Kabanata 12

2K 59 0
                                    

C-12

SPG.


SELI'S POV:


"Be my Son's fiancée before he came back to normal"

Nahigit ko ang aking hininga ng marinig iyon kay ma'am amy. Fiancée? Ni vhin? Edi para ring nagkatotoo ang plano namin ni fer? Subalit napahinga narin ako sa wakas nag mapagtanto ko na hindi na naming kailangan magpanggap pa kay vhin sa oras na bumalik ang kaniyang dating lakas pati narin ang kaniyang alaala.

Napatingin ako kay fer at ganun na lamang ang gulat ko ng makitang nakatingin rin siya sa akin. May kung anong pinapahiwatig ang kaniyang mga mata at hindi ko alam kung ano ang mga iyon. Napabaling ang aking tingin kay mam amy na ngayon ay nakatingin sa mga pagkain na siyang nakahain sa lamesa.

Hindi nagtagal ay dumating naman ang asawa ni mam amy. Na kakagaling lang sa banyo umupo ito sa kanina'y upuan niya.

"Anong pinag-uusapan niyo honey?" napatingin ako kay sir Robert nang tanungin niya iyon sa amin.

Umiling si mam amy kay sir Robert at saka ngumiti ng matamis.

"Wala iyon honey were just talking about our plan to vhin and celine" ngumiti si ser kay mam amy. Napangiti rin ako ng tipid sa kanila. "isipin mo nalang na utang naming ito sa iyo seli. Isang malaking utang na loob seli." Saad sa akin ni mam.

Tumango ako at nabaling ang tingin kay vhin na ngayon ay nakatingin na sa amin na para bang naiintindihan ang mga pinag-uusapan naming tatlo.

+++

ISANG ORAS ang lumipas at nandito na ako ngayon sa kwarto ko. Nakahiga sa aking kama habang nag-iisip ng kung ano-ano. Bigla akong nakaramdam ng uhaw kay napagdesisyunan kong bumama muna para uminom ng tubig.

Habang pababa ako sa may hagdanan ay nakarinig ako ng kung anong kalabog na sa tansiya ko ay galling sa may kusina. Kumabog ng malakas ang dibdib ko ng lumakas ang tunog na narinig ko. Dali-dali akong bumaba para dumiretso sa may kusina at mabilis na naghanap ng bagay na pwedeng pangpuk-pok.

Nakakita ako ng vase sa tabi ko at mabilis na kinuha iyon. Saka ko tuluyang tinungo ang kusina. Madilim at tanging liwanag lamang ng buwan ang siyang nagsisilbing ilaw roon na siyang lumulusot sa bintana ng bahay.

Nasa guestroom kasi ang mag-asawa at kasama silang mag-aasikaso kay vhin. Alam ko ring tulog ang ilang mga kasambahay kaya alam kong ako lang ang siyang gising ngayon. Maraming pumapasok sa isip ko ngayon katulad na lamang na baka aso lamang iyon pero paano naman makakapasok ang aso rito eh malakas ang seguridad rito lalo na't sikat na subdivision ang kinalalagyan naming ngayon.

Mas naging malakas ang tunog kaya't nang makarating ako sa kusina ay agad akong nagtago sa may gilid upang tignan kung sino o ano ang nasa may kusina ngayon. Ngunit natigilan ako sa aking nakita. Maski ang paggalaw ng aking mga daliri ay hindi ko na magawa.

Isang bulto ng isang tao na napakapamilyar sa akin ang nakikita ko ngayon. At hindi ko namalayan na nakalabas na pala ako sa pinagtataguan ko. Nanginginig ang aking buong katawan sa hindi ko malamang kadahilanan habang kasalukuyang nakatitig parin sa bulto na nasa harapan ko.

Ang kaninang malakas na pagkabog ng dibdib ko ay naging mas malakas ng aksidenteng mabitawan ko ang vase na hawak ko. Otomatikong napatakip ako sa aking bibig ng humarap sa akin ang kaninang bultong tinitignan ko lang.

Pero mas dumoble ang kabog sa dibdib ko nang tuluyang humarap sa akin ito. At hindi kasabay ng pagkabog ng dibdib ko ay ang paglaki rin ng mata ko dahil sa gulat. Dahil dito ay naibubulalas ko ang pangalan na matagal ko nang hindi nasasabi at naririnig sa aking sarili.

Celine✔️Where stories live. Discover now