin sya sakin kaya ako ang umiiwas. Una palang sinabi ko ng gwapong babae si Japan, napagkamalan ko pa ngang lalaki eh. Undercut ang buhok nyang blue na pinagsama ng white na lalong ikagwapo nya. Shet sya na.

"Arh! Ayokong maka-team si Zoe." napatingin ako kay Alexa. Ka-team ko pala sya.

"Ginusto ko bang maka-team ka?" sabi ko. Hahampasin nya dapat ako nung lumayo ako at inawat sya ni Ivy. Mabuti na lang ay nandito si Ivy wala akong mapapala kay Louise eh hahayaan nya lang ako saktan ni Alexa.

"Girls magka-team kayo kaya wag kayong mag-away dyan." sabi ni Ate Krystal nang mapadaan samin.

"Umayos ka kasi, Zoe. Wag mo ng patulan pa si Alexa." sabi ni Ivy.

"Edi ako ang kawawa. Ayoko nga." sabi ko. Sinamaan ako ng tingin ni Alexa kaya nginisian ko sya.

"Umayos ka, Zoe kapag natalo 'tong team natin ay masasapak talaga kita." sabi nya. Nag-salute ako sa kanya pero sinamaan nya pa rin ako ng tingin. Tignan mo 'to sinasang-ayunan na nga sya ang sungit pa rin. Ang gulo nito.

"Guys punta na kayo sa court." sabi ni Ate Joey. Pumunta naman kami sa court. Si Alexa ang taga jumpball namin dahil amazona sya este matangkad sya sa lahat. Si Jayden naman sa kabila.

"Okay let's start." tapos pumito si Ate Abby at hinagis ang bola sa ere.

Maya-maya tumalon na ang dalawa at naipasa ni Alexa ang bola kay Ivy. Tumakbo kami papunta sa court ng kalaban. Hinarangan ako ni Torey, nung napansin kong hindi sya sakin nakatingin ay mabilis akong umalis na hindi nya napapansin. Saktong na-corner si Ivy kay Japan kaya pumunta ako sa open space. Nakita nya ako kaya agad nyang pinasa. Hindi ko magagamit ang misdirection dahil lahat sila ay bantay sarado. Sakin lang hindi.

Pagkakuha ko ng bola ay mabilis ko 'yon shinoot at guess what? Hindi pasok. Walangya.

"Shet! Bakit hindi ka pumasok!" tumakbo ako para harangin si Japan dahil nasa kanya ang bola.

Mahigpit ang bantay ko sa kanya hanggang sa may nag-screen sakin kaya nakalagpas si Japan sakin. Tinignan ko kung sino nag-screen sakin, si Kiara.

"Sorry." sabi nya at tumakbo palayo.

Napakamot ako ng ulo. Bakit 'yon nagso-sorry?

"Hoy Zoe ano? Tatayo ka na lang dyan?" beastmode ulit si amazona.

"Chillax ka lang. Kakaumpisa pala ng laro ang init mo na." sabi ko. Bigla nya binato sakin yung bola na iniwasan ko naman. Pumito si Ate Abby.

"Gago ka, Zoe bakit mo iniwasan?!" sigaw ni Alexa. Napakamot ako ng ulo. Paanong hindi ko sasaluhin eh bato 'yon at hindi pasa tapos ang bilis pa halatang may pwersa at sakto pa sa mukha ko.

"Ano ba naman, Zoe." sabi ni Torey.

"Umayos ka nga Zoe! Hindi purkit nakapasok ka na rito ay papetiks petiks ka na lang!" sigaw ni Alexa. Sumimangot ako. Paano nasa harap ko lang sya sumisigaw pa.

"Maayos naman ako ah! Edi wag mo akong pasahan kung hindi ka magtitiwala sakin." sabi ko at naglakad palayo sa kanya. Nainis ako dahil inisip nya na nakapasok na ako rito at pwede na ako magpetiks. Nahirapan ako sa pagpasok dito kaya paghihirapan ko rin na mag-train dito.

"Patay tayo rito. Hindi pwede na magkaaway kayo, hindi tayo mananalo rito." sabi ni Ivy.

Walang sumagot samin ni Alexa. Hindi ko sya tinitignan. Bahala sya riyan. Kaya ko maglaro na wala sya.

"Mukhang kami na ang mananalo ah." sabi ni Jayden. Sya ang binabantayan ko at nasa kanya ang bola.

"Edi wow." inis na sabi ko at kinuha ang bola sa kanya pero iniwasan nya at pinasa ang bola kay Japan.

"Easyhan mo lang kasi." sabi nya pa bago tumakbo papunta sa court nila. Na-shoot kasi ni Japan ang bola.

"Kung ako sayo, mag-sorry ka na kay Alexa." sabi ni Louise nung mapadaan sakin.

"No way! Sya nanguna, sya ang mag-sorry."

"Sira, ikaw kaya nanguna." hindi ko sya pinansin. Tumakbo ako sa open space dahil na-corner si Ivy.

Pagkakuha ko ng bola ay hinarangan ako ng Japan. Tumingin ako kay Louise pero mahigpit ang bantay sa kanya ni Kiara ganun din si Ivy. Tumingin ako kay Alexa open sya pero hindi nakatingin sakin.

Tumingin ako kay Japan. Napangiti ako nang maalala ko ang balak ko. Kita sa mata nya ang pagtaka pero mabilis din nawala.

Kinindatan ko sya bago umatras at shinoot ang bola. This time pasok na 'yon. Tumingin ako kay Japan dahil hindi nya ako pinigilan. Napangiti ako nang samaan nya ako ng tingin. Hindi ako natakot dahil I find her cute.

Hinarangan ko agad si Japan nung nasa kanya na ang bola. Naka-poker face as usual na naman ang mukha habang nakatingin sakin. Nginitian ko lang sya. Napa-smirk nya at mabilis na nag-dribble at pumunta sa kaliwa ko. Sinundan ko naman agad sya. Mabilis syang kumilos kaya mabilis ko rin sya sinundan pero bigla syang tumigil. Tumigil ako pero masyadong mabilis ang takbo ko kaya sa pagtigil ko ay natumba ako. Mabilis nya akong nilagpasan.

Nakatulalang nakaupo ako sa sahig. Napakagat ako ng labi. Nakaramdam na naman ako ng inis at inggit sa sarili ko. Hindi ko magawa ang ankle break pero si Japan ay madali nya lang nagagawa. Kailan ko ba matututo gawin 'yon?

"Zoe ayos ka lang?" Hindi. Hindi dapat ako paghinaan ng loob. Kung hindi ko kayang gawin ang ankle break. Pwes pipigilan ko sya.

"Zoe?" Makikita mo Japan. Ikaw ang matutulala sakin.

Tumayo ako at pinagpag ang pwetan ko. Tumingin ako kay Japan na nakatingin sakin. Nginisian ko sya. Humanda ka my Ice Princess.




Japan's POV

Pinunasan ko ang ulo ko na basa ng pawis. Pinakalma ko ang sarili ko at tumingin sa score board.

56-52 lamang kami ng apat na points.

"Shet bakit ang galing ni sexy?" tumingin ako kay Jayden. Tinutukoy nya si Louise. I don't know kung bakit sexy ang tawag nya kay Louise. Isa lang alam ko, si Louise ang target nya. Bumuntong hininga ako.

"Ang hot talaga ni Zoe 'no?" tumingin ako kay Torey na nakatingin sa kabilang bench. Tumingin ako sa taong tinutukoy nya.

Ibinuhos ni Zoe ang laman ng bottle nya sa ulo nya.

"Witwiw~ shet ang init na nga, lalo pang pinainit ni Zoe." sabi ni Jayden. Manyak talaga.

Tumingin samin si Zoe at ngumiti tsaka bumaling ulit kanila Louise.

"Shet! Kung nauna ko lang nakilala si Zoe kaysa kay Louise ay sya ang liligawan ko." sabi ni Jayden.

"Gago napaka-playboy mo." sabi ni Torey.

Naglakad ako palayo sa dalawa at pumunta sa tabi ni Kiara.

"Loko-loko yung dalawa 'no? Pinagtri-tripan nila si Zoe." tumingin ako sa dalawa na nakatingin pa rin kanila Zoe.

Nakitbitbalikat ako.

"Guys start na ulit!" sigaw ni Ate Shiela. Tumayo kami ni Kiara at pumunta sa court.

Tumingin ako sa nagbantay sakin. Sya na naman. Tumingin ako sa iba nang tignan nya ako.

"Alam mo bang ang cute mo?" napatingin ako sa kanya. Tinignan ko lang sya ng walang kagana-gana nung kindatan nya ako. Ano bang problema nito?

Ipinasa ni Louise ang bola kay Zoe.

"Gusto makakita ng magic?" sabi nya. Nagtataka ako pero hindi ko pinahalata. "Tumingin ka sa mga mata ko at makikita mo ang tinatawag na magic." nakitbitbalikat ako pero hindi ako tumingin sa kanya. Triny kong tapikin ang bola pero mabilis nyang iniwas.

"Hoy Zoe! Nauubos ang oras sayo!" sigaw ni Alexa. Nagkaayos na ang dalawa kaninang first half. Natatalo na sila kanina kaya nakipagbati na si Zoe pero nagsisigawan pa rin sila.

"Ihh ayaw tumingin sakin ni Japan eh!" napa-poker face ako.

"Aba! Ikaw pa ang umaayaw Japan?" sabi ni Jayden. Hindi ako katulad nya. Hindi ko type ang taong ito.

"Tumingin ka na kasi." sabi ni Zoe. Nagbuntong hininga ako at tumingin sa mga mata nya. "Wow." sambit nya. Natulala sya habang nakatingin sa mga mata ko.

Kinuha ko ang pagkakataon para makuha sa kanya ang bola. Nagtagumpay ako at pumunta sa court nila. Nag-lay up ako pero may kamay na humarang. Pagtingin ko si Zoe.

"Not so fast, Japan." sabi nya. Tumakbo silang lahat papunta sa court namin dahil na kay Ivy ang bola.

Tumingin ako kay Zoe na katulad ko ay hindi sya tumakbo.

"Ayaw mo bang makakita ng magic?"

"Hindi totoo ang magic." nag-smirk sya.

"Sakin totoo." tinignan ko lang sya. "Try me." nakibitbalikat ako at tumakbo na lang.

Nakahabol sila sa score, mas lamang sila ng isa samin. Na kay Louise ang bola na pinasa kay Zoe na binabantayan ko.

"Try me, Japan. You'll see the magic." sabi nya. Bumuntong hininga ako, hindi ako titigilan nito.

"Japan." tinignan ko sya sa mga mata nya para matigil-tigil na sya. Kumunot ang noo ko dahil ang seryoso sya, nagseryoso na rin ako dahil baka kung ano pa ang gawin nya. But unexpected ang ginawa nya, hindi ako nakapag-react kaya hindi ko sya napigilan makalagpas sakin. The Fuck?

"Nakita mo na ang magic?" natatawang sabi nya habang palayo sakin.

"Hindi 'yon magic." sabi ko. Nginitian nya lang ako. 

"Hey." napatingin ako kay Kiara. Nagtaka ako kung bakit ganon sya makangiti pero hindi ko pinahalata. "Tulala ka sa ganda ni Zoe 'no?" napa-poker face ako.

"Shut up."




-----------------------------------------

Continue Reading

You'll Also Like

2.6M 68.7K 59
Si Kill ay napilitan lang mag-try out sa isang basketball team dahil sa bestfriend nya at hindi nya aakalain na kahit hindi nya ginalingan ay napasam...
712K 25.2K 35
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
41.7K 2.4K 41
"You gave me reason to live in an eternity of captivity. But it's your FAULT that I fell in love with you that I can't even control this feelings any...
828K 28.4K 73
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.