Symphonian Curse 6: The Tale...

By mayflores430

37.4K 1.5K 146

Symphonia is the name of the clan. From this powerful, mysterious, old clan came one of the most influential... More

Prologue
Chapter One- A Private Dance
Chapter Two- A job for a Homeless Girl
Chapter Three- The Other Men
Chapter Four- The Girl with Noodle-like Hair
Chapter Five- Ethan
Chapter Six- Bitterness
Chapter Seven- Priceless Moments
Chapter Eight- Hitting the Wrong Notes
Chapter Nine- Rescuing the Damsel
Chapter Ten- His Secret Sanctuary
Chapter Eleven- Music and Love
Chapter Twelve- Unwanted
Chapter Thirteen- Truths
Chapter Fifteen- The Undefinable but Undeniable
Chapter Sixteen- Starting a Relationship
Chapter Seventeen- The Ultimate Question
Chapter Eighteen- Emman, Evan and Erwan
Chapter Nineteen- Colours
Chapter Twenty- The Tale of the Nine-tailed Beast
Chapter Twenty-One - Wedding and Other Things
Chapter Twenty-Two- Evident Connection
Chapter Twenty-three- The Irreversible Choice
Brief Biography
The Song that Inspired this Story

Chapter Fourteen- Loneliness

1.2K 57 5
By mayflores430

Chapter Fourteen

Loneliness


NATIGILAN si Ethan nang makita 'di kalayuan si Marcie na sumasakay ng bike. Marunong na marunong na itong mag-bisekleta. Kasama nito ang tatlo niyang mga pamangkin. Masaya ang mga ito at mukhang hindi siya napapansin.

Huminto si Marcie sa pagba-bike at tumingin sa direksiyon niya. Gano'n din ang ginawa ng tatlo pero ilang saglit lang ay nagpatuloy ang mga ito sa kasiyahan na tila hindi siya nakita. He felt that they were very far from him, enough to make him feel so empty and alone.

In just a snap, nawala ang apat. Napunta siya sa isang pamilyar na hardin kung saan nakikita niya ang dalawang bata, isang lalaki at isang babae, na naglalaro. Parehong blonde ang mga bata at parehong blue-eyed. Ilang sandali pa ay may lumapit na lalaki at babae sa dalawang bata at kinarga ang mga ito. Pamilyar sa kanya ang mga bagong dating dahil parati niyang nakikita ang portrait ng mga ito na nasa itaas ng staircase. Dumating din at lumapit ang ilang kalalakihan na pamilyar din sa kanya. It was an agonizing scenario.

"Ako dapat ang kasama ninyo, hindi sila..." bulong niya, tears were streaming from his eyes. "Ako ang anak at mga kapatid ninyo, hindi sila!" sigaw niya sa mga ito pero tila walang narinig ang mga ito na iniwan siya sa kawalan. Unti-unting dumidilim ang kinaroroonan niya.

Natigil siya sa pag-iyak nang makita ang ate niyang nakatayo 'di kalayuan. Nakatalikod ito mula sa kanya. Lalapit na sana siya rito nang bigla itong bumagsak na duguan.

"Ate!"


"ETHAN! ELEAZAR!"

Nagmulat si Ethan ng mga mata nang sampalin niya nang malakas sa magkabilang pisngi. Naabutan niya ang kapatid na umuungol at umiiyak habang natutulog sa silid nito. Bumangon ito at agad siyang niyakap. Habol nito ang paghinga at pinagpapawisan nang husto. Ramdam niya ang malakas na tibok ng puso nito.

"Iiwan mo rin ba ako? Lalayuan mo rin ba ako dahil hindi mo na ako mahal?" sunod-sunod nitong tanong habang nakayakap sa kanya. Panay ang patak ng mga luha nito.

"Ethan, hindi kita iiwan. Hindi kita lalayuan."

"Wala na sina Papa at Mama... Wala akong mga kapatid... Galit sina Emman sa akin, ayaw na nila sa akin... Wala na 'yong babaeng noodles..." parang bata nitong iyak. "Iiwan niyo akong lahat! Iiwan niyo akong nag-iisa. Parati na lang akong nag-iisa!" iyak nito. Hinawakan niya ang mukha nito at pinakatitigang mabuti. Kilala niya si Ethan na walang kinatatakutan at kayang-kaya na itago ang emosyon pero sa mga sandaling iyon, wala siyang ibang nakikita kundi ang bahagi ng pagkatao nito na puno ng takot at pangamba na maiwanang mag-isa.

"Ethan, listen! Nang ipanganak ka at mula ng magdesisyon akong piliin ka, ipinangako ko sa sarili ko na hindi kita iiwan. Nangako ako kay Mama na mananatili ako sa tabi mo at hindi ko sisirain ang pangakong iyon. Nakikinig ka ba sa akin, Ethan? Ikaw ang pinili ko kesa sa pitong tao na dapat kasama ko rin. Pinili kita dahil mahal kita."

"Mahal mo rin sila..."

"Pero mas mahal kita."

Natigilan ito. Ilang sandali pa ay humagulhol ito ng iyak. Sa loob ng mahigit dalawang dekada ay pinilit niyang gawing bato ang puso niya pero parang asido na nilusaw ng paghihirap ni Ethan ang tigas ng kanyang puso.

"Mas mahal niya ako..." bulong nito. Nabigla siya sa sinabi nito. "Mas mahal niya ako kesa kina Emman..."

"Sino?"

And Ethan lost his consciousness. Saka niya naramdaman ang nag-aapoy na init mula kay Ethan. Mataas na pala ang lagnat nito.


MAHIMBING na ulit na natutulog si Ethan. Nakainom na rin ito ng gamot. Siya, si Armand at ang tatlong pamangkin ay naroon sa silid ni Ethan. Inutusan niya si Emman na tingnan ang mga ala-ala ni Ethan sa nakaraang mga araw at nagulat siya sa mga nalaman.

"Mas malala pa pala ito kaysa sa iniisip natin," komento ni Armand.

"Tia, I'm sorry. Kasalanan ko ito. Ako ang nagdala kay Marcie rito –"

"It's not your fault, Emman. Kahit sino pa ang dalhin mo ritong babae, kay Marcie pa rin babagsak si Ethan. Nakatadhana na 'yon."

"Ano po ang gagawin natin, Tia? Ibabalik ba natin si Marcie rito?" tanong ni Evan na nag-aalala. Mahigit isang linggo ng wala si Marcie sa mansiyon dahil kinuha na ito ng nanay nito. Mula ng umalis si Marcie, bigla ng nagbago ang ugali ng kapatid niya. Lalong lumala ang pagkukulong nito sa music room at hindi na nito kinikibo ang kahit na sino. Madalas itong tulala at naglalagi sa garden kung saan dating tumatambay si Marcie. Worst scenario na ang madalas nitong bangungot at ang pagkakasakit.

"Nonsense kung ibabalik natin si Marcie rito," sagot ni Armand nang nakatingin sa kanya. "Mahal ni Marcie si Ethan at may pagtingin si Ethan sa babae pero siya mismo ay hindi iyon maipaliwanag. He is confused with his own feelings and he is scared to experience the lifetime curse of the clan."

"So pababayaan na lang natin si Tio na ganyan dahil lang sa hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya?" tanong ni Erwan na hindi makapaniwala.

"Erwan, be calm," sabi niya sa pamangkin. "Tama ng si Ethan lang ang naguguluhan at nahihirapan. Hindi makakatulong kay Ethan kung pati kayo ay maguguluhan at matataranta."

"Sorry, Tia."

"Makakatulong ba kung buburahin mo ang anumang alaala ni Tio tungkol kay Marcie?" taong ni Emman sa kanya.

"No. Wala akong buburahing alaala. Pagdadaanan ni Ethan ang proseso, whether he likes it or not," aniya. Wala ng sinabi ang mga ito. Lumabas na ang mga pamangkin niya at naiwan si Armand doon. "Akala ko noong una ay sapat ng meron siyang tatlong kalaro para kahit paano ay hindi siya malungkot at maramdaman niyang hindi siya nag-iisa. Hindi pala," aniya.

"It's all because of a cute, little lady."

"Noon pa man, mahirap na para kay Ethan na magpakita ng pagmamahal o awa sa iba. Malaking pagbabago na sa kanya ang matutunang mahalin at pahalagahan sina Emman, Evan at Erwan pero maliban sa tatlo, wala na siyang ibang pinahalagahan pa. He loves them so much because they respect and love him too.

Kaya naman, nang dumating si Marcie at mabaling ang atensiyon ng tatlo sa babae ay ikinagulo iyon ng sistema niya. He hated the girl but it did not last since hindi niya maatim na malungkot ang mga pamangkin niya dahil lang sa hindi niya gusto ang kaibigan ng mga ito. I guess he also saw himself in Marcie's life: wounded, forsaken and alone. Perhaps, he pitied her as how he pitied himself. But when he started to feel strange emotions, he wasn't able to explain and understand them. It was an alien feeling. It made him scared and lonelier. And when she told him her feelings, he still didn't understand it. He never thought that he will be loved more than anyone else. All his life, he is always the lesser option and it's my entire fault," litanya niya.

"I think it's too late for regrets," sabi ni Armand.

"I know. It took a little girl to make Ethan feel the best and worst emotion a man can feel. It took a little girl with a noodle-like hair to make him feel special and valuable."

"Ethan needs to accept what he feels. 'Yon lang ang tanging paraan para hindi na siya mahirapan pa," sabi ni Armand which she agreed. Hindi nga lang nila alam kung paano 'yon gagawin ng isang taong nababalot ng lungkot, hinanakit at pait gaya ni Ethan.


MORE THAN thirteen years ago.

Natigilan ang walong taong gulang na si Ethan nang mapansing bukas ang pinto sa movie room. Sumilip siya. Nakita niya ang kanyang ate na may pinapanood sa TV. Nakatalikod ito mula sa kanya at natatakpan nito ang pinapanood. Hindi na lamang niya iyon pinansin pero curious siya sa kung ano ang pinapanood nito.

Sa sumunod na araw ay umalis ang kanyang kapatid kaya nagkaroon siya ng pagkakataong magtungo sa movie room. Hinanap niya ang CD na pinanood nito. Nang makita ang pakay ay agad niya iyong isinalang sa player. Nanood siya.

Video iyon ng dalawang batang blonde, isang lalaki at isang babae. Siguro ay kaedad niya ang mga iyon. Mukhang nasa picnic ang mga ito at naghahabulan. Maliban sa dalawa, may kasama ang mga ito na mga kalalakihan na itim ang buhok at pare-parehong may itsura. Nagtatawanan, nagkukulitan at halatang nagmamahalan ang mga tao sa video. Hindi niya alam pero nakaramdam siya ng inggit sa pinapanood. Hindi pa niya nasubukang mag-picnic kasama ang ate niya. Hindi rin sila nagtatawanan o nagkukulitan.

Walang ideya si Ethan kung bakit pinanood ng ate niya ang video na iyon. Siguro ay kilala nito ang nasabing pamilya sa video. Bagamat nagtataka ay hindi na lamang niya iyon tinanong pa sa kapatid niya pero lihim niyang pinangarap na magkaroon ng ganoong pamilya.

Kinagabihan, nakita niyang dumating ang kapatid niya kasama ang assistant nitong si Armand. Dumiretso ang mga ito sa studyroom. Lumapit siya sa pinto ng studyroom na bukas at nakinig sa usapan ng dalawa.

"Any news about my cousins?" tanong ng kapatid niya kay Armand.

"Two of them were already dead," sagot ng lalaki. Natigilan ang ate niya. "Angelina died few years ago of illness. Her husband Gorge Castillo was said to be killed in a mining incident and they have a son named Evangelista who was adopted by a cousin of Gorge. I'm still looking for their residence since they transferred to other place."

"How about prima Nathalia?"

"She's dead after giving birth to her son. Before giving birth, her husband Mikhael Vallejo died of a vehicular accident. Their son Nathanael was also adopted by Mikhael's distant relative."

"And prima Ingrid?"

"She still lives with her child but I'm not yet sure of the gender. Her husband Manuel died few years ago."

"Another accident?" pauyam na tanong ng babae. Tumango si Armand. "Sounds fishy and very Symphonian."

"You think may kinalaman ang angkan dito?"

"Hindi ko inaalis ang ganoong posibilidad. Mas alam mo kung ano ang kayang gawin ng angkan natin sa mga rebeldeng gaya ng mga pinsan ko," sagot ng babae.

"So ano ang gagawin mo ngayon?"

"I want to take prima Ingrid and my nephews. Hanapin mo sila, Armand lalo na ang mga ulila kong mga pamangkin. I want them to be with their own kind."

"All right. I will do my best to track them down but have patience. Spain is a big country and your primas did their best to hide from the clan. Hindi lang tayo ang naghahanap sa kanila," sabi ni Armand saka nagpaalam.

Kaunti lang ang alam ni Ethan tungkol sa angkan na pinagmulan nila. Hindi nagkukwento ang kapatid niya ng tungkol sa mga iyon at hindi naman niya naitatanong. Para sa kanya, sapat na ang presensya ng ate niya. Gayon pa man, malaking palaisipan sa kanya ang kagustuhan ng kanyang ate na makita at makasama ang mga pinsan at pamangkin nila.

Sa sumunod na araw ay pumasok siya sa study room ng ate niya. Kaaalis lang ng kapatid niya. Naupo siya sa likod ng study desk at nagpaikot-ikot sa swivel chair. Tiningnan niya ang mga drawers doon at nakiusyoso sa mga envelopes. May nakita siyang folder na may nakasulat na salitang 'Confidential'. Binuklat niya iyon.

Ang unang tumambad sa kanya ay birth certificate ng isang nagngangalang Ezra Contreras. He was surprised to know that they have the same birthday and year.

"Kapatid ko si Ezra?" naguguluhan niyang tanong. Isa pang birth certificate ang nakita niya at pagmamay-ari iyon ng isang Esther Contreras at gaya ni Ezra, halos pareho sila ng mga impormasyong nakalagay. Nalaman din niyang kambal ang dalawa. Ibig sabihin ay may mga kapatid siya maliban sa ate niya. It is possible na kakambal niya ang mga ito.

Ang laman ng folder ay mga birth records ng iba pang Contreras. Meron din siyang kapareho ng pangalan.

"Eleazar Contreras II?" takang-taka siya. He learned that the man has a twin and he has the same birthday with his sister. Posible bang kakambal ito ng ate niya? He also saw photos of those people at halos gumuho ang mundo niya nang malamang ang mga iyon pala ay ang masayang pamilya na minsan niyang napanood sa video. Kaya iyon pinapanood ng ate niya dahil kapatid pala nila ang mga 'yon.

Muli niyang ipinag-kumpara ang birth records niya sa kambal na Ezra at Esther at saka siya may napuna. Magkaiba sila ng birth place ng kambal. He was born in a hospital samantalang ang kambal ay hindi. Nang basahin niya ang pangalan ng parent o guardian ng kambal ay para siyang itinulos sa kinauupuan. Ang nakalagay na parent niya ay sina Eliseo Contreras at Maria Carolina Symphonia samantalang ang sa kambal ay iba. Hindi sila triplets gaya ng iniisip niya.

Ang kambal ay hindi mga kapatid ng ibang Contreras. Siya ang totoong kapatid ng mga ito pero bakit hindi niya nakilala ang tunay niyang pamilya? Bakit lumaki siyang nag-iisa? Ano ba talaga ang totoo?


TAHIMIK na pinagmamasdan ni Queen Diamond ang natutulog na kapatid. Madaling araw na pero hindi pa rin siya makatulog. Hindi siya matahimik dahil sa nangyayari kay Ethan. Kung si Eli ang nasa kalagayan niya, uupo lang ito, magmamasid at maghihintay sa susunod na mga mangyayari. Kalkulado ang bawat kilos ni Eli. Gano'n din naman siya pero hindi niya maiwasang mag-alala lalo na kapag mga kapatid niya ang pinag-uusapan, lalo na kay Ethan. Pakiramdam niya ay parati siyang pumapalpak kapag tungkol na sa bunsong kapatid. Kung tutuusin, sa simula pa lang ay siya na talaga ang palpak.

Hindi niya alam kung anong oras na siyang nakatulog habang nakaupo sa sofa. Nagising na lamang siya nang tumunog ang alarm ng kanyang cellphone. Nang magmulat siya ng mga mata ay saka niya nakitang wala na si Ethan sa kama nito.

Pumalpak na naman ba siya?


Continue Reading

You'll Also Like

1.3K 198 35
"Isang araw nagising na lamang ako na wala kana sa aking tabi at ang liham ng iyong pamamaalam ang aking nasaksihan na aking kakampi" Isang huwarang...
10.4M 478K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...
433K 31.5K 51
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
107K 4K 51
Rara can smell dangerous people. Akala niya, advantage niya ang kakaiba niyang abilidad para mahanap ang mga tao na may malaking atraso sa pinsan niy...