Kabanata 26

1.9K 46 3
                                    

C-26

Otomatiko akong napapikit nang maramdaman ko ang kaniyang labi sa akin. Parang may sariling isip ang aking kamay at pumulupot ito sa kaniyang leeg.

Ang pamilyar na pakiramdam na matagal ko nang hinahanap-hanap, ang pamilyar na bisig na matagal kong hindi naramdaman. Ngayon, narito siya sa aking harapan, ang kaniyang kamay ay nasa aking bewang, at ang kaniyang mga labi ay nasa akin ring labi.

Maraming gumugulo ngayon sa isip ko at hindi ko alam kung ano ang uunahing papansinin, ang nasa isip ko ba na nagsasabing itulak siya at hindi tama ang aming ginagawa, o ang sinasabi ng aking puso na ito na ang tamang panahon para sa aming dalawa.

Naramdaman ko ang paglalakbay ng kaniyang kamay mula sa aking bewang paakyat sa aking batok.

Tumayo ang balahibo ko sa katawan dahil sa ginawa niya. Kakaiba ang kaniyang paghalik sa akin hindi tulad noon na unang naglapat ang aming labi.

Noon wala akong ibang nararamdaman kundi ang kagustuhan niya lamang na halikan ako. Ngunit ngayon, may iba, may iba sa kaniyang halik na hindi ko mawari kung ano ba iyon.

Mas lalo niyang akong idiniin sa kaniyang katawan sanhi ng paglabas ng ungol ko sa aking bibig.

Napakapit ako ng mariin sa kaniyang leeg ng mas pinalalim pa niya ang kaniyang paghalik sa akin.

Sa loob ng limang taon na hindi namin pagkikita... hindi imposible na magkaroon siya ng mga babae...lalo na sa kama.

Alam ko, at hindi ko iyon kinakalimutan sa aking isip. Ngunit minsan, hindi ko mapigilan ang hindi mainis kapag iyon ang iniisip ko.

Napadilat ako ng maramdaman ang kaniyang pagkagat sa aking dila at ang kaniyang kanang kamay na humahaplos sa aking kaliwang dibdib.

"V-vhin...."

Hindi ko mapigilan ang hindi mapadaing dahil sa ginagawa niya sa akin ngayon.

Madilim na ang paligid at tanging liwanag lamang na nagmumula sa aming resthouse at ang liwanag ng nagmumula sa buwan ang tanging ilaw namin ngayong gabi.

Itinulak ko siya nang tuluyan na akong mawalan ng hangin. Agad rin naman siyang humiwalay at ipinagdikit ang aming noo sa isa't-isa.

"I love you since the day that i laid my eyes on you seli..." aniya na siyang nagpa-angat sa gilid ng aking labi.

Ayoko munang magbigay ng reaksyon sa mga salitang bibitawan niya ngayon. Titignan ko muna kung totoo lahat ng iyon at walang bahid ng pagsisinungaling.

"Im no longer seli vhin, celine is my true name" sagot ko sa kaniya. Napapikit ako nang maramdaman ang kaniyang palad na humaplos sa aking kanang pisngi.

Ang init nito ay iniibsan ang lamig ng hangin na nagmumula sa dalampasigan. Saksi ang maliwanag na buwan sa kung ano man ang nangyayari sa aming dalawa ngayon.

"Celine....Seli, i don't give a damn on what you'r true name is. The important is i finally found you again baby, and from now on, i won't let other people to ruin us, and i promise that i will do my best to make you happy" aniya na siyang nagpadilat sa akin at sinalubong ang kaniyang titig.

Punong-puno ito ng emosyon at hindi ko alam kung ano ang nangunguna ngayon.

Maski rin naman ako, halo-halo ang emosyon at tiyak ako na sa kabila ng emosyon at nararamdaman ko ngayon ay iisa lang ang siyang umuusbong sa akin.

Iyon ay ang pag-ibig ko sa kaniya. Oo aaminin ko, matagal ko na siyang mahal matagal na to the point na i volunteered my self to get away from him. Just to make him happy, just for him to find his own happiness.

Celine✔️Where stories live. Discover now