Kabanata 27

1.9K 44 0
                                    

"Hmmm...." napaungol ako ng may maramdaman akong humahalik sa aking leeg. Nairita ako ng mas lalo pa niyang bigyang halik ito at mas idinukdok pa ang kaniyang ulo sa akin.

Wala akong nagawa kundi ang idilat ang aking mata at i-adjust ito dahil sa bumungad sa akin na liwanag. Inilibot ko ang tingin at dumapo ito sa aking tabi.

Itinaas niya ang kaniyang ulo at kita ko ang naglalarong ngiti sa kaniyang kabi habang nakatitig sa aking mukha, na para bang ngayon niya lang akong nakitang muli. Napasimangot ako nang maalalang hindi pa pala ako nag-hihilamos at ganito na siya kalapit sa akin agad!

"Tabi nga" tinulak ko siya ngunit parang tumulak lang ako ng pader. Ni hindi siya napahiwalay sa akin at mas lalo pa niya akong hinigit papunta malapad niyang dibdib. Heto nanaman ang takbo ng dibdib ko kapag sobrang lapit niya sa akin.

"Ano ba vhin, maghihilamos pa ako pababain mo 'ko" pagtataboy ko sa kaniya ngunit parang wala nanaman siyang narinig.

"What if i don't?" nahimigan ko ang pang-aasar sa tono ng pagkakasabi niya at ramdam ko ang pagtaas ng kilay niya.

Napa-'tsk' nalang ako at hindi na siya muling kinulit pa.

"Sabihin na natin kay papa?" lumingon ako sa kaniya at walang bahid na ano mang ekspresiyon ang nakia ko dito.

Bigla tuloy akong kinabahan sa kadahilanang ayaw niyang malaman ni papa ang nangyari at ang relasyon namin.

Ngunit alam kong hindi naman magagalit si papa bagkus ay baka matuwa pa iyon at agad kaming ipakasal!

"Finally...ikaw narin ang nagsabi" gumuhit ang ngiti sa kaniyang mamul-mulang labi at doon ay guminhawa ang aking pakiramdam. Pero anong ibig niyang sabihin?

"Huh?"

"matagal ko nang gustong sabihin sa papa mo ang tungkol sa atin pero pinigil ko ang sarili ko dahil alam kong babalik ka at ikaw mismo ang magsasabi sa kaniya" saad nito sa akin.

Ang sayang nakikita sa kaniyang mga mata ay walang katumbas sa kahit na anong gamit na mamahalin.

Napangiti nalang ako at yumakap sa kaniya. Kahit gusto ko nang bumaba upang maka-ligo na ay naisip kong dito muna ako sa kaniya tutal wala naman akong pupuntahan ngayong araw.

"Anong magandang nakain ng aking anak ngayon at para bang napakasaya mo ngayong araw?" bungad sa akin ni papa ng makaupo na ako kaharap siya sa may dining area.

Halos maghapon kaming nasa higaan ni vhin at kung hindi ko sinabi sa kaniya na magdidinner kami kasama si papa ay baka hindi pa niya ako pakawalan kanina.

Mabuti nalang at nagsawa siyang kakayakap sa akin.

"Wala naman pa, actually may gusto akong sabihin sa inyo" biglang sumeryuso ang mukha niya at bigla nanaman akong kinabahan dahil doon.

Magugustuhan kaya niya kapag sinabi ko na? Papayag kaya siya kapag nalaman niyang may relasyon ako sa kaniyang personal assistant?

Alam kong walang pagsisisi sa parte ko nang mangyari sa amin iyon kagabi ni vhin pero kahit na anong maging desisyon ni papa ay tatanggapin ko, basta 'wag lamang ang mapalayo sa kaniya.

Hindi ko ata kaya iyon kapag nangyari.

"Ano iyon anak?" napalunok ako dahil hindi ko alam kung saan magsisismula.

"Oh vhin halika kana rito at para makakain na kami" napaangat ang ulo ko sa bagong dating na si vhin, nakatitig siyang mariin sa aking mata at kagaya ng dati, hindi ko nanaman kinaya ang intensidad no'n kaya napaiwas na lamang ako ng tingin.

Hinila niya ang upuan na siyang kaharap ko rin. Bale magkatabi sila ni papa at ako lang ang kaharap nilang dalawa.

Napaka-awkward kung titingnan pero hindi ko na dapat iyon isipin, dahil ang mas mahalaga ngayon ay ang masabi ko kay papa ang tungkol sa aming dalawa ni vhin.

Celine✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon