Prince Of The Womanizers (Com...

By IHeartThisGuy

5.5M 129K 14.7K

"Salamat at dumating ka sa buhay ko. Ikaw lang ang babaeng minahal ko ng ganito. Mahal na mahal kita at gusto... More

Prince Of The Womanizers
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Wakas
Womanizer Series
Special Chapter #1
Special Chapter #2 + Sequel

Kabanata 29

74.6K 2.1K 122
By IHeartThisGuy


Hawak-hawak ko ang cellphone ni Aivan at kasalukuyan ko 'yong iniinspeksyon. Binuksan ko ang inbox at wala naman akong nakita na iba niyang ka-text maliban sa akin at kay Tita Cassandra.

Napa-irap tuloy ako, sabay baling ng tingin kay Aivan na ngayon ay ngingiti-ngiti habang kumakain ng fries.

"Sabi ko naman sa'yo, wala kang mababasa diyan..... Ayaw mo namang maniwala na wala akong babae." Aniya pa habang ngumunguya ng paborito niyang fries.

Umiling naman ako, "Eh paano kung binura mo kanina ang mga messages? Ha?"

"Eh di sige.... Tignan mo ang logs ko diyan. Tapos, tignan mo na rin ang mga nasa phonebook ko. Tignan mo kung sino-sino ang mga naka-save sa contacts ko." Nagmamayabang na sabi pa niya.

Hindi naman ako nag-atubili pa kaya tinignan ko na ang logs pati na ang mga nasa phonebook niya. Ang tanging nakita ko lang naman na naka-save sa cellphone niya ay number ni Daddy ni Tita Cassandra at pati kay Zach.

Nakita ko rin ang number ko, kaya hindi ko mapigil ang ngiti ko.

Kanina pa kami magkasama ni Aivan. Nasa McDonalds kami ngayon at kumakain, malapit ito sa eskwlahan nila Aivan. Tapos na rin kasi ang mga klase ko, kaya heto at kasama ko na lang si Aivan... Hinihintay ko na lang kasi ang graduation ko sa susunod na linggo.

Si Aivan naman ay next next week pa inaasahan ang pag-gradweyt. Hindi kasi sabay ang schedule ng graduation namin dahil magka-iba kami ng school.

Ibinalik ko na ang cellphone ni Aivan sa kanya, tinignan ko lang naman kung sino ba ang mga ka-text ni Aivan. Wala naman sigurong masama doon.

"Mamaya nga pala... Birthday ni Zach, may party sa bahay nila. Invited tayong dalawa." Sabi niya.

Noong isang araw pa ako inimbitahan ni Zach at ni Liz tungkol sa bagay na iyon. "Mag-iinom ka?" Tanong ko kay Aivan.

Napa-isip naman siya at marahang tumango, "Konti lang naman.... Hmm, pwede ba?"

"Siguraduhin mo na konti lang huh? Baka mamaya, kundi iiwanan kita don." Sabi ko sa kanya.

Tumawa naman siya, "Konti lang talaga... Saka hindi ka naman maboboring dun eh... Nandun din si Liz."

Ilang minuto pang dumaldal si Aivan habang ako ay nakikinig lang sa kanya. Ilang minuto pa ay bumalik na kami sa school ni Aivan. Sinama niya kasi ako kahil gusto niya raw na makita ang reaksyon ko mamaya kapag naipost na sa bulletin board ang mga estudyanteng gagradweyt ngayong taon.

"Pare!"

Napahingo kami ni Aivan sa paglalakad nang may lumapit na lalaki sa aming dalawa. Napatingin naman sa akin ang lalaki, "Girlfriend mo?"

Tumawa naman si Aivan bago ako muling inakbayan, gusto ko sanang mapa-irap pero pinili ko na lang na hindi. Sa halip ay nginitian ko na lang din ang lalaki.

"Siya ba 'yung naike-kwento mo sa amin, Marcus? Ang ganda naman pala." Saad ng lalaki kay Aivan.

Muli namang napatawa si Aivan, "Sige pre... May dadaanan pa kami ng girlfriend ko eh." Sabi ni Aivan.

Pangisi-ngisi si Aivan habang naglalakad kami palayo sa lalaki. "Ikaw ah! Hindi pa nga kita sinasagot eh." Sabi ko.

Tumawa lang siya.

Maraming tao ang sumalubong sa amin ni Aivan nang makalapit kami sa may bulletin board ng department nila Aivan. Halos mapuno iyon ng tao dahil ngayon lang ipinaskil sa bulletin ang listahan ng mga nakapasang mga estudyante.

Nang medyo humupa ang dami ng tao ay saka lang kami lumapit ni Aivan para lang tingnan kung kasama rin ba ang pangalan niya sa mga listahan ng nga makaka-graduate ngayong taon.

"Excited na ako!" Ani Aivan habang hinahanap na ang pangalan niya.

Nakihanap na rin ako.

Ilang minuto na ang nakalipas ay hindi pa rin namin nahahanap ang pangalan niya, naririnig ko na ang mahihinang mura ni Aivan sa tabi ko habang panay ang pagti-tsek niya sa mga listahan na nakapaskil sa bulletin board.

"Hindi ko mahanap." Sabi ko sa kanya.

Natignan ko na hanggang sa dulo ang mga pangalan na nakalista. Talagang inisa-isa namin ni Aivan ang pangalan ngunit wala naman doon ang pangalan niya.

"Nandito lang iyon!" Ani Aivan, nang balingan ko siya ng tingin ay napansin kong namamawis na siya.

Ibabalik ko na sana ang tingin ko sa mga listahan nang hawakan ni Aivan ang kamay ko, nanginginig siya at sa tingin ko'y natataranta pa.

"Sasagutin mo pa rin ako di ba? Nag-aral naman ako ng mabuti ah? Pinakita ko naman sa'yo 'yung mga results ng exam ko.."

Gusto kong mapatawa sa inaasta niya pero pinili ko na lang na hindi. Alam ko naman na nag-aral siyang mabuti, minsan pa nga ay sabay pa kaming nagre-review na dalawa. Nakakapagtaka tuloy kung bakit wala siya sa listahan ng nga gagraduate.

Ngumiti na lang ako sa kanya para naman maramdaman niya na okay lang ang lahat, siguro ay nagkaroon lang ng problema.

Napalis ang ngiti ko nang makita ko na mabilis na pinunasan ni Aivan ang pisngi niya, tumulo na pala ang luha niya.

Napaka-iyakin talaga ni Aivan kahit kailan.

"Huwag ka nang umiyak diyan, Aivan." Sabi ko sa kanya.

Magsasalita pa sana ako nang nay lumapit sa amin na babae na medyo may edad na. "Good Afternoon, Sir Gonzales...." Bati nito kay Aivan.

Professor siguro ito?

"Ma'am! Bakit wala 'yung pangalan ko sa mga ga-graduate? May problema po ba sa akin?" Mabilis na tanong ni Aivan.

Ngumiti naman ang babae, "Mister Gonzales. Kung maaari sana ay sa Office of the Dean ka pumuntan." Sabi pa ng babae kay Aivan.

Mabilis naming tinumbok ni Aivan ang Office ng Dean.

Kumatok siya ng tatlong beses bago kami pumasok sa loob.

"Ginoong Gonzales, mabuti at naparito ka." Sabi ng isang lalaki nang makita si Aivan sa tabi ko.

Siya siguro ang Dean.

"Sir... Gusto ko lang pong malaman kubg bakit wala ang pangalan ko sa listahan ng mga ga-graduate?" Tanong ni Aivan. Tumingin siya sa akin at hinawakan niya ang kamay ko. Pinisil ko naman iyon.

Ngumiti naman ang Dean at binalingan ako, "Good Afternoon, Miss?"

Napalunok ako bago magsalita, "Dela Cruz po." pagpapakilala ko.

Napatango naman si Dean, "Ikaw pala ang inspirasyon nitong si Aivan...." Tumatango-tangong sabi ni Dean sa akin sabay baling naman ng tingin kay Aivan, "Mister Gonzales, sadyang hindi isinama sa mga listahan ng ga-gradweyt ngayong taon ang pangalan mo.... Mayroon ka kasing espesyal na pagpapakilala sa susunod na araw.."

"Ano po bang ibig n'yong sabihin, Dean?"

Muling ngumiti ang Dean, "Congratulations, Mr. Aivan Marcus Gonzales. You're a cum laude."

Napa-awang ang labi ko sa narinig ko, at alam kong gayundin si Aivan na nasa tabi ko.

Pakurap-kurap pa si Aivan habang nakatitig sa dean na larang hindi makapaniwala.

Halos mapatalon ako sa gulat nang maramdaman ko ang mahigpit na yakap ni Aivan sa akin.

"Narinig mo 'yun sweetheart? Gagraduate ako at cum laude pa!"

Napangiti naman ako habang pinupunasan ko ang pawis na nasa noo niya gamit ang palad ko, "Masaya ako dahil ipinagpatuloy mo ang pangarap mo. Congratulations, baby ko." Nangingiting sabi ko sa kanya sabay halik sa pisngi niya. Bahagya pa siyang napatigil.

Nang makalabas kami sa office ay muli akong niyakap ni Aivan, "Gagraduate akong cum laude... Tapos ikaw naman, gagraduate na summa cum laude."

Pinisil ko naman ang ilong niya, "Parehas tayong with honors. Sobrang saya ko... Kung alam mo lang."

"Tayo na ah?"

Napangiti ako at napakagat pa sa labi, "Tayo na ah? Uyyyyy!" Sabi niya sabay sundot sa tagiliran ko.

Ang kulit lang!

Tumango ako at bago pa ako makapagsalita ay naramdaman kong binuhat na niya ako sa tuwa, "I love you!"

Pinagtitinginan na kami ng mga tao doon pero hindi naman niya inalintana iyon, napatawa na lang ako.

"I love you too, baby ko."

Kung dumating man ang panahon na lumapit na naman ang panibagong pagsubok sa buhay namin, sisiguraduhin kong hindi ko siya susukuan. I will fight for him, ipaglalaban ko ang pagmamahal ko para sa kanya... At sana ay ganon din siya.

Naramdaman ko ang mainit na hininga niya sa may tainga ko, "Wag mo akong iiwan ah?"

I wont.

Continue Reading

You'll Also Like

22K 464 39
All her life, Cassandra had been a good daughter to please her parents. Her brother protected her. She grew up in a family where she was a princess...
245K 5.4K 67
I like you, Sir! Sonia knows that liking a man who doesn't like her is like a big tragedy. But instead of getting furious and feeling inadequate, as...
10.5K 482 26
Simple, mabait, at matulungin na anak si Stella, wala siyang hinangad kundi ang maihaon ang kanyang pamilya kaya naman ng magkaroon ng oppurtunidad a...
777K 37.9K 24
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...