Kabanata 23

1.7K 56 3
                                    

Kung dati ay normal ang mga nangyayari sa aming tatlo nina fer sa bahay, ngayon ay nag iiba nanaman ang sitwasyon.

Maging tahimik namaman si vhin nitong mga nakaraang araw, ang natatandaan kong araw na huli niya akong kinausap ay noong sinundo niya ako tatlong araw na ang nakakalipas.

Napabuntong-hininga ako habang iniisip kung ano nga ba ang problema niya ngayon. Kung may maitutulong man ako o ano. Pwede rin naman niyang sabihin sa akin, pero ayoko naman siyang pilitin dahil baka lalo pa siyang mainis.

Kagaya ng mga nakalipas na araw, ay lagi akong sinusundo mi vhin mula sa trabaho. Maliit man ang nakukuha kong sweldo ay wala naman akong naririnig na kumento sa kanilang magkapatid.

Inilapag ko ang bag kong maliit sa aking kama at mabilis na pumunta sa banyo ng kwarto ko. Makalipas ang ilang minuto at nang makita ko nang maayos nang muli ako ay saka ako lumabas rito.

Ngunit bigla kong nahigit ang hininga ko ng madatnan ko si vhin na nakaupo sa may dulong kama ko na sa tingin ko'y inaantay ang paglabas ko sa banyo.

Kinakabahan ngunit nakakadama ako ngayon ng kakaibang saya nang makita kong muli siya ng malapitan at lalo ngayon na nasa kwarto ko siya.

Tumikhim ako para makuha ang atensyon niya, at hindi naman ako roon nabigo. Malamlam ang kaniyang mga mata na para bang ilang gabi na
Para bang nagpapahiwatig na ilang gabi na iyang hindi nakakatulog ng maayos.

Napansin ko rin na medyo pumayat siya. Ngunit ang hindi nakaligtas sa paningin ko ay ang mamula-mula niyang labi na nang-aagaw ng atensyon ngayon.

"Uhh, anong kailangan mo vhin?" Napahawak ako sa laylayan ng aking damit nang tanungin ko iyon sa kaniya.

Hindi naman siguro masama kung kamustahin ko siya kahit na araw-araw kaming nagkakasama sa loob ng sasakyan niya sa tuwing sinusundo niya ako.

Ngunit iba itong ngayon. Malapit kami sa isa't-isa at kaming dalawa lang sa loob ng kwarto ko.

Nakita kong umigting ang panga niya at dahil doon ay hindi nabawasan ang kagwapuhan niya, bagkus ay mas lalo pa ata siyang gumawapo sa paningin ko.

Napailing na lamang ako sa sarili ko nang maisip ko iyon.

"May gusto lang akong sabihin sayo at sana ay magawa mo ito agad" napakunot ang noo ko dahil doon. Ano nanaman kayang iuutos niya sa akin?.

"Ano ba iyon? Basta't kaya ko" bahagya akong ngumiti sa kaniya at ang ngiti ko ah naging ngiwi nang makitang napaka seryuso ng muka niya.

"I want you out in this house"

Parang nabingi ako ng marinig ang sinabi niya. Kasabay nun ay ang pagkirot ng dibdib ko na para bang may lumalapirot rito.

"H-huh? Anong sabi mo?" Umaasa ako na sana'y mali ang narinig ko kanina. Nanginginig ang kamay ko habang nakatingin sa kaniya at naghihintay ng isasagot niya.

"I know your not deaf and so i don't lime repeating my self" matigas na ingles na sabi niya sa akin.

Pilit ko namang hinahagilap ang kung anong emosyon na maari kong makita sa kaniyang mga mata ngunit lagi akong nabibigo roon.

"Kailan mo gusto?" Malalim ang naging pag hinga ko at malaki ang pasasalamat ko dahil hindi ako nautal o napiyok nang sabihin ko iyon sa kaniya.

"As soon as possible" anang saad niya at mabilis na nilisan ang kwarto ko kasabay ko na nakatayo lamang roon at tulalang nakatitig sa pader ng kwarto ko nang makaalis na siya.

Pinilit kong huminga ng malalim at pilit na iniisip kung ano ang ibig niyang sabihin roon. Hindi ko alam ngunit bigla ko na lamang naramdaman ang luha ko na pumatak sa aking pisngi.

Celine✔️Where stories live. Discover now