Chapter Thirty: Surprise Guest

292K 5.5K 843
                                    

Chapter Thirty: Surprise Guest

MURIEL

"Okay ka lang?" Hindi ko namalayan si Adrian na nasa harapan ko na pala. Nag-angat ako ng ulo.

"Masakit lang ang ulo ko." Pagdadahilan ko.

Inilapit niya ang mukha sa akin at tinitigan ako. "Weh? Baka naman ang puso mo ang masakit!"

Tinignan ko siya ng masama.

Nag-peace sign siya sa akin. "Joke lang!" Sabay abot sa akin ng isang folder. "Pinabibigay ni Marjorie. Pa-doble check na lang 

Buwisit! Akala ko concern, mang-aasar lang pala.

Aahhh! Nasapo ko ang ulo nang biglang sumakit iyon. Sinabi ko lang na masakit bigla naman sumakit. 

Inabot ko ang tumbler ko na nasa gilid ng mesa at tinungga ang lahat ng laman nyon. Nakakalimang timpla na yata ako ng kape at parang tubig lang iyon sa akin. Pagkatapos ay huminga ako ng malalim at binalikan ang naudlot na trabaho. Pero kahit anong gawin kong pag-focus ay palaging lumilipad ang isip ko.

I think I need a break.

Magmula nang bumalik ako sa puwesto ko ay hindi na makapagtrabaho ng maayos. Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko na tila gusto ko nang mahiga at matulog na lang. Naisip kong mag-undertime. Pero kaagad din nagbago ang isip ko nang maalala ko ang hinahabol naming deadline. Kailangan kong makisama. Wala na nga halos ako nako-contribute sa kanila tapos iiwanan ko pa sila sa ere.

I closed my eyes and tried to relax my mind. Baka sakaling bumuti ang pakiramdam ko. Mukhang umeepekto naman. 

"Muriel phone!"

Napadilat tuloy ako ng wala sa oras. Na naman? 

Ito na yata ang panlimang tawag ni Riley. Pero lagi na lang akong pinagtatakpan ng mga kasamahan ko ayon na rin sa utos ko. Pero sa pagkakataong ito, mukhang wala na akong kawala.

"Utang na loob Muriel!" Pagsusumamo ni Joseph nang iabot niya sa akin ang telepono. Nakatakip ang isang kamay nito sa mouthpiece. "Kausapin mo na si Sir. Mukhang mainit na ang ulo niya. Baka ako pa ang mapagbalingan niya!"

Napabuntong-hininga ako.

"Kung anuman ang LQ ninyong dalawa pag-usapan nyo. Huwag kayong mandamay ng iba. Aray!"

Mula sa ilalim ng mesa ay sinipa ko siya sa paa. Dahil sa sinabi niya ay napatingin tuloy lahat sa akin ang mga kasamahan ko. Naroon ang kuryusidad sa mga mata nila.

Hinablot ko sa kanya ang telepono. Wala na talaga akong ibang choice kundi sagutin ang tawag na iyon. 

"Hello..."

"Why are you always not in your place?" Halos mailayo ko ang telepono sa tenga dahil sa lakas ng boses ni Riley. Mainit nga ang ulo niya. But who cares? "I've been calling you but you're always not around. Are you avoiding me? And why do you turn off your cellphone?" 

Invisible Girl  (Reprint under LIB) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon