Invisible Girl (Reprint unde...

By aLexisse_rOse

12.2M 195K 19K

Muriel was forced by her Boss to be her son's PRETEND GIRLFRIEND because of one reason- her VOICE. His Ex and... More

Chapter One: Her Voice
Chapter Two: The Meeting
Chapter Three: Hardheaded vs Hardheaded
Chapter Four: The Shower Scene
Chapter Five: Unexpected Kiss
Chapter Six: Stick to the Plan
Chapter Seven: Jealous
Chapter Eight: Jealous part2
Chapter Nine: That Guy
Chapter Ten: Sick
Chapter Eleven: The Other Guy
Chapter Twelve: Chaperone
Chapter Thirteen: New Look
Chapter Fourteen: His Childhood Sweetheart
Chapter Fifteen: She's Jealous
Chapter Sixteen: The Light
Chapter Seventeen: Bad Dream
Chapter Eighteen: Fallin
Chapter Nineteen: Big Decision
Chapter Twenty: Last Day
Chapter Twenty One: Why Me?
Chapter Twenty Two: Back to Manila
Chapter Twenty Three: He's Curious
Chapter Twenty Four: He's Back!
Chapter Twenty Five: Face Off
Chapter Twenty Six: Mistaken
Chapter Twenty Seven: Broken Hearts
Chapter Twenty Eight: DejaVu
Chapter Twenty Nine: Careless
Chapter Thirty: Surprise Guest
Chapter Thirty One: The Confrontation
Chapter Thirty Two: Moving On
Chapter Thirty Three: Love Rain
Chapter Thirty Four: Together Again
Chapter Thirty Five: Finale

Epilogue:

358K 8.3K 2.1K
By aLexisse_rOse

Epilogue



Naggising si Muriel sa maingay na cellphone ni Riley. Akala pa niya ay sinagot na iyon ng asawa. Pero paglingon niya ay nahihimbing pa rin ito sa pagtulog.

"Rai..." Inalog niya ito sa balikat. "Yung cellphone mo!"

"Hmmm..." Bumaling lang ito paharap sa kanya at nananatiling nakapikit.

"Rai.." Tinapik-tapik pa niya ang asawa sa pinsgi. Wala pa rin kasing tigil sa pagtunog ang cellphone nito. Kung hindi nga lang malayo iyon sa kanya ay siya na sana ang sumagot ng tawag. Kaya lang nakapatong iyon sa kabilang bedside malapit kay Riley. "Rai, ano ba? Sagutin mo na yung phone mo!" Ngunit hindi pa rin ito magising-gising at naiinis na siya. Nasira ang masarap niyang pagtulog dahil sa tawag na iyon.

Isang malakas na tapik sa pisngi ang ibinigay niya rito. Actually, para na ring sampal iyon. At mukhang umepekto naman. Dahil nagising din ito sa wakas.

"Baby Girl naman! Bakit ka ba nanampal?" Napakamot na lang ito ng ulo.

"Kanina pa tumutunog ang phone mo. Sagutin mo na!"

Tila doon lamang nito napansin ang maingay nitong phone. Sa wakas ay dinampot din nito iyon at sinagot.

"Jared? Takte naman! Alam mo ba kung anong oras na?"

Napabangon si Muriel nang marinig niya ang pangalan ni Jared.

"O sige, bababa na ako." At ini-off ni Riley ang cellphone.

"Bakit daw?" Tanong niya.

Bumaba ng kama ang asawa bago ito sumagot. "Nasa ibaba si Jared. Mukhang may malaking problema ang loko."

Pati siya ay napababa ng kama.

"Saan ka pupunta?"

"Gusto kong makita si Jared."

"Dito ka na lang at matulog ulit. Gabi na. Bawal sayo ang magpuyat." Pigil nito sa kanya.

"Sandali lang ako. Gusto ko lang siyang makita. Please..."

"Fine!" Napipilitang sang-ayon ni Riley. "Pero sandali lang."

Tumango-tango lang siya na parang maamong tupa.



"What brought you here at this late of night?"

Napatingala si Jared sa babaeng nagsalita mula itaas. Nasa tabi nito ang asawa na umaalalay rito sa pagbaba ng hagdaan. Awtomatikong napangiti siya. Damned! He missed her so much. Ilang buwan din niya hindi ito nakita. At sa ilang buwan na iyon ay ang laki ng pinagbago nito, lalo na sa physical apperance. Para sa kanya ay lalo pang gumanda si Muriel sa paningin niya. Her pregnancy became her. He doesn't even care kahit magmukha pa itong lumba-lumba dahil sa laki ng tiyan nito.

"Bakit gising ka pa? Di ba bawal sa buntis ang nagpupuyat?" Sinalubong niya ito sa entrada ng hagdan.

"Minsan lang naman eh!" Katwiran nito. At binigyan siya ng mabilis na halik sa pisngi.

"Suko na ako sa katigasan ng ulo ng babaing ito! Gusto ko na ngang ipamigay." Sabat ni Riley na bigla na lang napasinghap ng kurutin ito ni Muriel sa tagiliran. "Joke lang! Hindi ka naman mabiro!" At maingat itong niyakap.

Nakasimangot na inirapan ni Muriel ang asawa. "Kung ikaw kaya ang ipamigay ko?"

At bago pa magkapikunan ang mag-asawa ay itinaas niya ang hawak na supot sa magkabilang kamay. "Nag-take-out ako ng pagkain. Kumain muna tayo!"

"Okay!" Mabilis na sagot ni Muriel.



Naroon silang tatlo sa kusina. Katatapos lang kumain nina Riley at Jared. Pero si Muriel parang walang kabusugan.

"Baby Girl, baka naman maimpatso ka nyan! Ang dami mo na kayang nakain." Sinubukang pigilan ni Riley ang asawa pero tila wala itong narinig.

"Ilang buwan na ba ang tiyan niya?" Tanong ni Jared habang patuloy na pinapanood si Muriel sa pagkain.

"Kabuwanan na niya."

"Really? So, any moment pwede nang lumabas ang baby nyo?"

"Sabi ng OB niya baka next week manganak na siya."

Tumango-tango siya.

"And its a boy." Ang lapad ng ngiti ni Riley nang lumingon ito sa kanya. "Magkakaroon na ako ng junior."

"Junior ka dyan!" Sabat ni Muriel. Napahinto ito sa pagkain. "Napag-usapan na natin ito Rai, ayoko sabi na gawin mong junior si baby. Ang dami-dami namang pangalan bakit kailangan itulad pa ng sayo. Tama na ang isang Riley Hontiveros sa pamilya ninyo."

"Sabi ko nga!"

Nangingiting binulungan niya ang kaibigan. "Dyahe pare! Under ka ng asawa mo!"

"Gago!" At pabiro siyang sinuntok nito sa balikat nang bigla itong may naalala. "Bakit ka nga pala napadpad dito? Anong problema?"

Isang sandali ang pinalipas niya bago siya nagsalita.

"I don't know if I can call this a problem. Actually, its not a big deal. Hindi ko lang inaasahan na ganito kaaga at kabilis."

"What do you mean?" Tanong ni Riley.

"Do you still remember about the agreement between Monreals and the Alejos?"

"The legendary marriage arrangement?" Nanlaki ang mga mata ng kaibigan. "I thought dinis-regard na ng both families ang tungkol sa kasunduan na iyon?"

"Oh my! Don't tell me na engaged ka na Jared? Sino naman ang malas na babae?"

Sinulyapan lang niya si Muriel at muli binalingan si Riley. "Iyon din ang akala ko pre'. Teenager pa ako nang huli nilang mabanggit sa akin ang tungkol doon. Pero kanina bigla akong pinatawag ni Erpat sa bahay. Pagdating ko nandoon silang lahat, pati sina lolo at lola naroon din. Kumpleto ang buong angkan namin. At doon nila sinabi sa akin na panahon na raw para maisakatuparan ang matandang kasunduan. At ako raw ang natitira nilang pag-asa."

Nangingiti na napailing na lang si Riley.

"Kilala mo ba ang magiging fiancee mo, Jared?" Tanong naman ni Muriel.

"I know her but not personally."

"Sa pagkakaalam ko ay tatlo silang magkakapatid na babae. Who is the lucky girl."

"Kilala mo rin sila, Rai?"

"Actually malayo silang kamag-anak ni Mama." Baling nito sa asawa.

"Her name is Pamela, the second to the eldest." Sagot niya.

"You're very lucky dude!" Si Riley. "She's a gem. Balita ko ay maraming lalaki ang nagkakandarapa sa kanya."

Matipid na ngumiti si Jared. Iyon din ang nabalitaan niya. Pero hindi niya maintindihan kung bakit tila hindi siya interesado rito kahit gaano pa ito kaganda sa paningin niya.

"Ganon siya kaganda?" Nagdududa na tanong ni Muriel. "Gayunpaman, maganda nga siya pero kung ang pangangasawa naman niya ay ang pasaway na lalaking ito..." sabay turo kay Jared. "Ang malas lang niya!"

Hinawakan ni Jared ang kamay nito na nakaturo sa kanya. "Hoy buntis! Malalim na ang gabi. Matulog ka na. Bawal sayo ang magpuyat."

"Di ba may usapan tayo kanina na sandali ka lang at babalik ka na ulit sa kuwarto?" Hinarap ito ng asawa.

Napanguso si Muriel. "Pinatulungan nyo naman akong magkaibigan. Oo na babalik na ako sa kuwarto!" At tumayo ito sa kinauupuan kahit nahihirapan. Mabilis naman itong inalalayan ng asawa. "Pero Rai, hindi pa ako tapos kumain."

"Enough Muriel! Ang dami mo nang nakain. Baka maimpatso ka na."

"Pero..." Wala na itong nagawa nang ihatid ng asawa palabas. "Ang daya nyo talaga! Mag-iinuman lang kayong dalawa. Promise, hindi na ako kakain. Makikinig na lang ako sa pag-uusapan ninyo."

"No! Matutulog ka na!" Final na sabi ni Riley. Halos sumayad ang nguso nito sa pagsisintir. At narinig pa nito ang nakakasar na tawa ni Jared.



Nagising si Muriel nang makaramdam ng pananakit ng tiyan. Napabangon siyang bigla. Wala si Riley sa tabi niya. Marahil ay nakikipag-inuman pa rin kay Jared sa ibaba. Pinakiramdaman na muna niya ang sarili. Hindi siya dapat mag-panic.

Medyo nawala na ang pananakit. Pero nang muli iyon umatake ay kinabahan na siya. Habang tumatagal ay parang binibiyak ang tiyan niya.

Manganganak na yata siya!

Pilit niyang pinapakalma ang sarili. Tumayo na siya at kinuha ang nakahanda niyang bag bago lumabas ng kuwarto. Nasa bukana na siya ng hagdanan ng makaramdaman ng matinding pananakit ng tiyan. Napakapit siya sa hamba ng hagdan at nabitiwan ang bitbit na bag.

"Riley!" Pasigaw na tawag niya habang sapu-sapo ang tiyan. Ngunit mukhang hindi siya narinig ng asawa. At mula sakinaroronan niya ay nakita niya itong nakasamlampak sa sofa at tulog na tulog. Ganon din si Jared na nakabulagta sa kabilang sofa.

Muling niya itong tinawag at ganun din si Jared. Mas lalo niyang nilakasan ang boses sa pagbabakasali na marinig siya ng mga ito. Ngunit hindi man lang natinag ang dalawa.

"Iha, bakit? Anong nangyari?" Biglang sumulpot si Nana Tonya na pupungas-pungas pa.

"N-nana Tonya, sumasakit na po ang tiyan ko!"

"Manganganak ka na?" Nanlaki ang mga mata ng matanda at napasugod sa kinaroroonan niya. "Kailangan mong madala sa ospital, dali!" Tinulungan siya nitong makababa ng hagdan.

"Aaahhh!" Daing niya ng muling sumakit ang tiyan.

"Kaya mo pa ba? Nasaan ba kasi ang asawa mo?"

Itinuro niya ang kinaroroonan nito. At walang sabi-sabi na nilapitan ito ni Nana Tonya. "Riley! Bumangon ka! Aba'y manganganak na ang asawa mo naghihilik ka pa dyan! Hoy!" At isang malakas na hampas ang ibinigay nito dahilan para tuluyang magising si Riley.

"Nana Tonya, bakit po?"

"Bumangon ka at magmadali. Manganganak na si Muriel!"

Napabalikwas si Riley mula sa pagkakahiga. Sa isang iglap ay nasa tabi na niya ito. "A-are you okay?" Nagawa pa nitong itanong sa kanya.

"No! I'm not okay!" At muling siyang dumaing ng humilab ulit ang tiyan.

"Muriel!" Pinangko nito ang asawa at humakbang palabas ng pintuan. "Don't worry dadalhin na kita sa ospital!" Nang bigla na lamang itong napahinto. "Oh shit! I forgot my key!" Ang tinutukoy nito ay ang susi ng kotse. Ibinaba siya ni Riley. "Hintayin mo ako dito, kukunin ko lang ang susi ng kotse, Okay?" Nagpapanic na sabi nito bago ito nawala sa paningin niya.

Ilang sandali ay muling bumalik si Riley. "Nana Tonya, napansin po ba ninyo kung saan ko nailagay ang susi ng kotse ko?"

"Hindi ba doon mo lamang iyon inilalagay sa ibabaw ng tokador?"

"Wala po doon. Damn it! Hindi ko maalala kung saan ko nailagay!" Halos sabunutan nito ang sarili.

"Aaahhh!" Muli niyang daing na lalong nagpataranta kay Riley.

"Muriel!" Hindi nito malaman ang gagawin. Akmang bubuhatin nitong muli ang asawa nang mapalingon ito sa kinaroroonan ni Jared.

"Jared! Jared!" Halos alugin nito ang kaibigan upang gisingin.

"Hmmm..." Marahan itong nagmulat ng mga mata.

"Pahiram muna ako ng kotse mo!"

"B-bakit? M-may kotse ka naman!" Tila naalimpungatan pa ang binata.

"Hindi ko makita ang susi ng kotse ko. Pahiramin mo muna ako."

"Ayoko! Bagong-bago ang kotse ko. Baka magasgasan mo pa."

"Tang'na! Ngayon ka pa magdadamot. Manganganak na si Muriel!"

Napabangon bigla si Jared sa narinig at mabilis na tumingin sa direksyon niya. Nakita nito ang pamimilipit niya sa sakit. "D-dalhin na natin siya sa ospital!"



"Jared, bilisan mo, nahihirapan na ang asawa ko." Nagpapanic na sabi ni Riley habang nasa tabi nito si Muriel na kanina pa umiiyak. Nasa backseat sila ngayon ng kotse ng kaibigan.

"Ano ba ang ginagawa ko?" Hindi maisuksok ni Jared ang susi ng kotse nito sa pagmamadali.

"Rai, ang sakit-sakit ng tiyan ko. Hindi ko na kaya. Oh!" Isang masakit na hilab ang nagpahigit ng paghinga ni Muriel. Lalong nataranta si Jared at nabitiwan ang hawak na susi.

"Shit! Shit! Shit!" Umulan ng mura sa loob ng sasakyan.

Oh god! Oh god! Si Riley na gusto nang panawan ng malay sa pag-aalala at nerbiyos.



Sa labas ng delivery room ay hindi mapakali si Riley. Palakad-lakad siya. He is scared to death. Labis siyang nag-aalala sa kapakanan ng mag-ina niya. Habang si Jared ay tahimik na nakaupo lamang sa isang tabi. Gayunpaman ay alam niya na nag-aalala rin ito para kay Muriel.

Sa sobrang pagkataranta at pagmamadali ay nawala ang epekto ng alak sa kanilang dalawa. Pareho silang nalasing kagabi. Ayaw kasing magpaawat ni Jared. Gusto talaga nitong ubusin nila ang isang bote ng dala nitong alak. Saka niya napansin na walang siyang suot na pansapin sa paa at baliktad ang suot niyang t-shirt. Si Jared naman ay nakalimutang magsuot ng pantalon kaya naka-boxer short lang ang loko. Mabuti na lang at may suot itong sando. Pero hindi pa rin nakaligtas ang kaibigan sa mga dumaraang nurse na kanina pa pinagpipiyestahan ang katawan nito.

Pareho silang napatayo nang may lumabas na doktor mula sa loob. "Sino sa inyo ang asawa?"

"Ako po!" Magkasabay nilang sabi na ikinagulat ng doktor.

Mabilis na lumingon si Riley at tinignan ng masama si Jared.

"Hehe.. siya po pala ang asawa!" Sabay turo sa kanya. "Sorry. Naka-carried away lang ako. Excited eh!" At muling itong bumalik sa kinauupuan nito kanina.

"Anyway, Mr. Hontiveros gusto ko lang ipaalam sa inyo na hindi pa manganganak ang misis nyo."

"What?" Nagulat siya sa sinabi ng doktor. "P-pero.."

"Masyado lang nagpanic ang asawa ninyo. Walang koneksyon ang pananakit ng tiyan niya sa paglabas ng baby. Maaaring mayroon siyang nakain na naging dahilan ng pagsakit ng matindi ng kanyang tiyan."

"Naman!" Nahilamos ni Jared ang mukha at nanlulumo na napahiga sa mahabang upuan na naroon.

Hindi naman malaman ni Riley kung anong mararamdaman niya, relief o pagkadismaya?

"Mr. Hontiveros, pwede na ninyo iuwi si misis." At tinalikuran na sila ng nangingiting doktor pagkatapos.

"Langya! Ano iyon, wow mali!" React ni Jared na bumangon mula sa pagkakahiga.



"Don't look at me like that!" Inis na sabi ni Muriel sa dalawang lalaki na kaharap sa mesa. "Halos mamamatay ako kanina sa sobrang sakit ng tiyan. Natural iisipin ko na manganganak na ako!"

Hindi kumibo si Riley. Pinaglalaruan lang ng kamay nito ang hawak na cup ng kape. Si Jared naman ay ang talim ng tingin sa kanya habang sapu-sapo nito ang nananakit na ulo.

Naroon sila ngayon sa Mc Donalds. Pasado alas tres na ng madaling araw at iyon lamang ang nakita nilang bukas na mabibilhan ng kape. Doon sila dumiretso pagkagaling sa ospital.

"Ang takaw-takaw mo kasi! Iyan tuloy na-impatso ka!" Angil ni Jared.

Napanguso siya. May punto ito. Kung hindi siya napasobra kagabi ay hindi sasakit ang tiyan niya. Ngunit ang ikinababahala ni Muriel ay pananahimik ng asawa. Bagaman walang kibo si Riley ay alam niyang nagtatampo ito sa kanya.

Nasaksihan niya kung paano mataranta at mag-panic ang mga ito. Biruan mo nga naman, lasing na lasing ang dalawang ito kagabi pagkatapos ay iyon pa ang mangyayari. Sino ba naman ang hindi matataranta roon?

Pigil na pigil niya ang pagngiti sa nakikitang itsura ng mga ito. Lalo na kay Jared. Ngunit tila hindi naman ito aware kung halos malantad ang katawan nito sa publiko. Mabuti na lang din at iilan lamang ang kostumer na naroon at karamihan ay mga lalaki.

Nahigit ni Muriel ang hininga ng makaramdam muli ng paghilab ng tiyan. Na naman! Inisip niya na baka katulad lang din iyon ng kanina. Hindi siya dapat mag-panic. Napakagat labi siya nang muling sumakit iyon ng matindi. Mas matindi kaysa sa naramdaman niya kanina.

Oh god! Manganganak na yata talaga siya!

"Why?" Tanong sa kanya ni Riley. Iyon ang unang beses na kinausap siya nito pagkatapos nilang manggaling sa ospital.

Umiling si Muriel. "Nothing!" Pagkakaila niya. Hindi siya sigurado kung manganganak na nga siyang talaga. Ayaw niyang mapahiya ulit sa mga ito.

"Umuwi na tayo!" Unang tumayo si Jared. "Gustung-gusto ko na ulit matulog." Sumunod si Riley sa kaibigan. At tinungo ng mga ito pintuan.

Tama bang iwanan siya?

Tumayo na rin si Muriel. Kahit papaano ay nawawala ang paghilab ng tiyan niya. Ngunit sa paghakbang niya ay isang matinding paghilab ang nagpahinto sa kanya. Nasapo niya ang tiyan.

"Wait!"

Lumingon sa kanya ang dalawa.

"Huwag mong pansinin yang asawa mo!" Si Jared sabay akbay kay Riley. "Siguradong nagdyo-joke na naman iyan!"

Hindi na niya nagawang sumagot. Naramdaman niyang may likidong lumabas sa kanya. "M-my water... broke!"

Nawalan ng kulay ang mukha ng dalawang lalaki at napatitig sa basang sahig.



"Hello baby boy!" Kaway ni Jared mula sa salamin ng nursery. Naroon sa loob ang bagong silang na anak nina Muriel at Riley. So cute and adorable. At masasabi niyang mas malaki ang pagkakahawig nito sa ina. Pati ang nakatikwas at mahabang nguso ni Muriel ay nakuha ng bata.

"Inggit ka? Gumawa ka na rin!" Biglang sumulpot si Riley mula sa likuran niya. Katulad niya ay ang lapad din ng mga ngiti nito.

"Nah! Hindi pa ako ready." Sabi na lang niya. But he was right. Naiinggit nga siya rito. Sino bang lalaki ang hindi nangangarap na magkaroon ng sariling pamilya?

"What is his name?" Tanong niya.

"Its Rhamiel"

"Pinagsamang pangalan ninyong mag-asawa?"

Tumango si Riley. "Ideya ito ni Muriel. Ayaw niya talaga na gawin kong junior si baby."

He chuckled. "Kung sabagay tama ang asawa mo. Maawa ka naman sa anak mo. Kahit ako ay magrereklamo kung gagawin mo akong junior."

Inakbayan siyang bigla ng kaibigan habang ang mga mata ay nakatingin sa anak nito. "Kidding aside, desidido ka na ba talaga ituloy ang engagement mo?"

"I have no choice!" Sagot niya habang nakatingin din sa baby.

"I'm wishing for your happiness."

"Bakit? Masaya naman ako!"

"You know what I mean."

"Fine!"

"I'm serious, Jared!"

"Oo na! Bakit ba ang drama mo? Naging tatay ka lang nagkaganyan ka na!"

"Concern lang ako sayo."

"I know. And I love you too!" Tangka na hahalikan niya ang kaibigan ngunit mabilis itong umiwas.

"Tang'na pre', subukan mo lang paggising mo nasa ER ka na!"

Ang lakas ng tawa niya.



THE END

A/N: Thank you for reading :D Please also support JARED's love story, this time siya naman ang bibida!

http://www.wattpad.com/story/6327933-next-time-i-fall-in-love

Continue Reading

You'll Also Like

456K 17.8K 57
Sigourney receives a warning from her fiancé's cousin and best man that proceeding with the wedding would be the biggest mistake of her life. Should...
194K 5.4K 56
Being left broken by her ex-boyfriend, Wendy Salazar opted to follow her friends' advice. That is-to move on. Pero ewan ba niya. Kahit anong gawin ni...
402K 9.2K 46
Mek is a hopeless romantic and she is determined to write her own destiny. 'Tapos makikita niya ang pangalan na nakasulat sa isang piraso ng papel na...
1.6M 23.3K 46
"You're my queen and I'm willing to be your slave." Ang ibang parte ng kwentong ito ay base sa totoong buhay. Si Shinie Mendoza ay tulad din ng ibang...