Her Boss' Number One Rule (Co...

By RealiceWorks

665K 13.7K 309

Boss Series #1 Book 1 KENT JULIAN: Her Boss' Number One Rule Kent Julian Soriano went back to the Philippines... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Author's Note
Note
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Appreciation Message
Announcement

Chapter 10

24.9K 627 7
By RealiceWorks

PASALAMPAK na naupo siya sa sahig saka inihilig ang ulo sa couch na ginawa niyang sandalan. Inabot ang unan at niyakap iyon sabay pikit ng mga mata. Pambihira! Hindi niya lubos akalain na napaka-energetic parin ng ina nito sa kabila ng edad nitong sixty-five. Ang sakit ng mga paa niya dahil halos lakarin na nila ang buong Tagaytay sa pamamasyal. Halata na sobrang nangulila ito sa lugar. Panay din ang kuwento nito noong maliit pa lang si Julian at ang mag kalokohan nito. Napangiti siya nang maalala ang mga iyon. Mabuti na lamang at dumiretso sa kuwarto nito pagkauwi nila sa bahay.

"Tired?" Nang-aarok at seryosong mukha nang ate nito ang nabungaran niya nang magmulat siya.

Umayos siya nang upo at nginitian ito nang tipid. "Medyo."

"Alam ko ang kasunduan ninyo nang kapatid ko, Sassa."

Kinabahan siya. "Ano'ng kasunduan?"

She gave out a sigh. "Alam kong binayaran ka ni Kent para magpakasal sa kanya. Hindi ako gano'n kadaling lokohin."

Hindi siya agad nakapagsalita. "Hindi ko alam ang sinasabi mo."

Tinitigan siya nito. "Tell me, mahal mo ba siya?"

Mahal ko ba siya? The question strucked her and she didn't know how to answer. Mayamaya ay nabalot ng pagkalito at pagkamangha ang pagkatao niya nang bigla itong bumunghalit ng tawa. Pinunasan nito ang luha sa gilid ng mata nito. "Gosh. I didn't know my brother would do such thing." Umiling-iling ito habang may ngiti parin sa mga labi.

Nakatanga lang siya rito. She doesn't know how to react.

"Ngayon ay ako naman ang makikipagkasundo sa iyo." Sumeryoso ito. "Make him fall in love with you."

"What?" she whispered, still not coping up.

"Or else you'll spend your six years in prison." Ngumiti ito nang matamis sa kanya. "Let's see if he can break that stupid rule for you. And besides, I don't like that Margo girl for him." She grimaced then left.

Naiwan siyang nakamata sa hangin. Just what the hell is happening?

Napaigtad siya nang tumunog ang cellphone niya. "Nasaan ka bang lalaki ka?" bungad na salita niya kay Julian nang makitang ito ang tumatawag. "Umuwi ka nga!"

"I'm here in the office. I needed to sign some papers. Kumusta riyan?" kaswal nitong tanong.

"Oh, please! Don't ask."

"May problema ba?"

"Wala." Iwinagayway niya ang kamay sa ere. "Ano'ng oras ka uuwi?"

Tumahimik ang kabilang linya. "Julian? 'Uy."

She heard him clear his throat. "Baka late na ako makakauwi mamaya."

May lungkot siyang naramdaman. "Okay."

Tumahimik ulit ito. "Okay. Bye."

"Ba-bye." Tinitigan niya ang cellphone nang matapos ang tawag.

Ano na ang gagawin niya? Naiipit na siya sa magkapatid. Oh, well. Mas pipiliin nalang niyang huwag maghimas ng rehas.

Ang tanong... Kaya ba niyang paibigin ito?



GULAT na ekspresyon ang bumadha sa mukha ni Julian ng pagbuksan niya ito nang pinto. He looked at his wrist watch. "Bakit gising ka pa?"

"Hinintay kita."

"Hindi mo na kailangang hintayin pa ako."

Naghikab siya. "Gusto ko, eh. Bakit ba?"

Napapantastikuhang pinagmasdan siya nito. "Gusto mong magkape?" Hinila niya ang kamay nito nang parang estatwa itong nakatayo lang. "Stay here," saad niya nang nasa kusina na sila. Sumandal ito sa island counter habang pinapanood siyang nagtitimpla ng kape.

"Hindi mo lang ba ako tatanungin kung anong timpla ng kape ang gusto ko?"

Sinulyapan niya ito. He never really asked her to make him a cup of coffee in the office. "Brown coffee," sagot niya.

His hands were on the edge of the counter. He cocked a questioning eyebrow. "Your mom told me. Here." Ibinigay ang isang tasa nang kape habang ang isa ay hawak niya. "Cheers," turan niya bago humigop.

"Ano'ng nakain mo?"

"Hmmm? Wala naman. Mabait lang talaga ako."

He shrugged. "The money is in your acct. now."

Na-freeze ang kamay niya sa ere. Heck! Ang bilis naman. Nilapitan niya ito at tinabihan. "Julian?"

"Yeah?"

"What if your sister has an idea about the contract?"

Sinulyapan siya nito. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

Nagkibit-balikat siya at muling humigop ng kape. "Wala naman. I just thought about it."

Hindi ito nagsalita. "We'll cross the bridge then."

She cocked her head up at him and fist bumped his shoulder. "Wanna take a walk with me outside?"

"Madilim sa labas."

"May street lights, Julian. Nag-iinarte ka na naman."

He gave her a weird look. "Fine. Let's go."

A smile crept on her lips and excitedly followed him.

"Hey, lovers," Heiti called out when they ended up into her cafe. "Kailan ka mabubuntis?"

Gusto niyang takpan ang bibig nito. "Huh?"

Heiti only chuckled and wiggled her brows. Kakaiba din ang saltik nito sa utak. "Come on. You're married. It just comes naturally. Right, Tekken?"

"That darn guy," mahinang usal nito bago hinilot ang sintido. "Where is he?"

Ngumiti nang makahulugan si Heiti na umiling-iling. "Ewan ko. Ikaw ang kaibigan niya bakit sa akin mo siya hahanapin?"

"Tell him I'll kill him when you see him then."

Ngising aso lang ang itinugon nito.

"Ikaw rin?" tanong niya. Nakakunot-noo niyang binalingan ang lalaking katabi niya. "Did you tell your friends?"

"What? No! Those damn twins accidentally read the contract that was on my table."

She palmed her face. Sa lahat naman ng taong puwedeng makabasa no'n ay ang tsismosong kambal pa. Argh!

"Your marriage isn't a secret anymore but the reason behind it still remains," Heiti assured them bago tumalim ang mga mata nito. "Hindi ko lang sukat akalain na pumayag ka sa gusto nang lalaking ito. I mean, duh, on what ground ninyo ibabase ang magiging annulment ng kasal ninyo? Kung peke lang naman din ang pagsasama ninyo, bakit hindi na lang din ninyo pineke ang lahat?"

Bago pa siya makapag-react ay sumagot na si Julian. "We don't owe you an explanation so stop prying."

Naningkit ang mga mata nito. "Hindi ikaw ang kinakausap ko kundi si Sassa."

"I am her boss."

"Well, she's not an employee anymore. She's your wife."

Tumikhim siya. "Enough kids. May mga taong nakikinig."

Heiti inhaled. "Bahala nga kayo." Iyon lang at iniwan na sila nito.

"I like her," wika niya nang wala na ito. "She reminds me of myself." Binuntutan niya nang tawa ang huling sinabi.

"Tell me, do you like to stop?"

Lumipad ang tingin niya rito. Blanko ang ekspresyon nito sa mukha. "May kontrata tayo at hindi ako marunong sumira sa usapan." Iniiwas niya ang mata rito dahil baka mabasa nito ang mga emosyong pilit niyang itinatago.

Tumango lang ito saka tumayo. "Malalim na ang gabi. Kailangan na nating umuwi," wika nito at naglakad na palayo.

Pinagmasdan niya lang ang likod nito. Nang lingunin siya at pinangunutan ng noo ay agad siyang tumalima at sumunod dito. How many times he did walk out on her? Hmmm... Hindi na niya mabilang.



Love lots,
Realice

Continue Reading

You'll Also Like

1K 66 15
Mahirap ang iniwanan Mahirap ang ipagpalit Mahirap ang lokohin Pero may mga tao talagang nakatadhanang dumaan lang sa buhay natin Gawin tayong matat...
647K 14.2K 25
It takes five years para lang makita ang babaeng nagpanggap na pick-up girl at nagnakaw ng kanyang pera. Ngayon, nang mahanap na niya ito, isa naman...
2.3M 148K 51
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...