Celine✔️

By lessianneleigh

78K 1.8K 25

(STAND-ALONE) NOT EDITED Isang babaeng susubukin ng panahon. Makakaya niya bang hadlangan at labanan ang mga... More

CELINE
SIMULA:
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29:
Kabanata 30
WAKAS

Kabanata 10

2K 54 0
By lessianneleigh

C-10








NAPANGANGANG nakatingin na lamang sa fer sa likod ng kaniyang kapatid habang papalayo ito sa kaniya. Ngunit hindi niya mapigilan ang hindi mapangiti dahil sa nadiskubre. Sino ba naman kasi ang hindi matutuwa dahil lang sa nalaman niyang may epekto sa kaniyang kapatid ang presensiya ng dalaga?




Lumingon siya sa kaniyang gawig kanan at doon naman niya nakita ang dalaga. Pinagmasdan niya ito sa pagbaba sa hagdan habang nakakunot ang noo nito sa kaniya.





"Oh? Bakit nakakunot ang noo mo?" baling niya sa dalaga.




"N-narinig ko kasi na parang mayroong nagsasagutan rito sa ibaba kaya dali-dali akong napababa" sagot nito sa kaniya. Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat at matamang tinignan sa kaniyang mga mata.





"Huwag ka nang mag-alala. Wala namang ibang nangyari eh. Usapang magkapatid lang iyon" pagsisigurado niya rito.





Napahinga naman ng maluwag ang dalaga sa kaniyang narinig. Natatakot kasi siya sa tuwing nakakarinig siya ng mga bangayan ng kahit sino. Iyon ang isa sa mga hindi niya mawari sa kaniyang sarili.


+++





SA pagsabay ng bilis ng pagkabog ng kaniyang puso sa kaniyang pagmamaneho ay hindi maatim ni Vhin kung saan siya paroroon ngayon. Gusto niyang manuntok ng kahit na sino ngayon. Nagtitimpi lamang kasi siya.





Hindi kasi niya maintindihan ang kaniyang sarili. Simula nang Makita niya kasi ang dalagang si seli ay naging ganito na ang kilos niya. Para bang hindi na siya ang dating vhin na may disiplina sa kaniyang sarili at kayang umunawa ng lahat ng mga bagay.





Isa pa iyon na pinoproblema niya. Ang dalaga mismo. Hindi niya alam kung anong meron kay seli dahilan kung bakit siya nagkakaganito ngayon. Litong-lito na siya at hindi na niya alam kung anong uunahin niyang problemahin.





Sa isang iglap ay naging mabilis ang mga pangyayari. Hindi na kasi niya makontrol bigla ang pagmamaneho niya sa kaniyang kotse. Bumaling ang tingin niya sa harapan at doon nanlaki ang kaniyang mga mata ng Makita ang isang truck na padaan sa harapan niya.






Inapakan niya ang preno ngunit mas lalo siyang kinabahan ng hindi iyon gumana, napakabilis kasi ng pag-aandar niya. Nanginginig sa takot ang kaniyang katawan pati na ang kaniyang isipan at hindi na niya alam pa ang gagawin.





Muli siyang tumingin sa kaniyang harapan at napapikit na lamang siya ng maramdaman doon na bumunggo ang sasakyan niya sa kaharap na truck. Ramdam na ramdam niya ang hapdi at sakit dulot ng nabasag na salamin sa kaniyang windshield.





Pilit niyang iminulat ang kaniyang mata subalit hindi niya iyon magawa. Sinubukan niyang iangat ang kaniyang kamay ngunit mas lalo lamang lumalala ang sakit na naramdaman niya roon. Unti-unti nang bumabagsak ang kaniyang mga mata, at nais niyang magsalita at humingi ng tulong subalit wala siyang naging lakas para gawin iyon.





Doon na lamang niya narinig ang pag alingaw-lingaw ng isang ambulansiya na sa tingin niya'y papalapit sa kaniya.





+++





WALA sa sariling napatayo si seli ng marinig ang malakas na pagsigaw ni Fer. Hanggang ngayon ay nasa sala parin kasi sila at iniisip kung ano ang maaaring ginagawa at kung nasan ngayon ang kapatid ng binata.




Nanlalaki ang mata ni fer habang hawak ang telepono na siyang katabi lamang ng sofa. Kumunot ang kaniyang noo dahil hindi niya alam ang mga nangyayari. Bigla kasing may tumawag sa kanila at dali-dali iyong sinagot ni fer.




Hindi niya ugaling makiusiyoso subalit sa oras na iyon ay hindi niya napigilang hindi magtanong.




"A-anong nangyayari?"






Tumingin ang binata sa kaniya ngunit hindi ito sumagot. Bagkus ay ibinaba ang hawak na telepono at tuluyang humarap kay seli.



"Get ready" saad ng binata sa kaniya. Kumunot muli ang noo niya dahil sa inutos ng binata. Magtatanong na sana siya ngunit agad din iyong pinigilan ni fer.



"No more question lady, get ready, and follow me" wala siyang nagawa kundi mag-ayos lamang ng kaunti sa kaniyang sarili at saka tuluyang sinundan ang binata.




+++



MABILIS ang pagpapatakbo ng binata sa kaniyang kotse kung kaya't ganoon din ang paghigpit ng kapit ni seli sa kaniyang upuan. Kahit nagtataka at hindi naiintindihan ang kasalukuyang situwasyon ay mas pinili na lamang ni seli na hindi magsalita at kulitin pa ang binata.






Tumigil ang kanilang sasakyan sa harap ng isang private hospital. Napakataas ng gusali at konti na lang ay baka malula kana sa itsura ng ospital na iyon. Tuluyang ipinasok ni fer ang kotse sa loob at doon ay naghanap ng pwedeng parkingan.





Nang matapos sila ay saka mabilis ng bumaba ang binata. Agad din namang bumaba si seli upang sundan ito.



Nang tuluyang silang makapasok ay mayroon kaagad tinanong ang binata sa isang nurse na siyang in-charged sa loob. Binalingan siya ni fer at mabilis na hinila siya sa kamay at agad kumaripas ng takbo.



Hingal na hingal silang dalawa na makatapat sila sa Room 107. Kaagad iyong binuksan ng binata at doon tumambad sa kanilang dalawa ang nakahigang si Vhin habang maraming nakakakabit sa kaniya.



Napaawang at nanlaki ang mata ni seli dahil sa kaniyang nakita. Bigla na lamang nanlambot ang kaniyang mga tuhod ngunit buti naman ay mabilis siyang nakaupo bago pa siya tuluyang bumagsak sa sahig.




Lumapit si fer sa kaniyang kuya at tinignan ang kalagayan nito. Gusto rin namang lumapit ni seli ngunit pakiramdam niya ay wala siyang lakas para gawin ang nais niya. Parang mayroong lumukob sa loob ng pagkatao niya ng makita ang walang kalaban-labang itsura ng binata.




Susubukan na sana niyang tumayo ngunit doon naman mayroong pumasok sa kwarto na siyang kinaroroonan nila. Ang doktor pala ang siyang pumasok kaya napatayo ng tuwid si fer ng Makita ito.


"D-doc? What happened to my brother?"
Nanatiling nakaupo lamang si seli at hinihintay ang isasagot ng doktor sa kanila.



"As is scan the result, at dahil narin sa Car Accident na natamo ni Mr. Gonzales ay nagkaroon siya ng amnesia and it will last about 4-5 months. Medyo malalim kasi ang sugat na galing sa nabasag na salamin na bumaon sa kaniyang ulo."




Hindi napigilan na hindi mapasinghap ni seli dahil sa narinig. At ang binatang si fer naman ay nakatayo parin at nakikinig sa bawat sinasabi ng doctor.




"Pasalamat na lang tayo at hindi na siya nacomatose dahil sa aksidente."




"Kailan namin siya pwedeng i-uwi doc?" pagtatanong ni fer dito.





"as of now, hindi muna pwede dahil marami pa kaming titignan sa kaniya. Mga resulta na hinihintay kung ano pa ang ibang maaring maging sakit ni Mr. Gonzales. Dahil nga sa pagkakabangga niya sa kotse ay naging malalim nga ang mga sugat na natamo niya"





Tumango na lamang si fer sa doktor at iniwan na silang dalawa roon.






"Ano daw ang naging aksidente niya?" binalingan niya ang dalaga at iginaya ito paupo sa may sofa.





"Car accident, and worst comatose siya in 4-5 months. Shit! What the hell just happened?!" hindi na narinig ni seli ang huling sinabi ng binata dahlil nakayuko na lamang ito at nakasabunot sa kaniyang buhok





Wala sa sariling pinutol niya ang distansiya sa pagitan nila ni fer at hinagod ang likod nito. Napa-angat naman ang ulo ng binata sa kaniya at pagod na ngumiti sa kaniya.





"I don't know what our parent's will be say about this. Damn! Ano ba kasing pumasok sa utak niya para umalis na lang basta-basta?" tanong nito sa sarili.






Nanatiling hindi nagsasalita si seli sa tabi niya. Dinidinig niya lamang ang bawat hinaing ni fer.






At kahit gustuhin niyang makatulong ay hindi niya alam kung sa paanong paraan niya ito matutulungan.





"I have a favor to you seli" baling niya sa kaniya. Napaayos naman ng upo ang dalaga ng mapansin niyang naging seryuso ang tono ng pananalita ni fer.





"Ano iyon?" tanong niya rito.





"Gusto mo bang makatulong sa amin ni kuya?" napalunok siya ng marinig niya ang sinabi ni fer sa kaniya. Nagdadalawang isip siya at hindi siya kaagad nakapagsalita dahil sa pag-iisip kung anon ang isasagot sa tanong nito.






Wala namang masama kung tumulong siya sapagkat sa totoo lang ay malaki ang utang na loob niya sa mga ito dahil sa pagpapatuloy niya sa bahay nila.






Iyon ang nasa isip niya ngayon. Napatango siya sa isip at tuminging muli sa binata.







"Oo gusto ko ngang makatulong sa iyon lalo na sa k-kapatid mo" ani niya kay fer.








"Pero sa paanong paraan?" kumunot ang noo niya nang tanungin niya iyon sa binata.





"We will do a plan"




Mas lalong kumunot ang kaniyang noo dahil dito.





"A-ano namang plano?"





"Kapag naggising si kuya, malamang ay hindi niya tayo makilala dahil sa comatose siya. Naalala mo pa ba iyong sinabi ko sa iyo noon na gusto kitang maging fiancée ng kuya ko?"



Tumango siya sa binata at patuloy ang pakikinig.






"Ngayon natin iyon gagawin seli. Para kay kuya, dahil mahal ko siya, siya ang tumutulong sa akin sa lahat kapag may problema ako, at naisip ko na ito na ang siyang magiging kapalit ng lahat ng mga tulong na nagawa niya sa akin. Be my brother's fiancée seli, kapag naggising si kuya,








Ipapakilala kita sa kaniya as his Fiancee"

Continue Reading

You'll Also Like

4.7K 122 51
Love is luck for Jade Carisa Rivera, a young woman who believes that she'll meet her lifetime partner before she turns 18. At first, she was initiall...
48.7K 967 53
"Hindi siya nakakatulog ng walang ilaw..." Namilog ang mga mata ng aking mga kasamahan at sabay-sabay silang napasigaw... "Ba't mo alam?" I bit my lo...
62K 747 47
Sophie Dianne Rojales ideal type is simple someone who can handle a relationship with maturity as she believe that age doesn't matter as long as you...
134K 3.4K 23
Parang gulong ang buhay. Minsan nasa baba ka, minsan naman nasa taas. Hindi mo alam kung kelan ka aangat, hindi mo rin alam kung kelan ka babagsak. ...