Chapter Twenty One: Why Me?

284K 4.7K 243
                                    

Chapter Twenty One:  Why Me?

Six months later...

<Muriel POV>

"Muriel, anong nangyayari sa computer ko?"

"Muriel, nawawala ang mga files ko!"

"Muriel, pasuyo naman ako ng computer ko."

"Muriel, ako na muna! May tinatapos akong report eh."

Halos mataranta ako at hindi malaman kung sino ang uunahin sa kanila. Biglaang nagkaroon ng technical problem ang server sa office. Lahat tuloy ng files sa computer ay apektado at hindi magamit. At nagpapanic na ang lahat. 

"waahh.. end of the world na yata! Pati signal sa cellphone ko wala rin!"

I rolled my eyes. OA naman masyado itong tabatsoy na ito.

"Muriel, ako na dito." To the rescue sa akin si Jasper. Katulad ko ay isa rin siyang IT. "Ikaw na ang bahala sa computer ni Maila." Tumango ako at mabilis na nagtungo sa kabilang cubicle.

"Muriel!" 

Narinig ko naman ang pangalan ko. Wala na ba silang ibang alam na banggitin kundi ang pangalan ko? Hindi lang naman ako ang IT rito!

Nang mag-angat ako nang ulo ay si Rissa lang pala iyon. Naroon siya at nakatayo sa may pintuan ng Accounting Department.

"Kailangan ka namin dito sa loob!"

Kung makasigaw naman wagas! Isang metro lang naman kaya ang layo ko mula sa kanya.

Napalingon ako kay Jasper nang marinig ko siyang magmura. "P.I. naman! Nasaan na ba si Ronald? Sabi ko sa kanya ay siya ang tumoka sa Accounting eh!"

Hala! Para palang tigre ito kung magalit. Nakakatakot! Ngayon ko lang siyang nakitang nagkaganyan.

Nang lumipad ang mga mata niya sa akin ay mabilis ako nagbawi ng tingin. Mahirap na. Baka madamay pa ako sa init ng ulo niya.

"Muriel, dito ka na lang. Ako na lang ang pupunta sa Accounting." Mahinahon niyang sabi na pinagtaka ko.

"Alam mo bang may crush sayo si Jasper?" bulong sa akin ni Maila nang tuluyan makalayo ang binata.

"Oy, tsismis yan!" Sabat naman ni Carla na nasa kabilang cubicle lang.

Nakakabilib naman ang pandini nito. Imagine, bulong na iyon pero narinig pa rin niya. Ang mga tsismosa nga naman!

"Oo nga tsismis na yan!" Pagsang-ayon ko. "Kapag narinig ka ni Jasper siguradong magagalit iyon sayo."

Invisible Girl  (Reprint under LIB) Where stories live. Discover now