Symphonian Curse 6: The Tale...

By mayflores430

37.4K 1.5K 146

Symphonia is the name of the clan. From this powerful, mysterious, old clan came one of the most influential... More

Prologue
Chapter One- A Private Dance
Chapter Two- A job for a Homeless Girl
Chapter Three- The Other Men
Chapter Four- The Girl with Noodle-like Hair
Chapter Five- Ethan
Chapter Six- Bitterness
Chapter Seven- Priceless Moments
Chapter Eight- Hitting the Wrong Notes
Chapter Nine- Rescuing the Damsel
Chapter Ten- His Secret Sanctuary
Chapter Eleven- Music and Love
Chapter Twelve- Unwanted
Chapter Thirteen- Truths
Chapter Fourteen- Loneliness
Chapter Sixteen- Starting a Relationship
Chapter Seventeen- The Ultimate Question
Chapter Eighteen- Emman, Evan and Erwan
Chapter Nineteen- Colours
Chapter Twenty- The Tale of the Nine-tailed Beast
Chapter Twenty-One - Wedding and Other Things
Chapter Twenty-Two- Evident Connection
Chapter Twenty-three- The Irreversible Choice
Brief Biography
The Song that Inspired this Story

Chapter Fifteen- The Undefinable but Undeniable

1.3K 69 4
By mayflores430

Chapter Fifteen

The Undefinable but Undeniable


MADALAS na inuumaga ng uwi si Marcie mula sa 24-hours convenience store na pinagtatrabahuan niya. Kapag umuuwi siya ay tulog na ang kanyang mama kaya hindi na lang niya ito dinidistorbo.

Nagtuloy-tuloy siya sa kanyang kwarto. Alas-tres na ng madaling araw kaya pagod na pagod na siya. Pagkapasok ng kwarto niya ay napansin niya agad ang nakabukas na bintana. Agad niya iyong isinara. Binuksan niya ang ilaw sa lamp shade at bigla siyang napasigaw at umatras nang malamang may natutulog sa kama niya.

"Mama! Mama!" tawag niya sa kanyang ina habang umaatras patungo sa pinto. Nakatagilid ang sinumang natutulog kaya 'di niya naaninag ang mukha. Inaantok pa na pumasok ang Mama niya sa kanyang kwarto.

"Cecil, ano ang problema –sino 'yan?" nawala yata ang antok nito nang makita ang nakita niya. "May kasama kang dumating?"

"Ma, hindi. Inabutan ko lang siya rito."

Nilapitan ito ng Mama niya at tiningnan ang itsura. "Cecil, sigurado kang hindi mo 'to kilala? Ang gwapo eh."

"Huh?" nilapitan na rin niya ang natutulog at nagulat siya nang makita ang itsura nito. "Master Ethan?" bulalas niya. Paano nito nalaman kung saan sila lumipat ng mama niya?

Bahagya nitong niyugyog si Ethan. Hinaplos nito ang pisngi at noo ng lalaki saka siya seryosong binalingan. "Kumuha ka ng maligamgam na tubig at bimpo. May lagnat ang bisita," utos nito. Naguguluhan man ay tumalima siya sa utos. Nagpunta siya sa kusina. Kinuha niya ang mga inutos ng mama niya pero bago siya bumalik ay tinawagan niya si Emman sa cellphone. Nakaka-isang ring pa lang ay may sumagot na.

"Emman, si Marcie 'to. Nandito ang tiyo mo sa bahay namin," agad niyang sabi.

"Just like what I expected," sagot ng nasa kabilang linya pero sigurado siyang hindi iyon boses ni Emman. "This is Ethan's sister."

"Madam! May sakit po si Master Ethan ngayon."

"Alam ko. Umalis siya ng bahay kani-kanina lang na walang pasabi. Hindi naman malala ang sakit niya kaya sana alagaan niyo muna siya diyan. I don't think he will like to go home yet. May ideya ka na siguro kung bakit siya nandiyan."

"Po?"

"Take care of him. Kapag lumala ang lagnat niya, call us and rush him to the nearest hospital and if not, let him rest in your home."

"All right."

"Thank you, Maria Cecilia."

Matapos ang tawag ay bumalik na siya sa kwarto niya dala ang mga inutos ng kanyang mama. Ang mama niya ang nag-asikaso kay Ethan at hindi niya ito napigilang mang-usisa tungkol sa dating amo.

"He saved you from Jonas," sabi ng mama niya matapos siyang magkwento. Nakita na nito minsan si Ethan. "Naalala ko pa na para siyang knight-in-a-shining-armor na pumasok sa bahay. He was a bit scary when he pointed the gun to us but that's part of rescuing you."

Hindi niya naiwasang mapait na ngumiti. "Siya nga ang nagligtas sa akin noon pero siya rin naman ang nananakit sa damdamin ko. Puno ng bitterness si Master Ethan. Hirap siyang mahalin ang ibang tao. Ang tanging mahal lang niya ay 'yong ate niya at mga pamangkin. He doesn't share. He doesn't give anything. All he knows is to hate."

"Maria Cecilia, hindi ka niya ililigtas noon kung ang tanging alam niya ay magalit at magtanim ng sama ng loob. Ang pagpapatira niya sa'yo doon sa mansiyon at ang hayaan kang kaibiganin ang mga pamangkin niya ay patunay na that he tried his best to share and give."

"Basta, Mama. Ayoko ng ma-involve sa kanila."

"Now you're the bitter," anito. Sumimangot siya. "I regret the time when I chose to believe na masaya ako kasama ang bago kong asawa at ang pamilya niya kaya hindi kita pinaniwalaan noon sa sinabi mo tungkol kay Jonas. Sa kagustuhan kong maging masaya, nagbulag-bulagan ako. You always remind me of your abusive father and I wanted to get away from that hurtful past. I became so bitter in life and to you. Hindi ko naisip na napaka-selfish ko na dahil dinadamay kita sa galit ko sa ama mo kahit wala ka namang kasalanan.

Nang makita kitang buhat-buhat ni Ethan at inalis ka niya sa bahay, doon ko na-realize na mali ako. Ibang tao pa ang nagligtas sa'yo gayong dapat ako ang unang tao na magprotekta sa'yo mula sa mga masasamang tao."

"Mama..."

Her mother began to shed tears. "Nang kunin kita sa mansiyon ng mga amo mo, I saw how they care and protect you. 'Yong tatlong gwapong mga binata roon, they really love you. They were all sad when you chose to go with me. Akala ko hindi ka sasama sa akin after everything that happened at maiintindihan ko kung 'yon nga ang ginawa mo but then you chose me. Pinili mo ako samantalang madali sa akin na pabayaan ka noon," umiiyak nitong sabi. Tuwing napag-uusapan nila ang mga nakaraang kaganapan ay nagiging emotional ang mama niya. Tuluyan na nitong iniwan ang step-father niya at nag-file ng divorce para magkasama na sila ulit. Her mother gave up a life she thought was perfect and be with her. Sa huli, pinili siya nitong makasama.

"Mama, tama na po. Mag-move on na po tayo. Napatawad ko na po kayo at magkasama na tayo ngayon."

"What did I do to deserve a daughter like you?" tanong nito. Niyakap niya ang mama niya. "Cecil, you should also forgive this handsome warrior."

"Hindi naman ako galit kay Ethan, Mama. Ayoko na nga lang sana siyang makita."

"Pero parang gusto ka niyang makita since narito siya sa bahay natin ngayon."

Tiningnan niya ang natutulog na si Ethan. Alam niya ang abilidad at kapasidad nitong malaman ang anumang impormasyon pero bakit nga ba ito nagpunta sa bahay niya?


HINDI siya pwedeng lumiban sa trabaho kaya hinayaan na lamang niya ang mama niya na siyang mag-alaga muna kay Ethan since day-off nito sa araw na iyon. Bumaba na ang lagnat ni Ethan pero mukhang pagod na pagod pa rin para tumayo. After lunch ang shift niya kaya nagkaroon pa siya ng oras para alagaan si Ethan nang magising siya kinaumagahan. Hindi rin talaga siya halos nakatulog knowing na nasa kwarto niya ang lalaki. Nag-text siya kay Emman tungkol sa status ng tiyuhin nito. Isang smiley lang ang naging reply ni Emman.

Sa trabaho ay tini-text siya ng Mama niya para ipaalam ang mga nangyayari sa bisita nila. Nagising daw ito habang nasa trabaho siya. Kumain pa nga raw pero natulog din ulit.

"Nakakita pa talaga ng personal nurse," bulong niya matapos matanggap ang huling text. It was already eight in the evening at naroon pa rin siya sa convenience store. Naisip niyang umuwi ng maaga para matulungan ang mama niya. Mabait naman ang may-ari ng store na si Sir Manny kaya alam niyang papayagan siya nito. Filipino ito kaya madali silang nagkasundo.

Hihingi na sana siya ng permiso sa amo niya nang pumasok ang ilang teenagers sa store. Nagsisigawan at nagkakantiyawan ang mga ito habang tumitingin sa mga paninda. Napansin niyang naging mapagmaytag si Sir Manny nang pumasok ang grupo ng mga teenagers.

"Marcie, doon ka muna sa malayo," sabi nito. Anak siya kung ituring ng amo bagamat single naman talaga ito at 'di na rin bumabata. Mahigit twenty years na itong naninirahan sa London kaya sanay na sanay na ito sa mga pasaway.

"A kid working in a store?" natatawang sabi ng isang ginger-haired na babae habang nakatingin sa kanya. "Are you sure you're working here? You look like a grader."

Hindi na lamang siya kumibo kahit parang gusto na niyang ingudngod sa sahig ang pula nitong nguso na makapal ang lipstick. Naiinis siya lalo pa at nagtawanan ang mga kasama nito. Gusto niyang paghahampasin ng baseball bat ang mga ito pero pinigil niya ang sarili. Lumayo siya sa may cashier at hinayaan si Sir Manny na magbantay.

Bumukas ang pinto ng store pero 'di niya binigyan ng pansin dahil nagmamatyag siya sa mga pasaway na costumers.

"Hey handsome!" tawag ng malanding babae kanina. Tiningnan niya ang tinawag nito at nanlaki ang mga mata niya nang makita si Ethan na nakatayo sa harap ng counter. Nilapitan niya ito. Medyo maputla pa ito pero mukhang okay na kesa kanina. Napansin niya na ang suot nitong hooded sweater ay pagmamay-ari niya. Maiksi iyon kay Ethan pero bumagay pa rin. Weird nga lang iyon para sa lalaki dahil kulay baby pink iyon na may print sa likod ng mukha ni Hello Kitty. Ang jogging pants naman na suot nito ay pagmamay-ari ng mama niya at maiksi rin. He was wearing slippers, too. Buti na lang at gwapo ito at marunong magdala ng damit.

"Okay ka na?" tanong niya agad sa binata.

"We need to talk. Now."

"Kung maka-demand ka naman," reklamo niya. "May trabaho ako."

"I'll pay your time. Mag-usap tayo," demand nito saka binalingan si Sir Manny na gulat ding nakatingin sa kanila. "I need to talk to Maria Cecilia now. How much do I need to invest in your store to allow her to talk to me? Don't worry. Ikaw pa rin ang CEO ng tindahan mo."

"Hoy, ano ka ba? Hindi ikaw ang amo rito!" saway niya kay Ethan. "Pasensya na po kayo rito sa kaibigan ko, Sir. Joke lang po 'yon."

"I'm not kidding."

"Shut up! Wala ka sa teritoryo mo."

"Mamaya na kayo mag-lover's quarrel diyan, Hello Kitty!" sigaw ng isang lalaki na kabilang sa punk group na naroon. Binalingan ni Ethan ang mga ito. Biglang nakaramdam ng takot si Marcie para kay Ethan. May sakit pa kasi ito tapos mukhang maghahanap pa ng gulo.

"Walang lover's quarrel at wag mo kaming sisigawan dahil hindi kami mga bingi. Hindi ako si Hello Kitty at 'wag mong pipintasan ang suot ko dahil hindi ito sa'yo," sunod-sunod na sabi ni Ethan na seryoso. "Ilang taon ka na ba? Sixteen? Seventeen? Bumibili ka ng alak?"

"Hoy, sino ka ba at –" hindi natapos ng lalaki ang mga sasabihin dahil mukhang natakot ito sa titig lang ni Ethan.

"Sa inyo ba 'yong mga motorsiklo sa labas? Nasaan ang mga lisensya ninyo? Bakit amoy-alak kayo?" sunod-sunod na tanong ni Ethan saka kinuha ang dalang cellphone. "Hello? Officer O'Donnel, may mga pasaway dito na nakainom at may dalang mga motorsiklo –" at nagsitakbuhan na palabas ang mga pasaway. Hindi makapaniwala si Marcie sa ginawa ni Ethan.

"Wow! Cool," komento ni Sir Manny. "Kilala mo pala si Officer O'Donnel?"

"Napagtanungan ko lang siya ng direksiyon kanina," sagot ni Ethan. "Hindi ko pa rin binabawi ang offer kong investment, Sir. Few kilometres from here is a big store na malapit ng magsara due to bankruptcy. The place is ideal for business."

"Hindi ka mukhang negosyante, hijo."

"I don't have to look like one to be one."

"Marcie, kausapin mo na ang bisita mo. Mukhang hindi siya okay," sabi ni Sir Manny sa kanya. "You can go ahead. Magsasara ako ng maaga ngayon."

"Sigurado po kayo?"

"Oo."

Lumapit si Ethan sa may-ari ng tindahan. "Thank you, Sir," sabi nito saka inabutan ng isang calling card si Sir Manny. "If you need anything business-related, you can contact that number or go to that place. Somebody will help you."

Kitang-kita ni Marcie ang disbelief sa itsura ng amo habang nakatitig sa calling card. "Young man, is this really yours?"

"The card? Yes, it's mine. The corporation? It's a family business. Keep it secret," sabi ni Ethan saka siya hinawakan sa kamay at hinila palabas ng store. Shock pa rin siya sa bilis ng mga pangyayari. Nang makalabas sila ay bahagyang gumewang ang lakad ni Ethan kaya agad niya itong inalalayan. "I need to talk to you."

"Bakit ka umalis ng bahay? May sakit ka pa!"

Lumayo ito sa kanya. "I need to ask you something."

"Mas mahalaga pa ba 'yang tanong na 'yan kesa sa buhay mo?" naiinis niyang tanong sa lalaki. "Hoy, kapag napano ka, baka ako pa ang masisi dahil nasa bahay ka namin. Sa dami naman ng pwede mong puntahan, bakit sa bahay ko pa?"reklamo niya. Maya-maya ay napapikit ito kaya natakot tuloy siya. "Master Ethan naman eh! Wag mo akong tinatakot diyan."

"Sagutin mo ang tanong ko, Maria Cecilia."

"Ano ba ang tanong na 'yan at para ka ng magpapakamatay maitanong lang sa akin?"

Dumilat ito at tumitig sa kanya. "Bakit mo'ko mahal?"

Napatanga siya. Hindi niya iyon inaasahan at lalong hindi niya alam kung paano 'yon sasagutin. Sa dami naman ng tanong, bakit 'yon pa?

"Ano?"

"Ang sabi ko, bakit mo'ko mahal?" ulit ni Ethan. Hindi pa rin siya nakasagot. Naguguluhan siya sa sasabihin. "Bakit hindi ka makasagot? Nagsinungaling ka ba sa akin? Sinabi mo lang ba 'yon para maguluhan ako?" sunod-sunod nitong tanong saka siya hinawakan sa magkabilang balikat. "Answer me. Why do you love me?"

"Hindi ko alam!" sagot niya. Napuno ng confusion ang mukha ni Ethan. "Bakit napaka-importante ng tanong na 'yan para sa'yo? Bakit kailangan mo pang malaman?"

"I need to know because I am confused!" sigaw nito sa kanya. "Kung sinabi mo lang 'yon para maguluhan ako, ikaw na ang pinakamasamang tao na nakilala ko pero kung sinabi mo 'yon dahil 'yon talaga ang nararamdaman mo, then tell me why!"

"Kailangan ba talaga na may dahilan para magmahal ang tao?"

"As far as my experience is concern, yes. My sister loves me because I'm his brother. Emman, Evan and Erwan love me because I am their unlce and they respect me. Ikaw? Bakit mo'ko mahal?" pagpupumilit nito. Nawalan siya ng imik. Hindi niya alam ang isasagot lalo pa at nakikita niya itong nahihirapan. "Maria Cecilia, ano ang minahal mo sa akin?"

Parang madudurog ang puso ni Marcie nang makitang tumutulo ang mga luha ni Ethan. Pakiramdam niya ay hindi lang ito literal na ay nararamdamang sakit sa katawan. Mukhang talagang nasasaktan ito para umiyak sa harap niya.

"Ano ba ang gusto mong sagot, Ethan?"

"Ang totoo. Bakit mo'ko mahal? Gusto kong malaman kung bakit mo minahal dahil sa totoo lang, wala akong makitang dahilan para mahalin mo ang isang tulad ko."

"That's nonsense," bulong niya saka pinahid ang mga luha nito. "Ethan, mahal kita dahil mahal kita. It's undefinable but undeniable. Kusa na lang 'yong nangyari at walang nagturo sa akin. Isang araw, naramdaman ko na lang na gusto kitang yakapin kapag nag-iisa ka at nalulungkot. Gusto kitang makita at masilayan kahit sandali. Gusto ko ng malaman ang iniisip mo. Gusto na kitang kasama at ayokong nag-aaway tayo.

Nasaktan ako noong huli tayong mag-usap pero hindi ibig sabihin ay nawala ang pagmamahal ko sa'yo. Pinipigilan ko ang sarili ko dahil baka masaktan na naman ako. Masakit maiwanan ng minamahal, Ethan pero mas masakit kapag alam mong imposibleng maging kayo. Ayokong paasahin ang sarili ko lalo na dahil alam kong hinding-hindi mo mamahalin ang isang gaya ko. Ayoko na ring makagulo sa'yo at sa pamilya mo," umiiyak niyang litanya saka lumayo kay Ethan. Tumalikod na siya at humakbang palayo sa lalaki.

"Maria Cecilia Frias," tawag nito sa kanya. Nilingon niya ito. His face wasn't remorseful anymore. Para itong may naintindihan na hindi niya alam. Lumapit ito sa kanya. Wala itong sinabi na kahit na ano. He just embraced her tight and then kissed her lips passionately. She was stunned but then in her heart, she knew exactly what he wanted to say.

Continue Reading

You'll Also Like

136K 771 5
Andrew Zion Donovan story. #Second Generation. She helped him because he needs help. He's dying at that night. She didn't expect na mahuhulog ang loo...
413K 1.1K 200
Isang seksing artista at napakagandang si Ysla Paraiso ang nagbakasyon sakay ng isang cruise ship, ngunit nagbago ang lahat nang mapadpad sila sa isa...
48K 2.6K 36
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man.
154K 4.4K 20
She's a war freak. .He's a Happy go Lucky... She's a cage fighter...He's an Alpha. What happens when they found their mate? Love or War?