Kabanata 8

1.9K 58 0
                                    

C-8






"HEY! Are you even listening?"


Tila nagising sa isang napakagandang panaginip si seli nang marinig niya ang tinig nito sa harapan niya. Kumunot ang kaniyang noo at pinagkatitigan ang binata.


"Your spacing out" tumingin siya rito at alam na alam niyang, hinding-hindi niya kayang pantayan ang titig nito sa kaniya.


"A-ahh p-paseniya na, may iniisip lang ako"


Kung ano ang pakiramdam ng mga labi mo sa akin...


Hay naku! Mag-tigil ka seli!



"Can I ask you something?"

Kahit nalilito ay tumango na lamang si seli at tumalikod sa binata upang umupo. Naramdaman naman niya ang presensiya niya, kaya hindi na niya kailangan pang lumingon sa binata.

"A-anong itatanong mo sa akin?" ramdam na ramdam niya ang tensiyon na bumabalot sa paligid nila.

"Saan ka nakilala ng kapatid ko?"

Wala sa sariling napahawak siya sa saili niyang braso dahil sa tanong sa kaniya ng binata. Nakakakilabot kasi ang uri ng tono ng boses nito. Nakakatakot, na para bang isang maling sagot mo lang ay yari kana.

"S-sa may bus station sa pangasinan, papunta rito sa maynila" nakayukong sagot niya rito.

"Don't bow you'r head when I'm talking to you" utos nito. Mabilis pa sa dalawang segundong Iniangat niya ang kaniyang mukha dahil sa sinabi nito.

"So it means that, you came from a province huh?" giit nito sa kaniya. Hindi siya sumagot bagkus, ay panay tango lamang ay ibinibigay niyang sagot sa binata. Hindi niya kasi alam kung anong isasagot niya rito, natatame siya sa hindi niya alam na dahilan.

"Where in Pangasinan?" tanong muli nito sa kaniya. Dumiretso siya ng upo sa may sofa at doo'y pinantayan na niya ang titig ng binata sa kaniya.

"S-sa Bolinao, doon ako nakatira bago ako bumiyahe papunta rito"

"So what brings you here?"

"M-maghahanap kasi ako ng trabaho na pwedeng pasukan, para matulungan ko naman sina manang Carol sa pangasinan, m-malaki kasi ang utan na loob ko sa kaniya sa totoo lang" nilingon niya ang binata sa harap niya at nakita niyang seryoso itong nakatingin rin sa kaniya.


"Why?"

Sa loob-loob ng dalaga ay gusto na niyang kwestyunan ang binata kung bakit ang daming tanong sa kaniya nito. Na para bang hindi siya naniniwala sa kaniya. Ngunit kung iisipin nama'y kahit sino rin sigurong tao na malamang may kasamang ibang tao ang kapatid mo ay magtataka at maghihinala rito.

"Si manang carol kasi ang siyang nag-alaga sa akin ng mamatay ang mga magulang ko"


"S-sorry" napatingin siya sa binata ng marinig niyang humingi ito ng despensa. Nakatingin parin ito na animo'y parang mayroong kung anong bagay na napakainteresado ang nakadikit sa kaniyang mukha.


"M-may dumi ba sa mukha ko?" siya naman nagtanong sa binata. Umiling ito at pagkuwa'y nagsalita.


"Nothing, it's just that you look so familiar to me" saad nito. Kumunot ang kaniyang noo dahil sa pang-ilang beses na niya itong narinig sa binata.


"Ahm, may itatanong rin sana ako kung pwede?" gumilid ang ulo ng binata habang ang tingin nito'y nasa kaniya parin nakatuon.

"Spill it"

"A-anong pangalan mo? K-kanina ka pa kasi rito pero hanggang ngayon ay hindi ko pa nalalaman pangalan mo, nahihiya naman akong tanungin kay fer"

"Ow, sorry for that, I'm Vhin drake by the way, call me Vhin, that's ok with me" sagot naman ng binata.

Tumango na lamang siya sa binata.

Vhin drake, ang gwapo ng pangalan, bagay na bagay sa mukha niyang gwapo rin.

Lihim na napahagikgik si seli na parang kinikilig habang pinapaulit-ulit sa kaniyang isip ang pangalan ng binata.

HINDI na muling nagka-enkwerto pa ang dalawa matapos ang pag-uusap noong nakaraang araw. At ngayon ay nakapagisip-isip na siya na pumayag sa iniaalok sa kaniya ni fer noong isang araw rin. Huminga siya ng malalim habang nakatayo sa harapan ng pintuan ng kwarto ni fer.

Kumatok siya ng tatlong beses, at hindi lumipas ang ilang Segundo ay nakarinig siya ng mga yabag papalapit sa pintuan ng kwarto ng binata.

"Oh? Seli? What's bring you here? It's still 6 o'clock" bungad ng binata sa kaniya. Napaiwas siya ng tingin ng biglang nahagip ng kaniyang mga mata ang maskulado nitong pangangatawan. Naka itim kasi itong jogging pants at walang damit pang-itaas.

"Ah, may gusto kasi akong sabihin fer" mahina niyang sabi rito. Tumango ang binata at nilawakan ang buka ng pintuan at pinatuloy ang dalaga sa loob ng kwarto niya. Naupo si seli sa may kama nito habang inaantay na kumuha ang binata ng kaniyang damit sa walk-in closet nito.

Nang matapos ang binata sa pagbihis ay saka niya dinaluhan sa pag-upo ang dalaga. "What is it?" tanong nito. Hindi niya kasi mapigilang hindi mainis sa dalaga ngayon, dahil idlip na idlip pa siya ng bigla itong kumatok sa pintuan ng kwarto niya.

May hang-over pa kasi ito dahil sa pag-iinom kagabi dahilan sa pag-aaway nila ni Ana, ang kaniyang nobya.

"Napagisip-isip ko kasi na habang wala pa akong nahahanap na pwedeng pasukan ko ngayon ay papayag ako sa inaalok mo sa akin" sagot nito sa binata.

Isang matagumpay na ngiti ang siyang natanggap ni seli sa binata. Nagtataka siya ngayon kung bakit ganoon na lamang ang ngiti nito sa sinabi niya.


"B-bakit? Ano ba iyong ipapatrabaho mo sa akin?" kahit kinakabahan ay pinipilit niyang maging kalmado sa mga oras na ito.

"Well, I just want you to be my brother's fiancée" sabi nito sa dalaga.

Finacee? Naririnig na niya ito sa mga palabas sa telebisiyon noong nasa probinsiya pa siya. At ang pagkakaintindi niya rito ay ito iyong mga taong malapit ng ikasal. Ngunit bakit naman niya iyon gagawin?.

"Fiancee? Pero bakit ako?" tanong nito kay fer.

"Yes, fiancée iyon bang dalawang tao na malapit nang ikasal or ikakasal na, tinatawag na fiancée, and why you? Because I feel that there's something on you that could make my brother changed.." sagot nito sa dalaga.

Kahit wala masyadong naintindihan si seli ay tumango na lamang siya sa sinabi ni fer sa kaniya. "P-pero ilan naman ang magiging sweldo ko niyan?"

Hinarap siya nito at saka nagsalita. "Fifty thousand a month" walang kagatol-gatol na saad nito.

Napanganga siya ng marinig ang magiging sweldo niya. Hindi niya alam kung anong sasabihin niya sapagkat malaking halaga na ang limampung-libo sa katulad niyang hindi nakapag-kolehiyo.

"H-hindi ba't parang masyado namang malaki iyon?" tanong niya sa binata.

"Don't worry it's my own money and you have nothing to worry about, you'll just do what I said and that's it! in the last day of the month you'll get your fifty thousand"

"A-alam ba nito ng kapatid mo?"

"No, and definetly he should not. You will just to pretend and do what a fiancée do. He should not know that I'm paying you every month because if he knew it, we both dead like a meat. Understand?"




Tumango na lamang siya sa binata.

Celine✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon