Her Boss' Number One Rule (Co...

By RealiceWorks

665K 13.7K 309

Boss Series #1 Book 1 KENT JULIAN: Her Boss' Number One Rule Kent Julian Soriano went back to the Philippines... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Author's Note
Note
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Appreciation Message
Announcement

Chapter 15

24.6K 563 5
By RealiceWorks

SUNOD-SUNOD na buntong-hininga ang pinakawalan niya habang pinagmamasdan ang mga magulang niyang inuulan ng tanong si Julian. Nakaharap sila ngayon sa mga ito. Hindi niya magawang salubungin ang tingin ng kanyang ina dahil ayaw niyang makita ang pagkadismaya nito sa kanya.

"Bakit ninyo itinago ang inyong kasal?" tanong ng kanyang itay. Kalmado ang ekspresyon nito ngunit alam niyang hindi ito natutuwa sa kanyang naging desisyon.

Lumipad ang tingin niya nang gagapin ni Julian ang kanyang palad at pinagsalikop ang kanilang mga kamay. He was serious as hell too. "Pasensya na ho kung hindi ho namin naipagbigay alam sa inyo agad ang pagpapakasal namin ng inyong anak."

Tumango-tango ang kanyang ama. "Bakit nga---"

"Ah, 'tay... Sobrang busy niya ho kasing tao kaya hindi ho namin nasabi agad kaya kumuha muna ho kami nang papel sa munisipyo. Huwag ho kayong mag-alala dahil pinag-uusapan na ho namin ang kasal namin sa simbahan," maagap niyang saad bago pa sumagot si Julian. Sigurado kasi siyang madedehado siya kapag ito ang nag-isip ng magiging palusot nila.

Julian knotted his forehead as he looked at her but she only smiled sweetly at him, silently begging him to just go with the flow. Her heart almost leaped out from her chest when he gave out a smile. Nasapo niya ang dibdib na ikinataas ng kilay nito.

"Sa, ayos ka lang ba?"

Tabingi ang ngiting napabaling siya sa ina. "Oho, 'nay. Ayos na ayos," wika niya saka marahang tinapik ang braso ni Julian.

Nagkatinginan ang mga magulang niya bago tumayo ang kanyang ama. "O, siya sige. Dumito muna kayo at nang magkaroon naman kami nang pagkakataon ng inay mo na makilala itong si Julian."

"Sige ho. Dadalhin ko lang ho ang mga gamit namin sa kuwarto."

"Julian, iho, samahan mo na ang asawa mo," turan nito nang nanay niya.

Agad namang tumalima ang huli at binitbit ang mga dala nilang bag. Napangiwi siya nang lihim. The least thing she wanted to happen is to be alone with him in the same room again. Natutukso siya.

"Church wedding, huh..." sabi nito nang nasa kuwarto na sila. Inilapag nito ang mga dalang bag sa sahig saka inilibot ang paningin sa loob ng kanyang silid. He put his hands on his hip. He was wearing a simple v-neck shirt and a pair of ripped jeans.

Hmmm... Delisyoso!

Lihim niyang ipinilig ang ulo dahil kung saan-saan na napapadpad ang kanyang imahinasyon. "Eh, bakit may mas naiisip ka bang ideya na maganda? 'Yong tipong ni katiting na pagdududa ay hindi sila makakaramdam, aber?"

Magsasalita sana ito nang itaas niya ang palad sa ere upang pigilan ito. "Hep! Nagbago na ang isip ko, 'wag mo na palang sabihin."

Julian gave her a crazed look. "You have a nice room though..."

"Siyempre, maganda ako, eh."

Hindi nito pinansin ang papuri niya sa sarili. Nilapitan nito ang litarto niyang nakapatong sa kanyang study table. Pinagmasdan nito iyon. "Maganda, 'diba?" turan niya at kumindat-kindat pa.

Inilapag nitong muli ang litarto. "Puwede na."

She scoffed and smacked his right shoulder. "Hindi ka mamamatay kung sasabihin mong oo."

Napatanga na naman siya rito nang gumuhit ang isang ngiti sa mga labi nito. Ngunit agad niyang sinupil ang nararamdam nang kusang mag-replay sa kanyang utak ang mga sinabi nito sa kanya no'ng isang gabi.

"Halika na nga!" yakag niya. "Ipapakilala pa kita sa mga kapatid ko." Hindi na niya hinintay ang sagot nito at nauna na siyang lumabas na agad namang sinalubong ng malalakas na tili ng kanyang bunsong kapatid. "Hoy, Esme, tumigil ka nang katitili riyan kundi makakatikim ka nang sapok galing sa'kin," banta niya.

Sumimangot ito at nagniningning ang mga matang tumingin sa likuran niya. "Siya ba ang asawa mo, 'te? My galimay! Ikaw na, 'te. Ikaw na."

She looked over her shoulder and saw Julian leaning against the door frame. Nilapitan ito nang kanyang kapatid. "Hi kuya! Selfie tayo?" kinikilig nitong tanong.

Sassa was surprised when he offered her a smile and let her take some selfies with him. "Sina ate at kuya?" tanong niya nang matapos ang picture-taking ng mga ito.

"Si kuya ay nasa trabaho pa rin. Baka hindi uuwi ngayon 'yon dahil kaarawan raw ng barkada niya. At si ate naman ay kaka-flight niya lang noong isang araw," sagot nito na hindi inaalis ang atensyon sa cellphone.

"Ano?!" sigaw niya.

Ngumiwi ito at hinimas ang tainga. "Ate naman, kailangan talagang sumigaw? Hindi ba't sinabi naman ni ate Ley ang balak niyang mag-abroad?"

"Oo pero hindi naman niya sinabi na nag-flight na pala siya! Hindi ninyo man lang ipinaalam sa akin."

Ngumuso ito. "Ngayon ay alam mo na ang pakiramdam ng hindi sinasabihan ng mga importanteng bagay," wika nito na may pagtatampo sa tinig.

Natahimik siya. Naramdaman niyang may brasong umakbay sa kanyang balikat. She cocked her head up and saw Julian. He awkwardly cleared his throat. "You want to show me around?" he asked her.

Napabuntong-hininga siya. "Sige," maikli niyang saad.

"BAKIT nakaakbay kana?" siko niya rito nang naglalakad-lakad sila sa taniman nila nang mga punong milina sa kanilang likod-bahay. "Akala ko ba ay hindi kana gagawa nang mga bagay na maaring ikalala nang nararamdaman ko para sa'yo? Alam mo, hindi mo na ako masisisi kung isang araw ay pikutin na lang kita."

Hindi niya maintindihan kung bakit kahit alam niya ang limitasyon sa pagitan nilang dalawa ay komportable pa rin niyang nasasabi rito ang kanyang mga palipad hangin. Maaaring maraming magsasabi sa kanya na tanga siya dahil hinahayaan niya ang sarili na mas lalong mapalapit dito sa kabila nang kanilang kasunduang tanging employee-employer relationship ang mamagitan.

What happened to your promise to never be the same again then? Nilamon din ng alak?

Nagkibit-balikat ito at nanatiling nakaakbay sa kanya. "Ewan ko. I kinda enjoy having you near me," usal nito saka bahagyang natawa. "It is so damn confusing."

Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ito. "Iyong totoo, may gusto ka na ba sa'kin?"

May ngiti sa labing umiling-iling ito. "Wala pero natutuwa ako sa'yo."

Ouch!

"Kahit halikan kita?" lakas-loob niyang hamon dito.

Kakaiba ang tingin na ibinigay nito sa kanya. "Sassa..."

Pumalatak siya saka nagpatuloy sa paglalakad at naupo sa isang katawan ng kahoy na natumba.

He sat beside her. "Ano ba ang nagustuhan mo sa akin?" mayamaya ay tanong nito. Hindi niya mabasa ang emosyong nakapaloob sa mga mata nito nang lingunin niya dahil nakatanaw ito sa malayo.

"Marami. Guwapo ka, mabango, matalino at macho."

Ampaw itong tumawa. "Iyon lang ba?"

Was it disappointment she noticed in his voice?

"Nope. Mabait ka rin. And sweet in your own little ways."

Blangko na naman ang ekspresyon ng mukha nito.

"Though your actions are really rough and confusing sometimes," dagdag niya. Wala pa rin. Dang! "But you know what, I understand you. You stick to your rule because your heart still belongs to someone."

Ngayon, siya naman ang tumanaw sa malayo. Siyet! Ganito pala ang pakiramdam ng nagtatapat! Mahirap!

"Just so you know, Margo is out of my system long time ago."

May umusbong na pag-asa sa kanyang puso. "Sa sinabi mong iyan ay parang sinasabi mo na ring ayos lang sa'yo na mahalin kita..."

Hindi ito nagsalita. Deym! "So, binabawi mo na ang lahat ng sinabi mo no'ng isang gabi?"

He sighed. "You're still my secretary..."

Malungkot siyang ngumiti. "Of course. Hindi naman kita ino-obligang mahalin din ako nang dahil lang sa may nararamdaman na ako sa'yo. Naiintindihan ko. You warned me first, but I guess I have a very stubborn heart."

Totoo. Ang tigas ng puso niya. Hindi ito marunong mamili nang taong mamahalin. Doon pa sa lalaking sa umpisa pa lang ay binalaan na siyang bawal mahalin nito napiling tumibok. Hay, pag-ibig nga naman! Minsan ay hindi maintindihan. Maybe she'll just enjoy his company for now.

Tumingala siya sa matataas na puno nang mga milina. "Julian?"

"Yeah?"

"Have you ever thought of falling in love with me?"

"Sassa..."

Napangiti siya. "Okay, okay. Hindi na ako mangungulit. Samahan mo akong manguha nang bayabas."

"Aanhin mo ang bayabas?"

"Lalaruin. Malamang kakainin." Nag-peace sign siya nang nagdilim ang mukha nito. "Pis awt, yow!"

Tumayo ito. "Saan ba ang bayabas na iyan?"

Ngumisi siya. "Sa bundok."




Love lots,
Realice

Continue Reading

You'll Also Like

3.6K 50 11
May maraming pangarap na gustong abutin si Tasya pero isang gabi lang, isang aksidente lang ang magsisira ng lahat ng iyon. Isang aksidente na naging...
650K 12K 61
He said he gave me the Whole World.. He said..... I will love you Through Eternity.. He said.... I will make you mine for-ever.. But those WORD was...
476K 12.6K 29
The Billionaire's Group Series Batch II-2 Simula't sapol ay magkaaway na ang turingan nina Kaifer at Aerriel sa isa't isa. Si Kaifer ay isang halim...