Kabanata 6

2.3K 58 0
                                    

C-6





MALAMIG na hangin ang dumadampi sa balat ng dalaga dahilan kung kaya't nagising siya. Dahan-dahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata, upang ilibot sa paligid niya. Kumunot-noo siya dahil sa hindi pamilyar sa kaniyang kwarto lalo na't bago sa kaniya ito.



"Finally, you'r awake" napalingon siya sa pinaggalingan ng boses na iyon, otomatiko namang tumaas ang balahibo niya sa kaniyang batok dahil sa tinig na narinig. Nakita niya ang lalaking nakaupo na katapat niya lamang sa may gilid ng kamang kinahihigaan niya, katabi ang malaking binatanang pinagmumulan ng repleksiyon ng araw.



"I-ikaw...Ulit"



"Yes, unfortunately it's me, so I think it's better for you to get up, take you'r shower and after that, follow me downstairs while I'm gonna prepaid our breakfast"



Maang siyang nakatingin lamang dito, ni hindi alam ang kaniyang sasabihin. Ikaw ba naman pagsabihan ng ganoong mga salita! Pakiramdam tuloy ng dalaga ay dudugo anumang oras nag ilong niya dahil sa pag-iingles nito!



"What are you still staring at?" giit ng lalaki sa kaniya, napapiksi lamang siya dahil sa pagtaas ng boses nito. Napahinga naman ng malalim ang lalaki nang Makita niyang natakot sa kaniya ang dalaga. Tumigin ito sa mamahalin niyang relo at saka nagsalita.



"Ok, just faster I'll give you 20 minutes...now start!" utos nito sa kaniya



Walang nagawa ang dalaga kundi sumunod sa sinasabi ng lalaki sa kaniya, ramdam niya kasi ang tensiyon sa bawat salita na inilalabas ng lalaki kung kaya siguro'y mabilis siyang sumusunod rito. Tumayo naman ang lalaki mula sa pagkakaupo at tumungo sa may pintuan, binuksan ito at walang lingon-lingong nilisan ang dalaga sa gitna ng kwartong kinaroroonan niya.



Inilapag ng dalaga ang kaniyang kaliwang paa sa sahig at saka dahan-dahang tumayo. Inialis naman niya ang comforter na bumabalot sa kaniyang katawan. Dito'y napansin niyang iba ang damit na suot-suot niya, ngunit binalewala na lamang niya ito at tuluyang tinanggal ang comforter sa katawan.



MABILIS siyang nakahawak sa may kama ng hindi niya kaagad nabalanse ang katawan niya, muntikan na kasi siyang matumba sa lapag, kaya buti nalang at nakahawak siya sa may kama. Iika-ika siyang tinungo ang loob ng Banyo dahil narin sa natamo niyang mga galos dahil sa ginawa niyang katangahan kamakailan lamang.




Muntik nang malaglag ang panga niya nang sa wakas ay makarating na siya sa loob ng banyo. Hindi niya akalain na ganito kalawak at kaganda ang loob! Namangha siya sa ganda nito, idag-dag mo pa ang kulay dilaw nitong ilaw na nasa gilid lang ng pader. Tumapak siya upang mas lalong Makita ang paligid nito.



Nakita niya ang isang white towel na nakalagay sa may malapit sa sink na katapat lang din ng malawak na salamin, at malakas ang pakiramdam niyang iniayos ito para sa kaniya ng binata. Agad naman siyang napahawak sa kaniyang dibdib ng muli niyang naramdaman ang biglaan nitong pagtibok ng mabilis.

Celine✔️Where stories live. Discover now