Demon's Obsession

By Taciturnelle

414K 9K 799

Everything around her was prosaic... not until she met him... the devil himself. Ctto for the photograph. More

NOTICE
Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-one
Twenty-two
Twenty-three
Twenty-four
Twenty-five
Twenty-six
Twenty-eight
Twenty-nine
Thirty
Thirty-one
Thirty-two
Thirty-two (2)
Thirty-three
Thirty-four
Thirty-five
Thirty-six
Thirty-seven
Thirty-eight
Thirty-nine

Twenty-seven

6.3K 188 16
By Taciturnelle

Footage

---♦♦♦---

"AYOKO nga," pagmamatigas ko. Sinundan ko siya ng tingin nang maglakad siya papunta sa mesa. He poured himself a glass of brandy. I wanted to tut him over for drinking early in the morning but I have a pressing matter at hand right now. He quickly emptied the glass and put it down with a loud thud.

Kita ko ang pagtagis ng kaniyang bagang. Medyo nakaramdam ako ng kaba dahil doon. He's scary when he's mad! Ngunit kailangan kong manindigan sa desisyon ko. Kaya kahit natatakot, lumapit ako sa kaniya.

I reached for his hand. "Please, Dean," pakiusap ko sa mas mahinahong boses.

Kanina pa ako nakabihis para pumasok pero hindi ako makaalis dahil sa sinabi niya. He wanted me to have a bodyguard around even inside the campus. I am against the idea. Hindi ako kumportable na may sumusunod sa bawat galaw ko!

He closed his eyes. I know he's exasperated with me right now. When he opened them, his eyes bore into mine. "How can I let you go alone? F*ck! I almost lost my mind yesterday. Half an hour delay!" He uttered another profanity. I flinched.

Clearing my throat to regain ny composure, I desperately explained, "I told you, sumakit lang talaga ang ulo ko kahapon. Walang ibang dahilan. Madalas mangyari sa akin iyon!"

Kinalas niya ang kamay mula sa pagkakahawak ko. He pinched the bridge of his nose and closed his eyes again. Yumuko ako. Hindi ko alam pero parang kinurot ang puso ko sa ginawa niya. I played with my hands. The same hand he shoved away.

"No, nothing can change my mind— F*ck! Damnit!" I heard him shouted. Lalo lamang akong naluha sa gulat.

Lumapit siya sa akin at inangat ang aking mukha gamit ang aking baba. He was greeted by my eyes brimming with tears. Napapikit siya at napamura ulit. Tuluyan nang tumulo ang luha ko. Galit siya!

Pagdilat niya, agad lumambot ang ekspresyon niya. He cupped my face. "Don't cry, baby. Alright, alright. No bodyguards, okay?" Using his thumb, he wiped the stubborn tears that ain't stopping.

Nilayo ko ang mukha sa hawak niya. Ako na mismo ang nagpunas ng mga luha ko. "Talaga?" singhot ko.

He nodded slowly. Walang imik na hinila niya ako sa isang yakap. He caressed my hair. "You really know how to use your card against me, huh," he mumbled.

Humiwalay ako sa kaniya para tignan siya. "Ha?" Hindi ko naman kasi maintindihan ang mga sinasabi niya. But instead of answering me, he pulled me for a deep kiss.

Pero pinigilan ko rin siya agad. "S-sandali hmm," I said but he quickly covered my mouth again with his lips. "D-Dean... Late na ako." I pushed him a little harder this time. Napalayo siya nang kaunti dahil doon. Nilingon ko ang digital clock at nanlaki ang mga mata ko. I only have ten minutes left before my first class starts! "Late na ako!"

Siya na ang naghatid sa akin sa university gamit ang sports car na itim na ngayon ko lang nakita. Matulin ang pagmaneho niya kaya nakarating agad kami sa loob ng labinlimang minuto. I didn't wait for him to open the door for me. Tumakbo na ako agad pagkababa ko ng sasakyan niya. 

"Bye!" paalam ko sa kaniya nang hindi lumilingon. I'm just gonna text him later.

All eyes turned to me when I opened the massive door of the lecture hall. Tuloy pa rin sa pag-discuss ang professor ko. Ramdam ko ang pag-akyat ng init sa mukha ko dahil sa hiya. Tahimik akong umupo sa upuan ko. Hindi gusto ng professor ko na istorbohin siya sa pagtuturo lalo na kung late ka. Just quietly go to your seat and avoid unnecessary noises.

"Later," Lili whispered to me habang kinukuha ko ang binder ko. Tumango na lang ako sa kaniya at nakinig kay sir.

"SO, MAKE kuwento na," panimula ni Lili paglabas na paglabas ng professor. Medyo umingay ang hall.

"Ano naman ang ikukuwento ko?" nangingiti kong tanong sa kaniya. The ever curious Faye Elizabeth Alcantara.

She rolled her eyes. Lumabas na rin kami ng hall at papunta na sa cafeteria. Siguradong nandoon na rin si Nicki. Mas maaga ang dismissal niya kaysa sa amin. "Siyempre iyong tungkol sa husband mo," she replied.

Natawa ako. "Huh? Ano bang meron? Wala akong maalala," I teased. Lalo akong natawa nang ngumuso siya.

"Meanie."

Nakarating na kami sa cafeteria at agad naming nakita si Nicki sa usual spot namin. Lumapit kami sa kaniya. Hindi niya agad kami napansin kasi busy siya sa pag-calligraphy. She really has a talent for this. Ginawan niya nga kami ni Lili with our names at sobrang ganda! Pina-frame ko nga iyon at nilagay sa study table ko sa mansion.

"...ary?" basa ko sa hindi natatakpan ng kamay niya. Gulat siyang nag-angat ng tingin sa akin at agad na tinago ang papel. Nagtaka ako sa ginawi niya. "Ano iyon, Nicki?"

"N-nothing!" sigaw niya kaya napaigtad ako. Pati si Lili na kakatapos pa lamang mag-ayos ng gamit ay kunot-noong lumingon sa kaniya.

"What's the matter?" Lili asked.

"S-sorry, nagulat lang ako," Nicki explained when she saw our reaction.

Dahan-dahan akong tumango bago umupo sa harap niya, katabi si Lili. "U-uh sorry din. I didn't mean to be intruding," I said. Baka secret lang talaga iyong sinusulat niya kaya hindi ko na aalamin pa iyon.

Umiling siya. "Hindi. Sorry talaga."

Ngumiti ako sa kaniya to assure her. "Okay, anong kakainin natin?" tanong ko na lang para maiba na ang topic. There's no sense in making a big deal out of that.

"You're going to feed us kuwento," singit ni Lili. I laughed. Kanina pa niya gustong magkuwento ako!

Since it seemed like she wouldn't let the topic go, I decided to just answer her. "Ano bang gusto mong malaman?"

Nakatutok na sa akin ang mga mata nilang dalawa. "You didn't tell us na may husband ka na pala. I was rooting for you and Zachary pa naman!"

Ngumisi si Nicki. "What do you think of yourself? A matchmaker?"

"Bagay naman kasi talaga sila! Zach is a good guy and—"

"And a viable bridge to Henry," Nicki cut her off.

Natawa na lang ako sa kanilang dalawa. They're always like this. But I know they cherish each other dearly deep inside.

Dahil napikon si Lili kay Nicki, tumayo na siya para kumuha ng pagkain. Nagkatinginan kami ni Nicki nang iwan niya kami. Sabay kaming natawa. Lili's like a child throwing tantrums! She's stomping her feet all the way to the buffet. So cute.

"You know, I think I already saw your husband before," sabi ni Lili pagkatapos lunukin ang kinakaing carbonara. Kalmado na siya nang magsimula nang kumain. She really loves food. In denial lang siya kasi nagda-diet daw siya.

"Talaga?" I asked. "Saan naman?"

"Yeah, I think I already saw him before too," si Nicki naman.

Kumunot ang noo ko. Na-curious na tuloy ako. Dean, Lili, and Nicki have different personalities so ang hirap namang isipin kung saang lugar sila nagkatagpo.

Lili shrugged. "I don't remember. Or hindi siya iyon. He's so handsome to be forgotten." She turned to me. "Don't get me wrong. I'm just stating the fact so there's no need to be jealous."

Tinignan ko si Nicki. Nagkibit-balikat lang siya.

PAPUNTA na ako sa locker nang maisip ko si Brianna. May nakita kasi akong babae na may handbag kaparehas ng sa kaniya. Mag-isa lang ako ngayon kaya mas napapansin ko ang nasa paligid ko.

Kinuha ko ang cell phone ko. Wala pa ring message si Brianna. Nasa akin na ang brochure na pinapakuha niya. Apat na araw na siyang walang paramdam. Dati naman, araw-araw kaming magka-text. Pinagseselosan na nga siya ni Dean.

Bri, kumusta?

Noong wala siyang reply, si Dean naman ang tinext ko. I remembered making a mental note earlier about texting him. I just said to him na kumain na ako ng lunch and huwag niyang kalimutang kumain. Nalaman ko kasi kay Butler Jang na tuwang-tuwa sa Coconut Cream Pie na madalas daw magkulong iyon si Dean sa office niya at nakakaligtaang kumain. Kaya nga every lunch, I'm texting him to remind him to eat.

Hindi ko na hinintay ang reply niya dahil nasa tapat na ako ng locker ko. Pagbukas ko'y nanalaki ang mga mata ko nang makita ang mga nakadikit sa loob.

In familiar bold red letters, STAY AWAY FROM HADES.

Kumabog ang dibdib ko. With shaking hands I reached for one of them. There's only one Hades I know. Sino naman ang gagawa nito? Hindi ko lang dapat papansinin ang araw-araw na pagpapadala sa akin ng ganito. Iniisip kong fangirl lamang ni Zach ang nagsusulat ng ganoon. Siya lang naman kasi ang close kong lalaki rito sa campus at sikat pa.

But today, the sender gave a name already. Luminga ako sa paligid. Walang katao-tao na nagdala lalo ng kilabot sa akin. Mabilis kong tinanggal ang mga note sa nanginginig na mga kamay. Tinapon ko lahat iyon sa basurahang malapit.

Imbes na sa klase, dumiretso ako sa control room. Nakiusap ako sa personnel pero hindi ako pinapayagang tignan ang CCTV footage. I bit my lip in frustration. Kailangan kong maghanap ng ibang paraan.

Naalala ko bigla si Mrs. Torres. She said I can call her for help. I really hope she can help me with this. Kinuha ko ang papel sa bag ko at tinipa ang numero. I anxiously looked at the closed door of the control room while waiting for Mrs. Torres to pick up.

"Hello, this is Emilia Torres speaking."

Nabuhayan ako ng loob. "Mrs. Torres! Si Kirah po ito."

"Yes, anong maitutulong ko sa'yo Ms. Mendez?"

I bit my lip. "Uhm, kasi po kailangan kong makita ang CCTV footage sa locker room kaya lang ayaw ng personnel. Uh, p-pwede niyo po ba akong m-matulungan?" I crossed my fingers.

"Of course, Ms. Mendez. Let me call the operators first."

Nagliwanag ang mukha ko sa sinabi niya. "Thank you po, Mrs. Torres! M-may isa pa po pala akong request," sabi ko nang may pag-aalangan.

"What is it?"

"Huwag na po sanang makarating ito kay Dean."

"Okay. I'll hang up now."

Nanghihinang naibaba ko ang cell phone. Kinakabahan ako sa isiping malalaman ito ni Dean. He'll go ballistic for sure. And he won't let me study anymore. I don't want that. Kailangan ko nang mahuli ang kung sino mang gumagawa nito para maipagpatuloy ko ang pag-aaral ko.

Bumukas ang pinto ng control room at pinapasok ako ng isa sa mga operator na nagtaboy sa akin kanina.

"Pasensya na, ma'am. Hindi mo naman kasi agad sinabing—" Hindi niya na natapos ang sasabihin dahil siniko siya ng kasama.

"Dito po, ma'am." The one who elbowed the other one led me in front of a bank of screens. Kita rito ang halos lahat ng sulok ng campus.

"Ano ba ang gusto mong makita, ma'am?"

I said I wanted to see the footage from the locker room since this morning. Tutok na tutok kami pero walang ibang lumapit sa locker ko kundi ako kani-kanina lamang.

There must be a mistake here. Paano nailagay ang mga note na iyon sa locker ko kung ganoon? Isa pa'y ako lang naman ang may hawak ng susi niyon. Ilang beses inulit nila Manong ang pag-review ng footages. Kahit nga noong huli kong bisita sa locker ko kahapon, tinignan na namin. Pero wala pa rin.

Susuko na sana ako nang may mapansin ang isang operator. Iyong siniko ni Manong kanina. "Sir Bert, teka, ibalik mo sa bandang lunch."

Binalik nga ni Manong Bert at doon namin nakita ang kakaibang nangyari. Putol ang footage! Nawalan ng ilang minuto. From 12:13, it jumped to 12:24.

Nanghihinang lumabas ako sa control room. Gulong-gulo ang isip ko. Who could it be? Naalala ko iyong babaeng tumulak sa akin sa may garden. Siya kaya? Probably. I remember she threatened me to stay away from someone.

Siya ang kailangan kong hanapin. Ngunit kahit nga anino ng babaeng iyon ay hindi ko makita. Medyo nakalimutan ko na rin ang itsura niya!

Kinuha ko ang cell phone ko at tinignan ang oras. Hindi pa pala ako late sa klase. I sighed. Papasok na lang ako. Mamaya ko na iisipin kung paano makikita ulit ang babaeng nanulak sa akin.

x
©Taciturnelle

Continue Reading

You'll Also Like

582K 25.5K 62
Renesmee Venice Esquivel was the only girl in the Last Section who overcame a harrowing and dark past. She was bruised, hurt, and full of scars in he...
29.7M 1M 69
From strangers to friends. From friends to close friends. From close friends to lovers. When Joey met Psalm, she didn't think that they'd ever be to...
3.5M 114K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...
22.1M 714K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...