Chapter Twenty Three: He's Curious

310K 5.1K 483
                                    

Chapter Twenty Three:  He's Curious

<Riley POV>

"Good morning, Nana Tonya!" Masiglang bati ko pagpasok pa lang ng kusina. Maganda kasi ang gising ko nang umagang iyon. Pakiramdam ko ay fully charge at nasa kondisyon ang katawan ko. 

"Maupo ka na at saluhan mo si Muriel sa agahan." Sabi ni Nana Tonya sa akin habang abala sa paghahanda ng pagkain.

Mabilis na lumipad ang mga mata ko sa kinaroroonan niya. Lumapit ako at pumuwesto sa katapat niyang upuan. 

"Morning!" Bati ko sa kanya.

Doon lamang siya nag-angat ng mukha. "Good Morning, Sir!" Ganting bati niya. Bagamat nakangiti siya ay parang pilit lamang ang iyon. 

"Just call me Riley." I said. Still smiling. "I really hate formality. Pakiramdam ko tuloy ang tanda-tanda ko na."

Tumango lamang siya. And to may dismay, muli siyang yumuko at nagpatuloy sa pagkain niya.

What's with her? Bakit ba napakatipid niyang magsalita!

Bigla kong naalala ang nangyari kagabi. Hindi ko sinasadya na nataasan ko siya ng boses. Hindi kaya iyon ang dahilan kung bakit parang naiilang siya sa akin?

"Muriel..."

Nabitawan niya ang hawak na kutsara sa pagkabigla.

"M-may sinasabi ka?" Halos pabulong na tanong niya nang tumingin siya sa akin. Mga two seconds lang yata iyon pagkatapos ay nag-iwas na siya ng tingin.

"About last night..." Pagsisimula ko at pagkatapos ay humugot ako ng malalim na paghinga. "Just forget about what happenned last night. I never meant to-" Napatigil ako sa pagsasalita nang mapansin ko na hindi siya nakikinig sa akin. Patuloy kasi siya sa paglalaro ng hawak niyang tinidor sa pagkain na nasa plato niya.

"Muriel!" Medyo naiinis na ako sa kinikilos niya.

"Huh? Ako ba ang kausap mo?"

I rolled my eyes. Malamang, alangan naman sarili ko ang kausapin ko? Gusto ko sana sabihin sa kanya.

"S-sorry! May iniisip lang kasi ako." At sa pagkamangha ko ay tumayo siyang bigla. "Nana Tonya, pahingi po ng pineapple juice."

"Kumuha ka na lang sa ref." Sagot ni Nana Tonya.

Lumapit siya sa kinaroroonan ng ref at binuksan iyon. 

Nakakapikon na siya! Pakiramdam ko tuloy ay hindi ako nag-e-exist sa paningin niya. 

Ganun ba talaga siya? Parang may sariling mundo?

Invisible Girl  (Reprint under LIB) Where stories live. Discover now