Symphonian Curse 6: The Tale...

By mayflores430

37.4K 1.5K 146

Symphonia is the name of the clan. From this powerful, mysterious, old clan came one of the most influential... More

Prologue
Chapter One- A Private Dance
Chapter Two- A job for a Homeless Girl
Chapter Three- The Other Men
Chapter Four- The Girl with Noodle-like Hair
Chapter Five- Ethan
Chapter Six- Bitterness
Chapter Seven- Priceless Moments
Chapter Eight- Hitting the Wrong Notes
Chapter Nine- Rescuing the Damsel
Chapter Ten- His Secret Sanctuary
Chapter Eleven- Music and Love
Chapter Twelve- Unwanted
Chapter Thirteen- Truths
Chapter Fourteen- Loneliness
Chapter Fifteen- The Undefinable but Undeniable
Chapter Sixteen- Starting a Relationship
Chapter Seventeen- The Ultimate Question
Chapter Eighteen- Emman, Evan and Erwan
Chapter Twenty- The Tale of the Nine-tailed Beast
Chapter Twenty-One - Wedding and Other Things
Chapter Twenty-Two- Evident Connection
Chapter Twenty-three- The Irreversible Choice
Brief Biography
The Song that Inspired this Story

Chapter Nineteen- Colours

1.3K 54 2
By mayflores430

Chapter Nineteen

Colours


KATATAPOS pa lang ng klase niya nang mapansin ang isang itim na kotse sa labas ng school. Nagulat siya nang makita si Ethan.

"Hello, handsome," bati niya rito.

"Hi."

"I love you," bulong niya sa nobyo. Iyon ang isang bagay na ipinangako niyang gawin, ang ibulong o i-text rito ang mga salitang iyon truthfully at least once a day. Para sa kanya ay nakakakilig iyon lalo na kapag nakikita niyang lumiliwanag ang expression ng mukha nito. He doesn't need to reply since wala iyon sa ugali nito pero sapat ng natutuwa ito.

"Me too," sagot ni Ethan.

"So what's up? Meron ka na namang ikukwento sa akin?" excited niyang tanong. Everyday seems a getting-to-know-each-other day. They exchange information and ask each other about something they like and doesn't like. Sometimes, the topic is personal and emotional. They promised to be honest with each other's feelings since the day he revealed one of his painful secrets to her. May mga pagkakataong nagkakaroon sila ng minor conflicts pero hindi nila pinapatapos ang araw na hindi sila nagre-reconcile.

"Wala. Gusto ko lang na ipag-drive mo'ko," anito saka inihagis sa kanya ng susi ng kotse nito. Agad niya iyong nasalo.

"Hindi pa ako nakakakuha ng lisensya," aniya.

"It's okay. May lisensya ako," iyon lang ang sinabi nito at pumasok na sa kotse. Tahimik siyang sumunod. Alam niya kung paano magpatakbo ng kotse pero sa paligid ng mansiyon lang siya umiikot-ikot. Hindi pa siya nakakasubok ng totoong kalye.

"Sigurado ka talaga rito?" paniniyak niya.

"Oo nga. Test drive lang naman ang gagawin natin kaya wala kang dapat ipag-alala. Marunong akong magmaneho kaya magtiwala ka."

"Sana naman sinabihan mo'ko para naihanda ko naman ang sarili ko," reklamo niya.

"Mas okay ang adventure."

"Mapapagalitan tayo ni Ate niyan eh."

"Iyon ay kung malalaman niya."

"Ang sama mo," sabi niya saka ini-start ang kotse. Nakaramdam siya ng excitement nang marinig ang tunog ng makina. Medyo kabado siya nang umpisa pero dahil sa direksiyon ni Ethan ay nae-enjoy na niya ang pagda-drive. Hindi naman niya pinapabilis ang takbo para iwas-gulo. Inaalalayan siya nito kapag 'di niya alam ang gagawin. After almost an hour, nakarating sila sa isang pastry shop na walang problema.

"This is delicious!" aniya habang kumakain ng isang slice ng Black Forest cake. "Ano ba ang favorite cake mo?"

"Hindi ako mahilig sa cake. Bitter ako sa buhay," sagot nito.

"Say ah!" aniya. Napilitan itong ngumanga dahil sinubuan niya. "Masarap ano?"

"Pwede na."

"Sa wedding natin ay may cake kaya dapat kumain ka rin," pag-e-encourage niya rito. "Ethan, mahilig ka sa black, ano?" tanong niya. "'Yon kasi ang kadalasang kulay ng suot mo."

"I like black and white."

"'Wag mong sabihing dahil pa rin 'yan sa bitterness mo sa buhay," hindi niya maiwasang malungkot sa ganoong ideya. Pati kasi ang choice nito ng color ay walang kabuhay-buhay.

"Hindi naman. Safe kasi para sa akin at hindi ako naguguluhan kung 'yon lang ang kulay ng mga damit ko," sagot nito. Nanlaki ang mga mata niya. "Yes Cecil, colorblind ako. Ni hindi ko matiyak ang kulay ng suot mo ngayon. Ano ba 'yan? Brown?"

"Huh? Dark green ang suot ko."

"See? 'Yong bag mo ay purple."

"Blue!"

"Your sneakers are blue."

"You knew it!"

"Hinulaan ko lang. Madalas color coordinated kayong mga babae. Kailangan may magkapareho sa suot ninyo. It's either the shirt and the shoes or the bag, belt and shoes."

"How did you know all of that? Ganyan ba si Ate? Isa pa 'yong monochromatic eh."

"Never mind," anito.

Ngumisi siya at ipinakita rito ang ballpen niya. "Ano'ng kulay nito?

"Maria Cecilia!" saway nito sa kanya na parang maeeskandalo. "Stop it."

"Don't make it a big issue, please. Gusto ko lang talagang hulaan mo 'yong mga kulay ng gamit ko. I find it interesting!" aniya.

"It's not funny," nakaismid nitong sabi pero 'di niya ito tinantanan dahil alam niyang bibigay din ito at makikipagkulitan.

"Ano'ng kulay ng ballpen ko?" tanong niya ulit.

"Black." Inilahad niya ang kanang kamay sa harap nito. "Ano na naman 'yan?"

"Bawat mali mo, bibigyan mo ako ng five pounds. It's blue."

"Alam kong blue ang five pounds. Brown ang ten pounds. Purple ang twenty at red ang fifty," himutok nito.

"Hindi 'yong kulay ng pera ang tinutukoy ko kundi 'yong kulay ng ballpen ko. Magbayad ka na."

"Napakasama mo. You're taking advantage of my disability," reklamo nito.

"Pagnakatama ka naman eh magbabayad ako sa'yo."

"Gaano kalaking prosyento ba na makakatama ako ng at least tatlong beses sa sampung kulay? Pandaraya naman 'yan eh."

"Ano ka ba naman? Magandang investement 'to. Sige na," pangungulit niya. Napilitan itong mag-abot ng five pounds sa kanya. Ipinakita niya rito ang kanyang panyo. Pinakatitigan 'yon ni Ethan.

"Yellow."

"It's yellow-green."

"Pareho lang 'yon."

"Hindi 'yon pareho," insist niya. "Bayad mo."

"This is against human rights," reklamo nito pero nagbayad naman sa kanya. Nagpatuloy ang laro nila hanggang sa lumabas sila ng shop. Tinawagan ni Ethan ang driver para kunin ang kotse dahil nagdesisyon silang ituloy ang laro sa kalye. Minsan ay nahuhulaan ni Ethan ang kulay pero mas madalas na hindi kaya naman, pagkatapos ng mahigit dalawang oras, halos mapuno na ang bulsa ng pantalon niya.

"You robbed me," anito habang nakaupo sila sa gilid ng isang fountain sa park.

"I love this game!" tuwang-tuwa niyang sabi sabay halik sa pisngi ni Ethan. "I love you."

"You love teasing me."

"And that too."

Tahimik lang nilang pinapanood ang iilang kabataan na nagpe-perform sa park. Others were singing and others were playing instruments. Sa tabi ng gitarista ay may nakalagay na box na may nakasulat kung para saan ang malilikom na donations ng grupo. Para raw iyon sa pagbili ng bagong musical instruments ng kanilang church choir. Agad niyang napansin na sumasabay sa beat ng kanta ang isang paa ni Ethan. Hindi man nito sabihin, alam niyang gusto nito ang naririnig. She immediately though of a plan.


NAGTAKA si Ethan kung bakit biglang lumapit si Marcie sa grupo ng mga nagpe-perform sa park. Kanina pa ito hindi maubusan ng kakulitan at siya ang napagtitripan nito. He doesn't mind, though. Talagang makulit lang ito at alam niyang pinapasaya siya nito sa abot ng makakaya.

He saw her talking to the guitarist. Hindi niya alam kung ano na naman ang pakulo nito. Nag-thumbs up ang guitarist at nakipag-usap sa iba nitong kabanda. After a while, Marcie was in the center already.

"I want to dedicate this next song to my fiancé, Ethan!" announce nito sa mga tao na nakapaligid sa kanila. Nagpalakpakan ang mga tao at tumingin sa kanya. He was speechless. Akala niya nagbibiro lang ito pero nagsimula itong kumunta na ang accompaniment ay ang banda na naroon. Pamilyar siya sa tinutugtog dahil isa iyon sa personal favorites nito.

Hindi niya alam kung matatawa o maiiling pero mas pinili niyang ngumiti at humanga dahil alam niya kung gaano kahirap para kay Marcie na kumanta. Hindi rin madali ang kinakanta nito. Iyon ang isang kantang hirap na hirap ito pero kinakanta pa rin.

We belong to the light. We belong to the thunder

We belong to the sound of the words we've both fallen under

Whatever we deny or embrace for worse or for better

We belong. We belong, we belong together

"I do hope we really belong to each other, Maria Cecilia. Matanggap mo sana ako sa pinakapangit kong anyo," bulong niya kahit hindi 'yon narinig ng nobyang patuloy na kumakanta. Matapos itong kumanta ay nagpalakpakan na naman ang mga tao sa paligid. Ibinigay ni Marcie sa banda ang napanalunan nitong pera mula sa kanilang laro kanina. Masaya itong lumapit sa kanya.

"Did you love it?" excited nitong tanong.

"I love you."

Tinampal siya nito sa balikat. "Pangit pa rin ang boses ko?"

"Still, I love you."

"You're so mean," kunwari ay naiinis ito. "I love you too," bulong nito sa kanya saka siya mabilis na hinalikan sa labi. "Ano ang kulay ng t-shirt nung gitarista?"

"Cecilia!" saway niya sa nobya na malakas lang na natawa. They decided to go home. Inihatid niya ito sa bahay nito sakay ng taxi. Nag-text na siya sa driver na sunduin siya roon. Hindi na siya pumasok sa bahay nito.

"Ikumusta mo ako kay Tita Clara," aniya. Hindi pa kasi dumarating ang mama nito mula sa trabaho. "Mag-iingat ka rito."

"Yes, Master."

"Siya nga pala, hindi tayo pwedeng magkita sa Sabado."

"Huh? Bakit? Aalis ka?" agad itong nalungkot.

"No. Nasa bahay lang ako pero magkakasakit ako sa araw na 'yon."

"Niloloko mo naman ako eh," anito. "Paano mo naman malalaman na magkakasakit ka? Ano ka? Psychic?"

"Once a month, magkakasakit ako kaya get used to it."

"Seryoso ka ba talaga?" nag-alala na ito. "Meron bang importanteng mangyayari sa Sabado? Something personal or sentimental? Is it about your siblings?"

"Hey, do not worry. I'll be fine."

"Gusto mo samahan kita?" tanong nito. Iyon ang hinihintay niyang tanong.

"Is it okay kung sasamahan mo'ko?"

"Wala akong klase at magpapaalam ako kay Mama. Sasamahan kita," she decided. Tumango siya. "Darating ba sina Emman sa araw na 'yan?"

"I hope so. Susubukan daw nilang makauwi."

"Okay. Pupuntahan kita sa bahay mo sa Sabado."

"Thanks."

"Take care, Ethan," sabi nito sabay yakap sa kanya. "I love you."

"I know," sagot niya saka ito hinalikan sa pisngi at nagpaalam na. Dumating na kasi ang driver niya. Habang papauwi sakay ng kotse, iniisip niya kung ano ang mga pwedeng mangyari sa Sabado. That's two days from now. Iyon ang unang gabi niya sa ilalim ng sumpa at ang gabing malalaman niya kung para ba talaga sila ni Marcie sa isa't isa. Pagkatapos ng gabing iyon, it's either he will live with Marcie or he will live alone forever, forsaken and cursed.


Continue Reading

You'll Also Like

185K 5.8K 46
Princess Maria Adrialyn ng Yellow Wolves District ng Mundong-Colai. Maia Nuenzio naman sa mundo ng mga tao bilang isang kilalang modelo. Nakilala ang...
1.8M 181K 206
Online Game# 2: MILAN X DION
183K 5.4K 37
#Mate #PrincessBlueWolf #Romance #Prophecy #2ndgeneration
405K 1.6K 7
#Alpha #2ndGeneration #Romance #BlackWolf #Mate