Kabanata 22

1.9K 46 0
                                    

*Fer Drake on 👆👆👆

Hindi ako masyadong makatulog kagabi dahil sa ginawa kong pagtugon sa halik ni vhin sa akin. Kung hindi rin naman ako isa't kalahating tanga eh.

Pero alam ko sa sarili ko na hindi ako nagsisisi sa paghalik niya sa akin at sa pagtugon ko roon. Kakaibang pakiramdam kasi ang umusbong sa loob ko nang maglapat ang labi namin sa isa't-isa.

Hindi ko na rin alam kung paano ako nakatulog at kung anong oras iyon. Umasa rin ako kagabi na paggising ko ngayon at katabi ko siya sa higaan ngunit hindi ko maiwasang hindi malungkot nang walang bahid ng gusot ang kabilang bahagi ng kama.

Bumangon na ako at inayos ang sarili upang makababa na rin sa sala. Sana'y sabay kaming kumain ni vhin ng almusal ngayon.

Naabutan ko si fer sa may sala kinabukasan na nakabihis pang-alis, may date siguro dun sa girlfriend niyang si angel.

Humikab pa ako nang tuluyang makababa sa hagdanan, kumunot ang noo ko nang mapansing parang wala roon si vhin.

Nilingon ko si fer at nagtanong.

"Good morning fer, si vhin?" Ani ko. Bumati siya sa akin nang matapos niyang itali ang sintas ng kaniyang sapatos at saka lumingon sa akin.

"Maaga siyang umalis eh, at baka mamayang gabi pa ang uwi nun" napanguso nalang ako. Bakit hindi niya ako ginising at nagpaalam?

Nakaramdam ako ng lungkot dahil napagtanto ko na hindi kami makakapagsabay sa almusal ngayon. Siguro bukas ay pwede na.

Napangiti ako sa naisip.

"Ah, eh saan ka naman pupunta?" Tanong ko sa kaniya, nakita kong ngumisi siya ng bahagya habang sinusuot ang puting headset niya sa ilalim ng kaniyang asul na t-shirt na may naka-ukit na 'levis' roon.

"Date with angel" sagot niya at bahagyang pumula ang tenga niya. Pinigilan kong hindi mapatawa dahil sa nakita.

Unang beses ko kasing makitang mamula si fer dahil sa isang babae. Hindi ko namalayan na natapos na siya sa paghahanda niya at nasa hamba na siya ng pintuan nang isinuot niya ang rayban shades niya.

Umiiling na lamang ako sa inasta niya.

"Mag breakfast kana seli, at ikaw na ang bahala sa bahay" at saka siya kumaway habang hindi man lang ako nililingon.

Hindi ko pa pala nasabi kay fer na nakakuha na ako ng trabaho kahapon, kaya akala niya ako ang maiiwan ngayon sa bahay.

Nang makaalis na siya at saka naman ako nag-almusal at naghanda na para pumuntang sentro.

Ito ang pangalawang araw ko sa grocery na siyang pinagta-trabahuhan ko. Wala naman ako masabi dahil wala pa naman akong ilang araw na namamalagi roon.

Mabait si a rana at leni at alam kong mabuting silang kaibigan. Sa totoo lang ay nakaka-bored ang maghapon sa tindahan pero nang dahil sa kanila ay hindi ko iyon nararamdaman.

Mabilis akong nakarating sa tindahan at agad akong sinalubong ng ngiti nina rana at leni.

Alam kong may utang akong kwento kay rana base sa kakaiba niyang pag-ngiti sa akin. Napailing nalang ako habang inilalapag ang bag ko sa may gilid na bahagi ng shop.

"Seli, sinabi ko pala kay leni na may utang ka sa aking kwento ngayon kaya ano pang inaantay mo?! Dali! Ano nang nangyari?" Halos mangiwi ako sa paghawak ni rana sa magkabilang braso ko.

Alam kong pinipigilan niya lang tumili ng malakas kaya napatawa nalang ako ng mahina roon.

"Omg seli, ang swerte mo kay fafa ah?" Asar ni leni sa akin. Napanguso nalang ako sa kaniya dahilan ng biglaan niyang pagtawa. Ngunit mabilis naman itong napawi nang marinig niya ang malakas na sigaw ng kostumer namin.

Celine✔️Where stories live. Discover now