Marrying My Boss [Completed]

By chimchimimi

21.6M 257K 16.3K

Euphy Jane Ramirez found herself tying the knot with her arrogant and cold-hearted boss, Charles Ocampo. How... More

Prologue
Chapter 1: "The Boss"
Chapter 2: Overtime
Chapter 3: He's Late
Chapter 4: His Reason
Chapter 5: That GIRL
Chapter 6: Her Crush
Chapter 7: What to do?
Chapter 8: Fiance? Really?
Chapter 9: Alice
Chapter 10: A night with...HIM?! (1)
Chapter 11: A night with...HIM?! (2)
Chapter 12: His Girlfriend
Chapter 13: Officially His Pretend Girlfriend
Chapter 14: The Agreement
Chapter 15: Meeting His Parents
Chapter 16: Unexpected Happenings
Chapter 17: The Text
Chapter 18: The Big Day
Chapter 19: First Night with Hubby!
Chapter 20: What Happened Last Night...
Chapter 21: Trip to South Korea
Chapter 22: City Of Seoul
Chapter 23: At the Mall...
Chapter 24: His Hug
Chapter 25: Continuation?
Chapter 26: Photograph
Chapter 27: Liar
Chapter 28: The Bitch is Back!
Chapter 29: After That Incident
Chapter 30: Meeting Him
Chapter 31: Everything is Fine
Chapter 32: Flowers For Her
Chapter 33: Community Immersion
Chapter 34: Warzone
Chapter 35: LOL
PLEASE READ!!!
Chapter 36:Meeting Them
Chapter 37: The Past
Chapter 38: Heartbreak
Chapter 39: Realizations
Chapter 40: Secret Feelings
Chapter 41: Jealous...
Chapter 42: Euphy's Uncle
Chapter 43: Feelings
Chapter 44: They're...OFFICIAL!
Chapter 45: Special Day
Chapter 46: Henry
Chapter 47: Best of Friends
Chapter 48: All About Them
Chapter 49: Face Off
Chapter 50: It's Him
Chapter 51: The Truth
Chapter 52: Flashback
Chapter 53: False Issue
Chapter 54: Hospital
Chapter 55: Run Away
Chapter 56: Another Past
Chapter 57: Gracious Night
Chapter 58: Dreadful Storm
Chapter 59: Together Again?
Chapter 60: Mess
Chapter 61: I Pray
Chapter 62: Forever
Chapter 64: Back
Chapter 65
Epilogue
Message
Special Chapter # 1
Special Chapter # 2

Chapter 63: Respect

148K 2.2K 60
By chimchimimi




Chapter 63: Respect




EUPHY'S POV


Kanina ko pa tinitingnan sa kamay ko ang singsing na sinuot sakin ni Charles kanina.

Hindi talaga ako makapaniwala. Engage na ako. Totoo ito. At nagpropose pa siya sa akin sa harap mismo ng altar at sa likod namin ay nandoon si Tito. Totoo ba lahat ng ito o nananaginip lang ako?

Naisip ko kasi yung mga nangyari sa sarili ko this past few months. Nagtrabaho lang naman ako tapos pinakasalan ko pa yung boss ko. Life is full of surprises nga naman. Sa ngayon pa lang ay excited na ako sa kasal namin. Kakapropose niya pa lang kaya hindi pa namin napag-uusapan yung tungkol talaga sa kasal namin. Pero iniisip ko na ang mga mangyayari sa araw na iyon. Iyong susuotin kong wedding gown tapos kung saang simbahan kami magpapakasal. Tapos nandun din sa araw na iyon ang mga taong malalapit sa buhay namin.

Grabe, just the thought of it ay kinikilig na ako at totoong may forever.

"Anong nginingiti-ngiti mo diyan?" tanong sa akin ni Tito. Nakakahiya. Nakita niya yata akong mag-isang ngumingiti.

"Wala po Tito" sabi ko.

"Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala Euphy. Parang kailan lang nung binubuhat pa kita nung maliit ka pa. Tapos ngayon, ikakasal ka na, mali kasal ka na nga pala" sabi ni Tito.

Natahimik na lang ako. Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko.

"Kinausap ako ni Charles kahapon ng masinsinan. Lalaki sa lalaki. At habang kausap ko siya ay nakikita ko sa kanyang mga mata ang pagmamahal niya sa iyo. Hindi ka nagkamali ng pinili, mabuting tao si Charles at handang gawin ang lahat para sa iyo. Sana ganun din ikaw., Alam ko namang mahal niyo ang isa't isa pero dapat marunong kayong magpatawad. Kita mo kanina, kung hindi ko pa sinabi sa iyo na umalis na si Charles, di ka pa bibigay. Tigilan mo na iyang pagigigng pakipot mo" natawa na lamang ako sa sinabi niya. Sa huli pareho na kaming natawa. Pinangaralan niya pa ako na imbes ayusin namin ang problema daw namin ay tinakasan ko pa siya at umalis pa patungong probinsiya.

"Tito.." tumingin naman siya sa akin.

"Sorry po" at niyakap ko siya. Gustong iparamdam sa kanya na sincere ako. Marami pa akong gustong sabihin pero iyon lang ang lumabas sa aking bibig. Gusto kong mag sorry sa lahat ng bagay na ginawa ko at sa lahat ng sakit ng ulo na binigay ko sa kanya.

"..and thank you" sabi ko ulit. Hindi sapat ang thank you sa dami ng ginawa niya sa akin. Pero iyon lang ang masasabi ko ngayon. Mas lalo kong hinigpit ang pagkakayakap ko sa kanya.

"Ikaw talagang bata ka. Alam mo naman na anak na ang turing ko sayo at nang mawala ang nanay mo ay hindi ako nagdalawang isip na akuin ka bilang responsibilidad ko. Mahal na mahal kita. Tandaan mo iyan" naluluha na sabi niya.

Teary eyes din ako nang kumalas na kami sa pagkakayakap.

"Sige na, baka hinahanap ka na ni Charles" sabi niya at hinalikan ako sa noo. Baka mas lalo lang ako maiyak kung mag-uusap pa kami ng masinsinan.

Hinanap ko nga si Charles sa may simbahan at nakita ko sa may patio mismo.

"Charles!" lumingon naman siya at tumingin sa akin.

Paglapit ko sa kanya ay ibinigay niya sa akin ang phone niya. Tiningnan ko siya ng may pagtataka sa aking mga mata.

"May gustong kumausap saiyo" agad ko namang itinapat ang cellphone niya sa tainga ko.

"EUPHY! OH MY GOD! I MISS YOU SO MUCH!" sabi sa kabilang linya.

"Kelly! How are you?" namiss ko ang boses ng babaeng ito.

"Anong how are you? Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan! Euphy naman, namimiss na kita! Wala na akong kachika kaya umuwi ka na dito. Namimiss ko na yung luto at tawa mo!" sabi niya sa kabilang linya.

"Soon. Promise" sagot ko dito. Eto ang namiss ko sa kanya. Ang boses niya at ang pagiging madaldal niya.

"Nga pala, congrats! Nagpropose na daw sa iyo si Kuya. Eh di na nga ako nagulat, kasal na kaya kayo. Pero excited pa rin ako para sa wedding of the year. Dapat nagpakipot ka muna ng konti, binasted mo muna nang matauhan iyan si Kuya pero sa bagay ilang linggo na siyang andyan. Sabi niya nga sa amin dito bago pumunta diyan ay hindi siya uuwi nang hindi ka kasama, kahit daw buntisin ka pa niya para wala ka nang kawala pa" nagulat na lang ako sa mga pinagsasasabi niya. Ano daw? Tiningnan ko ng masama si Charles.

"Ano na bang pinagsasasabi diyan ni Kelly? Akin na nga" kinuha niya na sa akin ang phone niya.

"Kelly, uuwi na rin kami kaya magkwentuhan na lang kayo pagnagkita na kayo ni Euphy ha! Bye!" at sinarado niya ang phone.

"Huy! Ba't mo binaba?" tanong ko kay Charles.

"Magkikita lang naman kayo pag-uwi natin. Sosolohin muna kita" ay teka? Ba't parang iba iyon sa pandinig ko? Sosolohin? Naku po!

Bigla ko tuloy siyang binatukan.

"Ikaw Charles ha! Ano yang pinagsasasabi mo? Balak mo daw akong buntisin nang hindi na ako makawala sayo?" pasigaw kong sabi sa kanya. Tumawa naman siya.

"Hard to get ka eh. Kaya baby ang paraan anng hindi ka na makawala pa sa akin" bigla akong namula sa sinabi niya.

"Ikaw talaga!" binatukan ko ulit siya.

"Ayaw mo ba?" tanong niya sa akin. Ang mga mata niya'y tiningtingnan ako ng napakalalim. Ewan ko ba.

"O-of course. Gusto ko" na awkward akosa sinabi niya. Lumalapit sa akin habang umaatras naman ako. Maya-maya ay tumama ang likod ko sa isang dingding.

"Gusto mo naman pala. Bakit hindi pa tayo bumuo ngayon?" Charles naman. Ano ba iyang mga pinagsasasabi mo? Konti na lang talaga ay bibigay na ako.

Magsasalita pa sana ako nang bigla nya na lang akong sinunggaban sa labi. Habang tumatagal ay mas lalong lumalalim ang mga halik na ibinibigay niya sa akin. At ako naman ay nakakaramdam ng init sa aking katawan. Hindi ko alam pero ang sarap sa pakiramdam at parang ayokong tumigil siya. Napahawak ako sa batok niya habang walang siyang sawang humahalik sa akin. Baka mamaga ang labi ko nito mamaya pero wala akong pakialam. Para akong nilulunod ng mga halik niya. Nang magsawa siya sa labi ko ay ang leeg ko naman ang hinahalik-halikan niya. Ang init talaga.

Napamulat ako ng aking mga mata at doon ko na realize na nasa patio kami. Walang tao pero baka mamaya niyan ay may dumaang tao. Nakakahiya kaya.

"Charles" pilit akong pumipiglas sa kanya pero ayaw niya.

"Charles, nasa labas tayo oh. Kung gusto mo sa loob na natin ituloy. Dun sa kwarto ko." hindi ko alam kung saang parte ng katawan ko nakuha ang lakas ng loob na sabihin iyon. Ni hindi nga ako tinablahan ng hiya. Naku Euphy. Ano bang nagyayari saiyo? Hinalikan ka lang ni Charles ay nalasing ka na. Sabagay, nakakalasing naman talaga siya.

Pero mukhang di yata ako narinig ni Charles dahil patuloy lang siya pag hahalik sa aking leeg pataas papunta sa aking tainga at maging ang aking pisngi, ilong at noo ay hinalikan niya. Pagkatapos niya don ay saka lang siya tumigil.

"No Euphy. We should wait 'till our wedding night" huh? "You know how much I want to take you right here, right now but I made a promise to your uncle that I will not do any immoral acts to you before our wedding. I respect Father and of course, you"

Tumango ako sa sinabi niya. This what I like about him.

"Sorry din kanina. Ikaw kasi. Pigilan mo ang tukso mo." sabi ko dito.

"Eh sino yung gustong gawin yun sa kwarto?" para akong nawalan ng dugo sa katawan at lumipat lahat sa mukha ko. Ngayon lang yata ako natamaan ng hiya dun sa sinabi ko kanina.

"Shut up! Sino yung nang initiate? May pasabi-sabi ka pang bubuo tayo! Alis nga diyan!" tumawa siya nang malakas. Aalis na sana ako nang pinigila niya ako.

"Bubuo tayo after ng wedding. Sorry to say, hanggang kiss muna tayo hanggang ngayon." I rolled my eyes. Oo na. Ako na ang may nakakahiyang action kanina.

"Gusto mong mamasyal?" change topic ko para hindi na namin pag-usapan yung nangyari kani-kanina lang.

"Sure. Saan pa ba ang magandang pasyalan dito?" tanong niya.

"Hmmm. Maraming resort dito. Pero dun na lang atyo sa pantalan tapos panuorin natin yung sunset. Okay lang ba?" tinitingnan ko siya kung ayos lang ang naging suggestion ko.

"Good idea" pumunta agad kami doon nang bandang hapon. Magkahawak kamay kaming naglalakad sa may dalampasigan at inaabangan namin ang sunset. Napaupo kami sa may pantalan nang mahagilap ko yung grupo ng mga babae na nakasama namin sa general cleaning. Yun yung mga abbaeng lumalandi sa asawa ko kahapon.

Sasabihin ko sana kay Charles na lumipat kami sa ibang pwesto nang biglang sumigaw yung isang babae at tinawag si Charles.

"Charles! Ikaw nga! Naaalala mo pa ba kami? Kami yung nakasama mo nung clean up drive kahapon!" sigaw nung pabebeng isa.

"Charles, saan ka pa nakatira nang madalaw ka naman namin paminsan minsan?" sabi nung isang malantod na babae.

"You see, I'm with my wife" tumingin sila sa akin. Kung di pa yata sabihin sa akin ni Charles na naroon ako ay malamang hindi nila ako mapapansin. I glared at them. Nahalata naman nila na ayaw ko sa kanila kaya umalis na sila.

"I see. Siya kasi yung desperate girl kahapon. Akala ko din kasi na biro lang yung sinabi mong asawa mo siya." and there umalis na sila. Shoo! Huwag na huwag na kayong lalapit ulit sa Charles ko.

"Dapat hindi mo na pinapansin ang mga ganong klaseng babae" parinig ko sa kanya.

"My wife is jealous" nakangiti niyang sabi sa akin.

"Nope. I'm not. Naiinis lang ako kung bakit may mga taong ipinanganak na malandi. Natural na ba iyon sa kanila?" I said with my nakakairitang voice.

"Admit it, you're jealous" sabi niya.

"Fine fine. Nagseselos ako beacuse I'm your wife and I have the rights to be jealous" hindi naman iyon maiiwasan eh. Normal lang naman talaga magselos lalo na kapag may lumalandi sa asawa mo.

"As you said, you're my wife kaya wala kang dapat na ipagselos. Remember that I'm yours"

"And you're mine Mr. Ocampo" at hinalikan ko siya. Alam kong nagulat siya sa ginawa ko pero wala akong pakiaalam. Wala din akong pakialam kung marami ang makakakita sa amin. Mas mabuti rin na makita nang mga babaeng iyon na meron nang may nagmamay-ari kay Charles.

Pinanood namin yung sunset. At nang lumubog na talaga ang araw ay napag-isipan namin na umuwi. Dumaan muna kami ngpalengke. Magluluto ako dahil gusto kong magcelebrate kami ng engagement namin ni Charles. Lulutuin ko ang paborito ni Charles at ni Tito.

Nakauwi kami nang medyo marami ang dala. Tamang-tama, umalis si Tito at pag-uwi niya ay makakakain siya ng paborito niyang ulam.

"Magcecelebrate tayo pero wala tayong wine" sabi ni Charles.

"Okay lang. Marami diyang Mompo. Yung wine na ginagamit sa misa" at napatawa na lang kami.

Bago kami pumasok ay bulto ng lalaki kaming nakita. Papalapit ito sa amin at nang nasa harap na namin siya ay nakita ko si Aries.

"Euphy" tawag niya sa akin.

"Anong ginagawa mo dito?" galit na tanong ni Charles. Nakikita ko ang galit sa kanyang mga mata at ang kamao niya na parang handa nang manuntok.



____________________________________________________________________________

I'm sorry. Alam niyo na kung bakit. Ayos lang naman kung galit kayo sa akin.  


Continue Reading

You'll Also Like

102K 1.9K 20
A bestfriends journey of friendship and love. Paano kung ang isang taong nangakong magiging kakampi mo sa lahat ng bagay biglang iwan at layuan ka ng...
146K 1.6K 7
Title : Teach me Primo (RomCom-Hotseries) Hindi lubos akalain ni Michelle Hoffman na sa mismong araw ng kanyang kasal ay aatras si Carlo ang lalakeng...
14.7M 174K 34
(Xander Del Castillo's Love Story) "You were inlove,then you keep it as a SECRET. Wasn't it so HARD......and PAINFUL?" Amber did everything para lang...
1.5M 27.5K 65
Posible bang magkasundo ang isang bad boy na tulad ni Ash at bad girl na tulad ni Atilah? Who will fall first? The bad boy Ash or the Bad girl Atilah...