Everything Has Changed (The N...

By jglaiza

1.4M 25.6K 748

PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #1 Highest Rank: #13 in General Fiction ** Eu... More

Author's Note
Prologue
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-One
Twenty-Two
Twenty-Three
Twenty-Four
Twenty-Five
Twenty-Six
Twenty-Seven
Twenty-Eight
Twenty-Nine
Thirty
Thirty-One
Thirty-Two
Thirty-Three
Thirty-Four
Thirty-Five
Thirty-Six
Thirty-Seven
Thirty-Eight
Thirty-Nine
Forty
Forty-One
Forty-Two
Forty-Three
Forty-Four
Forty-Five
Forty-Six
Forty-Seven
Forty-Eight
Forty-Nine
Fifty
Fifty-One
Fifty-Two
Fifty-Three
Fifty-Four
Fifty-Five
Fifty-Six
Fifty-Seven
Fifty-Eight
Fifty-Nine
Sixty
Epilogue
Special Chapter
Published under Pop Fiction

One

66.6K 1K 32
By jglaiza

Chapter 1
Tayong Dalawa

**

"Excuse me! Nagmamadali lang," sabi ko habang pinipilit na sumingit sa mga estudyanteng nagkalat sa hallway.

Seriously, bakit kung kailan nagmamadali ako saka naman nagkalat ang mga estudyanteng ito sa daan? Kailangang-kailangan ko nang makapunta sa field!

"Hey, watch where you're going!"

"Sorry!" sigaw ko habang patuloy pa ring tumatakbo.

Kainis naman kasi! Late na kami pinalabas ng teacher namin. Ang dami kasing pasaway sa classroom kaya late kaming pinag-recess. Kailangan ko nang makarating agad sa field dahil siguradong kanina pa ako hinihintay ng mga kaibigan ko.

Nang makarating ako sa field ay huminto ako saglit habang naghahabol ng hininga. Inilibot ko ang mga mata ko para hanapin ang mga kaibigan ko at nang makita ko sila ay tumakbo agad ako papunta roon.

"Sorry, na-late ako," sabi ko habang hinihingal na umupo sa tabi ni Bree.

"Bakit ba kasi ang tagal mo?" tanong ni Saff.

Si Sapphire Briones, isa sa mga kaibigan ko. May pagkamataray siya pero sa aming mga kaibigan niya, mabait siya. At kahit na ganyan siya, matalino siya. Siya ang top one sa section nila. Sa pagkakaalam ko nga, running for valedictorian siya sa batch namin.

"Alam niyo namang marami akong pasaway na classmates, 'di ba? Ayun, damay na naman ang buong klase sa kakulitan nila kaya late kaming pinalabas ni Ma'am," sabi ko habang inilalabas ang baon ko.

Dito sa field kami madalas kumakain ng mga kaibigan ko. Kahit na hindi kami classmates ay sabay-sabay pa rin kaming kumakain kapag recess at lunch. Actually, magkaklase silang dalawa at ako lang ang nahiwalay. Parehas kasi silang matalino kaya nasa pilot section sila. Ako, medyo lang. Pero hindi naman ako bobo. Mataas pa rin naman ang grades ko.

Kaya kami naging magkakaibigan ay dahil matagal ko na silang kapitbahay. Hindi ko naman sila childhood friends. Basta naging kaibigan ko sila mula nang lumipat sila ng bahay sa tabi ng bahay namin. Mas naunang lumipat noon sina Saff at ang sumunod ay sina Bree.

"Ano ba 'yan? Malapit na tayong grumaduate pero ganyan pa rin sila? Paano sila sa college niyan? Tss!" himutok ni Bree habang kinakain ang lunch niya.

Si Brianna Rosales, isa rin sa mga kaibigan ko. Matalino rin siya tulad ni Saff. Pero siyempre, mas matalino si Saff. Siya ang pinakamahiyain sa'ming tatlo. Minsan, nahihiya siyang gawin ang isang bagay dahil tingin niya ay hindi niya kaya. Pero minsan, hindi niya nare-realize, nagagawa na niya ang isang bagay nang siya lang mag-isa.

Napailing na lang ako. Bahala sila. Buhay naman nila 'yon.

Napatigil ako sa pagkain nang may maalala. Bumaling ako sa mga kaibigan ko.

"Girls, mamaya nga pala, hindi ako makakasabay umuwi," sabi ko. Tumingin silang pareho sa'kin.

"Bakit?" tanong ni Bree.

I shrugged. "It's Tuesday."

Bigla namang napahampas sa mesa si Saff at ngumiti nang nakakaloko. "Ah. Sabay ulit kayong uuwi ng jowa mo."

Napakunot-noo ako at muntik nang masamid. "Anong 'jowa'? Hindi ko siya jowa, ah."

"Sus! Pero crush mo."

"Huwag nga kayo. Tigilan niyo 'ko," sabi ko habang tumatawa sila.

Tss! Lagi na lang nila akong tinutukso kapag hindi ako sumasabay sa kanilang umuwi. Isang beses lang naman sa isang linggo ako hindi sumasabay sa kanila.

Tuwing Tuesday kasi ay hindi ako sumasabay sa kanila. May iba akong kasama.

Nang matapos ang araw na iyon, agad akong lumabas at dumiretso sa school malapit sa school namin. Maghihintay ulit ako sa waiting shed kung saan ko siya hinihintay every Tuesday. Pupuntahan ko si Niel. Si Nathaniel Marquez, ang kaibigan ko simula pagkabata.

Nakilala ko siya noong birthday ng Lolo ko. Naging magkaibigan ang pamilya namin kaya madalas siyang nasa bahay namin. Simula noon, hindi ko na siya tinigilan. Nakipagkaibigan ako sa kanya. At dahil sa kakulitan ko, naging magkaibigan kami. He became my best friend.

Hindi nga lang kami pareho ng school kasi siya college na at ako, high school pa lang. Pero malapit na rin naman akong grumaduate. Balak ko nga, sa school na lang niya pumasok. Besides, maganda rin naman sa Sunville University. Mahal ang tuition doon pero scholar siya kaya siya nakapasok. Hindi naman kasi sila mayaman, pero hindi rin naman mahirap. Sapat lang.

At heto, every Tuesday kami nagkakasabay na umuwi sa school. Tuesday lang kasi parehas ang oras ng uwian namin. Siya rin mismo ang humiling na sabay kaming umuwi tuwing Tuesday kaya pumayag ako.

Pagkarating ko roon ay sakto namang naglabasan na ang mga estudyante sa school. Napatayo ako. Hinintay ko siyang lumabas. Mga ilang sandali lang ay nakita ko na nga siyang lumabas kasama ang mga kaibigan niya.

Nakita niya ako kaya tumakbo agad siya papunta sa'kin. Narinig ko naman ang pagsipol ng mga kaibigan niya nang makita ako.

"Oh, nandiyan na pala ang girlfriend mo. Alis na kami, Niel," sabi ng isang kaibigan niya. Hindi ko naman maiwasang mapakunot-noo at mapabuntong-hininga nang sabihin iyon ng kaibigan niya.

"Tara na," sabi ni Niel sa'kin at saka ako inakbayan. Sumunod na rin ako sa kanya sa paglalakad papunta sa sakayan ng tricycle.

"Kailan mo ba sasabihin sa kanila na hindi mo ako girlfriend? Saka tanggalin mo nga 'yang kamay mo sa balikat ko. Kaya tayo napagkakamalang mag-boyfriend, eh," sabi ko. Pero hindi niya tinanggal ang kamay niya. Mas lalo lang niya akong inakbayan.

"Hayaan mo na. Para hindi ka nila pormahan," sabi nila.

Natawa ako. "At bakit naman nila ako popormahan?"

He shrugged. "Kasi maganda ka? Mabait? Sexy? Masarap kasama?"

Bahagyang nag-init ang pisngi ko nang sabihin niya iyon. Minsan talaga bigla na lang niya akong sinasabihan ng ganyan. Pero mas madalas niyang sabihin na maganda ako. Feeling ko tuloy ako na talaga ang pinakamaganda sa lahat.

"Huwag mo nga akong bolahin. Wala akong panlibre ng fishball kaya manahimik ka," sabi ko at bahagyang natawa.

Tumawa na rin siya. Sakto namang may nadaanan kaming nagtitinda ng fishball malapit sa sakayan ng tricycle. Bigla niya akong hinila papunta roon.

"Hoy, Niel! Kasasabi ko lang wala akong panlibre ng fishball, eh," reklamo ko.

Tumingin lang siya sa'kin at kumuha ng dalawang stick. "Huwag kang mag-alala. Ako ang magbabayad nito."

Napangiti na lang ako. Siya na ang naglagay ng fishball sa isang stick at saka ibinigay sa'kin. Isinawsaw ko naman iyon sa suka bago kinain. Ganoon din ang ginawa niya.

Matapos naming kumain ay sumakay na kami ng tricycle pauwi. Natutuwa talaga ako kapag sumasakay ng tricycle. Minsan ko lang kasi masakyan ang ganito. Kapag pumapasok kasi ako sa school o nagpupunta sa mall ay lagi akong naka-kotse. Dahil kasabay kong pumasok at umuwi sina Saff at Bree, kotse nina Saff ang gamit namin. May sasakyan naman kami pati sina Bree pero mas gusto ni Saff na kotse nila ang gamitin. May pagka-maarte rin kasi ang babaeng 'yon.

Habang nasa biyahe kami pauwi ay may tinanong sa'kin si Niel.

"May gagawin ka ba sa Sabado?" tanong niya.

"Hmm? Wala naman. Bakit?"

Tumikhim muna siya na parang nahihirapan siyang sabihin ang gusto niyang sabihin. Napakunot-noo ako.

"Anong problema mo?" tanong ko.

"Huh? Wala! Yayayain sana kitang mag-picnic sa Sabado."

"Picnic?"

Tumango siya. "Kung... pwede lang naman."

Hindi ko maiwasang matawa. Para kasi siyang batang may gustong puntahan pero nahihiyang magsabi dahil baka hindi siya payagan. Sa tinagal-tagal na kilala ko siya, hindi ko akalaing may ganitong side pala si Niel. Ngayon lang naman kasi niya ipinakita sa'kin 'yan. Nakakapanibago tuloy.

Napasimangot naman siya nang makitang tumatawa ako.

"Bakit ka tumatawa?" tanong niya.

Umiling ako. "Wala. Ang cute mo lang kasi. Para kang bata."

Mas lalo naman siyang napasimangot at napakamot sa ulo. "Ano nga? Sasama ka ba?"

"Oo naman. Bakit naman hindi?"

Napangiti siya nang sabihin ko iyon. Napakunot-noo naman ako. Ang laki ng ngiti niya. Parang sobrang saya niya na pumayag ako. Dati naman talaga akong sumasama sa kanya pero parang iba ngayon.

"Yayain natin sina Bree," sabi ko.

Bigla namang nawala ang ngiti sa mukha niya at napatingin sa'kin. "Huh? Pwedeng huwag na?"

Napataas ako ng kilay. "Bakit? Dati naman natin silang kasama kapag niyayaya mo 'kong lumabas, ah. Bakit hindi natin sila isasama ngayon?"

"Wala lang. Gusto ko tayong dalawa lang, eh."

"Well, okay lang naman kung tayong dalawa lang. Pero 'di ba para tayong nagde-date kapag ganoon?" sabi ko.

Bigla naman siyang napaiwas ng tingin. "Bakit? Ayaw mo ba?"

Napakunot-noo ako. "Huh? Anong ibig mong sabihin?"

Imbes na sumagot ay bigla niyang ginulo ang buhok niya na ikinabigla ko. Ano bang problema nito? Para siyang tanga.

Mga ilang sandali pa bago siya nagsalita at tumingin sa'kin.

"So, ano nga? Sasama ka ba?" tanong niya.

"Oo nga. Sasama nga ako. Anong problema mo diyan?"

"Wala!"

Pinanlakihan ko siya ng mata. "Sinisigawan mo ba 'ko?"

He sighed. "Hindi. Basta huwag mo na lang akong intindihin. Basta sa Sabado, ah? Susunduin kita sa inyo."

"Oo nga. Paulit-ulit."

Mga ilang sandali lang ay nakarating na nga kami sa bahay. Nauna siyang bumaba. Pagbaba ko ay nakita ko si Ate Bea at Kuya Angelo na nakaupo sa hagdan sa harap ng gate namin. Nang nakita kami ni Ate ay napangiti siya.

"Nandiyan ka na pala. Kasama mo rin pala si Niel," sabi niya saka bumaling kay Niel. "Nasa loob ang parents mo, Niel. Kung gusto mo, dito ka muna."

Napangiti naman si Niel. "Ganoon ba? Sige."

Dali-dali naman siyang nagbayad sa tricycle driver. Magbabayad na rin sana ako pero inunahan niya na 'ko.

"Dalawa na 'yan, Kuya," sabi niya sa tricycle driver.

"Hoy! Bakit ikaw ang nagbayad?" tanong ko sa kanya pagkaalis ng tricycle driver.

Ngumiti lang siya at hindi na sumagot. Pumasok na nga kami sa loob ng bahay at iniwan na muna sa labas sina Ate Bea. Ewan ko ba kung anong ginagawa nila roon pero hinayaan ko na lang. Siguradong gusto lang nilang mapag-isa.

Hindi naman boyfriend ni Ate Bea si Kuya Angelo. Pero nahahalata kong may gusto sila sa isa't isa. Ayaw nga lang nilang mag-aminan. Siguro dahil nahihiya sila?

Ah, ewan! Hindi ko na sila papakialaman sa gusto nilang mangyari. Malaki na sila.

Pagpasok namin ni Niel sa loob ng bahay ay nakita namin sina Mommy at Daddy na nasa sala habang kausap ang Mama at Papa ni Niel.

"Oh, nandito na pala si Eunice. Kasama rin niya si Niel," sabi ni Mommy nang mapansin ako.

Ngumiti ako at humalik sa pisngi nina Mommy at Daddy. Si Niel naman ay nagmano sa Mama at Papa niya. Pagkatapos ay bumati siya kina Mommy at Daddy samantalang ako naman ay nagmano sa parents ni Niel.

Ganito talaga kami. Magkaibigan kasi ang parents namin kaya nakasanayan na rin namin na ganito ang gawin.

"Niel, sinundo mo ba itong si Eunice sa school niya?" tanong ni Tita Mariz, ang Mama ni Niel. Nagkamot sa ulo si Niel at umiling.

"Nauna po kasi 'yong uwian nila, eh. Kaya siya ang pumunta sa school," sabi niya.

"Tsk tsk tsk! Naku, anak. Hindi ganyan ang tamang panliligaw," sabi ni Tito Nathan, ang Papa ni Niel.

"Papa naman, eh," sabi ni Niel habang napapakamot sa batok.

Nagtawanan silang lahat maliban sa aming dalawa. Akala siguro nila nililigawan ako ni Niel. Pero hindi naman ganoon. Bumaling ako kina Tita Mariz.

"Hindi naman po ako nililigawan ni Niel," sabi ko.

Tumingin naman sa'kin si Niel at ngumiti. Hindi ko alam kung bakit siya ngumiti pero napangiti na rin ako.

"Hindi pa ba? Ang bagal mo naman, anak," sabi ni Tito Nathan kay Niel.

Bigla namang sumabat si Daddy. "Ay naku, Pare. Pasensya na pero hindi ko pa naman pwedeng paligawan itong anak ko. Masyado pang bata ito para sa ganyan."

Tumawa naman si Tito Nathan. "Alam ko naman 'yon, Pare. Pero sana pagdating ng panahon ay huwag mo namang pagbawalan ang anak ko kapag niligawan niya ang anak mo."

"Aba, siyempre naman. Ayos na ayos sa'kin kung kayo ang magiging susunod na magulang ni Eunice," sabi ni Daddy at saka sila nagtawanan.

Napakunot-noo ako at nag-init ang pisngi ko dahil sa kahihiyan sa mga sinasabi nila. Ano ba 'tong pinag-uusapan nila? Para naman nila akong ibinebenta kay Niel. Nakakahiya.

Well, crush ko si Niel. At oo, gusto ko rin sanang siya na lang ang maging boyfriend ko in the future. Sino ba namang hindi magkakagusto sa kanya? Mabait siya, gwapo, matalino, at maalaga. Baka sa school nila maraming nagkakagusto sa kanya.

Pero gustuhin ko mang siya na ang makatuluyan ko, hindi ko naman siya mapipilit na ako ang magustuhan. You can't force someone to like you just because you like him. Hindi ganoon kadali ang isang bagay. Kailangan nating paghirapan ang lahat.

Saka isa pa, wala namang gusto sa'kin si Niel kaya imposible ang gusto nila. Nakakahiya tuloy na ipinaparinig pa nila 'yan kay Niel. Saka parang masyado naman silang advance mag-isip. Ga-graduate pa nga lang ako ng high school, eh.

Napatingin ako kay Niel at napansin kong nakatingin din siya sa'kin. Nang mapansin niyang nakatingin din ako ay saka siya umiwas ng tingin.

Napakunot-noo ako. Anong reaksyon 'yon? Talaga nga yatang ayaw niya sa'kin.

Paano kaya niya ako magugustuhan? Dapat na ba akong gumawa ng paraan para mapansin niya?

Continue Reading

You'll Also Like

202K 7K 39
There will come a time when sadness hits you so hard. Sometimes, I feel like I want to apologize for being only like this. At the same time, I am sad...
6.6M 135K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
Mío By Yiling Laozu

General Fiction

86.3K 2.4K 42
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
1M 28.6K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...