Prince Of The Womanizers (Com...

By IHeartThisGuy

5.5M 129K 14.7K

"Salamat at dumating ka sa buhay ko. Ikaw lang ang babaeng minahal ko ng ganito. Mahal na mahal kita at gusto... More

Prince Of The Womanizers
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Wakas
Womanizer Series
Special Chapter #1
Special Chapter #2 + Sequel

Kabanata 17

93K 2.4K 218
By IHeartThisGuy

"Para kang baliw diyan, umayos ka nga!"

Kasalukuyan kaming nasa unit ko. Kauuwi lang kasi namin, at may nabalitaan ako mula sa classmate ko na may nililigawan daw si Aivan na Ryzza ang pangalan mula sa tourism department.

Tinanong ko lang naman sa kanya kung totoo ba ang kinweto sa akin ng classmate ko kanina na may nililigawan na siya. Kaya heto, kanina pa siya nagmumukmok at hindi ako pinapansin.

Nakaupo lang siya sa kama ko habang nakayuko, pero kita ko mula dito sa pwetso ko na nakasimangot siya.

Kanina pa niya kasi sa akin ipinagpipilitan na wala siyang nililigawan. Galit na galit pa nga siya sa nagkwento sa akin na may nililigawan na raw siya at sa oras na malaman niya kung sino ang nagsabi sa akin na may nililigawan siya ay bubugbugin daw niya mapababae man o lalaki.

Baliw talaga.

"Oo na, hindi na ako maniniwala na may nililigawan ka na." Sabi ko sa kanya ngunit hindi naman niya ako pinapansin.

Napakamot ako sa leeg ko, "Huwag kang mag-feeling bata diyan, Aivan. Hindi na nga ako maniniwala na may nililigawan ka na, kaya pansinin mo na ako. Kumain ka na, malamig na 'tong lutong ulam na binili natin sa labas." Sabi ko pa.

"Nakakinis ka naman kasi!" Sabi niya at nagdabog pa talaga.

Napa-irap naman ako, "Kanina ka pa! Kapag ako nainis na talaga sa'yo, paaalisin kita dito sa dorm ko!"

Parang bata! Napakababaw ng ikinabi-bwisit!

Kahit kailan talaga itong Aivan na ito. Napakaraming pakulo sa buhay!

"Eh wala nga kasi akong nililigawan eh! Sino ba kasi nagsabi sa'yo ha?! Ayan tuloy nang dahil sa kanya hindi na malinis ang pangalan ko sa'yo! Badtrip!"

"Masyado kang non-sense. Kumain ka na, kanina pa ako nauna dahil gutom na ako. Ikaw kasi puro pangbi-bwisit na walang kwenta ang inuuna."

"Pero,hindi ko talaga nililigawan si Ryzza! Wala akong nililigawan, promise!" Sabi pa niya at itinaas pa ang isang kamay.

Muling napataas ang kilay ko, "Napaka-defensive mo. Tinatanong ko lang naman sa'yo. At saka ano naman kung sakali man na may nililigawan ka? Matutuwa pa nga ako dahil sa wakas, malulubayan mo na rin ako." Sabi ko pa sa kanya na ikinatahimik niya.

Napaka-walang kwenta naman kasi ng ipinaglalaban ni Aivan. As if naman na may pakialam ako noh! Mabuti nga na mangyari na may nililigawan na siya at magkaroon ng girlfriend para tigilan na niya ang panggugulo sa matahimik kong buhay.

"Okay."

Hindi na niya ako pinansin pa pagkatapos non, kumain lang siya at nanunod na ng basketball sa television, samantalang ako naman ay hinugasan pa ang mga pinagkainan naming dalawa.

Hanggang sa pagtulog hindi niya ako pinapansin, pero ramdam ko na tila,hindi siya mapakali. Mayroon pa nga akong nararamdaman na dumadaplis ang braso niya sa baywang ko at may naramdaman din ako na dumagan ang kamay niya sa baywang ko pero napaka-saglit lang non, para bang nagulat lang siya sa nagawa niya kaya inalis niya kaagad ang kamay niya sa baywang ko.

Kinaumagahan, hindi ko na naabutan si Aivan sa unit ko.

Mukhang malala talaga ang tampo ng lokong iyon sa akin ah? Bahala nga siya sa buhay niya! Napaka-matampuhin talaga ng isang iyon kahit na kailan.

Nasa eskwelahan na ako at naglalakad sa hallway nang may makasalubong ako.

"Avygail!"

Ngumiti ako, "Cheska, are you a transferee?"

"Yup! My mom decided na dito na ako mag-study for college." Sagot niya sa akin, "Kamusta ka? At kay Aivan? Kamusta na siya?"

Kibit-balikat naman ako, "Ayos lang ako, at si Aivan naman.. Okay lang iyon, he studying engineering. Matalino sa math ang isang iyon kaya engineering ang napili niyang kurso."

"Woah! Parang kailan lang nangongopya pa siya sa akin sa Math ah? Tapos ngayon...."

Napangiti naman ako, "Sige mauna na ako, Cheska." Sabi ko ngunit hinawakan niya naman ang braso ko.

"Can we talk for a while? Maaga pa naman."

Napatingin ako sa aking relo, and sighed, "Okay, saglit lang."

Tumango naman siya.

"Your kind. Kilala na kita noon pa because of Aivan, Akala ko hindi ako mapapalapit at hindi kita magiging kaibigan pero nagkamali pala ako, Do you remember? Noong nasa grade 7 tayo, binubully ka ni Aivan. Hinulog ka niya sa pool ng school at ako ang tumulong sa'yo. Hindi ka kasi marunong lumangoy non." Sabi niya sa akin.

Para bang gusto kong umirap sa sinabi niya pero pinili ko na lamang na hindi, sa halip ay ngumiti ako, "What's your point?"

"Please do me a favor? Alam kong malapit ka na kay Aivan ngayon kumpara sa dati. Sabi pa nga ng iba ay parang ayaw nang humiwalay sa'yo ni Aivan dahil sa closeness niyong dalawa." Aniya.

"Anong favor ba iyan?"

"I want Aivan back to me and to my life. Matagal ko nang pinagsisihan ang pang-iiwan ko sa kanya, at ngayong naririto na ako sa Pilipinas. Gusto ko sanang bumalik na kaming dalawa sa dati."

Napahinga naman ako ng malalim.

"Ano? Payag ka na ba na matulungan ako? Alam mo naman na ako ang right girl for him, right?"

"Pag-iisipan ko."

"Sana pumayag ka." Sabi pa niya.

"Sige na, mauuna na muna ako sa klase ko." Sabi ko pa sa kanya.

Hindi ko na hinintay pa na magsalita pa siya sa halip ay naglakad na ako patungo sa classroom ko at habang naglalakad ako ay natatanaw ko na mula sa kinaroroonan ko si Aivan na tila may inaantay sa labas ng classroom ko.

Nang papalapit ako sa kanya ay saka na ako nagsalita, mukha naman kasi na hindi niya ako mapansin dahil nakatitig lang siya sa mga taong naglalakad sa pasilyo.

"Aivan... Anong ginagawa mo dito?"

Agad siyang napatingin sa akin, para bang gusto kong matawa nang makita kong lumalim ang mata niya na dahil sa eyebags niya. Talagang hindi talaga siya nakatulog kagabi.

Inilahad niya ang isang plastik na hawak niya sa harapan ko, "Binilhan kita ng almusal mo. K—Kumain ka na muna, hintayin kita."

Tinanggap ko ang bigay niya sa akin, "Ikaw kumain ka na ba? Hati na lang tayo." Sabi ko pa sa kanya.

Umiling naman siya, "Ikaw na lang muna. Hintayin na lang kitang matapos."

Tumango ako.

Ewan ko ba kung bakit tila kakaiba ang ikinikilos ni Aivan ngayon, Hindi ko alam pero nasi-sweetan ako sa kanya.

Nagtungo ako sa loob ng classroom, wala pa naman ang aming Professor dahil maaga pa naman kaya kinain ko na muna ang bigay sa akin ni Aivan na pagkain. Take-out pa ito mula sa McDonalds.

"I smell something fishy." Ani Liz na nasa tabi ko na pala.

Inirapan ko naman siya, "Tumahimik ka nga diyan."

"Ang seryoso ng titig sa'yo ni Aivan." Sabi sa akin ni Liz at dahilan para mapatingin din ako sa kinaroroonan ni Aivan na nakatitig pala sa akin, "Sabihin mo nga sa akin, Avygail. Ano bang namamagitan sa inyo niyan ni Aivan?"

"W—Wala... Ano ba?!"

"Siguraduhin ko lang na nagsasabi ka ng totoo ah?" Natatawang sabi ni Liz, "Haaaayyy... Kinikilig talaga ako sa inyong dalawa."

"Gusto mong masampolan ng sapak, Liz?"

"Joke lang, heto naman oh.."

Nang matapos akong kumain ay doon lang pumasok si Aivan sa classroom namin, Nagtataka pa ako kung bakit siya pumasok sa classroom, iyon pala ay aayusin lang niya ang mga pinagkainan ko.

Hindi na ako naka-imik pa sa ginawa niya. Hindi ko kasi alam kung ano ang dapat kong gawin dahil sa ipinapakita niya sa akin.

"Hintayin mo na lang ako dito pagkatapos ng klase mo." Sabi niya sa akin nang mapagsama-sama niya sa loob ng plastik ang pinagkainan ko, "Sorry dahil hindi kita pinansin at iniwanan pa kita kanina." Aniya pa at nahihimigan ko ang sincere sa kanyang boses.

Napangiti naman ako, "Walang problema... Ikaw kasi, matampuhin ka."

Nguniti rin siya at pansin ko ang paghinga rin n'ya ng malalamin, "Bati na tayo?"

Mabilis akong tumango. "Yup."

Napakunot ang noo ko nang takpan niya ng kamay niya ang mukha niya, "Syettt!! Kinikilig si ako! Hirap talaga pag gwapings! Woooo!"

Wala na akong nagawa kung hindi ang mapatawa na lang sa ikinilos ni Aivan at sa puntong iyon ay naisip ko rin ang gustong mangyari ni Cheska. Gusto niya kasi na tulungan ko siya para magbalikan sila ni Aivan.

Hell I care?

Paano ko gagawin iyon? Eh ngayong binabawi ko na ang sinabi ko kay Aivan na dapat ay magka-girlfriend na siya para lubayan na niya ako.

"Papasok na ako." Sabi ni Aivan na nagpabalik sa wisyo ko, "Don't talk to boys, okay?"

Tumango naman ako at saka nagsalita, "And no girls allowed, okay?"

"No girls allowed." Pag-uulit niya sa sinabi ko kasabay ng pagtaas ng isa pa niyang kamay na tila nagpa-promise sign pa.

Continue Reading

You'll Also Like

608K 22K 32
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
3.2M 73K 49
Nagmahal. Nasaktan. Lumayo. Iyan ang ginawa ni Amy Solomon para makalayo lang sa pag-ibig na nanakit sa kanya. Okay na siya kung masaktan man at t...
32.6K 1.1K 53
ALAMINOS LAGUNA SERIES #1 Ranz, a rich man who lives in Sta. Rosa but chose to study in Alaminos to pursue Law for his future not until he met Kather...
2.7M 46.9K 73
[COMPLETED - RATED SPG] Hunter Robson, a gorgeous celebrity by day and a sexy cold blooded assassin by night. My world became complicated when I ask...