Chapter Twenty: Last Day

293K 5.2K 707
                                    

Chapter Twenty:  Last Day

<Muriel POV>

Humarap ako sa salamin at nakita ko ang mugtong mga mata. Pilit akong ngumiti at sinuklay ang buhok. Today is my last day as Samantha. At mamaya na ang operation ni Riley. I almost done packing my things. Pero may ilang gamit pa rin ako na pilit kong pinagkakasya sa travelling bag para naman isang bitbitan lang. Mamayang hapon na rin ang flight ko pauwi ng Davao. Hihintayin ko lang matapos ang operation niya pagkatapos ay saka ako aalis.

Hindi pa ako nakakapagpaalam kina Nana Tonya, Lenny at Mila. Mamaya na lang siguro. Ganun din kay Jared. Wala siyang kaalam-alam sa pag-alis ko. Ang akala niya ay aalis lang ako sa bahay na iyon.

Muli kong tinignan ang namumugto kong mga mata. Hindi na ulit ako iiyak. Iyon ang pangako ko sa sarili ko. At sa palagay ko naibuhos ko ng lahat ng luha ko kagabi. Sana nga naubos na siya. Lalagyan ko na lang siguro ng ice compress para hindi mahalata ang pamamaga ng mga mata ko.

Ngunit hindi ko inaasahan ang biglang pagsulpot ni Riley sa kuwarto ko.

"Ang aga mo naman nagising?" Nang tignan ko ang oras sa suot kong relo, alas singko pa lang ng umaga.

Para pa nga siyang nagulat nang bigla akong magsalita."I thought you are still sleeping."

"Hindi mo sinagot ang tanong ko, Rai."

Napakamot siya ng ulo. "Hindi kasi ako gaanong nakatulog kagabi. Paputol-putol ang tulog ko."

I'm sitting in my bed. Nang makita kong humakbang siya patungo sa akin ay inaabot ko ang kamay niya at ginuide siya sa tabi ko.  

"Ikaw, why are you awake? Hindi ka naman papasok sa work mo di ba?" Tanong niya sa akin.

"Nope! Hindi ako papasok. Kagigising ko lang actually. Matutulog sana ulit ako nang dumating ka." Pagsisinungaling ko sa kanya kahit ang totoo ay wala pa akong tulog magmula kagabi.

"Okay ka lang?" Napansin ko ang pananahimik ni Riley.

"I'm scared."

Nagsalubong ang mga kilay ko. "Saan? Sa operation?"

Tumango siya.

"Rai, sabi ko naman sayo di ba? Alisin mo ang worry dyan sa dibdib mo. Hindi makakatulong iyon sayo."

"I know. But I really can't help it. Pakiramdam ko kasi mayroong hindi magandang mangyayari."

"Forget it. Everything is gonna be okay. Sinisiguro ko sayo iyon." Pero mukhang hindi pa rin siya kumbinsido sa sinabi ko. "Ganito na lang. Motivate yourself. Isipin mo na pagkatapos nito ay makakakita ka na at magiging normal na ulit ang buhay mo."

"I had a bad dream last night." Suddenly he said. "Paggising ko after the operation, nakakita na ulit ako. Pero wala ka na sa tabi ko. Tinanong ko si Mama kung nasaan ka na. Ang sabi niya umalis ka raw nang hindi nagpapaalam."

Invisible Girl  (Reprint under LIB) حيث تعيش القصص. اكتشف الآن