Kabanata 21

2K 57 0
                                    

Naging tahimik ang pag-uwi namin ng gabing iyon sa bahay. Mabilis rin akong bumaba sa kaniyang sasakyan ng mai-park na niya ito sa garahe ng bahay. Hindi ko na siya hinintay pa at dire-diretso ako pumasok sa loob.

Nakita ko si fer na nasa sofa habang nanonood ng arrow sa isang channel sa tv. Siguro’y naramdaman niya ang presesensiya ko kaya napalingon siya sa akin.

“H-hi?” sambit ko. Ngumiti lang siya at inialok lang niya sa akin ang popcorn na kinakain niya at umiling ako roon. Busog pa naman ako kaya baka hindi na ako kakain mamaya. Hindi sa ayokong makasabay si vhin, alam ko namang nauna na iyong kumain.

Papaakyat na sana ako sa may hagdanan papunta sa kwarto ko nang marinig ko ang pangalan ko na tinawag ni vhin. Alam ko kahit nakapiring pa ako, memoryado ko ang tono ng boses niya.

“Let’s talk” aniya. Hindi ako humarap sa kaniya, nanatili akong nakatalikod habang hawak-hawak parin niya ang kanang braso ko. Nagpupumiglas ako pero mas lalo lamang niyang hinihigpitan ang pagkakahawak sa akin.

Doon ko na napagpasiyahan na lingunin siya. Ramdam ko ang intensidad sa kaniyang mga mata habang mariin itong nakatitig sa akin. Bigla nalang may bumugsong kung ano sa may dibdib ko na hindi ko maipaliwanag.

Otomatikong napahawak ako sa aking dibdib gamit ang aking libre kamay. Nakita ko naman na kumunot ang noo niya at bahagyang lumuwang ang pagkakawahak niya sa akin.

“Is there something wrong?” tanong niya. Umiling lang ako sa kaniya. “W-wala” sagot ko naman. Nagtagis ang bagang niya at doon ay mas lalo siyang gumwapo sa aking harapan.

“C’mon tell me, what’s happening? You’re pale” may lambing niyang sabi sa akin. Napahawak naman ako sa aking magkabilang pisngi at doon ay nalaman ko na hindi ako namumutla, kundi namumula! Ano ba ‘yan! Hindi na ako teenager pa para maramdaman ang mga ganitong bagay.

“Oh bago muna kayo mag tukahan diyan, kumain muna tayo” mabilis kong binawi ang aking braso na na kay vhin at bumaling ng tingin kay fer. May naka-ukit na nakakalokong ngisi sa kaniyang labi. Naglakad na siya patungo sa may kusina at sa tingin ko ay inihahanda na ang mga pato sa lamesa.

Umalis ako sa harap ni vhin at wala naman siyang sinabi sa akin. Nadatnan kong abala si fer sa pagsasandok ng kanin kaya nagboluntaryo na ako para sa ulam.

“Nag-away kayo?” panimula ni fer. Taka ko siyang tinignan. Sino naman?

“Sino?” binalingan niya ako at umiiling-iling.

“Alam niyo, kahit hindi niyo sabihin sa isa’t-isa, ako ang nakakaramdamn seli, don’t forget na magkapatid kami!” sabi niya. Mas lalong kumunot ang noo ko sa narinig, hindi ko talaga maintindihan kung sino ang tinutukoy niyang kaaway ko?

“Hay naku, si vhin seli, nag-away ba kayo?” tanong ulit niya sa akin. At para naman akong nawalan ng hangin sa tinanong niya. Umiling ako at ngumisi lang siya sa akin.

“H-hindi ah, nagpapabebe lang siya pero hindi kami nag-aaway.” Saad ko naman.

“Suus, eh ano iyong nakita kong pahawak-hawak siya sa braso mo?” panunukso parin niya sa akin. Huminga ako ng malalim at sasagutin ko na sana siya ng makarinig kami ng boses.

“Why fer? Are you jelous?” nanlaki ang mata ko nang makita si vhin na nakatayo sa harapan namin ni fer habang nakahalukipkip at matigas ang tingin sa kaniyang kapatid na nasa tabi ko.

“Haha are you out of your mind dude? Bakit naman ako magseselos? I have a girlfriend!” proud niyang sabi sa amin. Umiling nalang siya pagkatapos.

Celine✔️Where stories live. Discover now