Chapter Thirty Three: Love Rain

283K 5.5K 658
                                    

Chapter Thirty Three: Love Rain

<Muriel POV>

"Sandali lang!" Halos um-echo ang boses ko sa buong ground floor. Wala akong pakialam kung maagaw ko man ang atensyon ng lahat ng naroon. Ang importante ay makasakay ako sa elevator bago pa iyon magsara. And I made it!

"Thanks!" Sabay lingon kay Carla na siyang pumindot ng stop button para makasakay ako. Abot-abot ang hingal ko. Grabe! Ikaw ba naman ang tumakbo magmula sa babaan ng jeep hanggang dito.

"May fifteen minutes pa naman bago mag-time. Bakit ka nagmamadali?" Komento ni Carla.

"Dadaan pa ako ng canteen. Hindi pa ako nag-aalmusal." Sagot ko habang patuloy na naghahabol ng hininga. "Pakipindot nga ng sixteen floor." Utos ko sa kanya.

Tinanghali ako ng gising. Hindi kasi tumunog ang alarm clock ko. O baka hindi ko lang narinig iyon sa sobrang himbing ng tulog ko. Sa pagmamadali ko na hindi ma-late sa trabaho ay hindi ko na nagawang mag-almusal sa bahay. Kaya sa jeep pa lang ay nagrereklamo na ang tiyan ko. Mabuti na lang at kaskasero si Mamang driver at nagkaroon ako ng extra fifteen minutes para sumaglit sa canteen.

"May dala akong mamon dito. Kung gusto mo sa'yo na lang." Sabi ni Carla habang may hinahalungkat sa loob ng bag nito. 

"No, thanks!"

"Arte nito! Ikaw na nga ang binibigyan!"

"Hindi ako mabubusog sa mamon lang. Kailangan ko ng heavy breakfast."

"Oo nga naman! Si Muriel pa! Parang lalaki ang appetite nyan." 

Awtomatikong napalingon ako sa tabi ko. Naroon pala si Ronald.

"Ikaw!" Sabay turo sa kanya. "May kasalanan ka pa sa akin. Akala mo nakalimutan ko na ang ginawa mo sa akin kahapon?"

Napakamot ng ulo ang binata. "Nakaganti ka na rin naman sa akin nang sipain mo ako in-front of the madlang pipol."

"Kulang pa iyon!" Kunwari ay seryoso ako. At akmang sisipain siya sa binti ngunit mabilis itong nakaiwas kaagad. 

"Sorry na Muriel. Hindi na mauulit. Promise."

Inirapan ko lang siya.

"Promise bukas na bukas bibigyan din kita ng bulaklak. Hindi nga lang kasing mahal ng natatanggap mo. Hindi ko afford iyon."

"Kung gusto mong mapatawad ka ni Muriel pagkain ang ibigay mo huwag bulaklak. Hindi niya kasi iyon makakain."

Nagkibit balikat na lang ako sa sinabing iyon ni Carla. May punto naman kasi siya. 

"Speaking of flowers." Bahagya niyang inilapit ang mukha sa akin. "Kung sakaling may madadatnan ka na naman na flowers sa table mo, akin na lang ulit ha?" Nag-puppy eyes pa siya sa tapat ng mukha ko.

Invisible Girl  (Reprint under LIB) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon