Kabanata 29:

1.8K 41 0
                                    

C-29

Since the day that papa mention the wedding to us, ay hindi na magkamayaw ang paglapit sa amin ng ilang mga wedding planner na gusto kaming tulungan sa pagpaplano ng kasal namin.

Sa halos ilang buwan na preparasyon na ginawa namin ay hindi ko akalain na ngayong araw na mismo, magiging akin si vhin, ngayong araw na mismo, kaming dalawa ay mag-iisang dibdib.

Malakas ang kabog ng dibdib ko nang tuluyan ng bumukas ang malaking pintuan ng simbahan.  Rinig na rinig ko ang awiting kailanma'y hinding-hindi ko pagsasawaan.

Sa pagpatak, ng bawat oras ay ikaw
Ang niisip-isip ko, hindi ko mahinto pintig ng puso
Ikaw ang pinangarap-ngarap ko
Simula ng matanto, na balang araw iibig ang puso...

Inumpisahan ang ang pagtapak ng sa mahabang red carpet na nasa harapan ko. Wala pa ako sa kalahati ay ramdam ko ang luhang nagbabadyang tumulo sa pisngi ko.

Huminga ako ng malalim upang mapigilan iyon. Mahaba man ang tatahakin ko papuntang altar ay alam kong siya ang sasalubong sa akin. Na siya ang maghahatid sa akin sa altar. At siya ang makakasama ko habang buhay.

Binilisan ko ng kaunti dahil hindi na magkamayaw sa pagtibok ng malakas ang puso kong tuluyang makalapit sa kaniya, mahawakan ang kaniyang kamay upang kami ay tuluyang mapag-isa.

Ikaw, ang pag-ibig na hinintay
Puso ay nalumbay ng kay tagal
Ngunit ngayon nandito na ikaw,
Ikaw ang pag-ibig na binigay
Sa akin ng may kapal biyaya ka sa buhay ko ligaya't pag-ibig ko'y ikaw.

Unti-unti na akong nakakalapit sa kaniya at bago iyon ay nakita ko ang mga taong naging parte ng buhay ko noon. Noon na hindi pa ako si celine, noon na isang babaeng namulat sa tabi ng dalampasigan, isang babaeng lakinh probinsiya at nakipagsapalaran sa maynila upang makahanap ng trabaho.

Iyong mga taong tumulong sa akin at laging nasa tabi ko noong mga panahong hindi ko mahanap ang sarili ko, mga panahong hirap na hirap ako at hindi alam ang gagawin.

Nginitian ko si Fer ng makita ko siya sa may gilid, isa siya sa mga best man at kasama niya ang kaniyang kasintahan na si angel.

Napangiti ako dahil akala ko ay tuluyan na siyang maghihiwalay noong umalis ako sa bahay nila ngunit tignan mo nga naman, nandito silang dalawa sa araw ng kasal namin ni vhin,

Parehong nakangiti at magkahawak ang mga kamay. Napailing nalang ako habang patuloy na tinatahak ang daan sa soon-to-be-husband ko.

Sinalubong ako ni papa ng may ngiti sa kaniyang labi, ngimiti rin ako sa kaniya at kita ko ang luhang namumuo sa gilid ng kaniyang mata.

"Oh huwag mong sabihing iiyak ka papa? Baka naman mahawa mo ako ah?" Ngiting sabi ko sa kaniya.

"Masaya lang ako para sayo sweetheart. Ikakasal kana at tuluyan ng natupad iyong hiling ko"

"Masaya rin ako papa dahil masaya ka, kasi noong una ay hindi ko talaga alam na nakaplano na pala itong lahat, mabuti nalang ay napa-ibig ako niyang assistant niyo" sabay tawa.

Celine✔️Where stories live. Discover now