Demon's Obsession

By Taciturnelle

413K 9K 798

Everything around her was prosaic... not until she met him... the devil himself. Ctto for the photograph. More

NOTICE
Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-one
Twenty-two
Twenty-four
Twenty-five
Twenty-six
Twenty-seven
Twenty-eight
Twenty-nine
Thirty
Thirty-one
Thirty-two
Thirty-two (2)
Thirty-three
Thirty-four
Thirty-five
Thirty-six
Thirty-seven
Thirty-eight
Thirty-nine

Twenty-three

8K 234 13
By Taciturnelle

Question

---♦♦♦---

"HALA..." nausal ko nang makita ang oras. Ten minutes na lang pala bago magsimula ang next class ko!

"What's wrong?" Zach asked.

Natatarantang tumingin ako sa kaniya. "Male-late na ako. Sige, bye." Tumalikod na agad ako at nagmamadaling lumabas doon. Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya. Kahit narinig ko pa siyang tinatawag ang pangalan ko.

Halos tumakbo na ako. Pero napahinto ako nang makasalubong ang isang lalaking papunta sa pinanggalingan ko. Natigilan din ito nang makita ako. Hindi ko na lamang pinansin pa dahil kailangan ko nang makarating agad sa klase!

"Hi," hinihingal ko pang bati ko sa katabi kong babae nang pumasok ako sa isa na namang lecture hall. Tinignan lamang ako nito bago tipid na tumango.

MABILIS LUMIPAS ang oras. Dumiretso agad ako sa parking lot nang makita ang text ni Dean. That was five minutes ago. May kaunting reminders pa kasi iyong prof ko sa last subject para sa project na sa end of the semester pa naman ipapasa.

I almost ran to the parking lot. Highlight yata ng araw ko ang pagtakbo. Sa totoo lang, malawak ang parking lot. Pero hindi naman mahirap hanapin si Dean kasi bukod sa matangkad siya, naroon din ang mga ulong napapalingon sa kaniya. And his car! That alone stands out.

Lumakad ako palapit sa kaniya. Agad niya akong hinapit sa bewang at siniil ng halik. I pulled away ang looked around. Walang nakatingin.

"Nasa school grounds pa rin tayo," suway ko sa kaniya. Baka bukas ay ipatawag agad ako sa Disciplinary Office.

"So what?" balewala niyang tanong. I pursed my lips. Bigla naman siyang nanghalik ulit kaya nahampas ko siya sa braso.

"Dean!"

He chuckled and pulled me for a hug. "Sorry. I just miss you so, so badly." Then he kissed my temple.

Napangiti ako. "Ilang oras lang naman."

Nilayo niya ako sa kaniya para titigan sa mata. "I'm not used to being far from you anymore."

I swear I melted at his words. Because, same.

"Hello po," I greeted the maids and Butler Jang. Nakalinya sila sa labas, hinihintay kami ni Dean. Yumuko sila sa amin, nailang naman ako. I turned to Dean. He just encircled his arm around my waist and went straight inside, ignoring everyone.

"Dean, dapat bumati ka pabalik sa mga bumabati sa'yo," sabi ko sa kaniya habang paakyat kami ng hagdan. Hindi siya sumagot kaya sinilip ko siya. "Okay?"

He smirked. "Sì, signorina." He ruffled my hair.

Dinner was served immediately after. It was a sumptuous feast! Dean said it was a celebratory meal for my first day. Pinasalamatan ko silang lahat. Napakasaya ko.

"Thank you," I whispered. Tumingala ako sa kaniya. Magkaharap kami sa higaan. His hug around my waist tightened.

"You're welcome." Pinikit ko ang mga mata nang patakan niya ako ng halik sa noo. "How was your day?"

Agad akong dumilat. "Ang dami kong tinakbo ngayong araw," sumbong ko sa kaniya. Tinawanan niya lang ako. His chest vibrated. I really like his laugh, his deep voice. Especially when he's this carefree. I snuggled closer to him, his free hand stroking my hair. Nagpatuloy ako sa pagkwento pero bumibigat na ang talukap ng aking mata. "...tapos sa huli, tumakbo ang papunta sa'yo..."

I yawned.

"Because you're bound to run back to me in the end." He whispered something but I didn't quite understand. I am was too sleepy to process what he said.

"Dean," I called, my eyes getting heavier. "‘Wag mo na ulit ako pasundan sa bodyguard mo... Ayokong may sumusunod sa akin..."

He uttered a curse. That was the last thing I heard before I fell into a deep slumber.

-♦-

"THERE! IT'S empty." Turo ni Lili sa table sa bandang gilid. Tumango ako.

"Tara," yaya ko kay Nicki na tahimik lang sa aking tabi. Nicki's an irregular student like me. Classmate ko siya sa halos lahat ng subjects kaya kami na lagi ang magkasama.

"Oh, it's you again," she said nang magkita ulit kami sa pangatlong pagkakataon. It was my second class that day. Akala ko nga snob siya but that's just her normal. She usually wears a poker face. And for some reason, we clicked. Kahit ang tahimik naming dalawa.

Then Lili tagged along with us. Simula nga noon, lagi na kaming magkakasabay. I don't know how Lili does it but her sched seemed flexible. Basta bigla na lang siyang lilitaw. Sabay kaming mag-lunch everyday except Monday.

"Bakit ba jam-packed ang dining hall ngayon? Ang hassle tuloy!" reklamo ni Lili habang paupo kami sa table na napili niya.

Kahit ako, nagtataka. Akala ko talaga noong una, hindi mahilig kumain ang mga tao rito sa Briston. But looking at the full dining hall right now, I guess I was wrong.

"What are we trying today?" Nicki asked. Tapos na siya mag-ayos ng gamit. Lili was busy with her phone kaya ako na lang ang sumagot.

"American?" hindi ko siguradong sagot. Iyon kasi ang malapit sa puwesto namin. "Lili? Ano sa'yo?"

Nicki nudged her since magkatabi naman sila. "That's fine with me," she answered before putting her phone down. "Tara?" yaya niya at tumayo na. Nagkatinginan kami ni Nicki bago tumayo na rin. "Saan tayo?"

Napasentido na lang si Nicki habang napailing naman ako.

Dala ang tray namin, we carefully walked through the crowd. Nicki and I both got burger and fries. Lili opted for Cobb salad.

Huminto si Lili na nauuna sa amin. I abruptly stopped too. "Kaya pala punuan ngayon." Pumantay ako sa kaniya at sinundan ko ang tingin niya. Nakita ko sa bandang gitna ang grupo ng mga lalaki. Mukhang athletes. Maiingay rin sila. Maraming lumalapit sa table nila na pinagdikit-dikit na para magkasya ang malaki nilang grupo, mostly girls.

A familiar man was in that group too. Kumaway siya nang magtama ang tingin namin. I just smiled and nodded at him because of the tray I was holding.

Lumingon si Lili sa akin, namimilog ang mata. "How the eff did you know Zachary?" she asked, shocked.

Before I could answer, Nicki interrupted us. "Guys, we're congesting the way."

"Sorry," sabay naming sabi ni Lili. She looked at me with that 'I'm-not-yet-done-with-you' look. Napipilitang tumango na lamang ako. We continued in our tracks.

"Let's feed our stomachs first before you feed our ears," Lili said, to me particularly, as soon as we placed down our trays and slid in our seats.

Pagkatapos nga naming kumain, Lili started interrogating me. Dahil doon, naging interesado na rin si Nicki na nagulat pa nga nang nalamang magkakilala kami ni Zach. Apparently, Zach is the capatain of the basketball team. Kasama niya iyong buong team nila kaya ang dami nila roon sa gitna.

"This is the first time I saw him smiling to a girl! Tell me, how did you two become close?" She even squinted her eyes at me.

"Hindi naman kami close. We're just acquainted with each other."

Totoo naman. We never talked again since the first time we met in the garden. Laging malayo kami sa isa't isa. Pero kapag nakikita niya ako, kumakaway siya kahit ang layo niya.

Dumaan muna kami sa locker ko bago kami tumuloy sa klase. I needed to return three thick hardbound books in the library. Kinailangan kasi namin para sa report sa isang subject. Meron ding dala sina Lili, one each. Magkaklase kami sa subject na iyon.

"I really hate that prof! Hindi ba uso sa kaniya ang internet?!" Lili whined as we walked to the library. "We can cite naman a source from the internet, a! May APA format naman for digital source. He really likes to make our lives harder!"

Tahimik lang kami ni Nicki na nakikinig sa pagra-rant niya. Ayoko na rin magsalita pa kasi mabigat talaga ang dala ko. Talking will just tire me more.

Biglang natigil sa pagsasalita si Lili. Sa unahan kasi namin, naroon si Zach. May kasama siyang isang lalaki, medyo mababa sa kaniya pero mukhang athlete din.

"Hi, Kirah," he greeted, smiling widely at me. Ibang-iba sa malungkot na Zach na nakita ko noon sa garden. I forced a smile. Ang bigat kasi ng dala ko nga.

"Let me help you." Lumapit siya sa akin at kinuha ang dala ko bago pa ako makapagprotesta. Ramdam ko agad ang ginhawa sa mga braso. Nilingon niya iyong kasama niya na agad namang kinuha ang dala nina Nicki.

Wala sa sariling binigay ni Lili ang dala. Tumingin siya sa akin at pinandilatan ako ng mata.

"A-ah, Zach, si Lili nga pala at si Nicki, mga kaibigan ko," pakilala ko sa dalawa.

Tumango si Zach sa kanila. "Hi. I'm Zachary."

"I know you," Lili muttered unconsciously. She seemed shock that Zachary was in front of her.

Ganoon ba talaga siya kasikat?

Bumaling sa akin si Zach. "Where are you going? Tulungan na namin kayo."

"Salamat kung ganoon. Sa library kami papunta." Wala na naman akong magagawa kasi kinuha na nila iyong mga dala namin.

Sinamahan nga nila kami sa library. "Buti hindi ka na malungkot," I started. Nasa unahan kaming dalawa habang nasa likod namin sina Lili.

He smiled at me. Wow, hindi man lang siya nabibigatan sa mga libro. "Yeah... I found my happiness, again."

Good for him.

"Salamat ulit," sabi ko sa kaniya pati roon sa kasama niya pagkatapos namin ma-check out iyong mga libro.

"Thank you, Zach, Henry." si Lili.

Tumango lang si Nicki.

"Welcome," maikling sagot ni Zach. Sumaludo lang iyong kasama niya sa amin pagkatapos ay may binulong kay Zach. Tumango ang huli at bumaling sa amin. "Anyway, kailangan na naming umalis." Then he looked at me. "See you around, Kirah."

I nodded, smiling. "Thank you ulit."

Nang makaalis sila Zach, halos maglupasay sa kilig si Lili. Nicki grimaced at her shriek. "OMG. I can't believe Zach talked to me. And Henry! He carried my book!" she daydreamed.

"Lili! Pinagtitinginan na tayo!" suway ni Nicki sa kaniya. Nicki hates attention. Kahit iyong mga nasa loob ng library ay napatingin sa amin sa dahil kay Lili.

Maarteng kinumpas ni Lili ang kamay at inayos ang sarili. "Sorry."

Buong maghapon si Zach ang bukambibig ni Lili. At ang basketball team. Fan pala siya ng team nila. She has a huge crush on Henry, iyong kasama ni Zach kanina.

"May karapatan naman siyang maging snob! Like hello, he's handsome, has a body to die for and he's freaking rich!" Inisa-isa pa ni Lili ang daliri sa pag-enumerate ng mga katangian ni Zach. Sinabi kasi ni Nicki na ang snob naman daw ni Zach kaya bakit ang daming nagkakagusto.

"Mas mayaman pa rin ang De Micheli," Nicki replied.

Natigilan naman ako. Parang narinig ko na sa kung saan ang apelyidong iyon.

"Ugh! Of course given na ang De Micheli! They're way above anyone else so bakit mo sila isasali sa usapan!" Then Lili went on. Napabuntong hininga na lang si Nicki, suko na kay Lili.

I sighed too. Bakit ang tagal ng prof?

MY PHONE beeped on the dash board. Agad ko itong kinuha. Saglit akong nilingon ni Dean bago ibalik ang tingin sa kalsada.

It was a text from an unregistered number. Nabuhayan ako ng loob nang maisip kung sino ito.

Unknown Number:

Ki! Huhuhu! Slr. How are you???

Napangiti ako. Naririnig ko ang high-pitched na boses ni Brianna. I saved her number first before typing a reply.

Ayos lang naman ako, Bri. Ikaw?

Wala pang isang minuto, nag-reply na siya.

Brianna:

I'm still pretty, ofc! We need to meet up!!! Ang dami mong utang na kwento sa akin.

I still have class :((

Café near the uni tom., kk?

"Who are you texting?" Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ang galit na boses ni Dean. Hininto niya ang sasakyan sa gilid. Malapit na kami sa mansyon.

"S-si—"

"A man?" Kita ko ang pagputi ng kamao niyang mahigpit ang hawak sa manibela. Kinabahan ako. Hinarap niya ako, his eyes blazing with wild fire.

Agad akong umiling. "H-hindi, si Brianna iyon," paliwanag ko.

Pero hindi natinag ang matigas niyang ekspresyon. Pinakita ko sa kaniya ang cell phone para maniwala siya. Tiim bagang niyang binasa ang convo namin ni Bri.

"Gusto niyang magkita kami." Ibinalik niya ang cell phone sa dash board. "Ipagpapaalam ko sana iyon sa iyo."

Hindi siya sumagot. Binuhay niyang muli ang makina. Hanggang sa mansyon, tahimik siya. I bit my lip. Kailangan kong makita si Brianna.

"Please, kailangan kong makipagkita kay Brianna," pakiusap ko habang nakasunod sa kaniya. Tuloy-tuloy lamang siya hanggang sa kuwarto namin. Tumigil lang siya noong nasa tapat na siya ng kama. Hinubad niya ang kaniyang coat at niluwagan ang necktie na suot.

"Dean," malungkot kong tawag sa kaniya. "Parang pamilya ko na si Brianna. At least I owe her an explanation."

Bakit ba ako naiiyak? I really missed Bri! Bakit hindi niya pa ako payagan?

He turned to face me after drawing a deep sigh. Natigilan pa siya nang makita na naiiyak na talaga ako. I bit my lip in frustration. His face softened and with hungry steps, he closed the distance between us. Kinulong niya ako sa mahigpit na yakap.

Naramdaman ko ang paghalik niya sa aking ulo. "Please, baby, don't cry," he whispered against my hair. Mas lalo namang nanganib na bumagsak ang luha ko sa kaniyang sinabi.

He cupped my face and hushed me. "Fine, I'll let you meet her. Just... just don't cry, okay? I don't want to see you crying," malambing niyang sabi. Tumango ako at napanguso. Bakit para siyang nagpapatahan ng bata? I'm not a kid!

He gave me a peck on the lips. "Crybaby," he teased.

I hit him on the chest. Ako lang din naman ang nasaktan. "Hindi kaya!"

He pulled me for another hug. "My crybaby," he whispered. Napangiti ako.

-♦-

"KI..." Hindi pa ako nakararating sa upuan niya'y dinamba niya na ako ng yakap. Humiwalay siya at tinignan ako habang lumuluha. Napaluha na rin tuloy ako. "Sobrang na-miss kita!" iyak niya.

Napangiti ako sa kabila ng pagluha. "Na-miss din kita." Inaya ko muna siya umupo kasi pinagtitinginan na kami ng mga tao. Para kaming ewan na nag-iiyakan sa gitna ng café.

Nakatitig lang sa akin si Brianna pag-upo namin. Ilang sandali'y sabay kaming natawa at nagpunas ng luha.

"Nakakasira naman ng poise ang meeting na ito, Kirah!" She laughed.

After we ordered, she asked the question she's been holding. "Where have you been, Ki? Bigla ka na lang nawala ng araw na iyon..." she asked, pertaining to the day when I supposedly escape to their province.

I held her hand. "Sorry kung hindi agad kita na-contact." I sighed. "Noong gabing iyon kasi, kinuha niya ako."

She gasped. Her hands covered her mouth. "Y-you mean..."

Tumango ako. Kinuha ko ang cell phone ko at binuksan ang gallery nito. "The one giving me turtledoves." Pinakita ko sa kaniya ang statuette ng turtledove na nakita ko sa opisina ni Dean.

Kumunot ang noo niya. She stared at the photo like she's analyzing it. "Turtle...dove?" nalilitong nagtaas siya ng tingin sa akin.

"Oo, Bri." I bit my lip, remembering the first time I heard the word through his lips.

"P-paano mo nalamang turtledove nga ito? Kung ako lang, simpleng ibon lang iyan sa paningin ko."

Napatitig din ako sa litrato. I know it's a turtledove, I'm sure.

"I'm so worried about you. But looking at you now, mukhang nasa maayos kang kalagayan. You're blooming!" sabi niya.

Blooming? Ako? Sigurado akong namumula na ako ngayon.

"Akala ko may nangyari nang masama sa iyo... I tried to find you kaya lang dead end lagi. You don't know how happy I am nang makita ang e-mail mo!" She held my hand tighter. "Do you... want to continue our plan?" she whispered.

Napayuko ako. "Akala ko rin..." Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "P-pero wala naman siyang ginawang masama sa akin... at saka mabait naman siya..." Napatawad ko na siya sa mga nagawa niya, kung mayroon man.

She's confused. "Binigyan ko siya ng pagkakataon..." I continued.

Namilog ang mga mata niya. "W-what..."

I smiled at her. "Nasa labas siya," sabi ko. Iyon kasi ang kondisyon niya. Susunduin niya ako pagkatapos ng klase at ihahatid dito.

Kinuwento ko sa kaniya ang mga nangyari noong mga nakaraang buwan. Ang gaan sa pakiramdam. Because finally, I was able to tell my story.

Naningkit ang mata niya sa akin pagkatapos. "Do you like him?" Of all questions that can be asked, she chose this one.

Natigilan ako sa tanong niya.

Do I?

Nanatili ang mga mata niya sa akin. Ano ba ang isasagot ko? Ngayon lamang ito sumagi sa aking isipan. When I gave him a chance, I didn't even think why.

Does it mean I like him?

I'm not even sure myself.

x
©Taciturnelle

Continue Reading

You'll Also Like

27.9M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
4.7M 143K 44
WARNING (!) THIS STORY CONTAINS MANY GRAMMATICAL ERRORS, TYPOS AND LOOPHOLES. DO NOT READ IF YOU ARE A PERFECTIONIST. YOU ARE BEING WARNED.
15.2M 587K 48
(Game Series # 5) Lyana Isobel Laurel never wanted complication. She never dreamed of marrying into a wealthy family-a family that's way out of her l...
8.1M 203K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...