Prince Of The Womanizers (Com...

By IHeartThisGuy

5.5M 129K 14.7K

"Salamat at dumating ka sa buhay ko. Ikaw lang ang babaeng minahal ko ng ganito. Mahal na mahal kita at gusto... More

Prince Of The Womanizers
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Wakas
Womanizer Series
Special Chapter #1
Special Chapter #2 + Sequel

Kabanata 24

99.2K 2.2K 149
By IHeartThisGuy

"Hindi mo pa rin kinakausap?" Tanong sa akin ni Liz.

Kakatapos lang ng klase namin ni Liz, kasalukuyan kaming nasa gymnasium para manuod ng basketball game nila Jao at Zach. Wala rin naman akong gagawin sa bahay, isa pa ay wala rin namang ipinapagawang assignments ang mga Professors namin.

Umiling ako pagkatapos ng isang mahabang buntong hininga, "Ayoko. Hindi ko pa kaya." Sagot ko sa kanya.

Hindi naman kasi madaling patawarin ang lahat ng mga ginawa at sinabi ni Aivan sa akin at lalo na sa Mama ko. Masakit, oo. Hindi ko lang talagang kayang makalimutan sa ngayon ang lahat ng iyon.

Kahapon, nakita ko na naman si Aivan sa labas ng school namin. May hawak na isang box ng chocolates, ibinibigay niya sa akin at nanunuyo pa. Pero hindi ko naman tinanggap, ayaw ko nga siyang kausapin, eh. Ayoko lang talaga na magpauto pang muli sa kanya.

"May sulat ulit siya sa'yo kasi." Sabi sa akin ni Liz habang iniaabot sa akin ang papel na hawak niya.

Kung tutuusin, araw-araw na lang akong nakakatanggap ng mga sulat na mula kay Aivan, at paulit-ulit lang rin naman ang mga nababasa ko, humihingi siya ng sorry pero para sa akin ay hindi lang basta-basta iyon.

Hindi ko kinuha ang sulat, "Ibigay mo na lang ulit sa kanya. Puro kalokohan lang rin naman ang mga pinagsusulat niya diyan." Sagot ko naman kay Liz.

Napaka-feeling pogi naman kasi ni Aivan, eh. Well... Oo na, pogi na. Hindi ko naman maipagkakaila iyon, eh. Ayoko rin namang magsinungaling, pero kasi naiinis lang ako sa kayabangan ni Aivan. Alam na nga niyang galit ako sa kanya tapos sa mga sulat niya sa akin feeling bati naman kami.

Ayoko pang naman ng ganun, pakiramdam ko kasi hindi naman sincere si Aivan sa mga sinasabi niya. Parang ang hirap ngang paniwalaan lalo na at nawala na rin ang tiwala ko sa kanya.

"Bahala ka nga, Avy..." Sabi ni Liz sa akin sabay balik sa bag niya ang sulat ni Aivan, "Humihingi na nga ng sorry 'yung tao sa'yo. Ayaw mo pang tanggapin, paano na lang kung magsawa 'yan si Aivan sa kaka-sorry sa'yo?"

Napa-taas ang kilay ko sa sinabi niya, "Diyan ko malalaman kung sincere nga siya sa mga sinasabi niya. Kung magsasawa siya, ibig sabihin lang no'n na hindi niya deserve na patawarin ko siya."

Tumango-tango naman si Liz, "May point ka."

Narinig namin ang sigawan at tilian ng mga babaeng nasa tabi at nasa likuran namin ni Liz, dumating na pala ang Varsity team ng school namin na kinabibilangan ni Zach at Jao.

Lumapit silang dalawa sa kinape-pwestuhan namin ni Liz.

"Hi Avy." Ani Jao na ngiting-ngiti sa harapan ko, ang cute lang tuloy ng pagkasingkit ng mata niya, "Kanina pa kayo dito?"

"Kadarating lang din namin, Jao." Sagot ko sa kanya.

Tumabi naman siya sa upuan ko, "Nga pala, kamusta na si Tita at si Tito?"

"Okay naman si Papa, pero si Mama... Ganon pa rin, wala pa ring pinagbabago." Sagot ko sa kanya pagkatapos ng isnag mahabang buntong hininga.

Hinawakan naman niya ang kamay ko, "Tiwala lang, Avy... Gagaling din ang Mama mo. Sinasama ko siya sa panalangin ko araw-araw."

Magsasalita pa sana ako nang marinig namin ang tila pagdagundong ng buong gym. Grabe! Sobrang ingay! Lahat na nga yata ng tao dito sa gymnasium ay tumitili at sumisigaw.

Nang balingan ko ng tingin ang entrada ng gymnasium ay nakita ko ang grupo mula sa kabilang eskwelahan at halos mamilog ang mata ko nang makita ko si Aivan na naglalakad kasama ng mga ka-teammates niya. Varsity rin pala siya sa school niya ngayon?

"Okay ka lang ba, Avy?" Naramdaman ko ang hininga ni Jao sa may bandang tainga ko. Sobrang lapit pala naming dalawa sa isa't-isa.

"Okay lang." Sagot ko at saka ngumiti sa kanya.

Alam ko naman, at ramdam ko na nakita na ako ni Aivan ngayon.

Napalunok ako nang marinig ko si Zach na tinawag si Aivan.

"Aivan! Pare?!"

Lumapit naman si Aivan sa pwesto namin at nakipag-apir pa kay Zach, "Magkalaban na tayo ngayon." Natatawa-tawang sabi ni Zach kay Aivan.

"Oo nga eh," Sabi naman ni Aivan.

Nang balingan ko ng tingin si Aivan ay nakatingin pala siya sa akin. Hindi ko alam pero pansin ko na mukhang wala siya sa tamang konsentrasyon sa ngayon. Mukha siyang bad trip.

"Pare." Tawag ni Aivan kay Jao na nasa tabi ko.

Napakunot ang noo ko, "Pwede ba tayong mag-usap?"

Tumingin naman ako kay Jao, "Uh... Avy. Usap lang kami, saglit lang 'to." Sabi ni Jao sa akin.

Wala na akong nagawa kundi ang tumango hanggang sa lumayo na silang dalawa ni Aivan.

Sana lang ay hindi sila mag-away na dalawa.

Ilang minuto rin ang hinintay ko bago magkasunod na bumalik si Jao at si Aivan. Parehong malalim ang mga mukha nilang dalawa at napansin ko pa na may sugat sa may bandang labi si Jao at gayon din naman si Aivan.

Napa-iling na lang ako, panigurado. Away iyon. Kahit kailan talaga si Aivan, walang ibang ginawa kundi ang makipag-away at makipag-basag ng ulo.

"Okay ka lang, Jao?" Sabi ko sa kanya nang makalapit siya sa may pwesto ko.

Tumango naman siya at umakbay sa akin, nakita ko pa si Aivan na nakasimangot na nakatingin sa amin habang kinakausap siya ng coach niya.

"Okay lang ako, Avy. Wala 'to." Sagot sa akin ni Jao.

Tumango naman ako at hindi na nagtanong pang muli sa kanya, "Galingan mo na lang mamaya, Jao. Good luck." Sabi ko sa kanya.

Ngumiti naman siya.

"Salamat, gagalingan ko talaga."

Tinawag na sila ng coach nila, kaya si Liz na lang ang kasama ko pero may ginagawa naman. Kanina pa niya kasi kinukuhanan ng litrato si Zach na nagpapapogi habang kinakausap ng coach.

Ilang saglit pa ay nagsimula na ang laro nila at unang nakapuntos ay ang grupo nila Jao. Napatayo pa ako sa tuwa dahil si Jao pa ang naka-puntos.

Hanggang sa matapos ang unang quarter, nangunguna ang grupo nila Jao. 36-24. Talagang magaling maglaro si Jao, nakita ko na kasi siyang maglaro ng basketball ng ilang beses, magagaling din naman ang ka-grupo niya kaya pinagsama-sama ang galing nilang lahat.

"Hoy! Todo support kay kay Jao ah? Tignan mo nga si Aivan! Pinapagalitan na ng coach nila." Ani Liz.

Napatingin naman ako sa gawi ni Aivan. Nakayuko siya habang tila pinapagalitan ng kanilang coach. 'Yan! 'Yan ang napapala niya sa kayabangan niya.

"Kanina pa masama ang tingin niyan kay Jao. Mukhang nagkakainitan nga sila, eh. Palibhasa nakatutok ka lang kay Jao."

Hindi ko na siya inimik. Hindi ko naman talaga napansin si Aivan, malay ko ba? At isa pa, ano nga ba ulit ang pakialam ko sa kanya?

Nagsimula na ulit ang laro. Gitgitan, parehas magagaling kaya hindi na nagkakalayo ang score. Hanggang sa maka-abot na sa 4th quarter ng game ay gitgitan pa rin ang laban.

Napapansin ko lang din kay Aivan na mukhang hindi na nga niya ine-enjoy ang laro. Mukhang nakikipag-initan na siya kay Jao. Sa ngayon ay lumamang na ng isang puntos ang ang team nila Aivan, 86-85 ang score. 35 seconds na lang ang natitirang oras at hawak naman ng grupo nila Jao ang bola. Kapag nai-shoot ng grupo nila Jao iyon ay tiyak na panalo na ang school namin.

Nasa aktong i-shoot na sana ng ka-team nila Jao ang bola nang maagaw iyon ng kabilang panig, ten seconds na lang ang natitira at nang ipinasan iyon ng lalaki kay Aivan ay mabilis iyong itinira ni Aivan sa ring. Nakapuntos tuloy ng three points.

Natapos ang laban, panalo sila Aivan. 89-85

Tatayo na sana ako para lapitan si Jao nang makita ko si Aivan na nasa harapan ko na. Badang-basa ng pawis ang buong katawan, nagulat ako ng umupo siya sa tabi ko.

"Hindi mo talaga ako kakausapin?"

Hindi ko siya kinibo. Ang akala ko nga ay magsasalita siya pero nagulat ako nang ilagay niya sa kamay ko ang tuwalyang hawak niya at iminwestra iyon sa katawan niyang basang-basa ng pawis.

Hindi ko maigalaw ang kamay ko sa hindi ko malamang dahilan. Ewan ko ba, pero napapatitig lang ako sa kanya habang hawak niya ang kamay kong nagpupunas ng pawis niya.

Nang magapos ang pagpupunas ng pawis ay saka niya ibinigay sa akin ang bag niya, "Nandyan 'yung tubig ko."

"Hindi ako ang yaya mo." Sagot ko.

Humarap naman siya sa akin at hinawakan ang dalawang kamay ko. Iniiwas ko iyon pero mas lalo niyang hinihigpitan ang pagkakakapit niya sa akin, "Nanalo kami sa game. Kaya h'wag mo nang aasahan na lalapitan ka pa ni Jao, may mapag-usapan kaming dalawa."

Napakunot ang noo ko.

"Kapag nanalo ang team niya sa game, lulubayan na kita.... Pero kapag ang team ko naman ang nanalo, hindi kita titigilan." Sabi niya sa akin habang nakangisi, "Kahit naman matalo ako. Hindi pa rin ako titigil sa kakasuyo sa'yo. Ayokong tigilan kita sa kakahingi ng patawad. Ngayong kaharap at kausap na kita, gusto kong sabihin sa'yong humihingi ako ng tawad. Mali ako, sobrang mali ako. Huli na nang marealized ko ang kamalian ko, pero maniwala ka, Avy. Totoo ito, totoo lahat ng sinasabi ko sa'yo ngayon. Walang haling biro o kahit na anong kalokohan, Sorry."

Nakatitig lang ako sa mukha niya, napansin ko ang pagtulo ng luha n'ya sa gilid ng mata niya, "Sa sobrang dami ng kasalanan ko sa'yo. Hindi mo na siguro akong kayang patawarin, pero hindi ako tigigil. Hindi ako mapapagod, dahil alam ko.... Balang araw, mapapatawad mo rin ako."

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin.

"Nasaan na ang tubig ko?" Tanong niya sa akin.

Binuksan ko naman ang bag niya para kunin sana ang tubig niya pero nagulat ako sa nakita ko. Punong-puno iyon ng papel at nang buklatin ko ang isa sa mga papel ay nabasa ko ang salitang "SORRY" All caps iyon dahil sulat kamay iyon ni Aivan na mahilig sa mga capital letters.

Napatingin ako kay Aivan na ngayon ay may hawak nang bouquet ng bulaklak. Hindi ko alam kung saan niya nakuha iyon, "Sorry, Avy... Alam kong kulang pa iyan, pero pangako. Totoo ang lahat ng 'to."

Napa-irap ako at nang may maisip ay pasimple pa akong napangiti.

"Bakit ka ngumingiti diyan? Okay na ba tayo? Pinapatawad mo na ako?"

Kibit-balikat ako bago muling magsalita, "Patatawarin lang kita kung....."

Pansin ko naman ang pagliwanag ng mukha niya na tila ba excited sa susunod kong sasabihin, "Kung ano? Patatawarin mo ako kung ano?"

"Kakantahin mo ang despacito ng naka-boxers lang habang gumigiling-giling. Patatawarin kita."

"Huh? Ayoko nga!" Sabi niya sabay busangot ng mukha.

Mas lalo akong napangiti, "Hindi tayo okay. Hindi kita mapapatawad."

Mabilis naman niyang hinawakan muli ang kamay ko, "Sigurado ka ba talaga na pakakantahin mo ako ng kantang iyon? Hindi naman ako singer ah? Gwapo ako pero di ako singer.... At saka, sigurado ka ba talaga na gusto mong naka-boxers lang ako? Paano kapag nakita ng mga babae 'yon? Magagwapuhan sila sakin tapos magkaka-crush sila sa akin... Gusto mo ba 'yon? Tapos gigiling ko? Oo, macho ako at gwapo ako pero hindi ako macho dancer."

"So?" Napa-irap ako.

"Gusto mo bang gawin ko iyon? Ha?" Aniya

Tumango ako, "Go na."

"Zach!" Nagulat ako nang narinig kong tinawag niya si Zach na nasa may hindi kalayuan mula sa pwetso namin, "Turuan mo nga akong sumayaw na parang si Justin Bieber! Yung gumigiling ah? At saka may boxer ka ba diyan? Pahiram nga! Brief lang kasi 'yung suot ko ngayon."

Shocks.

🔆🔆🔆🔆

FYI: May story din sila Zach at Liz, kumpleto na siya. Ang title ay "Loved You First" Marami din akong story na pwede n'yong basahin habang naghihintay ng update.

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 28K 52
[COMPLETED] Kyle Villarosa is my gorgeous boss, certified babaero at heartbreaker. Walang balak magkaroon ng steady girlfriend. Para sa kanya, laro l...
1.3M 43.6K 55
A love quote once said "The best thing to hold onto in life is to each other" but what will happen pag ang minamahal mo ay hindi mo naman pagmamay-ar...
357K 7K 53
(COMPLETED) Travis De Guia doesn't believe in love because of a distressing event happened to his parents and because of a girl from his past - Myla...
32.5K 1.1K 53
ALAMINOS LAGUNA SERIES #1 Ranz, a rich man who lives in Sta. Rosa but chose to study in Alaminos to pursue Law for his future not until he met Kather...