Chapter Seventeen: Bad Dream

284K 4.5K 326
                                    

Chapter Seventeen:  Bad Dream

<Muriel POV>

Nang gabing iyon ay inaapoy ng lagnat si Riley. Mabuti na lamang at naisipan kong puntahan siya sa kanyang silid para sana silipin lang siya. Pero naabutan ko siyang namamaluktok sa kama at giniginaw sa lamig. Kung bakit naman kasi nakatodo pa ang aircon nito sa kuwarto.

Kumuha ako ng maliit na palanggana at nilagyan ko ng tubig at yelo. Kailangan ko siyang mapunasan para lumabas ang init ng kanyang katawan. Paakyat na ako ng hagdan ng makasalubong ko si Jared. Kunot-noong nakatingin ito sa dala-dala ko.

"Nilalagnat si Riley." Mahinang sabi ko kahit hindi niya ako tinatanong.

"Is he okay? Kailangan ba natin siyang ibalik sa ospital?" Nag-aalalang tanong niya.

Umiling ako. "He'll be fine. Ako na ang bahala." At bahagya akong ngumiti bago nagpatuloy sa pag-akyat.

"Rai..." Banayad kong tawag sa kanya upang gisingin siya. Pero pag-ungol lamang ang sinagot niya sa akin.

Muli ko siyang tinawag. At sa pagkakataong iyon ay inalis ko ang kumot na nakatakip sa katawan niya.

"A-ang g-ginaw." Lalo siyang namaluktok.

Kahit mahirap ay pinilit kong hubarin ang suot niyang t-shirt na basang-basa na ng pawis. Pagkatapos ay sinimulan kong punasan ng bimpo ang buong katawan niya.

Katatapos ko lang siyang bihisan ng dumating si Nana Tonya na may dalang mainit na sopas. Nang sabihin ko sa kanya na may sakit si Riley ay agad niyang pinagluto ang alaga nito.

"Ikaw na muna ang bahala sa kanya." Ang sabi sa akin ni Nana Tonya. Tumango ako bilang pagsang-ayon.

"Rai.." Sinubukan ko ulit siyang gisingin. Umungol lang siya bilang sagot. Ibig sabihin naririnig niya ako.

"Rai, bumangon ka muna. Kailangan mong kumain kahit konti lang. Magmula kanina ay wala pang laman ang tiyan mo. At isa pa kailangan mo rin uminom ng gamot. Kailangan mong gumaling. Rai, please."

He lazily opened his eyes. At nagawa pa niyang ngumiti. "T-tulungan mo akong bumangon." Hindi naman siya nagdalawang salita sa akin at tinulungan ko siya hanggang sa makasandal siya sa headboard.

Nakakailang subo pa lang ako sa kanya ng sopas ay umayaw na siya. "Busog na ako." Ang sabi niya.

Hindi ko na siya pinilit. Alam ko naman na hindi niya rin iyon mauubos. Pagkatapos niyang makainom ng gamot ay inalalayan ko ulit siyang makahinga sa kama.

"I'll be fine, Sam. Matulog ka na."

"Itinataboy mo na ako?" Kunwari ay nagtatampo kong sabi sa kanya.

Invisible Girl  (Reprint under LIB) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora