Chapter Sixteen: The Light

285K 4.5K 238
                                    

Chapter Sixteen:  The Light

<Muriel POV>

Pabalibag na binitawan ko ang hawak na lapis. Hindi ako makapag-pokus sa ginagawa ko. Magmula kanina ay lumulutang ang isipan ko at hindi ako makapagtrabaho ng maayos. 

Tsk! Napakamot ako ng ulo. Parang ang kati-kati kasi ng anit ko. Wala naman siguro akong dandurf.

"Gusto mo tulungan kita sa pagkamot." Hindi ko namalayan ang pagsulpot ni Ichi sa harapan ko.

"No thanks!" Patuloy pa rin ako sa pagkamot. Peste naman oh! Bakit kaya ang kati-kati?

"Kung makakamot ka naman kasi wagas! Baka naman kuto na yan! Ewwww..."

"Ewww ka dyan! Wala akong kuto no!"

"Isa na yan sa mga sign ng stress." Sabay kaming napalingon sa pagdating ni Jena.

"Stress? Bakit naman ako mai-stress?" Nagtataka na tinignan ko siya.

"Baka naman nai-stress sa lovelife niya." Banat ni Ichi sabay tawa.

"Korek ka dyan! Kung sabagay kung ganon ba namang kaguwapo ang boyfriend mo, sino ba naman ang hindi mai-stress." Nagkaapiran pa silang dalawa.

Ano kaya ang nakakatawa roon?

"Kung pumunta lang kayo sa pwesto ko para mamburaot, magsilayas na kayo! Marami pa akong tatapusing trabaho."

Pero walang epekto sa kanila ang pagsusungit ko. Bakit ba ako biniyayaan ng mga ganitong klaseng kaibigan?

Lunch time.

Parang wala pa akong gana na kumain. Lahat na halos ng mga kasamahan ko ay nagsilabasan na para mananghalian. Ako na lang yata ang naiwan sa opisina. Makaidlip na nga lang. Kapag nagutom naman ako ay mayroon akong tinapay at kape na mapagtitiyagaan sa drawer ko.

Nakapikit na ako nang bigla kong maisip si Riley. Ano na kaya ang ginagawa niya?

Kailangan pa bang itanong iyon? Malamang ay kasama nito ang Larang iyon. At walang katapusan silang nagkukuwentuhang dalawa.

Natagpuan ko na lang ang sarili ko na hawak ang telepono at dinadayal ang number sa bahay.

"Hello." Bungad nang nasa kabilang linya. Parang boses iyon ni Lenny.

"Hello... Nandyan ba si Nana Tonya?"

"Kayo pala Mam Samantha! Wala po dito si Nana Tonya eh. Hindi ko po alam kung nasaan. Alam nyo naman na sobrang laki nitong bahay. Kaya madalas hindi na kami nagkakakitaan." Umiral na naman ang pagiging madaldal nito.

Invisible Girl  (Reprint under LIB) Where stories live. Discover now