Ramses in Niraseya (COMPLETED)

By megladiolus

427K 9.1K 554

Kwento ng isang dalagang lumaki sa normal na mundo ng mga tao. Tinangka syang itakas ng kanyang mga magulang... More

Ramses in Niraseya (Kabanata 1-4)
Ramses in Niraseya (Kabanata 5)
Ramses in Niraseya (Kabanata 6)
Ramses in Niraseya (Kabanata 7)
Ramses in Niraseya (Kabanata 8)
Ramses in Niraseya (Kabanata 9)
Ramses in Niraseya (Kabanata 10)
Ramses in Niraseya (Kabanata 11)
Ramses in Niraseya (Kabanata 12)
Ramses in Niraseya (Kabanata 13)
Ramses in Niraseya (Kabanata 14)
Ramses in Niraseya (Kabanata 15)
Ramses in Niraseya (Kabanata 16)
Ramses in Niraseya (Kabanata 17)
Ramses in Niraseya (Kabanata 18)
Ramses in Niraseya (Kabanata 19)
Ramses in Niraseya (Kabanata 20)
Ramses in Niraseya (Kabanata 21)
Ramses in Niraseya (Kabanata 22)
Ramses in Niraseya (Kabanata 23)
Ramses in Niraseya (Kabanata 24)
Ramses in Niraseya (Kabanata 25)
Ramses in Niraseya (Kabanata 26)
Ramses in Niraseya (Kabanata 27)
Ramses in Niraseya (Kabanata 28)
Ramses in Niraseya (Kabanata 29)
Ramses in Niraseya (Kabanata 30)
Ramses in Niraseya (Kabanata 31)
Ramses in Niraseya (Kabanata 32)
Ramses in Niraseya (Kabanata 33)
Ramses in Niraseya (Kabanata 34)
Ramses in Niraseya (Kabanata 35)
Ramses in Niraseya (Kabanata 36)
Ramses in Niraseya (Kabanata 37)
Ramses in Niraseya (Kabanata 38)
Ramses in Niraseya (Kabanata 39)
Ramses in Niraseya (Kabanata 40)
Ramses in Niraseya (Kabanata 41)
Ramses in Niraseya (Kabanata 42)
Ramses in Niraseya (Kabanata 43)
Ramses in Niraseya (Kabanata 44)
Ramses in Niraseya (kabanata 45)
Ramses in Niraseya (Kabanata 46)
Ramses in Niraseya (Kabanata 47)
Ramses in Niraseya (Kabanata 49)
Ramses in Niraseya (Kabanata 50)
Ramses in Niraseya (Kabanata 51)
Ramses in Niraseya (Kabanata 52)
Ramses in Niraseya (Kabanata 53)
Ramses in Niraseya (Kabanta 54)
Ramses in Niraseya (Kabanta 55)
Ramses in Niraseya (Kabanata 56)
Ramses in Niraseya (Kabanata 57)
Ramses in Niraseya (Kabanata 58)
Ramses in Niraseya (Kabanata 59)
Ramses in Niraseya (Kabanata 60)
Ramses in Niraseya (Kabanata 61)
Ramses in Niraseya (Kabanata 62)
Ramses in Niraseya (Kabanata 63)
Ramses in Niraseya (Kabanata 64)
Ramses in Niraseya (Kabanata 65)
Ramses in Niraseya (Kabanata 66)
Ramses in Niraseya (Kabanata 67)
Ramses in Niraseya (Kabanata 68)

Ramses in Niraseya (Kabanata 48)

5.3K 115 6
By megladiolus

KABANATA 48

 

“Pagkikita-kitang muli”

 

 

            Nakita ni Aragon na nagtatakbuhan ang mga tao sa direksyon kung nasaan ang sinaunang bahay. Dahil hindi maganda ang kutob ng binata ay minabuti nyang silipin ang pinagkakaguluhan ng mga tao.

            “Sobra naman ang mga batang ‘yun. Paano natin sila matutulungan kung ganyan sila karahas?” sabi ng isang babae sa kanyang katabi.

            Hindi maintindihan ni Aragon ang sinasabi ng mga taosa paligid kaya’t nagmadali sya sa paglapit sa pinagkakaguluhan ng lahat. Tumatabi naman ang mga tao sa kanyang daraanan at nappapatingin sa kanya. Papalapit na sya sa kinatatayuan ng pinagkakaguluhan ng lahat ng biglang napansandal sa kanya ang isang lalaking tila inihagis mula sa di kalayuan.

            “Ayos lang ho ba kayo?” pag-aalalang tanong ni Aragon habang tinutulungang tumayo ang lalaki.

            Itinuro ng lalaki ang direksyon malapit sa harap ng sinaunang bahay. Tila naaninagan nya si Perus na nakikipaglaban sa mga tao. Nagmadali sya upang lapitan ang binata.

            Aktong papasugod na si Perus ng makita nya si Aragon.

            “Ikaw?” tila nabuhayan ang mga mata ni Perus ng makita ang binata.

            “Paano kayo nakarating dito? Nasaan si – ” itinuro ni Perus si Ryona na nakahiga at walang malay.

            “Anong nangyari sa kanya?” dali-dali nilang nilapitan si Ryona. Binuhat naman sya si Aragon.

            Papasugod na sana ulit si Perus sa mga tao ng awatin sya ni Aragon.

            “Hindi sila mga kaaway. Wala silang mahika at mga hindi marunong makipaglaban.” Buhat-buhat na nya si Ryona. “Sumunod ka sa’kin.”

            Alerto pa din si Perus dahil gusto nyong pangalagaan ang kaibigan nya.

            “Anong lugar ba ‘to? Bakit ganyan ang itsura nila?” naguguluhang tanong ni Perus.

            “Ito ang mundo ni Ramses.” Pumasok sila sa gate nila Ramses. “At dito sya nakatira.”

            “Sa maliit na tirahan na yan?” parang hindi makapaniwala si Perus sa nakita.

            Pumasok sila sa loob at inilapag ni Aragon ang dalaga sa upuang nasa ibaba.

            “Anong nangyari sa kanya?” nag-aalalang tanong ni Ileta.

            Wala syang malay at nakita nila ang sugat nito sa may tyan.

            Agad naman syang nilinisan ng mag-asawa at pinainom ng gamot. Nilalagnat din sya tulad ni Ramses.

            “Tiya – ” tawag ni Ramses habang bumababa ng hagdanan. Nagulat sya ng makita sila Perus sa ibaba. “Bakit nandito kayo?” hinanap ng mga mata nya si Ryona. Nakita nyang nakahiga ang kaibigan.

            “Anong nangyari sa kanya?” Hinawakan ang kamay ng kaibigan. “Ayos lang ba sya?” naiiyak nyang tanong.

            “Maayos na sya. Wala na dapat kayong ipag-alala.” Paliwanag ni Rodi.

            Nakahinga ng maluwag si Ramses at umupo sa tabi ni Perus. “Anong nangyari pagkaalis namin?”

            Yumuko si Perus sandali. “Ang daming Nuter. Hindi namin alam pero sobrang dami nila. Hindi namin mabilang. Dumilim ang paligid. Puro Nuter na ang paligid at may pagsugod kung saan-saang direksyon na hindi na namin makita. Hanggang sa tinamaan si Ryona. Alam ko – alam ko pinrotektahan nya ako. Hinarang nya ang pagsugod na para sa’kin.” Pinipigilan ni Perus ang umiyak. “Papawala na ang lagusan papunta sa mundo nyo ng bigla akong itinulak ni Ryona. Pero nakutuban ko ang gagawin nya kaya nahawakan ko agad sya. At pagmulat ko, nasa labas na kami ng isang malaking bahay at pinaliligiran ng mga kakaibang tao. Mukha silang mahihina pero iba ang tingin nila sa’min. At nakita kong wala ng malay si Ryona. Lumalapit ang mga tao pero pilit ko silang inilalayo.”

            Hinaplos naman ni Ramses ang likuran ni Perus. “Ligtas na kayo kaya wala na kayong dapat ipag-alala.” Sabi ni Ramses.

            “Kamusta na nga pala ang pakiramdam mo Ramses?” tanong ni Aragon.

            “Magaan na ang pakiramdam ko. Nakainom na kasi ako ng gamot. Pero ang inaalala ko ay si Ryona. Kelan kaya sya magigising?” nag-aalalang tanong ni Ramses.

            Umalis muna sina Ileta at iniwanan ang magkakaibigan upang makapagusap sila kahit madami silang gustong itanong sa kanilang pamangkin.

            “Gamitan na lang natin ng mahika si Ryona para gumaling na sya at para makabalik na tayo agad sa Niraseya.” Pero nagulat si Perus ng tingnan nya ang kanyang kamay. “Nasaan ang tekan ko?” tiningnan nya ang kamay ni Ryona, sumunod si Aragon at panghuli si Ramses. “Kayo din?” gulat na gulat nyang tanong. “Anong nangyayari?”

            “Hindi talaga lumalabas ang tekan sa mundong ito. Ang mahika dito ay base lang sa mga mahiwagang salita.” Paliwanag ko. “Nagulat din ako nung pumasok ako sa Niraseya. Hindi ko alam kung para saan yung nasa kamay ko. Nagpapasalamat nga ako kay Aragon at hindi nya ako pinabayaan.” Ngumiti ito sa binata.

            “Ramses!” sigaw ni Kim mula sa labas. “Ahhhhhhhhhh! Nandito ka na nga!” lumapit sya agad sa kaibigan at niyakap ito.

            “Kim!” masayang sabi ni Ramses. Nakatingin lang sina Aragon at Perus sa kanilang dalawa.

            “Kamusta ka na? Kakauwi ko lang galing Maynila. Pagdating ko sa bahay bungad agad ni nanay na bumalik ka na nga daw.” Naluluhang sabi ni Kim.

            “Hindi din naman ako magtatagal Kim. Meron akong misyong dapat tapusin.” Malungkot na paliwanag ni Ramses.

            “Anong ibig mong sabihin?” biglang sumulpot si Ileta ng marinig ang sinabi ng pamangkin.

            Tumayo si Ramses at inakbayan ang tiyahin. “Tiya, bumalik ako dito para magpagaling. Pero hindi ibig sabihin nun hindi na ako aalis.”

            Nagdabog ang kanyang tiyahin at biglang umiyak. “Ilang gabi kaming hindi makatulog sa pag-aalala sa’yo. Hindi mo alam kung gano kami kasaya nung bumalik ka. Para akong nabunutan ng tinik dito.” Sabay hampas sa dibdib nya.

            “Tiya, hindi na po natin kelangang pagtalunan pa ‘to. Ang mga magulang ko, alam nyo naman di ba? Pero nagbago na ang lahat. Maraming inosenteng tao sa Niraseya ang umaasa sa’kin, sa’min.” tumingin sya sa mga kaibigan nya. “Hihintayin lang po naming gumaling si Ryona. Babalik din po kami.”

            Lalong umiyak ang kanyang tiyahin na halos hindi na makapagsalita.

            “Alam ko pong nag-aalala kayo sa’kin. Pero tiya, kung hahayaan ko na lang si Bhufola na maghasik ng dilim sa Niraseya, hindi malayong mangyari na mundo naman natin ang sisirain nya. Tiya, ako po ang kailangan nya at hindi po ako papayag na mapahamak kayo ng dahil sa’kin. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa inyong hindi maganda. Kaya ako na po ang kusang lalapit kay Bhufola.” Pinahid nya ang luha ng kanyang tiya Ileta.

            “Pero paano kung ikaw ang mapahamak? Paano kung ikaw ang mapatay nya?” nanginginig ng matanda.

            “Kelangan nyo pong maniwala sa’kin. Sa’min ng mga kaibigan ko. Tiya madami akong natutunan sa Niraseya. Yung pakikipaglaban, yung mga mahika.” Iniupo nya ang kanyang tiyahin at nagsimulang magkwento.

            Ikinwento ni Ramses ang mga nangyari sa kanya simula ng dumating sya sa Niraseya. Napapatawa ang mga kaibigan nya at ang dalawang matanda sa kanyang mga kwento. Pati sina PErus ay nagkwento na din.

            Iba-iba ang ekspresyon sa mga mukha nila. Biglang matatakot na malulungkot na matutuwa. Unti-unting naiintindihan ng pamilya ni Ramses kung anong mga pinagdaanan nya at mga pagdadaanan pa nya.

            “Basta palagi kang mag-iingat.” Niyakap ng matanda si Ramses.

            Biglang umubo si Ryona na ikinagulat ng lahat. Dahan-dahan syang dumilat. Una nyang nakita si Perus, sumunod si Aragon at si Kim. “Nasaan ako?” dahan-dahan syang bumangon. “Aray ang sakit!” napahawak sya sa tyan nya.

            “Huwag ka kasi munang bumangon!” sabi ni Ramses. Lumapit agad sya sa kaibigan at inihiga ito.

            “Ramses! Ramses ikaw ba talaga yan?” naiiyak na tanong ni Ryona.

            “Oo, ako nga ‘to.” Bigla syang niyakap ng kaibigan na tila takot na takot pa din sa nangyari.

            Habang nagkakamustahan ng pakiramdam ang mga nasa loob ng bahay bigla silang nagulat sa nakatayong matandang babae sa kanilang pintuan at bigla itong nagsalita.

            “Maari ba akong makahingi ng inumin.” Lahat sila ay napantingin sa matanda. Puti ang kulay ng kanyang buhok sa tila tumigas na. Nakaitim din sya na punit-punit at mahahaba at itim ang mga kuko. May malaki din syang ilong na parang sa mangkukulam at may hawak na isang tungkod.

            Inabutan naman sya ng tubig ni Ileta. Nakatingin lamang ang matanda kay Ileta habang umiinom ng tubig. Ilang sandali pa ay natumba ang tiyahin ni Ramses at nabasag ang hawak nitong baso.

            Napatingin agad sila sa matanda. Mabilis itong umaatras palabas habang tumatawa. Agad nila itong sinundan. Ang matanda ay naging Nuter at may mga kasama pa ito. Umiikot ang mga ito sa harapan ng bahay nila Ramses habang nagsisitawanan.

            “Anong gagawin natin? Wala tayong mahika.” Bulong ni Perus.

            “Ramses, si tiya Ileta!” sigaw ni Kim habang hawak-hawak ang matanda. Hindi alam ni Ramses ang gagawin.

            Papasugod na sa kanila ang mga Nuter ng biglang may isang nakakasilaw na liwanag silang nakita sa may gate. Isang liwanag na unti-unting tumunaw at nagpawala sa mga papasugod na Nuter.

            Nawala ang liwanag at nawala din ang mga Nuter.

            “Hindi kayo nag-iingat. Hinayaan nyong bukas ang lagusan sa pagitan ng dalawang mundo. Inilalagay nyo sa kapahamakan ang mga tao dito!” sabi ng isang lalaki.

            “Ka – Ka Idong.” Bulong ni Ramses.

            Dire-diretso lang si Ka Idong papalapit kay Ileta. Hinawakan nya ang noo ng matanda at biglang tinusok ang tiyan nito. Ilang sandali lang ay napaubo si Ileta at isang itim na usok ang lumabas sa kanyang bibig.

            “Ayos na sya.” Sabi ni Ka Idong sabay tayo.

            “Ramses sino sya?” tanong ni Perus.

            “Sya ang nagdala sa’kin dito sa mundong ‘to mula sa Niraseya.” Paliwanag ni Ramses.

            “Galing na din sya sa Niraseya?” tanong ni Perus.

            Tumango lang si Ramses. Pumasok silang tatlo sa loob ganun din si Ka Idong.

            “Hindi kayo maaring magtagal dito. Kapag natuklasan ng mga kampon ni Bhufola ang tungkol sa malayang lagusan, hindi sila magdadalawang isip na pumunta dito at gawing mga Nuter ang lahat ng tao.” Paliwanag ni Ka Idong.

            “Anong ibig nyong sabihin?” tanong ni Ryona.

            “Yung usok na tinanggal ko kay Ileta ay lason na magpapabago sa isang tao upang mawala sya sa kanyang sarili at maging isang Nuter.” Tumingin sya kay Ramses. “Hindi kayo maaring maabutan ng kadiliman dito. Kung hindi – ” tiningnan nya ang pamilya ni Ramses. “ – maraming tao ang mapapahamak at wala kayong magagawa. Hindi gagana ang mahika nyo dito. Mas lalo nyo lang silang palalakasin.”

            “Pero hindi pa magaling si Ryona, paano kami makakaalis?” tanong ni Ramses sa matanda.

            Nilapitan ni Ka Idong si Ryona. Hinawakan nya ang tiyan nito at tsaka pumikit. May kung anong bulong syang sinasabi na sya lang ang nakakarinig.

            “Aray! Ang inet!” sigaw ni Ryona.

            Papasugod na si Perus pero pinigilan sya ni Aragon.

            Sumigaw pa ng malakas si Ryona na lalong nagpabahala kay Perus. “Itigil mo yan! Ramses tulungan mo sya!” nagwawala na si Perus pero hindi sya binibitawan ni Aragon.

            Ilang sandali pa ay napaupo si Ka Idong. Pawis na pawis at parang hinang-hina. “Kailangan ko ng tubig.” Umupo sya sa tabi ni Ryona.

            Mabilis namang nilapitan ni Perus ang kaibigan. “Ayos ka lang ba?”

            Parang gulat na gulat si Ryona. Hinawakan nya ang kanyang tyan. Tinanggal nya ang bendang nakabalot dito at lahat sila ay nagulat ng makitang wala na ang sugat ng dalaga.

            “Masyadong malalim ang sugat mo kaya maraming lakas ko ang naubos sa pagpapagaling sa’yo.” Uminom sya ng tubig.

            “Ka Idong, baka naman pwedeng hindi na bumalik si Ramses sa Niraseya?” tanong ni Ileta.

            “Hindi.” Parang kinakapos sya ng hininga. “Sya ang kailangan ni Bhufola. Sya ang kailangan ng Niraseya. Sya ang kailangan nating lahat para makaligtas.” Paliwanag nya sa matanda.

            Niyakap ni Ileta ang kanyang pamangkin at patuloy pa din sya sa pag-iyak.

            “Magpahinga na muna kayong lahat ngayon para may lakas kayo sa pagbalik nyo sa Niraseya.” Sabi ni Rodi.

            Kumain sila ng tahimik. Tila balot ng lungkot ang buong bahay dahil na rin sa mabilis na pagtakbo ng oras at aalis na naman si Ramses.

            Tulog na halos lahat sa kanilang bahay. Magkakasama sa kwarto sina Ramses, Ryona, tiyahing si Ileta at Kim. Naisip nyang matulog kasama nila dahil masyado din syang nangulila sa pagkawala ng kaibigan.

            Nasa kabilang kwarto naman sina Ka Rodi, Perus, Iking at Aragon. Nasa ibaba naman si Ka Idong. Isang magdamag na katahimikan ang lumipas.

            Nakaupo si Ka Idong sa ibaba ng bigla syang napadilat. Tila balisa sya kaya’t mabilis syang umakyat sa itaas at hinanap si Ramses.

            Itinapat nya ang kanyang kamay sa ulo ni Ramses at bumulong ulit ng mga kakaibang salita na halos sya lang ang nakakarinig. Lumiwanag ang pagitan ng kanyang kamay at noo ni Ramses.

            “Ang i-net,” bulong ni Ramses na pawis na pawis.

            Ilang sandali lang ay natapos din si Ka Idong. “Gawin mo ang tama Ramses. Matatapos na din ang paghihirap ko.” Bulong ng matanda.

            Napadilat naman si Ramses at nakita si Ka Idong.

            “Gumising na kayo. Kailangan na nating umalis.” Lumbas ng silid si Ka Idong at ginising ang mga lalaki sa kabila.

            Habang naglalagay ng mga iba’t-ibang gamot si Ileta sa isang maliit na bag ay umiiyak ito. “May mga nakasulat na dyan kung para saan ang mga gamot na yan. Dinamihan ko na din para pwede kang mamahagi sa iba.” Sabi ng matanda habang pinapawi ang luha sa kanyang mga mata.

            “Tiya – ”niyakap nya ang tiyahin. “Babalik naman po ako kaya wag na po kayong mag-alala ha.” Hinalikan nya sa ulo ang tiyahin. Tumayo sya at kinuha ang bag ng mga gamot.

            Lahat sila ay nasa ibaba na. Maliban kay Ka Idong.

            “Nasaan na ba sya? Akala ko ba kailangan nating magmadali?” tanong ni Perus.

            Maya-maya pa ay lumabas si Ka Idong. Pawis na pawis na parang nakipaglaban. May dala-dala syang isang bote na may dilaw na uso sa loob na paikot-ikot lamang. Iniabot nya ito kay Ramses.

            “Ano po ito?” tanong ng dalaga habang tinitingnan ang bote.

            “Para sa’yo yan. Matatanggal nyang ang itim na lason para maiwasan ang pagbabago ng anyo upang maging Nuter.” Paliwanag ng matanda at tumalikod. “Nagawa ko na ang ilang taon kong pinaghintay. NGayon ihahatid ko na kayo.” Sabi ng matanda.

            Papaalis na silang lahat kasama sina Ileta. “Hindi kayoo maaring sumama.” Sabi ni Ka Idong.

            “Pero bakit?” tanong ni Iking.

            “Dahil may mga naghihintay sa daraanan namin. Mapapahamak lang kayo kung sasama pa kayo sa’min.” Nagpatuloy sa paglalakad si Ka Idong.

            Niyakap naman ni Ramses isa-isa ang kanyang pamilya kabilang si Kim. “Mag-iingat po kayo palagi ha. Mahal na mahal ko po kayong lahat.” Umiiyak na sabi ni Ramses.

            “Ramses halika na!” sigaw ni Ryona mula sa labas ng gate.

            “Mag-iingat ka dun anak ha? Ingatan mo ang sarili mo.” Umiiyak na sabi ni Ileta.

            Tumalikod naman si Ramses dahil baka hindi pa sya makaalis dahil sa lungkot. Pinahid nya ang kanyang mga luha at lumapit na sa mga kaibigan.

            Kumaway ang mga kaibigan nya sa pamilya ni Ramses. “Marami pong salamat sa inyo!” sigaw ng mga ito.

            Ngayon sabay-sabay silang naglakad papunta sa sinaunang bahay. Habang papalapit sila ng papalapit ay lumalakas ang hangin.

            “Humanda kayo.” Babala ni Ka Idong.

            Naglakad sila ng alerto. Pagpasok nila ang bahay tulad ng inaasahan ni Ka Idong ay nagsulputan ang mga Nuter.

            Lumiwanag ang dala-dala nyang tungkod at nahahawi ang mga Nuter. “Ako na ang bahala dito. Tumuloy na kayo.” Sabi ni Ka Idong.

            Agad namang sumunod sina Ramses ngunit may pagdadalawang isip sa kanyang mga mata.

            Lahat ng Nuter sa daraanan nila ay tinatamaan ni Ka Idong ng liwanag mula sa kanyang tungkod.

            “Bakit may mahika sya dito sa mundo nila?” tanong ni Perus.

            “Yan lang ang ginagawa nya buong buhay nya. Ang gumawa ng mahika ng walang tekan.” Sagot ni Ramses.

            “Ayun na yung lagusan. Ganun pa din sya kaliit tulad nung iniwan natin kahapon.” Sigaw ni Ryona habang nakaturo sa lagusan.

            Kitang-kita nila na dun lumalabas ang mga Nuter na sumusugod sa kanila.

            “Bilisan nyo!” sigaw ni Ka Idong na parang hirap na hirap na.

            Sabay-sabay sinugod ng mga Nuter si Ka Idong at biglang nawala ang liwanag.

            Babalik sana si Ramses para tulungan ang lalaki pero pinigilan sya ni Aragon.

            “Kelangan na nating magmadali.” Pinauna nya si Ramses sa paglalakad.

            Nakapasok na sina Perus at Ryona. Bigla ulit nagliwanag at nakita nya si Ka Idong na nakahiga at isa-isang pumapasok sa katawan nya ang mga NUter.

            “Anong nangyayari?” naguguluhang tanong ni Ramses.

            “U – m – ma – l – lis na k – kayo!” nahihirapang sabi ni Ka Idong.

            Parang kung may ano sa katawan nya na kusang hinihigop ang mga Nuter na paparating.

            “Ang lason. Nalalason sya!” sigaw ni Ramses. Patakbo na sya ng bigla syang binuhat ni Aragon papasok sa lagusan.

            “Hindi! Hindi! Bakit natin sya iiwan? Tinulungan nya tayo!” Tiningnan nya si Ryona. “Tinulungan ka nya! Bakit natin sya iiwan?”

            Pero huli na ang lahat. Nasa loob na sila ng lagusan pabalik. Isang liwanag ang lumabas sa katawan ni Ka Idong at unti-unting naglalaho ang kanyang katawan. Kasabay nun ang pagsara ng lagusan.

            “Hindi!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!” sigaw ni Ramses na walang magawa.

A/N

Sorry guys for super duper late update. Sobrang naging busy lang talaga. But don't worry I will try my very best to update atleast once a week. Thank you sa lahat ng matiyagang naghihintay. :)

Sana mabasa nyo din po yung iba kong stories: SUMPA and PERFECT HATERS. Maraming salamat po.


*MelaBrio*

Continue Reading

You'll Also Like

Living Lies By Jacob

Mystery / Thriller

9.4K 348 38
After knowing what they really meant, their question now is how to know the truth behind the lies ahead.
48.8K 4.3K 38
Pista na naman ng Sto. Niño de Tondo at lahat ay sabik nang magdiwang. Pero isang pandemnya ang iistorbo sa kasiyahan nang ang mga nagdiriwang ay mak...
108K 4.3K 40
#1 in History 063018 #3 in Time Travel 063018 Huwag mong baguhin ang isang nakaraan dahil may malaking epekto ito sa iyong kasalukuyan at magiging hi...
174K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...