Sir, You're Mine. FINISHED

By Lee__Miyaki

1M 13.5K 1.5K

PG13. Nagsimula ang RIOT nang may isang babae ang nagsabing, "Sir, You're Mine." | Sir, You're Hot Book 2 | N... More

Prologue
2: Next Step
3: Flashbacks
4: New Chapter
5: Tuesdays With Chloe
6: Arrangement
7: Meet Rye
8: Milk Tea
9: The Battle
10: The Start
11: Contestant #6
12: Ehem.
13: Dare
14: Stay
15: Yes or No?
16: Challenge Accepted
17: Jael
18: Revenge
19: This Damn Heart
20: Kiss
21: Her Other Side
22: Past
23: Two Sides of Story
24: Switch
25: Railey Medrana's Way
26: Rose
27: Level Up
28: Sweetness
29: Revenge?
30: Twist of Fate
Bonus Trivia
31: Hot Kiss
32: Love's Other Sides
33: What's Next?
34: Obsessed
35: Sort of...
36.1: Complicated?
36.2: From?
37.1: Attempt
37.2: Stay
38: That Question
39: Reconciliation
40: Talk Dirty
41: Good Bye
42: Guilty
43: That Girl
44: Tease Her Not
45: Rare Revelations
46: Four Ways
47: Cheat With Me
48: Almost and Really
49: Moving On
50: Nagbabalik-loob.
Part 2: Prologue
51: Naughty Railway
52: Si Railey?
53: Chase
54: Akin ka lang
54: Second Day
Sir, You're Mine 55: Isang Linggo

1: Conflict

50.6K 652 38
By Lee__Miyaki

Sir, You’re Mine – Chapter 1: Conflict

/ Rebecca’s POV /

“Ibibigay mo ba ang Transcript ko o hindi?”

“Miss! May discrepancy pa nga. Hindi pa pwedeng i-release.”

“Ibibigay mo o hindi?”

“Miss. Heto, pumunta ka mamayang hapon at kausapin mo ‘yung head ng office namin!”

Natapos ang usapan naming nang abutan niya ako ng isang sticky note na dilaw na may room number kung saan ko pwedeng makita si Ms. Soriano. Siya raw ang kailangan kong kausapin para sa TOR ko. Inirapan ko yung sekretarya pagkabigay nito. “May attitude ka girl,” sabi ko.

Sinadya kong ibagsak ‘yung pinto pagkalabas ko ng opisina. Sinadya ko pang magdabog palabas ng opisina. As in, maingay pati paglalakad ko. Palibhasa, trip kong mag-boots ngayong umaga kaya naman distracting sa lahat ng nakakakita. Well, may magagawa pa ba ko. Siya nga pala, may new hair style ako. J

“Paki-dahan dahan naman ‘yung pagsara ng pinto!”

Gusto ko siyang sagutin ng. Leshe. Ayusin niyo kasi trabaho niyo para hindi kayo nababagsakan ng pinto. Kainis. Unang araw ng pasukan sa school nila, ganito agad. Kaya, ang ending, hindi ko na lang pinansin.

Pagkatapos kong pumunta sa opisinang ‘yun, dumiretso ako sa room na nakalagay sa sticky note na ‘yun. Marami akong estudyanteng nasasalubong. Medyo, last week pa kasi ‘yung simula ng klase kaya naman marami na ring tao.

Pagkadating ko sa room na ‘yon, hinanap ko agad ‘yung Miss Soriano na sinasabi nung secretary sakin.

Kumatok muna ako bago binuksan ang pinto, bumungad sakin ang ilang working stations. Opisina pa rin to ng university.

“Is Miss Soriano here?” tanong ko. Nilibot ko ang mata ko sa buong paligid. Hinahanap kung sinong pwedeng sumagot sa akin.

May isang maliit na babae rin ang sumagot sa akin. “Yes, she’s here. Pasok ka na lang du’n,” at tinuro niya ang isang pintuang brown na kung saan may nakalagay na something na position niya. Okay, hindi ako ganito ka descriptive kasi gusto ko ng matapos ang lahat.

Matapos ang ilang sandal, pinasok ko na ‘yung kwarto na ‘yun. Isang matandang babae ang bumungad sa akin. Mala-Nora Aunor ang dating dahil sa ikli ng buhok niya. Kaya lang, ang nunal niya, nasa gilid ng kaliwang mata.

“What’s your concern?” dagli niyang tanong sa akin. Nakairap siya. Kala mo hindi puti lahat ng buhok.

“Ma’am, hindi ko po kasi makuha ‘yung TOR ko. Ilang buwan ko na po ‘yun kinukuha eh,” sabi ko naman. Napatingin ako sa dilaw niyang sapatos. Hindi kasi terno sa kulay green niyang blouse.

“Hmmm. Nanggaling ka na ba sa office ni Ms. Cumuyog?”

“Yes Ma’am.”

“Ikaw si Rebecca?”

“Opo Ma’am.”

May kinuha siyang papel sa drawer ng lamesa niya. Mabagal pa nga siyang yumuko. Dulot na rin siguro ng katandaan. Pagkaharap niya ulit sakin, may hawak siyang papel. Pinakita niya sa akin.

“Eto ‘yung grades mo. Kaya lang, hindi pa kumpleto. Wala ka pang grades sa Values Education,” tinuro niya yung space na dapat raw ay may grade.

“Ma’am, eh papaano? Ma’am. Sigurado po ako, na-take ko na ‘yan last year,” with confidence kong sagot. :’(

“My dear, sure ka? Kasi, base sa mga records, wala talaga. Hindi nga naming alam kung paano ka napayagang gumraduate. Napakabihira lang ng ganito case…”

“Ma’am, pa’no ko po makukuha ‘yung TOR ko?”

“Kapag nakumpleto mo na ‘yung grades mo. Teka, pwede namang iareglo to sa professor eh. Sino bang professor mo rito?”

“Ma’am, ‘yung matabang teacher…maitim. Maikli rin po ‘yung buhok niya tsaka po—“

“’Wag mo na siyang laitin hija. Si Ma’am Capulungan ‘yan. Sad to say, kareresign niya lang last semester,” napatingin si Ma’am sa baba at napahinga ng malalim—samantalang ako, sobrang nagpanic. “Kung nandito lang siya, madali lang gawan ng paraan. Kaya lang. Sorry. Pero mukhang kailangan mong ulitin ang subject na ‘to…” at napailing siya habang sinasabi niya sa kin to.

“Ma’am. Hindi ko naman po kasalanan kung nakalimutan niya kong lagyan ng grade. Grabeng system naman po ‘yan. Ako na nga nalugi, ako pa gagawa ng paraan… Pwede ko pong ireport to mismo sa—“

“Bago ka mag-ingay, may isang option ka pa naman…” pisti. Bago niya ko hinayaang mag-ingay, sana sinabi niya ‘to. “Kailangan mong maghanap ng isang values teacher na pwedeng magbigay ng grade sa’yo. Pero, siya ang bahala kung ano ang arrangements niyo. Kung papasok ka ba o hindi. Gano’n,” at tinignan niya ako ng diretso sa mata.

Napatulala naman ako. Sht. Akala ko tapos na ang lahat. Irreg na nga ako last sem. May kukunin pa kong subject ngayon. Pisti. Hindi na natapos lahat ng kalbaryo ko sa eskwelahan na ‘to. Sana naman may chance pa kong maging normal na estudyante!

Ginawan ako ng sulat ni Ma’am. Kung sakaling makahanap raw ako ng Values Teacher (Guidance and Counseling talaga ang complete name ng subject na ito ha, baka malito po kayo), eh ipakita ko lang raw ang sulat na ‘yon.

Napaismid na lang ako nang makuha ko ang letter na ‘yon. Kung kailan medyo hindi ko mahagilap si Rayling tsaka ko magkakaroon ng mga ganitong problema.

Patayo na sana ako nang bigla niya akong tinawag, “Hija. Pakiusapan mo siya na padaliin niya ang problema mo. Kahit ano gagawin mo. Sabihin mo,” at ngumiti siya na parang nang-aasar sa akin. Ano bang kasalanan ko sa mga tao at lahat ata sila mainit ang ulo sa akin?

Lumabas ako dala-dala ang mga papel na binigay niya sa akin. Oo, ayan na naman. Puro asikaso  na naman ako. Ang maganda lang dito eh, hindi ko na kailangang magklase ng full time. Kahit special appearance na lang raw eh ayos na, ang mahalaga may mahanap lang akong professor na sasalo sa problema ko.

Paglabas ko ng pinto, naisip kong puntahan si Railey…

*insert silence here*

Umakyat ako sa 3rd floor para puntahan si Railey sa Faculty room. Base sa new schedule niya, vacant niya ngayong 10:30am. Sa pag-akyat ko, nadaanan ko ‘yung mga classroom naming. Classroom na akala ko eh tuluyan ko nang iiwan.

Pagkarating ko sa tapat ng pintuan. Huminga ako ng malalim. Andito kasi ‘yung mga teachers na nanghusga rin sa akin no’n (nung nalamang kami ni Rye). Kaya, pagkatok ko at sabay pagikot sa door knob, lakas loob kong pinasok ‘yung faculty room.

“Sir, how could you just do those things to your students? Araw-araw, may natatanggap kaming bulaklak rito sa faculty room! It’s very alarming. Will you please tell them to stop?” narinig ko, ‘yung head ng faculty club ng college nila ang nagagalit kay Sir.

“Ma’am, I never intended to bring those flowers here. I don’t even know that my students would do that. All I know is I have my own style in teaching. It’s not what you call flirting.” He said, naaalarma ako habang nakikita ko silang nagkakasagutan. Halos first week pa lang ng klase.

“Well Mr. Medrana, if you call that your own style of teaching, shame on you. Sa 20 years kong pagtuturo, ni minsan hindi ko ginawa at na-encounter ang ganyang bagay,” then that teacher entered another door inside their room.

“Ma’am, I think there’s no problem if the students keep on sending her those stuffs. Because at the first place, he’s mine,” isang maliit na babae ang nagsabi no’n sa harap ng mga teachers—mismo sa teacher na nagalit kay Railey. Napatigil ako sa kinaroroonan ko. Palibhasa, hindi kop o fully nabuksan ang pinto, nakaawang lang ito at sapat na para masilip at marinig ko ang nangyari.

“Ma’am, Sir Railey is mine. I don’t think these flowers would make any sense at all,” dugtong pa  niya.

Sa mga narinig kong salita, biglang bumalik ang dating Rebecca na kinalimutan ko na.

“Akin pala ah…” bulong ko sa sarili ko. "Humanda ka sakin."

***

Author's Note: Kahit walang quota sa prologue, ayos lang! Babawi ako ng quota ngayon, bale, kailangan 50 votes kung gusto niyo lang naman ma-post na agad yung next chapter. Pero, pag hindi naman umabot ng 50 votes, eh di bahala na. XD

PS. Thank you sa mga nagcomment at vote sa una. Super salamat! Maraming salamat! :3 Mababawa lang po kaligayahan ko. Sobrang babaw. Kaya add niyo ko sa fb: fb.com/imtheweirdapple o sa twitter @imtheweirdapple. (Kung gusto niyo lang XD)

PPS. RIOT po talaga ang BOOK 2. Sure ba kayong babasahin niyo pa? 

Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 141K 49
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
446K 972 2
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
14.5M 747K 72
He's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming high school boy who taught Sussie's young...